Share

Kabanata 803

Maganda ang pagpapakintab sa mamahaling alahas at pinag-isipan ang bawat isang detalye nito.

Lalong-lalo na ang sapphire ring. Malaki at perpekto ang kulay ng batong ito. Isa itong pambihirang bagay at maibebenta sa napakalaking halaga kapag ini-auction ito.

Tama ang kasabihan: “Ang kapalit ng isang regalo ay ang iyong sariling kalayaan”.

Kapag tinanggap ni Cordelia ang mamahaling regalo, baka makontrol siya ni Victoria sa hinaharap.

“Masyado ka namang mapagbigay, Kamahalan,” sinara ni Cordelia ang kahon habang nakangiti. “Ikinararangal kong gusto mong maging kaibigan ko. Paano ko magagawang tumanggap ng regalo mula sa'yo?”

“Magkaibigan tayo, kaya ano naman kung bibigyan kita ng regalo?” Tumingin si Victoria sa kanya. “Hindi naman to mahal. Tanggapin mo na!”

“Marami ka nang nakitang mamahaling bagay kaya natural lang na di mo naisip na mahal ito. Para sa mga pangkaraniwang mamamayang kagaya namin, isa itong mamahaling kayamanan!”

Nanigas ang ngiti ni Victoria.

Alam niyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status