“Hanapin mo ang dalawang taong ito kasama ni Suzanne at isama niyo sila pabalik sa Southeast Aciatic… Pagkatapos, ipakabisa mo sa kanila ang testimonyang ito. “Pagdating ng oras, kakasuhan si Rowan Irwin ng pakikipagsabwatan sa mga magulang ni Aurelia para patayin ang isang miyembro ng royal family, at makukulong silang lahat!”“Kamahalan, pwede ba talaga nating gamitin ang dalawang ito?”“Hmph! Adik ang lalaking yun, bigyan mo siya ng Fentanyl… Ang babae naman, bigyan mo muna siya ng pera. Basta't makakita siya ng pera, gagawin niya ang lahat ng sasabihin natin!” ...Nagkagulo sa korte. Nanlaki ang mga mata ni Carmella at sobrang namutla ang mukha niya na para bang nakakita siya ng multo. “Fentanyl?” Nagsimulang magtanong ang ilang dayuhang journalists nang may mahinang boses, “Ano yun?”“Isang uri ng droga yun!” Mabigat ang bawat isang salitang sinabi ni Rowan. “Ang Fentanyl ay isang synthetic drug na kagaya ng opium poppy, pero mas lalong malakas. Nakakalason ang drogang
Pinagpawisan ng kaunti ang tungki ng ilong ni Carmella. Tinandayan niya ang railing ng gallery sa panghihina at pinigilan niya ang sarili niya sa pagtumba. Tinaas niya ang kamay niya at sinubukang ayusin ang korona sa ulo niya, pero aksidenteng sumabit ang buhok niya at nalaglag ang korona niya. Isang malaking bato ang nalaglag nang may kalabog. “Carmella…” Malamig siyang tinignan ni Martin. “Bakit mo ginawa to?”“Kamahalan, ako…”“Bakit mo ginawa to!?” Naubusan na ng pasensya si Martin at sinakal niya ang leeg niya! Nanlaki ang mga mata ni Carmella. Nanigas siya sa takot na mamatay at maski ang paghinga niya ay huminto. Pinigilan ni Alexander si Martin at pinayuhan siya nang may mahinang boses, “Tito, nasa korte tayo. Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos!”Dahan-dahang bumitaw si Martin, pero patuloy na nangatal ang ngipin niya at sumama ang mukha niya sa galit. Kalmadong nagsabi si Rowan, “Kamahalan, may isang dahilan lang kung bakit ginawa ng reyna ito…”Habang nagsalita si
Para bang yelo ang liwanag ng buwan habang binalot nito ng lamig ang malaking Imperial palace. Ang hamog na lumapag sa mga hakbang ng hagdan ay nagbigay ng malamig na pakiramdam. Nakatayo si Carmella sa gitna ng hall nang nakatingin sa baba ang mga mata. Matigas ang blangko niyang mukha na may determinadong kawalan ng pakialam. Tapos na ang lahat, at wala nang magbabago kahit pag-uusapan pa ito. Pinahahalagahan niya lang ay si Martin. Kung pinagdududahan, pinandidirihan, at kinamumuhian siya ni Martin, mawawalan na ng sigla ang mundo niya. Mahinang nagsalita si Carmella pagkatapos ng mahabang katahimikan. “Kamahalan, gutom ka na ba?“Naaalala ko gusto mo dati ang raspberry cake na niluluto ko. Ipagluto ba kita ngayon?”“Hindi mo na kailangang mag-abala.” Paos ang boses ni Martin habang dahan-dahan siyang tumalikod. “Hindi mo siguro alam na hindi ko gusto ang sobrang matatamis na pagkain… Ikaw lang ang nag-iisip na alam na alam mo ang lahat!”Dumilim ang mga mata ni Carmella
Nanginig ang mga mata ni Martin, pero di siya sumagot pagkatapos ng matagal na oras. Sa sandaling bumagsak si Carmella sa lapag, sandaling kumirot ang puso niya. Ngunit para itong isang patak sa tubig, kumalat nang pabilog at di nag-iwan ng bakas pagkatapos. Sa kabila nito, mag-asawa pa rin sila. Hindi siya isang walang pusong halimaw na walang nararamdaman. Sa kaawa-awang kalagayan ni Carmella, lumitaw sa isipan niya ang mga magagandang sandali kasama niya. “Kumuha muna kayo ng doktor para gamutin ang sugat ng reyna.”Nagulat si Noah pero sumunod pa rin siya at tumango. Ginamot si Carmella at huminto ang pagdudugo ng ulo niya. Pagkatapos ay dinala siya pabalik sa palasyo niya para magpahinga, ngunit bantay-sarado ito at di na siya pwedeng maglakad-lakad nang malaya. Tumingin si Noah kay Martin. Mukhang pagod ang matandang hari. Walang kinang ang mga mata niya at sa halip ay puno ng walang katapusang pagsisisi at kalungkutan. Bahagyang yumuko si Noah. “Kamahalan, kapag
Malalim na ang gabi nang tahimik ang lahat. May dumating sa west palace. Hindi nagpasama si Martin habang dahan-dahan siyang pumasok sa palasyo nang mag-isa. Pumunta siya sa tabi ng kama ni Helene at hinawakan ang tuyot na kulay chestnut na buhok niya. Ganito rin ang kulay ng buhok ni Aurelia. Huminga siya nang malalim, naramdaman niya ang kagustuhang umiyak sa likod ng lalamunan niya. Ang bilis nga ng panahon. Ang magkapatid na dating namumulot ng kabibe sa tabing dagat ay matanda na ngayon. Nagbago na ang lahat, pero nanatili ring walang pinagbago ang lahat. Mahimbing na natutulog si Helen, yakap pa rin ang maliit na unan kahit sa panaginip niya. Sinubukan itong galawin ni Martin, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak dito at di niya ito makuha. Marahan siyang ngumiti nang may mga luhang kumikinang sa mga mata niya. “Alam ko iniisip niyo pa ring dapat kong ibigay kay Aurelia ang trono, tama?”Unti-unting bumalik ang kinang sa mga mata ni Martin. May bakas na ngayon ng s
Sandaling may gulat sa mukha ni Zephyr. Kalmadong ngumiti si Alexander at marahang nagsabi, “Ang totoo… alam mo na siguro, tama? Matalino si Mrs. Hamerton at nasabi na niya siguro sa'yo ang tungkol dito.“Zephyr.” Tumingin sa kanya nang seryoso si Alexander. “Dito na magtatapos ang sinabi ko. Hindi ko na'to babanggitin pang muli sa hinaharap.“Pag umupo na ako sa trono at magkita tayong muli, ako na ang magiging hari, at ikaw ang nasasakupan ko. Ang lahat ng nasa pagitan natin… ay susunod sa patakaran!”Ngumiti si Alexander at gustong makipagkamay kay Zephyr, pero nagdalawang-isip si Zephyr at di siya kinamayan. Nanatiling nasa ere ang kamay ni Alexander na medyo nakakailang, pero kasama ito sa inaasahan niya. “Ayos lang.” Binaba niya ang kamay niya. “Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin. Wala na akong pagsisisihan ngayon. Masaya talaga ako na ang ganda ng buhay mo. Ingatan mo ang asawa mo. Napakabuting babae niya.”“Alam ko,” sumagot si Zephyr nang walang masyadong emo
Nagblangko ang isipan ni Alexander at bumilis ang tibok ng puso niya. Sa sandaling nakakibo siya, nakangiti sa kanya si Zephyr.Ang yakap kanina ay ang simbolo ng pagkakaibigan nila, pero para kay Alexander, isa itong kayamanang itatabi niya sa puso niya habangbuhay. Pagkatapos ng sandaling pagkatulala, masayang ngumiti si Alexander. Gumaan rin ang mga hakbang niya. Lumabas siya bago lumingon pabalik para kawayan ulit si Zephyr hanggang sa tuluyan siyang maglaho sa madilim na gabi. Nagtagal si Zephyr na nakatayo sa front yard. Umihip ang sariwang hangin ng gabi. Huminga siya nang malalim at nagmadaling pumasok sa loob. Hindi siya makapaghintay na yakapin at amuyin ang asawa niya. Isang anino ang lumitaw sa mga puno sa hindi kalayuan habang dahan-dahang umatras ang isang telephoto lens. …Nang pumasok si Zephyr, sa halip na nakita niya si Cordelia, sumalubong sa kanya ang masarap na amoy mula sa kusina. Ngumiti siya at pumasok, sabay niyakap ang aligagang babae mula sa likur
Iniunat ni Cordelia ang balikat at leeg niya. Kamakailan, nadagdagan ang timbang ni Zuko at naging matabang bola siya. At saka para bang ang munting batang kakatuto pa lang kung paano maglakad ay ayaw nang maglakad at paulit-ulit na nagpapakarga sa nanay niya. Araw-araw, karga ni Cordelia si Zuko, na parang kasing bigat ng dalawang bag ng harina sa mga bisig niya. Sa sobrang dalas ay para bang namamaga ang kalamnan niya sa balikat. Mabilis siyang hinila ni Zephyr para umupo nang komportable sa sopa at minasahe ang balikat at leeg niya. Pero di pa tapos si Cordelia sa sinasabi niya at pinagpatuloy niya ang usapan kanina. “Bakit di ko kinaaayawan si Alexander? Kasi napakabait niya. “Yung iba, kagaya nila Nelly at Ava, nilapitan ka nila nang may ibang motibo, pero sinsero si Alexander sa'yo.” Tumingala siya sa kanya at mapaglarong ngumiti. “Honey, natutukoy ng asawa mo kung sinong sinsero kahit gaano pa siya katanga.” “Oh?” Ngumiti si Zephyr sinadyang nagtanong, “Paano mo nasasa