Home / Romance / Married to a Hot CEO / Kabanata 3| Find her

Share

Kabanata 3| Find her

Galileo 

Naalimpungatan ako sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Napainat-inat ako dahil nakaramdam ako ng pananakit ng katawan. Last night was lit, kagabi ko lang naramdamang nag-enjoy ako. Sa rami ko namang babaeng nakatalik ay kagabi lang ako nasarapan at nag-enjoy. I smiled widely, maybe she was a virgin? 

Wait. What? 

I fucked a virgin last night? Damn!

Mabilis akong napabalikwas at doon ko lang na-realize na wala na ang babaeng iyon sa aking tabi. Nahagip ng mata ko ang isang papel at nakapatong dito ang isang libo. Napakunot ang aking noo dahil doon. Agad kong binuklat ang nakatuping papel at binasa ang nakasulat sa loob. 

“Thanks for the last night! Sorry ito lang ang pera ko, don’t worry nakuha mo naman ang virginity ko kaya swerte ka na rin. HOY! Ilang taon ko ring iningatan iyon and it was precious to me!”

Iyon lang ang nakasulat. Napakuyom ako ng kamao dahil napagkamalan pa niya akong call boy. Seriously? Sa gwapo kong ito? Hindi niya ba ako kilala? I am the famous billionaire in town! Pasalamat nga siya pinatulan ko pa siya! I want to meet her again, hindi ako papayag na insultuhin niya ako ng ganito. Fuck! Isang libo? Isang libo lang ang performance ko kagabi? That woman! Tuturuan ko siya ng leksyon! 

Mabilis kong hinanap ang aking cellphone at tinawagan ang aking mga tauhan. Kaagad naman nilang sinagot iyon. 

“Hello, boss? Anong atin?” tanong ng isa sa mga tauhan ko. 

“I want you to find Luna Anais Montero. I-se-send ko sa inyo ang picture niya para madali niyong mahanap.” 

“Copy boss!” 

Umigting ang aking panga nang makita ang isang libong nakapatong sa mesa. Damn it! Naiinis na naman ako. Nakakainsulto ang babaeng iyon! Binigyan ba naman ako ng isang libo? Higit pa roon ang halaga ko! Ngayon lang ako nainsulto sa tanang buhay ko. 

Ilang minuto lang ang nakalipas nang tumawag ang aking tauhan sa akin. Nakangisi kong sinagot ito alam ko kasing nahanap na nila ang babaeng iyon. 

Luna Anais Montero, ang kapatid ng ex kong si Alyssa Star Montero.

“Nahanap niyo na ba?” tanong ko sa kanila. 

“Oo, Boss subalit kailangan mong pumunta rito dahil nasa masamang kalagayan ang babae,” saad niya sa akin. Bigla akong kinabahan dahil doon. 

“What do you mean?” 

“Pumunta na lamang kayo rito, boss! Nasa may tulay kami, dalawang blocks lang ang pagitan sa club na pagmamay-ari niyo.”

Kaagad akong nagbihis at umalis sa kwarto. Dumiretso ako sa aking kotse at sumakay roon. Mabuti na lang dahil malapit lang iyon sa kinaroroonan ko. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil sa kalagayan ni Luna. I know she was devastated last night and I took advantage of her. 

I planned to take revenge on my ex Alyssa by having sex on her sister.

Yes, kilala ko siya una pa lang. Sa sobrang frustration ko nagawa kong landiin ang kapatid niya. Nabalitaan ko kasing ikinasal ito sa dating kaibigan kong si Daniel.

Nang makarating ako sa tulay ay agad na nanlaki ang aking mga mata nang makita ang isang pamilyar na babaeng nakatayo sa gilid ng tulay. Pinipigilan ito ng mga tauhan ko ngunit parang wala itong naririnig. Sa pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagtalon niya sa ibaba. Sobrang lalim pa naman ng ilog doon. 

“FUCK!” sigaw ko at mabilis na tumalon din sa tulay. Sumigaw ang aking tauhan para pigilan ako ngunit wala akong pakialam. I want to save her dahil kailangan ko siya. 

