Luna
Rinig na rinig ko ang ungol ng aking kapatid habang ako’y nasa loob ng closet. This was supposed to be my wedding day pero heto ako ngayon natutunghayan ang kababuyan ng aking fiance at kapatid.
Balak ko sanang surpresahin si Daniel dahil miss na miss ko na siya. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil sa buwisit na pamahiin ng matatanda ngunit ako ata ang nasurpresa nila. Nanginginig kong kinuha ang aking cellphone para kunan ang kababuyang ginagawa nila.
“Ohh! Daniel, you are so good! Bakit kasi ang panget ko pang kapatid ang ipapakasal sa iyo, puwede naman ako!” sigaw ni Alyssa habang hinahalik-halikan siya ng aking fiance sa leeg.
“Ang sarap mo rin, Alyssa. Let’s make this quick!”
Iyon lang ang sinabi ni Daniel ngunit sobrang sakit nito para sa akin. Para bang pinagtutusok ng matulis na kutsilyo ang aking puso. Akala ko perfect na kaming dalawa, akala ko mahal niya ako ngunit nagawa pa rin niya akong pagtaksilan at sa mismong wedding day pa naming dalawa- ilang oras lang ay magsisimula na.
Sobrang sakit…
Panay tulo lang ang aking luha hanggang sa matapos sila. Tama nga ang sinabi ni Daniel, dahil quickie lamang ang ginawa nila. Kahit nanginginig ang aking katawan ay nagawa ko pa ring patayin ang recording. Ito ang magsisilbing ebedinsiya sa lahat. Alam ko kasing hindi ako papaniwalaan ng aming magulang. Mas mahal nila ang kapatid ko kaysa sa akin. Siguradong sa kaniya sila kakampi ngunit ngayon may pruweba na ako wala silang choice kung ‘di ay magalit sa fiance at higit sa lahat sa kapatid ko.
“ Gagawin pa rin ba natin ito kahit na mag-asawa na kayo ni Luna?” tanong ni Alyssa kay Daniel.
“ Of course, I can’t get enough of you, babe.”
Kinilig naman ang aking magaling na kapatid at hinalikan ng mariin ang aking fiance. Ilang minuto rin silang naghalikan kaya napa-iwas ako ng tingin. Nakakasuka, iyong hinahalikan ko, hinahalikan din ng iba at kapatid ko pa.
Rinig ko ang mahihinang halakhak nila, gusto kong lamunin na lamang ng lupa dahil ako na ang nahihiya para sa kanila. Paano kaya kung sugurin ko sila ngayon na?
Huwag na pala, I already got an idea para makapag-revenge sa kanila. Hindi ako papayag na ako ang kawawa sa huli. Hindi ako papayag na maging masaya sila, ginawa nila akong tanga sapat lang ang naiisip kong pahihiganti sa kanila.
“May mamaya pa naman, babe. Mali-late na tayo sa kasal oh,” natatawang wika ni Daniel. Hinihimas-himas kasi ni Alyssa ang pagkalalaki nito kaya napapaungol siya ng mahina.
“Kung puwede lang na huwag ka nang sumipot eh,” malanding saad ni Alyssa ngunit tinulak lamang siya ni Daniel pero mahina lamang iyon.
“Alam mong hindi puwede, Babe. Sige na, lumabas ka na at susunod na lang ako,” malambing na wika ni Daniel sa kaniya.
“Paano kaya kung sa bahay niyo na lang ako titira? I mean, Luna wouldn’t mind about that and she can’t say no to me alam mo naman mahal na mahal ako ng kapatid ko,” natatawang saad ni Alyssa.
“Hindi puwede, baka makahalata siya,” saad ni Daniel sa kaniya.
“Hindi ‘yan, nakakasalisi ka nga kapag nag-di-date kayo eh,” natatawang sambit niya kaya nanlaki ang aking mga mata. Matagal na pala nila akong niloloko at hindi ko man lang napansin iyon? Ang galing nilang magtago o sadyang napakatanga ko lang?
