Galileo’s POVSimula noong pinagsabihan ako ni Luna na kailangan kung mag-focus sa plano naming dalawa ay wala na akong oras para makita at makausap siya. Sinubsob ko ang oras ko sa trabaho at pakikipag-close kay Alyssa para muli kaming mapalapit sa isa’t-isa.I don’t know what’s happening on my mind, basta ko na lang na-realize na ayaw ko nang gawin ang plano namin ni Luna. Na-realize ko kasi na hindi naman dapat pag-aksayahan pa ng panahon ang dalawang taong nanakit sa aming dalawa. Si Alyssa na niloko lamang ako at pinagpalit kay Daniel, ganoon din ang ginawa ni Daniel kay Luna. Ayaw na ayaw kong malaman ni Luna na kaya naman tinulongan ko siya noon ay para rin makapaghiganti sa kapatid niya.Napahinga ng malalim at napalingon sa orasan. Mag-a-alas singko na ng hapon, may usapan kami ni Alyssa na magkikita sa coffee shop na paborito naming dalawa. Noong gabing hinatid namin ni Luna si Daniel at gulat-gulat si Alyssa dahil ako ang naghatid sa asawa niya. Gumawa na lamang ako ng alibi
Galileo POV Ngayon ay inaabangan ko si Luna, hinintay ko talaga siyang umuwi dahil kailangan ko siyang kausapin. I really have to, dahil ayaw ko nang lumalala ang lahat. Yes, this is my plan simula pa lang pero knowing na sumusobra na rin siya at nagbago na si Alyssa ay sobrang nakokonsensiya ako. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita dahil naroon siya sa nirentahan niyang condo malapit sa pinagtatrabahuan niya. Rinig ko ang ugong ng sasakyan hudyat na dumating na si Luna mula sa kan'yang trabaho. Weekend ngayon kaya alam kong hindi sila magkasama ni Daniel. "Hi Gali!" masiglang bati ni Luna sa akin. Humalik pa ito sa aking pisngi na animo'y close na close kaming dalawa. "Where have you been?" tanong ko sa kan'ya. "Work, why? Guess what?" masiglang sambit nito sabay ngiti sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay na para bang tinatanong kung ano ang sasabihin niya. "Kami na ni Daniel! Mukhang magiging masaya ang plano nating dalawa. Kunti na lang at makakapaghiganti na ako sa
LUNA'S POV Ilang araw na ang nakalipas noong nagtalo kami ni Gali. Hindi ko alam kung bakit sobrang naapektuhan ako sa pagtatalong iyon na feeling ko sobrang mali ang ginawa at pinili ko ngayon. Nagdesisyon kami ni Daniel na magsama sa iisang bubong ngunit minsan lamang siyang namamalagi rito dahil nag-iingat din kami na baka may makahuli sa amin at malaman iyon ng aming pamilya lalo na ang aking kapatid. Subalit kalat naman na sa buong kompaniya na may relasyon kaming dalawa, hindi lang sila umiimik dahil siguro binabantaan sila ni Daniel na tatanggalin sa trabaho kapag may nagsumbong at nagkalat na may relayson kaming dalawa. Mas gusto ko ngang malaman ng kapatid ko na ako ang kerida ng kaniyang asawa ngunit kapag ginagawa ko na ang plano ko ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na sobrang mali ng aking ginagawa ngayon. It feels so wrong, I think there's something wrong... "Baby..." Napalingon ako kay Daniel na kasalukuyang nakatopless sa aking harapan.