Hanggang sa lumubog ako sa tubig at agad na hinanap si Luna. Ilang langoy pa ang aking ginawa ngunit hindi ko pa rin siya mahanap. 

“LUNA!” sigaw ko habang iniikot ang aking paningin sa paligid. 

“DAMN!” mura kong sigaw nang makita ang sandal nito sa di kalayuan. Mabilis akong lumangoy roon at agad na nakita ang taong walang buhay na lumulutang sa tubig. Mabilis ko itong kinuha at dinala sa pangpang. 

“Luna? Wake up!” sigaw ko sa kaniya at tinapik-tapik ang kaniyang pisngi ngunit wala na itong malay. Mabilis kong ginawa ang mouth-to-mouth resuscitation to revive her. 

Napahinga ako ng maluwag nang umubo ito ng tubig.

“Thanks God! You’re safe!” sigaw ko sa kaniya. 

Nang makabawi ito ay mabilis niya akong hinampas sa aking braso kaya nanlaki ang aking mga mata sa kaniya. Siya na nga ang niligtas siya pa ang galit? Iba rin itong babaeng ito. 

“What the fuck is wrong with you?” tanong ko sa kaniya. 

“IKAW! Ikaw ang problema ko, bakit mo ba ako sinagip? Gusto ko nang wakasan ang aking buhay dahil sawang-sawa na akong mabuhay sa mundong ito tapos pinigilan mo pa!” naiinis na sigaw niya sa akin kaya napakunot ako ng noo. 

“What? Why do you want to end your life? Hindi ka ba masaya rito? Ang sarap kayang mabuhay!” Kinagat niya ang kaniyang labi at nag-iwas ng tingin sa akin. Namumula ang kaniyang mga mata, nanlaki ang aking mga mata nang unti-unti itong ngumawa sa harap ko. 

“S-Sino b-ba n-naman a-ang g-gustong m-mabuhay sa m-mundong i-ito? T-Tinakwil… na ako ng mga magulang ko! Inagaw pa ng kapatid ko ang fiance ko… Pinagtaksilan nila a-ako at w-wala nang s-silbi pa ang b-buhay ko! S-sa tingin m-mo m-may purpose pa ba ang buhay ko? MY LIFE WAS FUCKED UP!” sigaw niya sa akin at babalik na sana sa ilog para siguro magpalunod ulit ngunit hinawakan ko ang kaniyang braso. Napalingon ito at masama akong tinitigan. 

“I’ll help you. I’ll help you to take revenge on them.”

“WHAT? What do you mean? Oo gwapo ka pero mahirap na kalaban sila Daniel, mayaman iyon at ikaw? Isa ka lang namang call boy, remember? So paano mo ako matutulungan?” kunot-noo niyang tanong sa akin. Napanganga ako dahil sa kaniyang sinabi. 

What the fuck?

“Excuse me, miss! I am not a call boy! I am Galileo Timothy Baldiserri, the owner of Baldisserri company! I am the richest C.E.O. in our town!” I smirked when I saw her shocked face, siguro kilala niya na ako. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang katulad ko? Halos lahat ng mga babae kilala ako at lahat nagkakandarapa sa akin, hindi niya iyon alam?

“What? You’re kidding, right?” tanong niya sa akin. 

“No, I am not. Bakit naman kita lolokohin? Tutulangan pa nga kita eh,” ngisi kong saad sa kaniya. 

“B-Bakit gusto mo akong tulongan?” tanong niya sa akin. Natigilan ako sa kaniyang tanong. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang plano ko sa kaniya subalit napagpasiyahan kong hindi na muna. 

Napatitig ako sa kaniya, gulong-gulo ang kaniyang buhok at natatabunan nito ang kaniyang mukha. 

“D-Dahil…” 

“D-Dahil nakakaawa ka, you’re wasted. Hindi solusyon ang pagkakamatay, kasalanan ‘yan sa Diyos baka nakakalimutan mo,” saad ko sa kaniya at mabilis siyang hinila. Roon ay natigilan siya, hindi na siya umimik at rinig ko rin ang mahihinang niyang iyak. Siguro’y natauhan ito sa sinabi ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status