Pagkatapos ng paglalampungan nila, umalis na agad si Alyssa sumunod naman si Daniel sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko nga ba nakayang tumayo dahil hanggang ngayon nanginginig pa rin ang aking mga tuhod. Maglalakad na sana ako ngunit agad akong natumba. Doon ako humagulhol, sobrang sakit malaman na matagal na pala nila akong niloloko. Hindi ko alam kung paano nga ba nakayang itago ni Daniel ito sa akin pero isa lang ang tumatak sa aking isipan, HINDI NIYA AKO MAHAL.
Agad kong kinalma ang aking sarili dahil ilang minuto na lang ay kasal na naming dalawa. Nag-retouch ako ng aking make up at tinawagan ang isa sa mga kilala kong organizer. Ilang ring lamang ay sumagot na ito.
“Hello? Luna? Kanina ka pa namin hinahanap nasaan ka ba?” bungad na tanong ni Gelo. Siya ang nag-o-organize ng kasal namin ni Daniel. Isa rin siya sa mga kaibigan namin.
“May dinaanan lang ako, pasensiya na.”
Mabuti na lamang at malapit lang ang simbahan dito sa hotel kaya hindi hassle sa akin ang bumyahe papunta roon.
“Bigla ka na lang nawawala akala namin ay umatras ka na,” kinakabahang saad n’ya kaya napatawa ako sa sinabi niya.
“May ipapasuyo nga pala ako, may ise-send akong video paki bigay sa music organizer, instead na iyong dating video ang i-play mamaya ay iyan na lang. Mas maganda kasi ‘yan at ilang araw ko ring pinagpuyatan. I want to surprise my future husband,” utos ko sa kaniya.
“Sige, narito na ang groom mo, pakibilisan, friend,” masungit na wika nito sa akin at agad na pinatay ang tawag. Napakasama talaga ng baklitang iyon, hindi man lang nagpaalam, napailing ako.
Ilang minuto ang nakalipas nang makarating ako sa simbahan, mabilis akong nakita ni Gelo kaya napahinga ito ng maluwag.
“Thanks God, you’re here! Nag-aalala na kami baka napano ka na,” bungad nitong saad sa akin at agad akong ni-retouch. Hinayaan ko na lang siya sa pinaggagawa niya.
“Okay na ang Bride! Let’s all prepare now! Doon ka na sa harap ng pinto, Luna. Congratulations!” masiglang wika nito at mabilis na umalis sa aking harapan.
Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Sana tama ang desisyon kong ito. Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa akin.
Hanggang sa bumukas ang pintuan, siya ring pagbukas ng aking mga mata. Ang loob ay puno ng mga tao, mga relatives at friends naming dalawa. Bakas sa kanila ang kasiyahan maliban sa akin na nakasimangot at naiiyak pa rin dahil sa aking natuklasan kani-kanina lang. Mabuti na lang at natatabunan ang mukha ko ng suot kong belo.
Hindi ko akalaing mangyayari ang lahat ng ito.
Akala ko perfect na…
Akala ko okay na…
Akala ko kami na in the future…
Ngunit hindi pala, dahil may mahal siyang iba.
Ang masaklap kapatid ko pa.
This was supposed to be a joyful wedding pero hindi ko kayang maging masaya. Kita ko ang malawak na ngiti ni Daniel sa akin, mayamaya ay napaiyak ito at binigyan siya ni Hector ng tissue to wipe his tears. Si Hector ang bestfriend niya at ka-close ko rin naman. Nasa gilid nito si Alyssa na nakasimangot lamang. Siya ang maid of honor ko, wala rin naman akong choice dahil iyon ang gusto nila Mommy at Daddy, isa pa wala akong bestfriend.
Napaikot ang aking mata dahil may paiyak-iyak pa itong nalalaman kala mo naman gusto talaga akong pakasalan. Curse him for hurting me like this.
Hanggang sa nakalapit ako sa kaniya at nagbeso-beso sa kaniya-kaniya naming mga magulang.
“Alagaan mo ang aming anak, Daniel,” habilin ni Daddy sa aking kasintahan.
“Yes po, tito.” Tumawa nang mahina ang aking magulang at napailing.
“Daddy na ang itawag mo sa akin dahil magiging parte ka na rin ng pamilya namin, right honey?”
“Oo naman, honey!”
