Home / Romance / Married to a Hot CEO / KABANATA 6| THE WEDDING

Share

KABANATA 6| THE WEDDING

Luna’s POV

NAGING masaya ang dinner namin ng mga Baldiserri. Hindi ako nakaramdam ng ilang at pagkabagot dahil palagi nila akong kinakausap lalo na ang nanay ni Galileo. Nalaman ko rin na may kapatid pala si Gali, nanay ng cute na bata na si Tanya. Napagpasyahan ko ring Gali na lamang ang itatawag ko rito sa magiging asawa ko kasi masyadong makaluma na ang pangalang Galileo. Kadalasang Timothy ang tawag sa kan’ya ngunit mas gusto ko siyang tawagin sa first name niya.

Ang sabi ni Mrs. Baldiserri ay nasa America raw ang kapatid na babae ni Gali kaya inihabilin muna nito ang anak niyang si Tanya sa kanila. Masaya nga ang dinner namin ngunit biglang dumating naman ang bestfriend ni Gali na si Mathilda. Nakakainis ang pagkamaarte niya at palagi niya akong iniirapan kapag nakikitang sweet si Gali sa akin. Halatang-halatang may gusto ang babae sa magiging asawa ko ngunit wala akong pakialam doon. Wala naman kasing namamagitan sa amin ng bestfriend niya. Hello? May iba akong mahal ‘no.

“Ang ganda-ganda mo ngayon Ms. Luna. Bagay na bagay kayo ni Sir Galileo. Sabi ko naman sa’yo eh kapag nawala itong glass na suot-suot mo ay mas lilitaw ang iyong kagandahan!” saad ng make-up artist sa akin. Ngumiwi ako sa harap ng salamin, ako ba ito? Mukhang hindi naman ako.

“A-Ako ba ito?” tanong ko sa kan’ya kaya humalakhak ito.

“Oo, ikaw iyan! I told you, you’re beautiful. Maniwala ka kasi sa akin,” wika niya ngunit ngumiti lamang ako. Simula noong nagdalaga ako, ni wala sa akin ang pumuring maganda ako, kahit si Dad. Halos si Alyssa lamang ang palaging bida sa lahat. Siya ang magaling, siya na ang maganda at siya na ang paborito ng lahat. Kaya nga noong malaman kong gusto rin pala ako ni Daniel ay agad naman akong naniwala dahil siya ang kauna-unahang lalaking nag-confess sa akin na gusto niya ang isang katulad ko’t tanggap niya kung gaano ka ka-imperfect. Sa kaniya ko lang naramdaman ang pagmamahal at alaga na hindi ko naranasan simula noong mawala ang aking Mommy.

Hindi ko naman alam na si Alyssa lang din pala ang pakay at gusto niya.

“Mukhang naiiyak ka, Ms. Luna. May problema ba?” nagaalalang tanong ng make-up artist sa akin.

“Naku, may naalala lang ako at tears of joy ito. Sobrang galing mo naman, pinaganda mo ang isang katulad ko,” saad ko sa kan’ya. Rinig ko ang mumunting halakhak nito at umiling.

“Dati ka ng maganda, Ms. Luna. Mas pinaganda lamang kita ngayon,” saad nito at inalalayan akong tumayo.

“Mukhang maguumpisa na ang wedding Ninyo ni Sir Galileo. Ihahatid ka na naming,” magalang na wika sa akin.

Kukunti lamang ang bisita sa wedding namin ni Galileo, eksklusibo at pribado lamang ang kaganapan dahil ayaw naming ipaalam sa madla ito. Naiintindihan naman ng magulang ni Gali iyon dahil kahit sila ay mas gusto ang pribado na lang. Kabaliktaran naman ng pamilya ko at pamilya ni Daniel na ang alam lamang ay ang kasikatan nila sa social media. Gustong-gusto nila na palaging sila ang laman at hot topic ng madla.

Muli akong inayusan ng make-up artist habang nasa harap kami ng simbahan. Nang matapos ay unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan kasabay noon ang pagtutog ng isang napakagandang musika.

Napangiti ang mga tao sa akin lalo na ang pamilya ni Gali. Halatang-halata ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Nang mapalingon ako kay Gali ay seryoso lamang akong tiningnan nito kaya bigla akong kinabahan. Ayaw ko sa lahat ang seryoso niyang titig dahil hindi magkamayaw ang pagtibok ng puso ko kapag tinititigan niya ako ng gano’n.

