Nakatulalang nakatingin sa kanya si Aurelia na parang isang natatakot na kuneho. Pagkalipas ng isang sandali, bigla siyang nagsabi, “Manong, sa tingin ko nagkakamali ka…”"Hmm?"Lohikal na nagsalita ang kuneho. “Una, sinabi mong malapit ka sa maharlika ng Southeast Aciatic kaya hindi mahirap na kumuha ng immigration status para sa'kin… Paano kang ‘nagpakahirap’ para dalhin ako rito?”“Tapos, paano mo nasabing nagpapakahirap ako? Mag-e-enroll ako sa isang sikat na university kaya nagtatrabaho ako para makaipon at makapag-aral. Hindi yun magkasalungat!“At saka…” humina ang boses ni Aurelia. “Ikaw ang nagsabing wala kang pakialam sa'kin pagkatapos nating dumating sa Southeast Aciatic.”Tinitigan siya ni Neil nang higit sa sampung segundo. "Hah! Haha!“Bata ka!” bigla niyang sigaw. “Ang galing mo nang mag-Acian ngayon at nakikipagtalo ka na sa'kin!?”Nanliit si Aurelia at wala na siyang espasyo para umatras nang napilitan siyang sumiksik sa gilid ng mesa sa sulok ng pader. H
Napahinto si Neil at mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Sinusukat ang crotch length ng pantalon niya?Oo, sinusukatan rin siya ng mga brand designer kahit saan para sa pinakatamang sukat tuwing nagpupunta sila para sukatan siya noon para sa mga pasadyang damit. Pero mga lalaki ang mga designer na iyon! Ngayon, si Aurelia ang gumagawa nito…Bumagsak ang puso ni Neil at bigla niya siyang tinitigan nang masama. May bahagyang galit sa malalim niyang boses. “Sinusukatan mo rin ba nang ganito ang ibang customers?”"…”“Nagsusukat ka ng crotch length para sa ibang lalaki!?”Halos matanggal ang bubong sa sigaw ni Neil. Pumikit si Aurelia bago dahan-dahang buksan ang mga mata niya. Sinubukan niya ang lahat para piliting pangitiin ang mga labi niya. “Hindi…”Huminto si Neil. “Manong, di ko ginawa yun,” mahinang paliwanag ni Aurelia. “P-Pagbuburda at pananahi lang ang hawak ko ngayon. Hindi ako nagsusukat ng customer…“I-Ikaw ang una.”Para bang gumanda ang pakiramdam ni
Sa sandaling iyon, nagsuot sina Neil at Aurelia ng tradisyonal na damit pangkasal mula sa Southeast Aciatic. Nakatayo sila sa harapan ng isang salamin. Matangkad at gwapo ang lalaki habang maliit at maganda naman ang babae. Para bang ginawa para sa kanila ang mga damit. Saktong-sakto ito sa kanila. Ito ang unang beses na suotin ito ni Aurelia at napakaliwanag ng ngiti niya. Ang totoo, basta't nakatayo siya sa tabi ni Niel, magiging masaya siya. Samantala, palihim siyang tinitignan ni Neil mula sa salamin. Hindi umalis ang mga mata niya sa kanya kahit isang segundo. Nasabik si Aurelia, “Manong, maganda ba ako?”Nagpakita siya ng sinserong ngiti na nagmula sa puso niya at nagsabing, “Oo.”“Mas maganda kaysa sa pangnomad na kasuotan ko?”“Oo.”Iyon ang katotohanan. Napansin niyang bagay sa kanya ang damit mula Southeast Aciatic. Maliit siya kagaya ng mga lokal na kababaihan rito. Kung hindi sa maputi niyang mukha at kulay chestnut na buhok, iisipin talaga ng iba na nag
Tumingin si Cordelia kay Charlie. Alam niya kung anong nangyayari. Si Victoria ay tiyak na pambihira para makuha ang katayuan ng prinsesa ng mga maharlika. Hindi lang iyon, isa rin siyang tagapagmana ng trono. Kadalasan ay hindi gustong makahalubilo ni Cordelia ang mga taong may ganitong pinagmulan, pero kailangan niyang pumunta dahil inimbitahan siya ng prinsesa. “Charlie, tulungan mo kong papuntahin ang stylist dito,” utos niya. Kailangan niyang magbihis nang maayos kapag makikipagkita siya sa mga maharlika. Mayroon ring on-call na stylists ang mga Irwin. Pagkatapos ng isang sandali, dinala ng stylist ang lahat ng kailangan niya. Hindi nagtagal ay nakasuot na ng isang short-sleeved shirt at barrel skirt si Cordelia. Sa oras ng tea time, dumating si Cordelia sa Royal Garden sa tamang oras. Sopistikado at napakaganda ng lugar. Mayroon lang durog na gintong nakadikit sa tiles at pinakita sa buong paligid ang kamahalan ng maharlika. Kahit na maluho ito, hindi maiwasan