“Ladies and gentlemen! Before we proceed with the ceremony allow me to play a surprise video made by Ms. Luna to his future husband, Mr. Daniel.” Masiglang in-announce ni Gelo ito kaya agad namang nagpalakpakan ang mga tao.
“What is the meaning of this, hon? Nag-abala ka pa talaga?” natutuwang saad ni Daniel sa akin. Ngumisi lamang ako sa kaniya.
“Ano ka ba, huwag ka munang matuwa dahil papunta pa lang tayo sa exciting part,” ngisi kong saad sa kaniya.
“What do you mean?” kunot-noong tanong niya sa akin.
“Tingnan mo na lang,” sambit ko sa kaniya.
Agad na nag-play ang video, kitang-kita na naghahalikan ang lalaki at babae sa sa kama. Nakapatong ang babae sa lalaki at gumigiling pa ito. Rinig na rinig ang malalaswang ungol nito kaya napasinghap ang audience.
“Oh my gosh! Hindi ba si Aly at Daniel iyan?” rinig kong tanong ng isa sa mga pinsan namin.
“Oh my God! How could they do this to Ate Luna? Kawawa naman siya,” rinig ko pa.
Unti-unting tumulo ang aking luha at napaiwas na lamang sa malaking screen na nakaharap sa amin. The video was supposed to have a pictures filled with our memories pero napagpasyahan kong ipakita sa tao ang kababuyang video-ng na-record ko kanina . Hinding-hindi ko maatim na magpakasal sa taong una pa lang ay niloloko na ako.
“What is the meaning of this, LUNA?” galit na tanong ni Mom sa akin. Mahigpit niya akong hinawakan kaya napangiwi ako.
“Obvious na obvious naman, Mom hindi ba? Your daughter which is also my sister is cheating with my fiance!” sigaw ko sa kaniya.
Naramdaman ko ang malakas na sampal na nanggaling sa kamay ng aking pinakamamahal na ina. I stared at her with disbelief. Hindi ko inaasahang gagawin niya ito sa akin. I mean, how could she slap me? Dapat si Alyssa ang makaramdam ng sakit na ito pero bakit ako?
“How dare you! How could you ruin this wedding?” tanong niya sa akin.
“Seriously, Mom? Mas iisipin mo pa ang wedding kaysa sa anak mong nasasaktan ngayon dahil niloko lang naman ng magaling kong fiance kasama ang malandi niyong anak!” inis kong saad sa kaniya ngunit isang sampal ulit ang aking nakuha sa kaniya.
Bumuhos ang luha ko sa aking pisngi at ramdam ko rin na namamaga iyon.
“Alam mo kung gaano kahalaga ang kasalang ito dahil pabagsak na ang kompaniya natin. Kailangan natin sila para makaahon, akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Kaya no matter what happened matutuloy ang kasal niyo, kung ayaw mo ang kapatid mo ang ipapalit ko. Wala kang silbi!” matigas na bulong sa akin ni Mom kaya mas lalo akong nakaramdam ng poot sa kaniya.
Tiningnan ko lang si Dad na ang kaya lang magawa ay yumuko. Kita ko namang nakangisi ang aking kapatid. Para bang sayang-saya pa siya dahil sa nangyayari ngayon, hindi man lang nahiya ang bruha.
“Bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan niyo ko? Ako ang na-agrabyado rito, ako ang lubos na nasasaktan ngunit bakit parang ako pa rin ang mali?” dismayadong tanong ko sa kanila.
“Umalis ka na, Luna kung ayaw mong magpakasal sa akin ay umalis ka na lamang, pinapahiya mo ang reputasyon ng pamilya mo lalo na’t pamilya ko,” matigas na saad ni Daniel sa akin.
Natatawa kong tiningnan siya. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ito sa akin. Imbis na humingi ng tawad ay ito pa ang sasabihin niya? Ang gago niya lang, ang sarap niyang hambalusin sa mukha. Ang sarap niyang itapon sa kanal kasama ang kapatid ko na siyang-siya sa nangyayari ngayon!
“Seriously, Daniel? Iyan ang maririnig ko sa iyo after mong pagtaksilan ako? Sa ilang taon nating pagsasama, minahal mo ba ako?” hinagpis kong tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ako ng seryoso, kita ko ang matatalim na titig nito sa akin. Para bang hindi ko na nakilala ang Daniel na kaharap ko ngayon.