Naglakad ako ng mabagal hanggang sa mapalapit sa kanila. Nagmano kami sa Lolo nito at nagbeso sa magulang ni Gali. Wala akong pamilyang dinala rito dahil sinabi ko sa kanila na naroon silang lahat sa America which is true naman. Ang pamilyang Montero at Chua ay nagbakasyon sa America ng ilang araw. Nabasa ko iyon kahapon sa balita. Hindi rin naman umisisa pa ang mga Baldiserri.

“Ang ganda-ganda mo ngayon, hija…” Napangiti ako sa sinabi ni Mrs. Baldiserri.

“Thank you po, Mom…”

“Alagaan mo ang asawa mo, apo ha. Hindi nananakit ng babae ang mga Baldiserri, alalahin mo iyan,” paalalang wika ng ama ni Gali sa kan’ya.

“Oo naman, Dad! I will never hurt my Honey,” nakangiting sagot ni Gali at hinawakan ang aking beywang.

“Bagay ba kami ‘Lo? Sobrang ganda ng asawa ko ‘di ba?” nakangising tanong ni Gali sa kan’yang Lolo. Nakaramdam ako ng kilig at kasiyahan dahil sa sinabi ni Gali sa Lolo niya. Ngayon ko lang kasi naramdaman na maganda ako.

Natawa ako sa aking sarili.

“Halika na, misis. Baka mabagot na si Father sa taas at hindi pa tayo maikasal,” saad ni Gali sa akin at hinila ako papunta sa harap ng altar kung saan naroon ang pari. Rinig ko ang tawa ng lahat ng nasa loob ng simbahan kaya napapailing na lamang ako.

Ilang oras din ang seremonya at sa totoo lang kanina pa ako inaantok at nababagot. Ganoon din si Gali kaya naglalaro na lang kaming dalawa. Hindi naman nahahalata iyon ng pari dahil nasa medyo malayo siya sa amin.

“You may now kiss the bride…”

Bigla akong natauhan dahil sa sinabi ng pari. Sa sobrang gulantang ko ay napatayo ako sa pagkakaluhod.

“Mukhang excited ang bride natin ah,” natatawang saad ni Father kaya nagsitwanan ang lahat.

“Ikaw naman, Honey. Excited ka pa lang i-kiss kita hindi mo naman sinabi sa akin. Kanina ko pa sana iyon ginawa. Huwag kang mag-alala dahil sa honeymoon natin hindi lang smack ang gagawin ko, torrid pa!” nakangisi nitong sagot kaya napasimangot ako. Hinampas ko ng mahina ang kan’yang braso kaya napa-aray ito.

“Hindi naman malakas ah,” nakanguso kong saad sa kan’ya.

“KISS! KISS! KISS!” sigaw ni Baby Tanya sa amin kaya nanlaki ang mga mata namin sa gulat.

“Naku pati bata excited!” rinig kong saad ni Lolo Damian ang lolo ni Gali.

Kita kong tinakpan ni Moma ng mata ni Tanya kaya agad naman akong hinila ni Gali para kantilan ako ng masuyong halik. Gulat ang rumehistro sa aking mukha habang nanlalaki ang aking mga mata. Unti-unting gumalaw ang aming labi kaya napapikit na lamang ako. Sobrang sarap niyang humalik, ibang-iba sa halik ni Daniel sa akin.

Bigla akong napahiwalay dahil naalala ko si Daniel. Para bang hindi tama na halikan ko siya gayong iba ang nilalaman ng aking puso. Hindi puwedeng humalik ako ng ibang lalaki ngunit hindi naman iyon problema dahil kasal naman na kaming dalawa.

Ngumisi si Gali sa akin at kumindat pa. Napasigaw ako nang bigla niya akong binuhat palabas ng simbahan.

“Timothy! Mag-picture pa tayo!” sigaw ni Mom sa amin ngunit hindi ni Gali pinansin ang nanay niya.

“Gali! Ibaba moa ko!” sigaw ko sa kan’ya ngunit umiling siya.

“Timothy!” sigaw ni Mom habang hinahabol kami.

“Mom! Nakapag-picture na tayo kanina, tama na iyon! ‘Di na ako makapaghintay sa Honeymoon naming ng asawa ko!” sigaw ni Gali, agad niya akong pinasok sa isang Limousine car. Nauntog pa nga ako dahil sa pagmamadali ni Gali kaya napairap ako.

“Hayaan mo na ang mag-asawa, Mahal ko…”

“Mag-iingat kayo, Gali! Luna, mag-enjoy ka, okay? Dapat pagbalik niyo may baby na kayong dalawa!” sigaw ni Mom sa akin.