LUNA'S POV "Sure ka bang okay ka lang na mag-isa?" tanong ni Daniel sa akin. Kararating lang namin sa Mall. "Oo naman, Baby. Okay lang ako besides madali lang naman ako eh, pipili lang naman ako ng gown then uuwi na agad sa apartment ko," sagot ko sa kan'ya. Ilang minuto rin siyang tumitig sa akin at huminga ng malalim. "Why? What's wrong?" tanong ko sa kan'ya. "Kinakabahan kasi ako, I mean napaka-out of the blue naman kasi para kausapin ako ni Dad at kinakabahan ako," sambit niya. Napangiti ako at hinawakan ang kan'yang kamay. Ganito siya palagi noon pa man, gustong i-please palagi ang kan'yang ama. Sobrang strikto kasi ng Dad niya pati nga ako ay natatakot doon. "Don't worry, kung mayroon mang masamang balita, narito lang ako sa tabi mo." Unti-unti siyang napangiti dahil sa sinabi ko. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at agad ko itong sinuklian. "Oh, siya sige na, I have to go masiyado na tayong ma-drama." Ako na ang kumalas sa aming yakap, at agad akong nagpaalam sa kan'y
LUNA'S POV Inis akong umuwi sa aking apartment dala-dala ang napili kong gown sa Botique shop matapos akong iwan ni Gali kasama ang aking magaling na kapatid. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng selos nang makita kong magkasama sila't kinampihan pa ng lalaking iyon ang hukluban kong kapatid. Nagpapadyak-padyak ako at hindi ko matiis na ibalibag ang aking pinamili sa sofa not knowing na naroon na pala si Daniel sa loob ng aking apartment. Nakalimutan kong ngayon na pala ang Gala Night, hindi ko namalayan na mag-a-alas syete na pala dahil halos nasa isip ko lang ang nangyari kanina. "What's wrong, Baby? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Daniel na ikinagulat ko naman. Nanlaki ang aking mga mata ngunit nawala naman iyon at agad na napalitan ng pagnguso. "W-Wala may malandi lang akong nakasalubong kanina," wika ko sa kan'ya na ikinakunot niya ng noo. Mabilis ko siyang inirapan at umupo ng maayos sa sofa habang siya ay umusog palapit sa akin. Hahawakan na sana n
Luna’s POV Maraming mga mayayamang tao ang inimbitahan ng kompaniya kaya crowded ang loob ng venue. Iilan lamang ang aking kilala ngunit hindi man lang nila ako naalala. Sabagay si Alyssa lang naman ang palaging center of attraction noon, hindi ako. Minsan ay hindi pa ako kasama sa mga gathering ng pamilya o kaya party nila. Blangko kong tinitigan ang masayang pamilya na nasa harapan ko. I saw Dad sitting on a wheelchair at may umaalalay na nars sa kan’ya, bigla akong nakaramdam ng awa at kirot sa aking puso nang makitang walang pakialam ang aking madrasta sa kan’ya, patuloy lamang ang pakikipag-usap nito sa kan’yang ka-amiga. Lumapit sa kanila sina Alyssa at Daniel na nakangiti, animo’y perfect couple kung titigan ngunit alam ko kung ano ang tunay na nangyayari sa kanilang dalawa. Napangisi ako nang may sumaging plano sa aking isipan. Mabilis akong lumapit sa kanila na may ngiti sa aking labi. “Hello, Dad!” Kaagad naman silang nagsilingunan nang marinig nila ang aking boses.
Luna’s POV “This is your fault, Luna! Wala ka ng ginawa kung ‘di kahihiyan at kapahamakan!” galit na sigaw ni aking madrasta sa akin. Wala akong nagawa kung ‘di yumuko na lamang. Labis akong nakokonsensiya dahil sa nangyari kanina. “At ikaw, Daniel! Hindi ko alam kung ano ang pumasok diyan sa kukute mo’t nagloko ka pa! Magsama kayong dalawa, ayaw ko kayong makita!” dagdag pa nito habang dinuro-duro kami ni Daniel. “I’m-I’m—” Naputol ang aking sasabihin nang sinampal ako ng malakas nito. Gigil na gigil ang aking madrasta habang nanginginig ang kan’yang katawan. Narito kami sa hospital dahil sinugod namin si Alyssa rito. Hindi namin alam kung anong nangyari, basta na lamang siyang nahimatay kanina. Sa katunayan labis ang aking pag-aalala at sising-sisi ako sa aking nagawa. “S-Stop it, Sonia. H-Hindi n-naman sinasadya ng anak ko iyon, w-walang kasalanan si Luna. Dahil s-sa atin k-kaya s-siya nagkaganiyan,” pagtatanggol sa akin ni Dad na ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwala sa n
Luna’s POV Agad akong dumiretso sa bahay ni Gali at hinintay siyang makauwi roon. Gusto ko siyang kausapin ngunit hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kan’ya. I am ready to confess my feelings to him but how? Pinagtabuyan ko siya at naging makasarili ako. Naging matigas din ang ulo sa kaniya. “What are you doing here?” Bigla akong nanigas nang marinig ko ang boses ni Galileo. Malayong-malayo na noong okay pa kaming dalawa, ang malambing nitong boses ay napalitan na ng malamig at parang may halong pagkamuhi at galit. “I…I…” “Kung narito ka para pagsabihan na naman ako, puwes ayaw ko nang marinig ang sasabihin mo. Masaya ka na ‘di ba? You already had your revenge, so please stop bothering me, anymore. Mag-fi-file na rin ako ng annulment sa kasal nating dalawa. Tapos na rin ang usapan nating dalawa,” malamig nitong wika at didiretso na sana sa loob ngunit pinigilan ko siya. “I’m sorry about that. I-Itinigil ko na rin ang ugnayan namin ni Daniel, pinagsisihan ko na ang lahat at