Luna’s POV“Okay ka lang ba, Luna? Gusto mo ba ng tubig?” tanong sa akin ni Gali ngunit umiling ako bilang sagot. “Ang sakit, Gali. Sobrang sakit, hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama,” naiiyak kong saad kay Galileo. “Shh. Tahan na, lakasan mo ang loob mo, hindi dapat magpapaapekto sa tuwing nakikita mo sila, you have to be strong. Hindi uubra ang plano natin kung ganito ka, na sa tuwing makikita mo silang magkasama ay iiyak ka…” “Sobrang sakit kasi na para ba akong pinapatay. Sa tuwing nakikita ko sila kumikirot ng sobra ang aking puso, gusto ko na lamang mawala sa mundo, Gali. Ayaw ko ng mabuhay pa,” hagulhol kong sambit sa kan’ya habang naglulupasay sa labas ng penthouse niya. Narito kami’t nakaupo sa labas. Mabuti na lamang at walang gaanong taong dumadaan sa penthouse niya kaya walang makakakita sa aking umiiyak. Tanging siya lang ang nakakapanuod kung gaano ako kasawi ngayon. “You have to be strong, Luna. Kung hindi i
Luna’s POV Nagising ako sa sikat ng araw na dumadampi sa aking mukha. Pinikit ko ang aking mga mata ng mariin at napainat-inat, bigla akong napa-ungol nang maramdaman ko ang kirot sa aking beywang at tiyan. “Ouch…” ungol ko sabay hawak sa parteng kumikirot at hinihimas-himas iyon.“Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa’yo, mabuti pang hindi na lamang kita pinabayaan kagabi. Ano ba ang nangyari, Luna?” Napabalikwas ako ng higa nang marinig ko ang pamilyar na boses sa aking gilid. Paglingon ko ay bumungad sa akin si Gali na seryosong nakatingin sa akin. Natulala ako sa kan’ya at napakurap-kurap. “K-Kailan ka pa na narito?” tanong ko sa kan’ya. “Kanina pa, binabantayan kita at baka kung ano naman ang mangyari sa’yo,” sagot niya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sobrang seryoso ng mukha niya’t naiilang ako. “Ano ba ang nangyari sa’yo? May mga pasa ka sa katawan at nakita ko rin ang Chua na iyon kasama ang kapatid mo. Sila ba ang may gawa sa’yo nito?” seryoso nitong tanong ngun
Luna's POVBumaba agad ako sa kotse nang makarating sa kompaniya ng aking ex. Napangisi ako nang makitang maraming mga taong nagsilingunan sa akin lalo na ang mga lalaki. Sobrang ganda ba naman kasi ng ayos ko. Isang sexy-ing fitted dress at heels na bumagay sa aking kasuotan. Naglagay rin ako ng kunting make up para presentable dahil first interview ko ito ng personal. I am a well known writer at wala sa aking nakakakilala dahil iba ang penname ko sa totoo kong pangalan. "Good morning, Ma'am!" bati sa akin ng guard kaya nginitian ko siya. Bigla itong nahiya at namula ang pisngi. "Good morning din, Manong," sagot ko sa kan'ya at pumasok na sa loob. Agad na pumunta ako sa Information desk at nagpakilala. "Hello, ako iyong tinawagan niyo noong isang araw, I am an applicant, here is my invitation. Saan ang application office niyo?" tanong ko babaeng kaharap ko. "Hello, naroon po sa gawing iyon ang application office. Naroon na ang mag-i-interview sa inyo." Tinuro niya ang direksyon
Luna’s POVNakarating ako sa bahay namin ni Gali na may ngiti sa labi. Gusto kong mag-celebrate ngunit kailangan kong mag-ayos ng aking sarili para sa pagpunta ko sa club. Alam ko at confident ako na sisiputin ako ni Daniel dahil sa ekspresyon pa lang nito kanina, kilala ko ang lalaking iyon at alam ko kung ano ang takbo ng kan’yang isipan. Napangiti ako ng malawak nang makita ko si Gali-ng nakatayo sa pintuan. Mabilis akong tumakbo sa kan’ya at niyakap siya. “Did you receive my message?” tanong ko sa kan’ya saka siya pinakawalan. Tumikhim siya at napaayos ng tayo. “No, I didn’t…” Sumimangot ako sa kan’ya. “Sabi ko, mission accomplished! Natanggap ako bilang sekretarya ni Daniel at inimbitahan ko rin siyang pumunta sa club para mag-celebrate ng pagkakapasok ko sa posisyong iyon and guess what? Mukhang pupunta siya!” masiglang kwento ko habang nagtatalon-talon. “Talagang kumbinsido kang sasamahan ka no’n? Baka nga hanapin iyon ng asawa niya at makita ka pa,” seryosong
