Sa sandaling iyon, nagsuot sina Neil at Aurelia ng tradisyonal na damit pangkasal mula sa Southeast Aciatic. Nakatayo sila sa harapan ng isang salamin. Matangkad at gwapo ang lalaki habang maliit at maganda naman ang babae. Para bang ginawa para sa kanila ang mga damit. Saktong-sakto ito sa kanila. Ito ang unang beses na suotin ito ni Aurelia at napakaliwanag ng ngiti niya. Ang totoo, basta't nakatayo siya sa tabi ni Niel, magiging masaya siya. Samantala, palihim siyang tinitignan ni Neil mula sa salamin. Hindi umalis ang mga mata niya sa kanya kahit isang segundo. Nasabik si Aurelia, “Manong, maganda ba ako?”Nagpakita siya ng sinserong ngiti na nagmula sa puso niya at nagsabing, “Oo.”“Mas maganda kaysa sa pangnomad na kasuotan ko?”“Oo.”Iyon ang katotohanan. Napansin niyang bagay sa kanya ang damit mula Southeast Aciatic. Maliit siya kagaya ng mga lokal na kababaihan rito. Kung hindi sa maputi niyang mukha at kulay chestnut na buhok, iisipin talaga ng iba na nag
Tumingin si Cordelia kay Charlie. Alam niya kung anong nangyayari. Si Victoria ay tiyak na pambihira para makuha ang katayuan ng prinsesa ng mga maharlika. Hindi lang iyon, isa rin siyang tagapagmana ng trono. Kadalasan ay hindi gustong makahalubilo ni Cordelia ang mga taong may ganitong pinagmulan, pero kailangan niyang pumunta dahil inimbitahan siya ng prinsesa. “Charlie, tulungan mo kong papuntahin ang stylist dito,” utos niya. Kailangan niyang magbihis nang maayos kapag makikipagkita siya sa mga maharlika. Mayroon ring on-call na stylists ang mga Irwin. Pagkatapos ng isang sandali, dinala ng stylist ang lahat ng kailangan niya. Hindi nagtagal ay nakasuot na ng isang short-sleeved shirt at barrel skirt si Cordelia. Sa oras ng tea time, dumating si Cordelia sa Royal Garden sa tamang oras. Sopistikado at napakaganda ng lugar. Mayroon lang durog na gintong nakadikit sa tiles at pinakita sa buong paligid ang kamahalan ng maharlika. Kahit na maluho ito, hindi maiwasan
Maganda ang pagpapakintab sa mamahaling alahas at pinag-isipan ang bawat isang detalye nito. Lalong-lalo na ang sapphire ring. Malaki at perpekto ang kulay ng batong ito. Isa itong pambihirang bagay at maibebenta sa napakalaking halaga kapag ini-auction ito. Tama ang kasabihan: “Ang kapalit ng isang regalo ay ang iyong sariling kalayaan”. Kapag tinanggap ni Cordelia ang mamahaling regalo, baka makontrol siya ni Victoria sa hinaharap. “Masyado ka namang mapagbigay, Kamahalan,” sinara ni Cordelia ang kahon habang nakangiti. “Ikinararangal kong gusto mong maging kaibigan ko. Paano ko magagawang tumanggap ng regalo mula sa'yo?” “Magkaibigan tayo, kaya ano naman kung bibigyan kita ng regalo?” Tumingin si Victoria sa kanya. “Hindi naman to mahal. Tanggapin mo na!”“Marami ka nang nakitang mamahaling bagay kaya natural lang na di mo naisip na mahal ito. Para sa mga pangkaraniwang mamamayang kagaya namin, isa itong mamahaling kayamanan!”Nanigas ang ngiti ni Victoria. Alam niyang
“Kalimutan mo na lang to kung di mo alam,” sabi ni Victoria habang nakangiti. “Hindi naman sa kailangan kong malaman. Nagtatanong lang ako. Hindi mo to kailangang seryosohin.“Gabi na, at sigurado akong namimiss ka na ng anak mo.”Pagkatapos ay tumingin si Victoria sa mga gwardya. “Ihatid niyo si Ms. Irwin pauwi!”Marespetong yumuko ang mga gwardya at tumayo sa tabi ni Cordelia. Gayunpaman, may kaunting masamang pakiramdam si Cordelia. Misteryoso ang ngiti sa mukha ni Victoria. Samantala, para bang hindi siya ihahatid pauwi ng mga gwardya, sa halip ay ihahatid nila siya sa kamatayan niya… Huminga nang malalim si Cordelia at palihim na tumawa sa pagdududa niya. Yumuko siya kay Victoria at tumalikod para umalis ng hardin. Tumingin si Victoria sa kung saan nakaupo si Cordelia. Nasa mesa pa rin ang kahon ng alahas. Malamig siyang ngumiti habang sinuot niya ang sapphire na singsing sa daliri niya. Tinitigan niya ito at nagsabi sa tauhan niya nang may malalim na boses, “Sabih
