Home / Romance / Married to a Hot CEO / KABANATA 5| MEET THE BALDISERRI FAMILY

Share

KABANATA 5| MEET THE BALDISERRI FAMILY

Luna’s POV

LABIS ang aking kaba dahil ma-me-meet ko na agad ang pamilyang Baldiserri. Hindi ko alam kung natatandaan pa nila ako ngunit minsan ko na rin silang nakasama. Like I said isa sa kaibigan ng aking ina ang ama ni Galileo na si Tim Baldiserri.

Isang elegant white dress na binili pa raw ni Galileo sa isang sikat na designer sa Pilipinas ang aking suot-suot ngayon. Ginawan din niya ako ng isang listahan tungkol sa aming dalawa as a couple. Kung saan kami unang nagkita at kung ano ang dapat sabihin sa harap ng pamilya niya.

“Tapos mo na bang review-hin ang lahat ng sasabihin mo sa pamilya ko? Kailangan mo ‘yang kabisahin kasi once na magkamali ka, tapos na ang pagpapanggap nating dalawa. You have to be careful of your words, Honey…”

Napalingon ako sa aking kaliwa, bigla akong napanganga nang makita ko ang isang lalaking naka-polo. Sobrang gwapo niya ngayon at sobrang bango pa. Nanunuot ito sa aking ilong at sobrang nakaka-relax sa pakiramdam. Tumikhim ako at tumango.

“Ako pa ba? Easy lamang sa akin ang pagme-memorize ‘no,” nakangiti kong sagot sa kan’ya. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling akong mag-memorize ng kahit ano at isa pa magaling din akong gumawa ng kwento. Itong ginawa niyang list easy lang naman sa akin ito. This is a typical story na nangyayari palagi sa isturya ng may akda, sa madaling salita cliché na.

“Siguraduhin mo lang,” masungit nitong saad sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Hello? Writer ako, napaka-cliché na nga nitong gawa mo. Nag-meet sa park? Ang boring naman, makaluma na,” natatawang saad ko sa kan’ya.

“Whatever basta, sundin mo iyan huwag na huwag mong dadagdagan iyan kung hindi, mababawasan iyang sahod mo,” masungit nitong sagot sa akin.

“Bakit ang sungit mo? Para ka namang may regla riyan,” wika ko ngunit inismiran lamang niya ako.

“Let’s go, mali-late na tayo kung magdadada ka pa riyan.”

Agad itong naglakad papalayo kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko. Narito kasi ako sa sala at hinihintay siyang lumabas sa kwarto niya kanina. Ako pa nga ang naunang matapos sa pag-aayos kaysa sa kan’ya. Daig pa niya ang isang babaeng sobrang kupad.

Napangiti ako nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito, simula noong naging kami ni Daniel ay hindi man lang ito naging gentleman sa akin. Ni minsan ay hindi niya ginawa iyong mga gawain at responsibilidad ng isang boyfriend sa kan’yang kasintahan. Iyong mga sweet moments at pamamasyal? Minsan lang naming iyon nagawa, sobrang boring pa dahil puro si Alyssa lamang ang laman ng topic naming dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko ito nahahalata, una pa lang. Hindi ko nahalatang mas interesado si Daniel sa aking kapatid kaysa sa akin. Maybe because kasama ko siya physically, kaya siguro napaniwala niya ako na mahal niya ako at hindi man lang napansin na ang kapatid ko ang tunay niyang gusto.

Halos lahat ng gusto kong gawin ni Daniel noon sa tuwing magkakasama kami ay naisusulat ko lamang sa libro. Ang isang perfect at gentleman na leading man sa kan’yang leading lady. Bigla akong nalungkot dahil ilang taon ko na pa lang niloloko ang aking sarili at naging bulag sa katotohanang hindi naman ako minahal ni Daniel.

Bago pa man ako masita ni Galileo ay mabilis akong pumasok sa kotse niya. Mabilis kasing mairita itong kasama ko, sobrang ikli ng kan’yang pasensya. Sa ilang oras na byahe namin ay ni-isa sa amin ang walang imik. Napanis na lamang ang aking laway hanggang sa nakarating kami sa mala-palasyong bahay ng kanilang mga magulang. Hindi pa rin nagbabago ang aking reaksyon sa tuwing nakikita ko ang kanilang mansion. Sobrang namamangha pa rin ako sa aking nakikita.