Luna’s POV Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa mga titig ni Gali na tagos na tagos sa akin. Sinasamaan ko na nga siya ng tingin dahil sa pinaggagawa nito ngunit hindi pa rin natitigil. Hindi na tuloy ako maka-focus sa misyon ko kay Daniel. “Ahem, mukhang sobrang occupied ng isip mo? What’s wrong?” tanong ni Daniel habag nilalagok ang kan’yang alak. Tiningnan ko siya at ngumiti, hindi ko pinahalatang na-di-distract ako sa lalaking nasa gilid namin. “W-Wala, hindi ka ba hahanapin ni Alyssa? Kumusta pala ang buhay mag-asawa?” tanong ko sa kan’ya. Kita ko ang pagngiti ni Daniel sa sarili at namumula rin ang kan’yang pisngi. Roon ay nakaramdam ako ng kirot dahil ni minsan ay hindi ko nakitang kinikilig ang lalaki sa harapan ko. Kinuyom ko ang aking kamao at pinigilan ang aking nararamdaman. Hindi ko dapat ito maramdaman, I have to stay calm baka mahalata ni Daniel na may feelings pa rin ako sa kan’ya. “Well, masaya at the same time malungkot. Masaya dahil kasama ko ang mahal ko n
Luna’s POVSimula noong gabing iyon ay hindi ko na nakausap pa si Gali. Sa sobrang busy nito sa kompaniya at pakikipag-close kay Alyssa ay hindi na kami nagkakausap. Kapag umuuwi siya mansion ay gabi na’t tulog na rin ako.Samantalang kami ni Daniel ay nagkaroon ng isang malalim na ugnayan. Pasekreto ang aming paglalandian at mas nagiging close na kami sa isa’t-isa.“Luna, tingnan mo itong binili ko sa’yong dress, sobrang ganda suotin mo ito bukas ah.”Napalingon ako kay Daniel habang busy sa pag-bro-browse ng mga damit na gusto niyang pasuotin sa akin. Tiningnan ko ang kan’yang binili at yumuko. Napangisi ako nang makita nito ang nakabuyangyang na boobs ko sa harapan niya.Inikot ko ang aking mga mata nang mapatingin sa dress na binili niya. Sobrang revealing nito, kitang-kita na ang kaluluwa ko nito kung susuotin ko. “Sure ka ba? Hindi ba’t sobrang revealing naman iyan? I mean, maganda naman siya pero hindi naman siguro kaaya-aya kung susuotin ko ito papunta rito ‘di ba? Baka pagp
Galileo’s POVSimula noong pinagsabihan ako ni Luna na kailangan kung mag-focus sa plano naming dalawa ay wala na akong oras para makita at makausap siya. Sinubsob ko ang oras ko sa trabaho at pakikipag-close kay Alyssa para muli kaming mapalapit sa isa’t-isa.I don’t know what’s happening on my mind, basta ko na lang na-realize na ayaw ko nang gawin ang plano namin ni Luna. Na-realize ko kasi na hindi naman dapat pag-aksayahan pa ng panahon ang dalawang taong nanakit sa aming dalawa. Si Alyssa na niloko lamang ako at pinagpalit kay Daniel, ganoon din ang ginawa ni Daniel kay Luna. Ayaw na ayaw kong malaman ni Luna na kaya naman tinulongan ko siya noon ay para rin makapaghiganti sa kapatid niya.Napahinga ng malalim at napalingon sa orasan. Mag-a-alas singko na ng hapon, may usapan kami ni Alyssa na magkikita sa coffee shop na paborito naming dalawa. Noong gabing hinatid namin ni Luna si Daniel at gulat-gulat si Alyssa dahil ako ang naghatid sa asawa niya. Gumawa na lamang ako ng alibi
Galileo POV Ngayon ay inaabangan ko si Luna, hinintay ko talaga siyang umuwi dahil kailangan ko siyang kausapin. I really have to, dahil ayaw ko nang lumalala ang lahat. Yes, this is my plan simula pa lang pero knowing na sumusobra na rin siya at nagbago na si Alyssa ay sobrang nakokonsensiya ako. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita dahil naroon siya sa nirentahan niyang condo malapit sa pinagtatrabahuan niya. Rinig ko ang ugong ng sasakyan hudyat na dumating na si Luna mula sa kan'yang trabaho. Weekend ngayon kaya alam kong hindi sila magkasama ni Daniel. "Hi Gali!" masiglang bati ni Luna sa akin. Humalik pa ito sa aking pisngi na animo'y close na close kaming dalawa. "Where have you been?" tanong ko sa kan'ya. "Work, why? Guess what?" masiglang sambit nito sabay ngiti sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay na para bang tinatanong kung ano ang sasabihin niya. "Kami na ni Daniel! Mukhang magiging masaya ang plano nating dalawa. Kunti na lang at makakapaghiganti na ako sa