Tumango si Cordelia. Maraming grupo sa Southeast Aciatic royal family ang kumplikado at magkakaugnay. Ang lebel ng pagsasabwatan at intriga ay hindi mas mababa kaysa sa four major families ng Centrolis—baka nga mas malala pa ito. Lalo na't hindi lang sila naglalaban para sa karangyaan at assets. Mas mahalaga ang trono. Ang kung sinomang may military rights ay may mas mataas na tyansang manalo. Ito ang dahilan kung bakit ang mga Harris ang pinakapinag-aagawan. Hindi nagmamadali si Noah na magpasya sa kasal ni Neil. Baka naghihintay din siya at nag-iisip kung aking grupo ang may potensyal. “Sina Victoria at Alexander ang pinakaumaasa,” sabi ni Rowan sa kanila. “Hindi niyo maiiwasang hindi makipaghalubilo sa mga maharlika. Tandaan niyong wag masyadong magpapansin at tratuhin ang lahat nang patas. Wag kayong magpapakita na nakapili na kayo ng panig, naiintindihan niyo?’“Mm, wag kang mag-alala!”Hinawakan ni Rowan ang mga kamay nila. “Cordelia, Zephyr, kailangan kayo ng Irwin P
Maraming patahiang kagaya nito at mga mahuhusay na mangbuburda sa Southeast Aciatic. Nang sumubok si Aurelia, pinaulanan siya ng papuri ng may-ari kaya inaasahan lang na mananatili si Aurelia rito. Iyon nga lang ay mas mababa ang bayad sa kanya kumpara sa iba dahil mayroon lang siyang temporary residence permit at wala siyang opisyal na katayuan. Ayos lang ito kay Aurelia. Hindi pa siya nabuhay nang ganito kabukas sa gitna ng araw. Noon sa Melorian, madalas niyang sinasabing isa lang siyang daga sa kanal. Sa panahong iyon, hindi man lang siya magtatangkang mag-isip na magkakaroon siya ng maayos na trabaho balang araw—na pwede siyang kumita para sa sarili niya sa pamamagitan ng pagtatrabaho at pagsahod. Nagpapasalamat siya sa pagkakataong ito na mahirap makasalubong at mas nagsikap siya kumpara sa iba. Ang plano niya ay makaipon ng sapat na pera at ibalik kay Cordelia ang rentang binayaran niya para sa kanya, pagkatapos ay magpatuloy na makaipon para sa pag-aaral sa unibersidad.
Napatalon ang puso ni Aurelia at nanigas ang likod niya. Ilang beses na niyang gustong lumingon, pero para bang may pumipigil sa kanya sa pwesto niya at wala siyang nagawa kundi pakinggang lumapit ang mga mabibigat na yabag nang dahan-dahan. Para bang nabalot ng mabigat na ere ang maliit na patahian. Marami nang nakitang ibat-ibang klase ng tao ang may-ari. Sa sandaling nakita niya si Neil suot ang kanyang oversized sunglasses, alam na niyang hindi siya dapat galitin, kaya mabilis siyang lumapit at nakangiting nagtanong, “Sir, nandito ka ba para magtingin ng damit?”Medyo pinagsisihan niya ito sa sandaling nagsalita siya. Napakaelegante ng pananamit ng lalaki. Malinaw na nagmula siya sa isang mayamang pamilya. May mga taong kusang pumupunta sa pintuan niya para lang sukatan siya at gawan siya ng damit kaya paanong mangyayaring bumisita siya sa tindahan niya para mamili?Dagdag pa rito, para bang si Aurelia ang habol ng lalaking ito simula nang humakbang siya sa loob… kahit na n
Nakatulalang nakatingin sa kanya si Aurelia na parang isang natatakot na kuneho. Pagkalipas ng isang sandali, bigla siyang nagsabi, “Manong, sa tingin ko nagkakamali ka…”"Hmm?"Lohikal na nagsalita ang kuneho. “Una, sinabi mong malapit ka sa maharlika ng Southeast Aciatic kaya hindi mahirap na kumuha ng immigration status para sa'kin… Paano kang ‘nagpakahirap’ para dalhin ako rito?”“Tapos, paano mo nasabing nagpapakahirap ako? Mag-e-enroll ako sa isang sikat na university kaya nagtatrabaho ako para makaipon at makapag-aral. Hindi yun magkasalungat!“At saka…” humina ang boses ni Aurelia. “Ikaw ang nagsabing wala kang pakialam sa'kin pagkatapos nating dumating sa Southeast Aciatic.”Tinitigan siya ni Neil nang higit sa sampung segundo. "Hah! Haha!“Bata ka!” bigla niyang sigaw. “Ang galing mo nang mag-Acian ngayon at nakikipagtalo ka na sa'kin!?”Nanliit si Aurelia at wala na siyang espasyo para umatras nang napilitan siyang sumiksik sa gilid ng mesa sa sulok ng pader. H