Bigla naman akong na-pressure dahil sa sinabi nito.

“Huwag mo ngang i-pressure si Luna, Mahal. Tingnan mo namutla tuloy,” wika ni Daddy Tim kay Mommy Elle.

“Naku! Sorry, anak pero iyon ang gusto ko! Pagbalik niyo ah,” bungisngis nito sabay yakap sa kaniyang asawa.

“Bye na Mom and Dad!” singit naman ni Gali at agad na sinarhan ang pinto ng kotse.

Nang makaalis kami sa simbahan ay mabilis ko siyang hinampas ng napakalakas sa braso.

“ARAY KO NAMAN, LUNA!” sigaw nito. “Ano bang problema mo?” Sinamaan niya ako ng tingin kaya iyon din ang aking ginawa.

“Bakit mo naman ginaganon ang mga magulang mo? Sinarhan mo ng pinto, eh nagsasalita pa sila,” sermon ko sa kaniya.

“They’re annoying, Luna. Pwede ba huwag ka na lang makialam, wala naman sila ngayon kaya huwag ka na lang maingay. Sorbrang sakit ng ulo, ang boring din ng kasal. Nakakainis, kung hindi lang mawawala ang mana ko, hindi na sana natin ginawa ito,” reklamo niya sa akin.

“Sa tingin mo, ginusto ko itong plano mo? Hello, ang boring din ng kasal na iyon and I feel guilty kissing you! Si Daniel lang ang may karapatang humalik sa akin, ‘no!” inis na wika ko sa kan’ya ngunit inismiran niya lang ako.

“As if naman ginusto ko ang paghalik ko sa’yo! Isa pa, iyang pinagmamalaki mong Daniel, may mahal ng iba at kapatid mo pa. Ni hindi ka minahal ni minsan kaya nga narito ka sa akin eh para maghiganti sa kanila. And also, ako ang nakauna sa iyo kaya don’t feel guilty, kiss lang naman iyong ginawa natin, mas malala pa nga iyong nasa condo ko tayo, eh. Nakalimutan mo na ba o gusto mong ipaalala ko pa sa’yo?” Unti-unti itong ngumisi sa akin kaya napangiwi ako. Nararamdaman kong uminit ang aking pisngi at alam kong namumula na iyon. Sa sobrang kahihiyan dahil sa nangyari noong gabing pilit kong kinakalimutan ay napatapik ako ng mukha.

“Gago! Hindi na muling mauulit iyon! Asa ka naman!” sigaw ko sa kan’ya.

“Talagang hindi na! Wala akong balak na makipag-sex sa boring na babaeng katulad mo!” inis na wika ni Galileo sa akin.

“Boring ka rin, you freak! Ang liit nga niyang ano mo, wala naman akong nararamdaman, parang stick nga iyong pumasok sa lagusan ko!” inis kong sagot sa kan’ya.

“The fuck? Stick? Baka gusto mong tuhugin ulit kita ngayon na? Sino kaya iyong ungol ng ungol dahil sa sobrang sarap? Sinabi mo pa nga sa akin na punong-puno ka at isagad ko pa! Natakot ka nga noong makita mo itong alaga ko eh, tapos tinanong mo pa kung kakasya ba ito sa lagus---”

Agad kong tinakpan ang kaniyang bibig dahil alam kong naririnig kami ng driver sa harapan. Nakakahiya dahil sa sigawan naming dalawa.

“GALI! TUMAHIMIK KA NGA!” sigaw ko sa kan’ya.

Pilit siyang kumakawala sa akin ngunit hindi ako nagpapatinag. Panay pa rin ang salita niya ngunit hindi ko maintindihan dahil nakatakip ang kamay ko sa bunganga niya.

“Shhh! Nakakahiya ka! Baka marinig tayo ng driver sa unahan!” inis kong wika sa kan’ya.

Pinuwersa niyang inalis ang aking kamay sa kan’yang bibig kaya mabilis kong nilapat ang aking labi sa kan’yang mapupulang labi. Pinikit ko ang aking mga mata hanggang sa agad akong kumalas at bumalik sa kinauupuan ko.

Napakagat ako ng labi dahil sa ginawa ko. Fuck! Bakit ko ba nagawa niyo? Ang daldal kasi ni Gali eh! Nakakainis!

“A-Ayan, n-natahimik k-ka n-na. A-ang d-daldal m-mo k-kasi eh!” inis kong wika sa kan’ya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Mira Navarro Umali
unlock pls.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status