Maganda ang pagpapakintab sa mamahaling alahas at pinag-isipan ang bawat isang detalye nito. Lalong-lalo na ang sapphire ring. Malaki at perpekto ang kulay ng batong ito. Isa itong pambihirang bagay at maibebenta sa napakalaking halaga kapag ini-auction ito. Tama ang kasabihan: “Ang kapalit ng isang regalo ay ang iyong sariling kalayaan”. Kapag tinanggap ni Cordelia ang mamahaling regalo, baka makontrol siya ni Victoria sa hinaharap. “Masyado ka namang mapagbigay, Kamahalan,” sinara ni Cordelia ang kahon habang nakangiti. “Ikinararangal kong gusto mong maging kaibigan ko. Paano ko magagawang tumanggap ng regalo mula sa'yo?” “Magkaibigan tayo, kaya ano naman kung bibigyan kita ng regalo?” Tumingin si Victoria sa kanya. “Hindi naman to mahal. Tanggapin mo na!”“Marami ka nang nakitang mamahaling bagay kaya natural lang na di mo naisip na mahal ito. Para sa mga pangkaraniwang mamamayang kagaya namin, isa itong mamahaling kayamanan!”Nanigas ang ngiti ni Victoria. Alam niyang
“Kalimutan mo na lang to kung di mo alam,” sabi ni Victoria habang nakangiti. “Hindi naman sa kailangan kong malaman. Nagtatanong lang ako. Hindi mo to kailangang seryosohin.“Gabi na, at sigurado akong namimiss ka na ng anak mo.”Pagkatapos ay tumingin si Victoria sa mga gwardya. “Ihatid niyo si Ms. Irwin pauwi!”Marespetong yumuko ang mga gwardya at tumayo sa tabi ni Cordelia. Gayunpaman, may kaunting masamang pakiramdam si Cordelia. Misteryoso ang ngiti sa mukha ni Victoria. Samantala, para bang hindi siya ihahatid pauwi ng mga gwardya, sa halip ay ihahatid nila siya sa kamatayan niya… Huminga nang malalim si Cordelia at palihim na tumawa sa pagdududa niya. Yumuko siya kay Victoria at tumalikod para umalis ng hardin. Tumingin si Victoria sa kung saan nakaupo si Cordelia. Nasa mesa pa rin ang kahon ng alahas. Malamig siyang ngumiti habang sinuot niya ang sapphire na singsing sa daliri niya. Tinitigan niya ito at nagsabi sa tauhan niya nang may malalim na boses, “Sabih
Dahil nandito na ang bisita, hindi makatwiran para kina Cordelia at Zephyr na palayasin siya. Hinawakan ni Cordelia ang braso ni Zephyr habang sinundan nila si Alexander. Madalas paunlakan ng mga Irwin ang mga maharlika sa Irwin Manor, pero bihira silang mag-imbita nang ganitong oras. Mabuti na lang at mabait si Alexander. Kumuha lang sila ng isang butler dahil hindi nila kailangang ng malaking paghahanda. Pagkatapos ilatag ng butler ang merienda, pinaalis siya ni Zephyr. Tatlong tao na lang ang natira sa sala. Gustong tumawa ni Cordelia nang nakita niya ang galit niyang mukha. Palihim niyang hinawakan ang kamay niya at nagpakita sa kanya ng isang malambing at determinadong ekspresyon. Kaagad na sumigla ang mukha ni Zephyr at nagsimula na siyang ngumiti nang malumanay. Nagtitigan sila, na para bang nakalimutan nilang may kasama sila. Para bang ang isa't-isa lang ang nakikita nila. "Ahem!"Nagpanggap na umubo si Alexander para ibalik sila sa realidad. Kaagad na binitawa
Sa sumunod na segundo, nakita ni Zephyr ang mga malumanay na mata ni Alexander. “Mr. Z, ang tagal nating nag-uusap pero di mo pa rin ako nakikilala?”“Anong sinasabi mo?” Kumunot ang noo ni Zephyr. Ngumiti si Alexander at tumalikod para umalis. Nagtaka si Zephyr. Hinalughog niya ang bawat isang sulok ng alaala niya pero wala siyang nahanap na kahit na ano tungkol sa taong ito. Siguro sinusubukan niya lang maging misteryoso. Kung nahulog siya para kay Cordelia, gagawin niya ang lahat para guluhin siya at makapuslit siya. Kumalma si Zephyr at hinatid niya mismo si Alexander sa labas. Nang nakabalik siya sa sala, naroon na si Cordelia. “Kumusta ang anak natin?” tanong niya. “Pinainom ko na siya ng gatas at natutulog na siya ngayon.”“Oh,” diretso niyang sabi at mabilis na umakyat. Sumunod si Cordelia. Pinanood niya siyang huminto sa nursery at pumunta sa kwarto nila. Kasunod nito, nakita niya ang hindi makapaniwalang mga mata niya nang tumingala siya. “N-Nilagay