Napahinto si Neil at mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Sinusukat ang crotch length ng pantalon niya?Oo, sinusukatan rin siya ng mga brand designer kahit saan para sa pinakatamang sukat tuwing nagpupunta sila para sukatan siya noon para sa mga pasadyang damit. Pero mga lalaki ang mga designer na iyon! Ngayon, si Aurelia ang gumagawa nito…Bumagsak ang puso ni Neil at bigla niya siyang tinitigan nang masama. May bahagyang galit sa malalim niyang boses. “Sinusukatan mo rin ba nang ganito ang ibang customers?”"…”“Nagsusukat ka ng crotch length para sa ibang lalaki!?”Halos matanggal ang bubong sa sigaw ni Neil. Pumikit si Aurelia bago dahan-dahang buksan ang mga mata niya. Sinubukan niya ang lahat para piliting pangitiin ang mga labi niya. “Hindi…”Huminto si Neil. “Manong, di ko ginawa yun,” mahinang paliwanag ni Aurelia. “P-Pagbuburda at pananahi lang ang hawak ko ngayon. Hindi ako nagsusukat ng customer…“I-Ikaw ang una.”Para bang gumanda ang pakiramdam ni
Sa sandaling iyon, nagsuot sina Neil at Aurelia ng tradisyonal na damit pangkasal mula sa Southeast Aciatic. Nakatayo sila sa harapan ng isang salamin. Matangkad at gwapo ang lalaki habang maliit at maganda naman ang babae. Para bang ginawa para sa kanila ang mga damit. Saktong-sakto ito sa kanila. Ito ang unang beses na suotin ito ni Aurelia at napakaliwanag ng ngiti niya. Ang totoo, basta't nakatayo siya sa tabi ni Niel, magiging masaya siya. Samantala, palihim siyang tinitignan ni Neil mula sa salamin. Hindi umalis ang mga mata niya sa kanya kahit isang segundo. Nasabik si Aurelia, “Manong, maganda ba ako?”Nagpakita siya ng sinserong ngiti na nagmula sa puso niya at nagsabing, “Oo.”“Mas maganda kaysa sa pangnomad na kasuotan ko?”“Oo.”Iyon ang katotohanan. Napansin niyang bagay sa kanya ang damit mula Southeast Aciatic. Maliit siya kagaya ng mga lokal na kababaihan rito. Kung hindi sa maputi niyang mukha at kulay chestnut na buhok, iisipin talaga ng iba na nag
Tumingin si Cordelia kay Charlie. Alam niya kung anong nangyayari. Si Victoria ay tiyak na pambihira para makuha ang katayuan ng prinsesa ng mga maharlika. Hindi lang iyon, isa rin siyang tagapagmana ng trono. Kadalasan ay hindi gustong makahalubilo ni Cordelia ang mga taong may ganitong pinagmulan, pero kailangan niyang pumunta dahil inimbitahan siya ng prinsesa. “Charlie, tulungan mo kong papuntahin ang stylist dito,” utos niya. Kailangan niyang magbihis nang maayos kapag makikipagkita siya sa mga maharlika. Mayroon ring on-call na stylists ang mga Irwin. Pagkatapos ng isang sandali, dinala ng stylist ang lahat ng kailangan niya. Hindi nagtagal ay nakasuot na ng isang short-sleeved shirt at barrel skirt si Cordelia. Sa oras ng tea time, dumating si Cordelia sa Royal Garden sa tamang oras. Sopistikado at napakaganda ng lugar. Mayroon lang durog na gintong nakadikit sa tiles at pinakita sa buong paligid ang kamahalan ng maharlika. Kahit na maluho ito, hindi maiwasan
Maganda ang pagpapakintab sa mamahaling alahas at pinag-isipan ang bawat isang detalye nito. Lalong-lalo na ang sapphire ring. Malaki at perpekto ang kulay ng batong ito. Isa itong pambihirang bagay at maibebenta sa napakalaking halaga kapag ini-auction ito. Tama ang kasabihan: “Ang kapalit ng isang regalo ay ang iyong sariling kalayaan”. Kapag tinanggap ni Cordelia ang mamahaling regalo, baka makontrol siya ni Victoria sa hinaharap. “Masyado ka namang mapagbigay, Kamahalan,” sinara ni Cordelia ang kahon habang nakangiti. “Ikinararangal kong gusto mong maging kaibigan ko. Paano ko magagawang tumanggap ng regalo mula sa'yo?” “Magkaibigan tayo, kaya ano naman kung bibigyan kita ng regalo?” Tumingin si Victoria sa kanya. “Hindi naman to mahal. Tanggapin mo na!”“Marami ka nang nakitang mamahaling bagay kaya natural lang na di mo naisip na mahal ito. Para sa mga pangkaraniwang mamamayang kagaya namin, isa itong mamahaling kayamanan!”Nanigas ang ngiti ni Victoria. Alam niyang