Dahil nandito na ang bisita, hindi makatwiran para kina Cordelia at Zephyr na palayasin siya. Hinawakan ni Cordelia ang braso ni Zephyr habang sinundan nila si Alexander. Madalas paunlakan ng mga Irwin ang mga maharlika sa Irwin Manor, pero bihira silang mag-imbita nang ganitong oras. Mabuti na lang at mabait si Alexander. Kumuha lang sila ng isang butler dahil hindi nila kailangang ng malaking paghahanda. Pagkatapos ilatag ng butler ang merienda, pinaalis siya ni Zephyr. Tatlong tao na lang ang natira sa sala. Gustong tumawa ni Cordelia nang nakita niya ang galit niyang mukha. Palihim niyang hinawakan ang kamay niya at nagpakita sa kanya ng isang malambing at determinadong ekspresyon. Kaagad na sumigla ang mukha ni Zephyr at nagsimula na siyang ngumiti nang malumanay. Nagtitigan sila, na para bang nakalimutan nilang may kasama sila. Para bang ang isa't-isa lang ang nakikita nila. "Ahem!"Nagpanggap na umubo si Alexander para ibalik sila sa realidad. Kaagad na binitawa
Sa sumunod na segundo, nakita ni Zephyr ang mga malumanay na mata ni Alexander. “Mr. Z, ang tagal nating nag-uusap pero di mo pa rin ako nakikilala?”“Anong sinasabi mo?” Kumunot ang noo ni Zephyr. Ngumiti si Alexander at tumalikod para umalis. Nagtaka si Zephyr. Hinalughog niya ang bawat isang sulok ng alaala niya pero wala siyang nahanap na kahit na ano tungkol sa taong ito. Siguro sinusubukan niya lang maging misteryoso. Kung nahulog siya para kay Cordelia, gagawin niya ang lahat para guluhin siya at makapuslit siya. Kumalma si Zephyr at hinatid niya mismo si Alexander sa labas. Nang nakabalik siya sa sala, naroon na si Cordelia. “Kumusta ang anak natin?” tanong niya. “Pinainom ko na siya ng gatas at natutulog na siya ngayon.”“Oh,” diretso niyang sabi at mabilis na umakyat. Sumunod si Cordelia. Pinanood niya siyang huminto sa nursery at pumunta sa kwarto nila. Kasunod nito, nakita niya ang hindi makapaniwalang mga mata niya nang tumingala siya. “N-Nilagay
Alam ni Cordelia na hindi na siya makakatakas ulit ngayon. Binaon ni Zephyr ang mukha niya sa leeg niya at huminga nang malalim habang nagsalita siya. “Darling, matulog tayo dito ngayong gabi…”“Pero mag-isa ang anak natin sa kwarto…”“Ano naman ngayon? Kailangang matutong mapag-isa ang mga lalaki sa murang edad!”“Matatakot siya kapag nagising siya!”“Kung ganun, sinasabi mo bang matutulog ka ulit kasama niya?”Tumaas ang boses niya kasabay ng kilay niya. Simula nang nag-isang buwan si Zuko, si Zephyr mismo ang nagdisenyo ng nursery. Sinabi niyang dapat matutong mapag-isa ang mga lalaki simula kabataan nila habang nasasabik niyang dinekorasyonan ang kwarto. Gayunpaman, dinadala siya ni Cordelia sa malaking kwarto nila. Para madali niya siyang mapadede, hahayaan niyang matulog ang anak niya sa tabi niya. Sa umpisa, may espasyo pa si Zephyr sa kama. Nagbasa ng ilang as articles sa internet si Cordelia at natatakot siyang umikot si Zephyr at mapatay niya ang anak nila haba
“Anong iniisip mo?” Tumingin si Cordelia kay Zephyr gamit ng mga bilugan niyang mata. “Napakasaya ng ngiti mo!”“Iniisip ko lang kung ano kayang mangyayari sa’tin kung nanatili tayo sa Jangasas imbes na lumipat tayo.”Nabigla si Cordelia. “Sa tingin ko hindi tayo magiging masaya.”“Bakit naman hindi?”“Alam kong namimiss mo ang simpleng buhay na meron tayo sa Jangasas.” Seryoso niya siyang tinignan. “Pero imposible para sa'ting manatiling simple. Kailangan nating harapin ang hirap ng buhay at drama ng mga tao. “Dahil kailangan nating harapin yun, mas gugustuhin kong gawin ito sa Centrolis o kaya rito. Kahit papaano ay masusuportahan tayo ng pamilya natin!”Bahagyang ngumiti si Zephyr. Mas naging malalim ang pag-iisip niya. “Gusto ko ang simpleng buhay natin noon,” sabi niya. “Pee gusto ko rin ang kumplikadong buhay na meron tayo ngayon.“Kahit na anong mangyari, gusto ko kapag narito ka sa buhay ko.”Sumigla ang mga mata ni Cordelia at ngumiti siya. Hinawakan ni Zephyr ang
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala