Nilunok ni Neil ang laway niya. “Aurelia, noong sinuot mo ang singsing sa'kin noong nalasing ako, napansin kong perpekto ang sulat nito. Hindi pa ako makapagsuot ng singsing na saktong-sakto sa'kin!”“Huh?” Sobrang naging kakaiba ang pakiramdam ni Aurelia. “Pagkatapos, binawi mo to ulit, at parang nawalan at hindi komportable ang daliri ko!”Walang nasabi si Aurelia. “Aurelia, kaya mo ba kong makitang maging hindi komportable?”Kahit na hindi naiintindihan ni Aurelia ang sinasabi ni Neil, hindi niya pa nakita ang premyadong aktor na kabahan nang ganito simula nang nakilala niya siya. Sa kabila nito, sobrang haba ng pasensya niya sa bawat isang salitang sinabi niya sa kanya. Mahina at marahan ang pananalita niya, at mapagpakumbaba pa ang tono niya. Hinding-hindi siya ganyan. Bigla na lang, naalala ni Aurelia ang narinig niyang klase ng kulam sa Southeast Aciatic na kayang magpabago ng ugali at mangontrol ng isipan ng tao. Nagulat siya at napasabing, “Manong, nasumpa ka ba?”
Pagkalipas ng isang buwan, araw na ng trial. Dahil sangkot na ang royal family, nakatawag ng maraming atensyon ang trial. Kahit na nakaupo sa daungan si Rowan, mukha siyang kalmado na para bang siya ang may hawak sa trial. Nakaupo sina Martin at Carmella sa audience seats. Nang narinig nila ang kasong nakalista ng prosekyusyon, isang napakaliit na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Carmella. Sa kabilang banda, nanatiling walang emosyon si Martin, ngunit may galit sa mga mata niya habang mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay niya. “Kamahalan…” Maingat na hinawakan ni Carmella ang kamay niya. Bahagyang napatalon ang mga daliri ni Martin, pero hindi niya siya tinulak palayo. Nagulat si Carmella dahil umiiwas si Martin na lumapit sa kanya, nabawasan pa nga ang intimasya nila nang maraming taon dahil sa insidente ni Helene. Tuwing hinahawakan niya siya, para bang humahawak siya sa kung anong madumi. Naghiwalay pa silang matulog nitong nagdaang dalawang taon. Nagdala ng saya sa pu
Bahagyang nanginig ang mga labi ni Carmella. wala siyang masabi para salubungin ang titig ni Martin sa pagsisisi. “W… wala.” Pinilit na tumawa ni Carmella. “Kamahalan, ang haba na ng trial. Pagod ka na siguro. Tulungan kitang bumalik para magpahinga muna…”“Gusto kong marinig ang totoo!” Sumigaw si Martin, “Sinong pinapahanap mo?”Nanigas si Carmella at lumingon kay Joy. “Anong nangyayari rito?” Nagngingitngit ang panga niya sa bawat isang salita. “Joy, anong binabalak mong gawin?”Walang pakialam na sumagot si Joy, “Kamahalan, ang dalawang taong to lang ang nahanap ko base sa impormasyong binigay mo sa'kin.”“Ikaw…” Isang kakaibang ngiti ang lumitaw sa labi ni Joy. “Kamahalan, sabi mo sa'kin drug addict ang isa habang sangkot naman sa prostitusyon ang isa. Perpekto sa deskripsyon mo ang mga nahanap ko!”“Kalokohan ang sinasabi mo!” Tinitigan siya nang masama ni Carmella. “Binigyan rin kita ng ibang impormasyon!”“Personal mong iniabot ang munting prinsesa sa mga taong kaga
“Hanapin mo ang dalawang taong ito kasama ni Suzanne at isama niyo sila pabalik sa Southeast Aciatic… Pagkatapos, ipakabisa mo sa kanila ang testimonyang ito. “Pagdating ng oras, kakasuhan si Rowan Irwin ng pakikipagsabwatan sa mga magulang ni Aurelia para patayin ang isang miyembro ng royal family, at makukulong silang lahat!”“Kamahalan, pwede ba talaga nating gamitin ang dalawang ito?”“Hmph! Adik ang lalaking yun, bigyan mo siya ng Fentanyl… Ang babae naman, bigyan mo muna siya ng pera. Basta't makakita siya ng pera, gagawin niya ang lahat ng sasabihin natin!” ...Nagkagulo sa korte. Nanlaki ang mga mata ni Carmella at sobrang namutla ang mukha niya na para bang nakakita siya ng multo. “Fentanyl?” Nagsimulang magtanong ang ilang dayuhang journalists nang may mahinang boses, “Ano yun?”“Isang uri ng droga yun!” Mabigat ang bawat isang salitang sinabi ni Rowan. “Ang Fentanyl ay isang synthetic drug na kagaya ng opium poppy, pero mas lalong malakas. Nakakalason ang drogang
Pinagpawisan ng kaunti ang tungki ng ilong ni Carmella. Tinandayan niya ang railing ng gallery sa panghihina at pinigilan niya ang sarili niya sa pagtumba. Tinaas niya ang kamay niya at sinubukang ayusin ang korona sa ulo niya, pero aksidenteng sumabit ang buhok niya at nalaglag ang korona niya. Isang malaking bato ang nalaglag nang may kalabog. “Carmella…” Malamig siyang tinignan ni Martin. “Bakit mo ginawa to?”“Kamahalan, ako…”“Bakit mo ginawa to!?” Naubusan na ng pasensya si Martin at sinakal niya ang leeg niya! Nanlaki ang mga mata ni Carmella. Nanigas siya sa takot na mamatay at maski ang paghinga niya ay huminto. Pinigilan ni Alexander si Martin at pinayuhan siya nang may mahinang boses, “Tito, nasa korte tayo. Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos!”Dahan-dahang bumitaw si Martin, pero patuloy na nangatal ang ngipin niya at sumama ang mukha niya sa galit. Kalmadong nagsabi si Rowan, “Kamahalan, may isang dahilan lang kung bakit ginawa ng reyna ito…”Habang nagsalita si
Para bang yelo ang liwanag ng buwan habang binalot nito ng lamig ang malaking Imperial palace. Ang hamog na lumapag sa mga hakbang ng hagdan ay nagbigay ng malamig na pakiramdam. Nakatayo si Carmella sa gitna ng hall nang nakatingin sa baba ang mga mata. Matigas ang blangko niyang mukha na may determinadong kawalan ng pakialam. Tapos na ang lahat, at wala nang magbabago kahit pag-uusapan pa ito. Pinahahalagahan niya lang ay si Martin. Kung pinagdududahan, pinandidirihan, at kinamumuhian siya ni Martin, mawawalan na ng sigla ang mundo niya. Mahinang nagsalita si Carmella pagkatapos ng mahabang katahimikan. “Kamahalan, gutom ka na ba?“Naaalala ko gusto mo dati ang raspberry cake na niluluto ko. Ipagluto ba kita ngayon?”“Hindi mo na kailangang mag-abala.” Paos ang boses ni Martin habang dahan-dahan siyang tumalikod. “Hindi mo siguro alam na hindi ko gusto ang sobrang matatamis na pagkain… Ikaw lang ang nag-iisip na alam na alam mo ang lahat!”Dumilim ang mga mata ni Carmella
Nanginig ang mga mata ni Martin, pero di siya sumagot pagkatapos ng matagal na oras. Sa sandaling bumagsak si Carmella sa lapag, sandaling kumirot ang puso niya. Ngunit para itong isang patak sa tubig, kumalat nang pabilog at di nag-iwan ng bakas pagkatapos. Sa kabila nito, mag-asawa pa rin sila. Hindi siya isang walang pusong halimaw na walang nararamdaman. Sa kaawa-awang kalagayan ni Carmella, lumitaw sa isipan niya ang mga magagandang sandali kasama niya. “Kumuha muna kayo ng doktor para gamutin ang sugat ng reyna.”Nagulat si Noah pero sumunod pa rin siya at tumango. Ginamot si Carmella at huminto ang pagdudugo ng ulo niya. Pagkatapos ay dinala siya pabalik sa palasyo niya para magpahinga, ngunit bantay-sarado ito at di na siya pwedeng maglakad-lakad nang malaya. Tumingin si Noah kay Martin. Mukhang pagod ang matandang hari. Walang kinang ang mga mata niya at sa halip ay puno ng walang katapusang pagsisisi at kalungkutan. Bahagyang yumuko si Noah. “Kamahalan, kapag
Malalim na ang gabi nang tahimik ang lahat. May dumating sa west palace. Hindi nagpasama si Martin habang dahan-dahan siyang pumasok sa palasyo nang mag-isa. Pumunta siya sa tabi ng kama ni Helene at hinawakan ang tuyot na kulay chestnut na buhok niya. Ganito rin ang kulay ng buhok ni Aurelia. Huminga siya nang malalim, naramdaman niya ang kagustuhang umiyak sa likod ng lalamunan niya. Ang bilis nga ng panahon. Ang magkapatid na dating namumulot ng kabibe sa tabing dagat ay matanda na ngayon. Nagbago na ang lahat, pero nanatili ring walang pinagbago ang lahat. Mahimbing na natutulog si Helen, yakap pa rin ang maliit na unan kahit sa panaginip niya. Sinubukan itong galawin ni Martin, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak dito at di niya ito makuha. Marahan siyang ngumiti nang may mga luhang kumikinang sa mga mata niya. “Alam ko iniisip niyo pa ring dapat kong ibigay kay Aurelia ang trono, tama?”Unti-unting bumalik ang kinang sa mga mata ni Martin. May bakas na ngayon ng s