Home / Romance / Married to a Hot CEO / Kabanata 4 | AGREEMENT

Share

Kabanata 4 | AGREEMENT

Luna’s POV

KASAMA ko ang isang estranghero rito sa isang napakagandang mansyon. Kung iisipin mas maganda ito sa mansyon na pagmamay-ari namin. Kilalang-kilala ko ang mga Baldiserri, isa sila sa mga kaibigan ng mga Lopez noon, apelyido sa pagkadalaga ng aking ina, si Mommy at ang anak ng mga Baldiserri ay magkaibigan noon. Si Gilbert Tim Baldiserri kung hindi ako nagkakamali.

Kung tutuusin iyong mga ari-arian na pagmamay-ari ng Lopez at hawak ng aking ama ay pagmamay-ari ng Lolo at Lola ko, noong nawala sila ay ipinamana nila ito kay Mommy. Hindi makilala ang pamilyang Montero kung wala iyong ari-arian ng aking ina. Kung tutuusin mas mayaman ang Lopez kaysa sa Montero pero mas triple naman ang yaman ng mga Baldiserri.

“Manang, please give her new clothes at papuntahin mo siya sa office ko…” Iyon lang ang sinabi ng lalaki at mabilis na umakyat sa isang napakalaking hagdan. Mabilis namang sinunod ng matanda ang sinabi ng lalaki at nagpakilala sa akin.

“Magandang umaga, hija. Ako iyong mayordoma rito sa mansyon. Tawagin mo na lamang akong Manang Koring,” magalang na wika ng matanda kaya napangiti ako.

“Ako po si Luna Anais, tawagin niyo na lang po akong Luna.” Agad na iginiya niya ako papuntang taas hanggang sa bumungad sa amin ang isang pintong kulay rosas. Agad akong nagtaka at napakunot ng noo kaya napansin iyon ni Manang Koring.

“Iyang kwartong iyan pagmamay-ari ng matalik na kaibigan ni Sir Timothy na si Ma’am Mathilda. Minsan ay rito siya nanatili sa mansion.” Napatango na lamang ako at hindi na nagsalita. Nang makapasok kami ay napapamangha ang aking mukha. Hindi ko inaasahang ganito ang nakapaloob sa kwarto, sobrang ganda at napupuno ng kulay rosas ang loob. Isang napaka laking kama ang bumungad sa amin at malaking vanity mirror.

“Prinsesa ba iyong si Mathilda, Manang Koring? Sobrang ganda naman ata ng kwarto-ng ito.” Nilibot ko ang aking mga paningin sa loob. Rinig ko ang paghalakhak ni Manang, “Naku, hindi, masyado lang talagang close sila ni Sir kaya lahat ng gusto ni Ms. Mathilda ay nasusunod.”

“Heto nga pala ang susuotin mo, mukhang basang-basa ka hija, anong nangyari sa’yo?” tanong sa akin ni Manang, kanina pa siguro ito nagtataka ngunit nahihiyang tanungin ako.

“Pasensya na, hija. Kung ayaw mong sabihin ay okay lang—”

“Ay! Hindi po, trip ko po kasing maligo sa ulan kaya basang-basa ako,” saad ko sa kan’ya. Tumango ito at napagpasyahan ng umalis.

“Sige na, hija. Magpalit ka na’t baka lamigin ka pa. Iyong office pala ni Sir ay katabi lamang nitong kwarto ni Ms. Mathilda, iyong may karatulang ‘Don’t Disturb’.”

“Sige po, Manang, salamat!”

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na nagpalit ng damit. Nanlaki ang aking mga mata noong makita kong dress pala ito at sobrang revealing pa. Bigla tuloy akong nahiya, hindi pa naman ako sanay sa mga ganitong damit.

“Wala ba ritong T-shirt? O pantalon man lang?” napapailing na tanong ko sa aking sarili. Wala akong choice kung ‘di ay magpalit hanggang sa natapos ako’y agad na pumasok sa office ni Galileo.

Tatlong katok ang aking pinakawalan nang may sumagot agad sa loob. “Pasok!”

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Tama ba ang aking gagawin? Tama bang tanggapin ko ang offer ng lalaking nasa loob? Kung pumasok ako ay wala ng urungan. Gusto kong maghigante sa ginawa ng aking mga mahal sa buhay. Hinding-hindi ako papayag na api-apihin lamang. Kumuyom ang aking kamao at huminga ng napakalalim.

Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa isang swivel chair sa harap niya ay isang lamesa at mahabang sofa.

Ngumisi siya sa akin kaya biglang naputol ang aking paghinga. Bakit ba kasi ang pogi-pogi niya? I mean, yes, aaminin ko na. Mas hot itong nasa harapan ko kaysa sa ex kong si Daniel pero hindi naman ibig sabihin na makakalimutan ko na agad ang lalaking minsan kong minahal ng totoo. Kahit na mapalibutan man ako ng ilang libong Galileo Timothy Baldiserri ay mas nananaig pa rin ang pagmamahal ko kay Daniel. Kinagat ko ang aking labi dahil nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

“Tapos ka na bang mag-drool sa akin? Baka gusto mong umupo muna bago mo ako pagsawaang tingnan at pagnasaan?” Nakataas ang kilay at nakangisi itong tumingin sa akin. Kumunot agad ang aking noo at sinamaan siya ng tingin.

“Hindi kita pinagnanasaan, neknek mo!” inis kong wika sa kan’ya at umupo agad sa sofa-ng kaharap niya. Hindi na ako umimik at hinintay lamang na magsalita siya.

Rinig ko ang mahihina niyang tawa kaya napalingon ako sa kan’ya.

“Ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kan’ya.

“Well…” Ipinatong niya ang kan’yang baba sa dalawang pinagsiklop niyang kamay at nag-isip.

“Do you really want to end your life?” tanong niya sa akin. Napaisip ako at dahan-dahang tumango.

“Yes, wala namang purpose ang pananatili ko rito sa mundo. Sa tuwing iniisip kong wala na akong masasandalan at pamilya rito ay lumalakas ang urge kong kitilin na lamang ang buhay ko. Kung hindi mo sana ako sinagip ay tapos na ang paghihirap ko.”

Seryoso ko s’yang tinitigan, kinagat ko ang aking labi dahil kunti na lang ay maiiyak na ako. Naalala ko na naman ang sinapit ko noong kasal ko.

“So, you really are a runaway bride? Niloko ka ng boyfriend mo at pinagpalit sa kapatid mo, right?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

“P-Paano mo n-nalaman?”

“Kalat na kalat na sa social media ang nangyari sa’yo, tingnan mo,” saad niya sa akin at inilahad ang kan’yang tablet. Kinuha ko ito at tiningnan.

Tumulo ang aking luha dahil sa aking nakita at nabasa.

[Breaking News: Alyssa Star Montero and Daniel Cohen Chua, kasal na? Hindi inaasahan ng mga netizen ang balitang kinasal na pala ang dalawang magkasintahang sina Star at Daniel…]

Magkasintahan? ‘Di ba ako ang kasintahan ni Daniel? Bakit naging Star na? Hindi ba dapat ang nabalita ay inagaw ng kapatid ko ang kasintahan ko? Kitang-kita ko ang mga positive comments sa baba, lahat ay masayang-masaya. Ako lang ata ang sobrang malungkot at nagluluksa.

Napatingin ako sa nakalahad na panyo sa harap ko.

“Ayaw kong may umiiyak sa harap ko, nakakairita,” wika nito sa akin. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang aking luha. Amoy na amoy ko ang pabango niya roon kaya bigla na lamang akong nakaramdam ng relaxation.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kan’ya ng diretso. Desido na ako.

“Ano ang plano mo?” tanong ko sa kan’ya.

“Simple lang naman, you want to get revenge, right? Matutulongan kita kung tatanggapin ko ang offer ko sa’yo,” nakangisi niyang saad sa akin.

“At anong offer naman iyon?”

“Simple lang, be my wife for a year and bear me a child then tutulongan kitang maghigante sa asawa’t kapatid mo.”

“WHAT? SERYOSO KA BA? AKO? MAGIGING ASAWA MO’T BIBIGYAN PA KITA NG ANAK? HELLO? MAY KALTOK BA ‘YANG ULO MO?” gulat na gulat na tanong ko sa kan’ya.

“Why? May nangyari rin naman sa atin. Napagkamalan mo pa nga akong call boy, sa gwapo kong ito? Iyong 1000 pesos mong binigay dodoblehin ko pa iyon, alam kong wala kang matutuluyan ngayon at pera pantustos sa pang-araw-araw mo…”

Tumango ako at napayuko. Isa pa sa problema ko iyan, wala akong matirahan at perang dala. Lahat ng cards ko ay ni-freeze ng madrasta ko. Hindi ko matanggap na pumayag doon ang aking ama, 1000 pesos na lang nga ang tira ko, binigay ko pa rito sa lalaking ito. Nakakahiya dahil napagkamalan ko pa siyang call boy.

Napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang nangyari sa amin kagabi.

“Wala naman tayong problema dahil hindi tayo gumamit ng protection. If you are worrying that we will going to have sex, no. Hindi natin kailangan iyon dahil alam kong sharpshooter ang mga Baldiserri.” Wala naman akong naintindihan sa sinabi niya.

“Nevermind, here’s the contract our marriage. Basahin mo ‘yan, nakapaloob diyan ang mga do’s and dont’s pati na ang mga important matters and limitations sa kasal nating dalawa. One year, Luna… Madali lang naman ‘di ba? A year and after that puwede na tayong mamuhay ng mag-isa.”