Bumukas ang malaking gate na nasa harapan namin at agad kaming dumiretso paloob. Hanggang sa hininto na niya ang kan’yang kotse at pinagbuksan ulit ako ng pinto.

Ngumit siya sa akin kaya napakunot ang aking noo. Mukhang good mood na ang lalaking ito. Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan. Bigla akong nagulat nang ipinulupot niya ang kamay niya sa aking beywang at inilapit niya ako sa kan’ya.

“Ano ka ba!” inis kong saad sa kan’ya ngunit bigla niyang pinisil ang aking beywang at bumulong. “Baliw ka ba? Nakalimutan mo na ba ang una nating gagawin? Act like we’re in love and SWEET!”

Bigla akong natauhan dahil sa sinabi niya. Oh shoot! Oo nga pala, nawala sa isip ko ang pagpapanggap naming dalawa. Sobrang ganda naman kasi ng bahay nila, sobrang nakakamangha.

“Ohh oo nga pala, I’m sorry…”

Bigla akong nagulat nang may yumakap sa amin ni Galileo. Isang cute na batang babae ang nasa paanan naming dalawa.

“Kuya Timothy! I miss you!” sigaw ng bata.

“I miss you too, Princess.” Kinarga ni Galileo ang cute na batang babae at niyakap ito ng mahigpit. Hindi halatang mahilig din pala siya sa bata. Pangarap kong magkaroon ng batang kapatid noong nabubuhay pa ang Mommy ngunit hindi iyon natupad dahil maaga siyang nawala sa amin.

“Say hello kay Ate Luna mo. She’s kind and she won’t bite, don’t be shy,” bulong ni Galileo sa bata. Humagikhik naman ang batang babae at tumingin sa akin.

“Hello, Ate Luna,” bati nito kaya napangiti ako.

“Hello, Baby girl… What’s your name?” tanong ko sa kan’ya. Kitang-kita ko ang bungi nitong ngipin dahil sa sobrang laki ng ngiti. Sobrang nakakainggit naman itong bata walang kaproble-problema sa buhay.

“My name is Tanya, Five na po ako!”

“Baby Tanya, saan ka ba nagsususuot? Kanina ka pa namin hinahanap!”

Napalingon kami sa hapo-hapong babae na nakasuot ng uniform. Nagulat ito nang makita kami ni Galileo. Yumuko ito bilang pagbati.

“Magandang gabi po, Sir at Ma’am. Kanina pa po kayo hinihintay nila sa loob. Ako na po ang bahala kay Baby Tanya,” magalang na wika nito sa amin. Nagulat ako nang umiyak si Baby Tanya at mas sumiksik pa kay Galileo, mukhang close na close ang batang ito sa lalaking kasama ko.

“Hayaan mo na, Fely. Mukhang ayaw niya akong bitawan, miss na miss siguro ako. Ilang buwan na rin kasi akong hindi bumibisita rito,” wika ni Galileo kaya tumango naman ang babae.

“Let’s go, Honey?” baling nito sa akin at hinawakan ang aking kamay. Naalala kong may endearment nga pala kaming dalawa. Honey raw dapat ang tawagin namin para mas kikiligin ang pamilya niya. Tumango ako at huminga ng malalim. Kanina pa ako kinakabahan baka hindi nila ako magustuhan. Ano naman ang panama ko ‘di ba? Ni hindi nga ako pinili ni Daniel dahil hindi ako sapat at ang pangit ko pa. Paano naman ako magugustuhan ng pamilyang Baldiserri ‘di ba?

“Relax… Mababait naman ang aking pamilya, hindi rin sila mapanghusga gaya ng pamilya ng ex mo,” natatawang saad niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Oh my! Hijo! You’re here!” rinig kong sigaw ng isang sopistikadang babae kasama ang matipunong lalaki. Base sa aking naalala, sila ang magulang nitong si Galileo. Nanlaki ang mga mata ng ina ni Galileo nang makita ako.

“Ito na ba siya, Timothy? Sa wakas ay dinala mo siya rito sa bahay!” masayang wika ng ina ni Galileo sa kan’ya. Nilapitan ako nito at hinawakan ang aking dalawang kamay.

“Napakaganda mo hija. Masaya akong makilala ka,” ngiti nitong sambit sa akin kaya ginantihan ko naman siya ng ngiti rin.

“Ako rin po, Tita, masaya rin akong makilala kayo,” sagot ko naman. Mabilis niya akong niyakap kaya biglang kumabog ang aking puso. Minsan ko na ring hinangad na maramdaman ulit ang yakap ng isang ina. Na-miss ko tuloy ang aking nanay. Simula kasi noong nawala si Mommy ay nagbago na ang pakikitungo sa akin ni Daddy at hindi rin kami close nitong madrasta ko.

“Tawagin mo na lang akong Mom dahil magiging asawa ka rin naman ng aking anak. Ito pala ang aking asawang si Tim. Tingnan mo carbon copy sila ni Timothy ‘di ba?”

“Oo nga po eh, Hello po, Tito Tim…” Tumango ito at ngumiti.

“Mukhang pamilyar itong si Luna sa akin. Nakita ko na siya ngunit hindi ko lang maalala,” wika ng isang matandang lalaki na kararating pa lang. Naka-wheelchair na ito at may isang lalaking nars sa likod niya.

“Lolo!” sigaw ni Baby Tanya at pilit na bumababa kay Galileo. Nang makababa ang bata ay agad na nagmano ito sa kan’ya. Hinawakan naman ni Galileo ang aking kamay saka ngumiti ng matamis.

“Halika kayo rito hija’t hijo,” mahinang saad ng matanda sa amin ni Galileo. Mabilis naman kaming nagmano sa kan’ya, medyo naiilang ako dahil tutok na tutok ang matanda sa akin. Para bang kinikilatis ang buong pagkatao ko.

“Anak ka ba ng mga Montero?” tanong ng matanda sa akin. Napalingon ako kay Galileo at tumango lang ito.

“O-Opo… Kaisa-isang anak po ako ni Andromeda Lopez at Kalixto Montero.”

Rinig ko ang pagsinghap ng mag-asawang Baldiserri sa aking sinabi. Ang Lolo naman ni Galileo ay ngumisi.

“Sabi ko na nga ba, sobrang pamilyar ng iyong mukha. Anak ka pala nitong matalik na kaibigan ng anak ko na si Tim. Naalala mo ba, Timothy apo? Siya iyong palagi mong kalaro noon!” masayang saad ng matanda at humalkhak pa.

“Oh my! Anak ka pala ni Andromeda? Sobrang close na close kami ng Mommy mo. How are you pala, hija? Kumusta na kayo ng Daddy mo?” tanong sa akin ng nanay ni Galileo.

“M-Mabuti naman po, Tita---Este Mom. May bago ng asawa si Dad, masaya rin naman po ako para sa kan’ya,” ngiti kong saad sa kanila. Ayaw na ayaw ko sanang i-topic ang pamilya namin hangga’t maari subalit wala naman akong choice. Nakaramdam ako ng pagpisil sa aking kamay at napatingin kay Galileo.

“Masaya ako dahil ikaw ang naging kasintahan nitong anak ko, Luna. Kaya pala sobrang pamilyar ng mukha mo. Kamukhang-kamukha mo ang kaibigan namin ng asawa kong si Andromeda na nanay mo. Hindi na rin kasi iba ang mga Lopez at Baldiserri. Ang dalawang pamilyang ito ay sobrang close lalo na sa Negosyo. Nawala lang iyon nang mapalitan na ito ng Apelyidong Montero,” malungkot na saad ng Daddy ni Galileo sa akin.