He was not my Daniel anymore.
“I don’t love you in the first place, Luna. Si Aly ang mahal ko, kaya lang kita niligawan ay para makalapit sa iyong kapatid. Hindi ko naman in-expect na sasagutin mo ako. Hindi ko rin magawang saktan ka dahil nakokonsensiya ako knowing na ang bait mo. I am sorry to say this but my heart belongs to Aly, not you.”
Doon na gumuho ang aking mundo. Kunti na lang ay matutumba na ako mabuti na lang ay nakahawak ako sa likod ni Hector. Agad niya akong inilalayan pero nang makabawi ako ay mabilis ko siyang tinulak.
Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Gusto kong sabunutan ang kapatid ko dahil sa kalandian niya ngunit paano ko iyon gagawin eh nasa likod siya ni Daniel. Napatingin ako sa harap namin, kita ko ang nagbubulongang tao sa paligid. Halata sa kanilang mga mata ang awa, ngunit hindi ko kailangan iyon.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa labas. Ni wala man lang sa akin ang nag-comfort at nagpigil. In-expect kong may sumunod sa akin ngunit wala. Feeling ko ako na lang ang mag-isa rito sa mundo. Ako pa ang mali, nakakatawa lang kung iisipin.
“Okay lang naman iyon, hindi kasi bagay si Daniel at Luna eh. Mas bagay sila ni Alyssa ‘di ba?” rinig ko sa mga tao.
“Kaya nga, minsan ko na ring nakita sina Daniel at Alyssa na magkasama. Naaawa man kay Luna ngunit hinayaan ko na lang. Ayaw kong sumawsaw sa magulong buhay nila.”
Gano’n naman talaga, palagi na lang si Aly ang bida. Palagi na lang siya ang gusto ng lahat. Si Aly na lang palagi, paano naman ako? Siya ang may kasalanan ngayon, pero bakit parang kasalanan ko pa ang lahat? Nasisiraan na ba sila ng ulo? Damn it!
“Ano pa bang hinihintay niyo? Tuloy ang kasal!” sigaw ng aking ina sa mga organizers. Hindi na ako nag-atubiling tumingin pa sa aking likod. Mabilis akong umalis doon at pumunta sa aking kotse. Roon ko binuhos ang sakit at luha. Para bang pinipiga ang aking puso at hindi na makahinga. Sumigaw ako para lang maibsan ang sakit at pinaghahampas ang aking dibdib ngunit wala man lang epekto iyon. Sinabunutan ko ang aking sarili at inuntog-untog ang aking ulo sa manibela dahil sa sobrang galit at frustrations.
Napatingin ako sa rear mirror, doon ko nakita ang sabog kung mukha na puno ng luha. Napakuyom ako ng kamao, hinding-hindi ko mapapatawad sila. I will never forget what they did to me right now.
They ruined my life and I will seek vengeance.
LunaHindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak rito sa aking kotse. Napalingon ako sa labas, laking gulat kong maggagabi na pala. Napangiwi ako nang makita ang simbahan dahil sarado na ito. Akala ko paniginip lang ang lahat subalit nagkakamali ako, it was real. Naramdaman kong medyo kumirot ang aking puso, siguro tuwang-tuwa na ang aking kapatid dahil hindi na natuloy ang kasal namin ni Daniel. I feel my whole world has crumbled. Gusto kong magpakalasing para maibsan naman ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Kahit ilang oras lang ay makalimutan ko ang lahat, makalimutan ko ang mga taong mahal ko na tanging ginawa lamang ay pagtaksilan at apihin ako. Simula noon ay ayaw na ni Mom sa akin dahil hindi niya ako tunay na anak. Anak ako sa unang asawa ni Daddy, kabit siya noon ng aking ama. Pero noong namatay ang Mommy ko, rito na nanirahan ang kabit ni Daddy. Hindi ko alam kung paano namatay si Mommy ngunit sabi ng mga pulis ay nahulog daw ang kotse nito sa bangin at l
Galileo Naalimpungatan ako sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Napainat-inat ako dahil nakaramdam ako ng pananakit ng katawan. Last night was lit, kagabi ko lang naramdamang nag-enjoy ako. Sa rami ko namang babaeng nakatalik ay kagabi lang ako nasarapan at nag-enjoy. I smiled widely, maybe she was a virgin? Wait. What? I fucked a virgin last night? Damn!Mabilis akong napabalikwas at doon ko lang na-realize na wala na ang babaeng iyon sa aking tabi. Nahagip ng mata ko ang isang papel at nakapatong dito ang isang libo. Napakunot ang aking noo dahil doon. Agad kong binuklat ang nakatuping papel at binasa ang nakasulat sa loob. “Thanks for the last night! Sorry ito lang ang pera ko, don’t worry nakuha mo naman ang virginity ko kaya swerte ka na rin. HOY! Ilang taon ko ring iningatan iyon and it was precious to me!”Iyon lang ang nakasulat. Napakuyom ako ng kamao dahil napagkamalan pa niya akong call boy. Seriously? Sa gwapo kong ito? Hindi niya ba ako kilala? I am the famous billionai
Luna’s POV KASAMA ko ang isang estranghero rito sa isang napakagandang mansyon. Kung iisipin mas maganda ito sa mansyon na pagmamay-ari namin. Kilalang-kilala ko ang mga Baldiserri, isa sila sa mga kaibigan ng mga Lopez noon, apelyido sa pagkadalaga ng aking ina, si Mommy at ang anak ng mga Baldiserri ay magkaibigan noon. Si Gilbert Tim Baldiserri kung hindi ako nagkakamali. Kung tutuusin iyong mga ari-arian na pagmamay-ari ng Lopez at hawak ng aking ama ay pagmamay-ari ng Lolo at Lola ko, noong nawala sila ay ipinamana nila ito kay Mommy. Hindi makilala ang pamilyang Montero kung wala iyong ari-arian ng aking ina. Kung tutuusin mas mayaman ang Lopez kaysa sa Montero pero mas triple naman ang yaman ng mga Baldiserri. “Manang, please give her new clothes at papuntahin mo siya sa office ko…” Iyon lang ang sinabi ng lalaki at mabilis na umakyat sa isang napakalaking hagdan. Mabilis namang sinunod ng matanda ang sinabi ng lalaki at nagpakilala sa akin. “Magandang umaga, hija. Ako i
Luna’s POV LABIS ang aking kaba dahil ma-me-meet ko na agad ang pamilyang Baldiserri. Hindi ko alam kung natatandaan pa nila ako ngunit minsan ko na rin silang nakasama. Like I said isa sa kaibigan ng aking ina ang ama ni Galileo na si Tim Baldiserri. Isang elegant white dress na binili pa raw ni Galileo sa isang sikat na designer sa Pilipinas ang aking suot-suot ngayon. Ginawan din niya ako ng isang listahan tungkol sa aming dalawa as a couple. Kung saan kami unang nagkita at kung ano ang dapat sabihin sa harap ng pamilya niya. “Tapos mo na bang review-hin ang lahat ng sasabihin mo sa pamilya ko? Kailangan mo ‘yang kabisahin kasi once na magkamali ka, tapos na ang pagpapanggap nating dalawa. You have to be careful of your words, Honey…” Napalingon ako sa aking kaliwa, bigla akong napanganga nang makita ko ang isang lalaking naka-polo. Sobrang gwapo niya ngayon at sobrang bango pa. Nanunuot ito sa aking ilong at sobrang nakaka-relax sa pakiramdam. Tumikhim ako at tumango. “A
Luna’s POV NAGING masaya ang dinner namin ng mga Baldiserri. Hindi ako nakaramdam ng ilang at pagkabagot dahil palagi nila akong kinakausap lalo na ang nanay ni Galileo. Nalaman ko rin na may kapatid pala si Gali, nanay ng cute na bata na si Tanya. Napagpasyahan ko ring Gali na lamang ang itatawag ko rito sa magiging asawa ko kasi masyadong makaluma na ang pangalang Galileo. Kadalasang Timothy ang tawag sa kan’ya ngunit mas gusto ko siyang tawagin sa first name niya. Ang sabi ni Mrs. Baldiserri ay nasa America raw ang kapatid na babae ni Gali kaya inihabilin muna nito ang anak niyang si Tanya sa kanila. Masaya nga ang dinner namin ngunit biglang dumating naman ang bestfriend ni Gali na si Mathilda. Nakakainis ang pagkamaarte niya at palagi niya akong iniirapan kapag nakikitang sweet si Gali sa akin. Halatang-halatang may gusto ang babae sa magiging asawa ko ngunit wala akong pakialam doon. Wala naman kasing namamagitan sa amin ng bestfriend niya. Hello? May iba akong mahal ‘no.