“Bakit mo ito ginagawa? Sa rami-raming babae sa mundo, bakit ako pa?” tanong ko sa kaniya.

“Simple lang, may nangyari na sa ating dalawa, I don’t want to let go of what happened. Isa akong lalaking may paninindigan, Honey… Ayaw kong takasan ang responsibilidad ko sa’yo lalo na’t ako ang una mo,” ngisi nitong sagot kaya namula ang aking pisngi.

“Hindi ko akalaing virgin pa ang isang katulad mong patay na patay sa isang lalaking gago,” panunuya niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako na-offend sa sinabi niya, siguro kasi ay tama siya. Napakadali kong bumigay sa taong ito ngunit sa sarili kong boyfriend, sobrang hirap. Inaasahan ko rin kasing mamamatay ako ngayong araw kaya gusto kong maranasang mag-enjoy at gawin ang dahilan kung bakit ipinagpalit ako ng boyfriend ko sa kapatid ko. Sex… Hindi ko rin in-expect na sobrang sarap pala noon.

“Can you please read our contract? Mukhang nag-da-day dream ka na naman, Ms. Luna.”

Napatikhim ako dahil sa sinabi niya. Umupo ako ng maayos at binasa ang lahat ng nakasaad sa papel. Agad na napakunot ang aking noo.

“You will give half million a month? Seryoso ka?” tanong ko sa kan’ya.

“Yes, I hired you as my wife. You will meet my family and pretend to be so in love with me then I’ll give you a half million for your salary.”

“Hindi ba tutulongan mo naman akong gumanti sa dalawang nanloko sa akin?” tanong ko sa kan’ya.

“Yes, kaso nga lang iniisip ko wala kang ipong pera ‘di ba? Tinakwil ka ng mga magulang mo and you don’t have a job.”

“I have! Isa akong writer!” saad ko sa kan’ya.

“Wow? Talaga? Ano naman ang title ng published mong book?” tanong niya sa akin.

“Well, nasa GoodNovel iyon at sikat siya--- title niya, Married to a Hot CEO.”

“Swak na swak pala ang story mo sa atin eh, you will marry a HOT CEO at ako iyon,” mayabang na saad niya sa akin. Napasimangot ako dahil sa kahambugan niya.

“Pumapayag na ba ako?” tanong ko sa kan’ya.

“You don’t have a choice. Kung gusto mong makapaghigante sa ex mo at sa kapatid mo, kailangan mo ako…”

“At paano mo naman ako matutulongan aber?” tanong ko ulit sa kaniya. Nag-isip ito ng ilang segundo at napangisi.

“You’ll seduce your ex and I’ll seduce your sister. Sisirain natin ang samahan nila gaya ng pagsira nila sa samahan niyo ng ex mo. Deal?”

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang maghigante sa kanila o ano. Pero nangako ako sa sarili ko na I will revenge on them. Hindi ko hahayaan na tapak-tapakan na lamang ako nila ng gano’-gano’n na lang. Kumuyom ang aking kamao.

“Isipin mo ang lahat ng ginawa nila sa’yo… Ang lahat ng kahayupang ginawa ng ex mo. Matagal ka na pala nilang niloloko at ginagawang tanga pero tingnan mo… Ikaw pa rin ang masama sa mga mata ng tao, ikaw ang nabaliktad…”

Inilahad niya ulit sa akin ang tablet niya at agad ko itong tiningnan. May nag-leak kasing picture namin ni Daniel noong magkasintahan pa kami. Ang sabi roon ako raw ang kabit at malandi, inaagaw ko raw si Daniel kay Star at ang pangit-pangit ko raw. Isa akong nag-fe-feeling na butiki at clown.

“Ang gago! Fake news ito! Nakakainis! At ginatungan pa talaga ng kapatid ko?” saad ko sa aking sarili. Binasa ko ang comment ng aking kapatid kaya napakuyom ako. Bawat salita ay tagos na tagos sa aking puso, hindi ko akalaing sa isang lalaki’y magkakaganito kami. Minahal at inalagaan ko siya ng totoo pero ito ang igaganti niya sa akin? Nakakapagtampo.

“See… Kung ako sa’yo pirmahan mo na iyang contract nating dalawa. Lahat naman diyan ay favor sa’yo. I won’t take advantage on you, hindi ako parehas sa lalaking mahal mo,” sambit niya sa akin kaya napayuko ako.

Dahan-dahan kong kinuha ang ballpen at pinirmahan ang kontrata naming dalawa.

“Kailan ang kasal nating dalawa? Siguraduhin mong walang makakaalam nito lalo na ang pamilya ko.”

“Oo naman, for family lang naman iyong wedding natin. Nakakasuya kasi si tanda, hinahanapan na ako ng asawa’t anak…” rinig kong bulong niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status