Luna’s POV “This is your fault, Luna! Wala ka ng ginawa kung ‘di kahihiyan at kapahamakan!” galit na sigaw ni aking madrasta sa akin. Wala akong nagawa kung ‘di yumuko na lamang. Labis akong nakokonsensiya dahil sa nangyari kanina. “At ikaw, Daniel! Hindi ko alam kung ano ang pumasok diyan sa kukute mo’t nagloko ka pa! Magsama kayong dalawa, ayaw ko kayong makita!” dagdag pa nito habang dinuro-duro kami ni Daniel. “I’m-I’m—” Naputol ang aking sasabihin nang sinampal ako ng malakas nito. Gigil na gigil ang aking madrasta habang nanginginig ang kan’yang katawan. Narito kami sa hospital dahil sinugod namin si Alyssa rito. Hindi namin alam kung anong nangyari, basta na lamang siyang nahimatay kanina. Sa katunayan labis ang aking pag-aalala at sising-sisi ako sa aking nagawa. “S-Stop it, Sonia. H-Hindi n-naman sinasadya ng anak ko iyon, w-walang kasalanan si Luna. Dahil s-sa atin k-kaya s-siya nagkaganiyan,” pagtatanggol sa akin ni Dad na ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwala sa n
Luna’s POV Agad akong dumiretso sa bahay ni Gali at hinintay siyang makauwi roon. Gusto ko siyang kausapin ngunit hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kan’ya. I am ready to confess my feelings to him but how? Pinagtabuyan ko siya at naging makasarili ako. Naging matigas din ang ulo sa kaniya. “What are you doing here?” Bigla akong nanigas nang marinig ko ang boses ni Galileo. Malayong-malayo na noong okay pa kaming dalawa, ang malambing nitong boses ay napalitan na ng malamig at parang may halong pagkamuhi at galit. “I…I…” “Kung narito ka para pagsabihan na naman ako, puwes ayaw ko nang marinig ang sasabihin mo. Masaya ka na ‘di ba? You already had your revenge, so please stop bothering me, anymore. Mag-fi-file na rin ako ng annulment sa kasal nating dalawa. Tapos na rin ang usapan nating dalawa,” malamig nitong wika at didiretso na sana sa loob ngunit pinigilan ko siya. “I’m sorry about that. I-Itinigil ko na rin ang ugnayan namin ni Daniel, pinagsisihan ko na ang lahat at
Kabanata 23/ Pinanindagan ko nga ang pagiging asawa kay Gali. Cold treatment ang ginagawa sa akin ni Gali at parang hangin niya akong ituring. Ilang araw siyang wala sa bahay habang ako naman ay hintay ng hintay sa kan’ya. I never visited my sister kasi sobrang nahihiya at nakokonsensiya ako. She was sick, hindi ko alam na myroon pala siyang sakit sa puso kaya isinugod siya sa hospital noon. Wala na rin akong balita kay Daniel, huling kita naming dalawa noong nasa hospital pa kami. Hindi ko alam kung binibisita ba niya ang asawa niya pero wala na akong pakialam sa kan’ya. Ang mas importante sa akin ngayon ay si Gali. Napatawa ako ng mahina dahil sa aking naisip. Hindi ko akalaing magugustuhan ko ang isang iyon. Nagsimula kami sa arrange marriage at paghihigante sa mga nanakit sa akin hanggang sa hindi ko namalayan na nagustuhan ko na siya. I was so numb and foolish. I was engrossed with my plan na hindi ko na napapansin na may nararamdaman pala ako sa lalaking iyon. Napangiti ak
Kabanata 24/ 2 weeks “Give me two weeks, Gali. Bigyan mo ako ng dalawang linggo, papalayain na kita. I cannot give up this time, not now. Hindi ako papayag na wala akong gagawin gayong may nararamdaman ako sa’yo. Gusto kita at seryoso ako sa nararamdaman ko sa’yo…” Huminga ako ng malalim at tiningnan si Gali na kasalukuyan nakaupo sa harap ko. Hindi ko makita ang kan’yang ekspresyon dahil sa sobrang dilim ng paligid, tanging ang lamp shade lamang ng sala ang nagsisilbing ilaw naming dalawa. Naroon si Aly sa taas at nagpapahinga na, ayaw ko mang narito siya ngunit wala akong choice. Ako man ang asawa ngunit wala pa ring namamagitan sa aming dalawa ni Gali.“Hindi mo kailangang gawin ito, Luna. Kahit ano pa man ang gawin mo ay kay Alyssa pa rin ako. Kailangan ako ni Alyssa ngayon, ito rin naman ang gusto mo ‘di ba una pa lang? Pinagsabihan na kita, ngunit hindi ka man lang nakinig sa akin,” mahinang wika ng lalaki sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung nakikita niya
LunaRinig na rinig ko ang ungol ng aking kapatid habang ako’y nasa loob ng closet. This was supposed to be my wedding day pero heto ako ngayon natutunghayan ang kababuyan ng aking fiance at kapatid. Balak ko sanang surpresahin si Daniel dahil miss na miss ko na siya. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil sa buwisit na pamahiin ng matatanda ngunit ako ata ang nasurpresa nila. Nanginginig kong kinuha ang aking cellphone para kunan ang kababuyang ginagawa nila. “Ohh! Daniel, you are so good! Bakit kasi ang panget ko pang kapatid ang ipapakasal sa iyo, puwede naman ako!” sigaw ni Alyssa habang hinahalik-halikan siya ng aking fiance sa leeg. “Ang sarap mo rin, Alyssa. Let’s make this quick!” Iyon lang ang sinabi ni Daniel ngunit sobrang sakit nito para sa akin. Para bang pinagtutusok ng matulis na kutsilyo ang aking puso. Akala ko perfect na kaming dalawa, akala ko mahal niya ako ngunit nagawa pa rin niya akong pagtaksilan at sa mismong wedding day pa naming dalawa- ilang oras la
LunaHindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak rito sa aking kotse. Napalingon ako sa labas, laking gulat kong maggagabi na pala. Napangiwi ako nang makita ang simbahan dahil sarado na ito. Akala ko paniginip lang ang lahat subalit nagkakamali ako, it was real. Naramdaman kong medyo kumirot ang aking puso, siguro tuwang-tuwa na ang aking kapatid dahil hindi na natuloy ang kasal namin ni Daniel. I feel my whole world has crumbled. Gusto kong magpakalasing para maibsan naman ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Kahit ilang oras lang ay makalimutan ko ang lahat, makalimutan ko ang mga taong mahal ko na tanging ginawa lamang ay pagtaksilan at apihin ako. Simula noon ay ayaw na ni Mom sa akin dahil hindi niya ako tunay na anak. Anak ako sa unang asawa ni Daddy, kabit siya noon ng aking ama. Pero noong namatay ang Mommy ko, rito na nanirahan ang kabit ni Daddy. Hindi ko alam kung paano namatay si Mommy ngunit sabi ng mga pulis ay nahulog daw ang kotse nito sa bangin at l
Galileo Naalimpungatan ako sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Napainat-inat ako dahil nakaramdam ako ng pananakit ng katawan. Last night was lit, kagabi ko lang naramdamang nag-enjoy ako. Sa rami ko namang babaeng nakatalik ay kagabi lang ako nasarapan at nag-enjoy. I smiled widely, maybe she was a virgin? Wait. What? I fucked a virgin last night? Damn!Mabilis akong napabalikwas at doon ko lang na-realize na wala na ang babaeng iyon sa aking tabi. Nahagip ng mata ko ang isang papel at nakapatong dito ang isang libo. Napakunot ang aking noo dahil doon. Agad kong binuklat ang nakatuping papel at binasa ang nakasulat sa loob. “Thanks for the last night! Sorry ito lang ang pera ko, don’t worry nakuha mo naman ang virginity ko kaya swerte ka na rin. HOY! Ilang taon ko ring iningatan iyon and it was precious to me!”Iyon lang ang nakasulat. Napakuyom ako ng kamao dahil napagkamalan pa niya akong call boy. Seriously? Sa gwapo kong ito? Hindi niya ba ako kilala? I am the famous billionai
Luna’s POV KASAMA ko ang isang estranghero rito sa isang napakagandang mansyon. Kung iisipin mas maganda ito sa mansyon na pagmamay-ari namin. Kilalang-kilala ko ang mga Baldiserri, isa sila sa mga kaibigan ng mga Lopez noon, apelyido sa pagkadalaga ng aking ina, si Mommy at ang anak ng mga Baldiserri ay magkaibigan noon. Si Gilbert Tim Baldiserri kung hindi ako nagkakamali. Kung tutuusin iyong mga ari-arian na pagmamay-ari ng Lopez at hawak ng aking ama ay pagmamay-ari ng Lolo at Lola ko, noong nawala sila ay ipinamana nila ito kay Mommy. Hindi makilala ang pamilyang Montero kung wala iyong ari-arian ng aking ina. Kung tutuusin mas mayaman ang Lopez kaysa sa Montero pero mas triple naman ang yaman ng mga Baldiserri. “Manang, please give her new clothes at papuntahin mo siya sa office ko…” Iyon lang ang sinabi ng lalaki at mabilis na umakyat sa isang napakalaking hagdan. Mabilis namang sinunod ng matanda ang sinabi ng lalaki at nagpakilala sa akin. “Magandang umaga, hija. Ako i