Luna's POVHindi man lang kami nag-imikan ni Galileo hanggang sa nakarating kami sa Resort na pagmamay-ari nilang pamilya. Dito ang binook ng mga magulang nila for our honeymoon daw. Mas maigi na rin itong nasa Beach ako para makalimot. Mahirap para sa akin ang nangyari noong nakaraan. Halos hindi ako makatulog dahil sa sobrang sakit ng puso. Mabuti na lang at narito si Galileo at binigyan ako ng pagkakataon para magsimula ng bagong buhay at maghiganti sa mga taong nanakit sa akin. Blessing in disguise na rin siguro ang pagpapakasal ko sa lalaking ito dahil una nagkaroon ako ng bagong pamilya, pangalawa matutulongan pa niya akong maghiganti sa mga taong sinaktan ako at ang panghuli ay nagkaroon pa ako ng extra income. Mantakin mong half million ba naman every month ang sweldo ko? Eh magpapanggap lang naman akong asawa niya. Huminto ang sasakyan namin sa isang magarang penthouse malapit sa hotel ng mga Resort. Agad kaming in-accomodate ng mga staff doon. Mabilis na lumabas si Galile
Luna’s POV Narito ako sa aking kwarto at kanina pa pabalik-balik dahil sa kahihiyang nagawa ko kanina. Wala na akong mukhang maihaharap sa lalaking iyon dahil sa nangyari. Sampal na mahina ang aking ginawa sa pisngi ko dahil sa sobrang inis. Bakit nga ba ako nadala sa aking pagnanasa? Nakakahiya tuloy sa lalaking iyon. Hindi naman niya kasalanan dahil ako naman ang pumasok sa banyo niya pero hindi ko alam iyon. Hindi ko alam na naroon siya. Nagpaalam siya ‘di ba? Puwede naman akong humindi pero, shit! Wala akong nagawa, para ba akong hinihipnotismo ng kalibugan at kusang sumunod sa kan’ya. Ano ang mayroon kay Galileo Timothy Baldiserri at para ba akong nadadarang tuwing magkalapit kami sa isa’t-isa. Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa sobrang inis. Pinunasan ko ang aking mukha dahil sa sobrang iyak kanina. Hindi ko dapat ito maramdaman, hindi dapat ako nahihiya. He took advantage on me, kahit na gusto ko dapat hindi niya iyon ginawa! I must sue him! Isusumbong ko siya sa pu
Luna’s POV“Okay ka lang ba, Luna? Gusto mo ba ng tubig?” tanong sa akin ni Gali ngunit umiling ako bilang sagot. “Ang sakit, Gali. Sobrang sakit, hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama,” naiiyak kong saad kay Galileo. “Shh. Tahan na, lakasan mo ang loob mo, hindi dapat magpapaapekto sa tuwing nakikita mo sila, you have to be strong. Hindi uubra ang plano natin kung ganito ka, na sa tuwing makikita mo silang magkasama ay iiyak ka…” “Sobrang sakit kasi na para ba akong pinapatay. Sa tuwing nakikita ko sila kumikirot ng sobra ang aking puso, gusto ko na lamang mawala sa mundo, Gali. Ayaw ko ng mabuhay pa,” hagulhol kong sambit sa kan’ya habang naglulupasay sa labas ng penthouse niya. Narito kami’t nakaupo sa labas. Mabuti na lamang at walang gaanong taong dumadaan sa penthouse niya kaya walang makakakita sa aking umiiyak. Tanging siya lang ang nakakapanuod kung gaano ako kasawi ngayon. “You have to be strong, Luna. Kung hindi i