Hindi ko pinahalatang malungkot ako bagkus ngumiti ako ng napakatamis sa kanila. Ayaw kong makita nilang hindi kami okay ng pamilya ko. Hindi ko rin nanaisin na kaawaan ako ng ibang tao. Ilang taon ko ring nakaya ang lahat ng problema ko sa pamilya lalo na ang pakikitungo ng madrasta ko at pagiging cold ng Daddy sa akin simula noong nawala si Mommy.

Biglang tumahimik ang paligid. Nagkatinginan naman kami ni Galileo, ngumiti ito at mas idinikit pa ang katawan sa akin.

“Are you okay?” bulong nito kaya dahan-dahan akong tumango.

“Ay! Oo nga pala may inihanda akong dinner doon, halika, Luna! Ipapatikim ko sa’yo ang mga niluto ko,” masiglang saad ni Mrs. Baldiserri sa akin at hinila ako palapit sa kan’ya kaya nagkahiwalay kami ni Galileo.

“Mom! Huwag mo namang hila-hilahin lang ng basta-basta ang fiancé ko. Ingatan mo naman siya,” pagmamaktol ni Galileo sa kan’yang nanay.

“Grabe ka naman anak! Hindi ko naman hinila ng harsh ang fiancé--- Wait! Are you saying that you two are engage?” gulat na tanong ni Mrs. Baldiserri. Ngumisi lang ang si Galileo at tumango.

“Yes, we’re engage at bukas na bukas na rin ang kasal naming dalawa. We’re here para ipaalam naming sa inyo ang kasalanang magaganap bukas,” saad ni Galileo. Lahat ay napanganga dahil sa gulat kahit ako ay nagulat din sa sinabi niya.

“WHAT!? AGAD-AGAD? Nakahanda na ba ang lahat?” tanong pa ni Mrs. Baldiserri.

“Hijo, bakit ngayon mo lang ito sinabi sa amin?” tanong naman ng tatay ni Galileo. Napalingon kami nang humalakhak ang Lolo nito.

“Manang-mana ka talaga sa ama mo, apo. Naalala kong nagulat na lang kami ng lol amo noon na kasal na pala itong magulang mo at sa huwes pa ginanap. Sa sobrang excited ng dalawa ay nagpakasal agad!”

“Dad naman! Eh, nalaman ko kasing buntis noon si Misis kaya sa sobrang tuwa ko ay nagpakasal kaming dalawa kahit sa huwes lang.” Kita ko ang pagkamot ng papa ni Galileo sa kaniyang batok na para bang nahihiya ito.

“Well… Expect niyong magkaka-anak din kami nitong si Luna. Mukhang next month ay magkakaroon na kayo ng apo sa tuhod, Lolo. Minsan niyo na ring hinihingi sa akin,” saad ni Galileo sa kan’yang lolo at ngumisi.

Nanlaki ulit ang kanilang mga mata at masayang nagtitigitan.

“Oh my God! Magkakaapo ulit tayo!” sigaw naman ni Mrs. Baldiserri at niyakap ang asawa niya ng mahigpit.

Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Galileo. Wala sa script namin ito. Ni hindi ko nga alam na bukas na bukas na ang kasal naming dalawa. Napasimangot ako at kinurot ang kaniyang tagiliran. Wala namang nakakita dahil busy ang mga magulang nito sa pagiisip ng pangalan ng magiging apo nila.

“A-Aray naman, Honey. Anong problema mo?” tanong ni Galileo sa akin.

“Anong, anong problema ko? Wala ito sa script natin! Hindi ba sabi mo bawal ang magkamali? Ano itong bukas na rin ang kasal? Nahihibang ka na ba?” tanong ko sa kan’ya. Napakibit-balikat lang siya at hinila ako papalapit sa kan’ya saka niyakap.

“Huwag ka ng magreklamo pa. Tingnan mo naman tuwang-tuwa ang magulang ko. Huwag kang mag-alala dadagdagan ko ang sweldo mo. Sumabay ka lang sa trip ko.” Inirapan ko lamang siya at kinurot ulit sa kan’yang tagiliran. Kung hindi ko lang siya kailangan ay hindi ko ito gagawin. Sobrang nakokonsensya ako dahil sobrang paniwalang-paniwala ang lahat sa pagpapanggap naming dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status