"Hoy, bakit nakatayo ka lang diyan?"Lumingon si Hannah at malamig na tumingin kay Aurelia. "Bago ka lang dito? Hindi ka ba marunong mag-serve ng tsaa at meryenda?"Pinakalma ni Aurelia ang tumitibok na puso at tumalikod para pumunta sa kusina para doon. Sinadya niyang ibinaba ang ulo para hindi siya makita ni Hannah.Iginala ni Hannah ang kanyang mga mata kay Aurelia ngunit nakaramdam siya ng kakaiba sa mahabang buhok ng huli na kulay chestnut nang lumingon siya.Natigilan si Hannah ngunit nagpatuloy at nabangga si Cordelia, na kalalabas lang."Oh, Cordelia!"Tumango si Cordelia bilang pagbati at ngumiti ng perfunctorily."Anong dinadala mo rito, Tita Hannah?""Tignan mo! Hindi ba ako makakadalaw kung walang pasok?"Napangiwi si Cordelia. Ano ang sinabi ng mga tao? Ang isa ay palaging kumakapit ng pabor sa mga nakatagong intensyon."Cordelia, I see you're getting better now. Walking and stuff are not too convenient now, huh?" Gusto ni Hannah na umakyat at hawakan ang braso n
Nawala ang kinang sa mga bilugang mata ni Aurelia at nagkaroon ito ng bakas ng takot. “Cordelia… ang babaeng yun, m-mukhang kilala ko siya!”…Medyo makulimlim at maulan ang panahon sa Melorian sa buwan ng Hunyo. Magtatag-init na, pero nanatiling mababa ang temperatura lalo na sa gabi. Kumuha si Zephyr ng cardigan para ilagay sa mga balikat ni Cordelia na nasa balkonahe at niyakap niya siya mula sa likuran. “Anong iniisip mo?”Nilipat ni Cordelia ang titig niya para tignan si Zephyr. “Zephyr, sa tingin mo totoo yung… sinabi ni Aurelia?”Dumilim ang titig ni Zephyr. Sinabi ni Cordelia ang lahat ng tungkol sa pagbisita ni Hannah at ang karanasan ni Aurelia sa pagdukot sa kanya nitong nakaraang araw. “Nakapiring siya nun pero malinaw niyang narinig ang mga boses. Nagsalita ng Acian si Hannah kaya nag-iwan ito ng malaking impresyon sa kanya.”Malagim din ang ekspresyon ni Zephyr habang hinigpitan niya ang mga kamao niya. Kung ganun talaga ang sitwasyon, kinarelasyon ni Han
Sa sumunod na araw, muntik nang bumagsak ang panga ni Neil sa gulat nang nakita niya si Aurelia sa pintuan. “Mr. Harris.” Maginoong yumuko ang butler na taga-Chaiseland. “Utos ni Mr. Hamerton na mananatili si Aurelia rito mula ngayon!” Natagalan si Neil na maproseso ito. Bago siya nagising kanilang umaga, nakatanggap siya ng tawag mula kay Cordelia at inaantok na nakinig sa kanyang magsalita—sinabi niyang hindi na daw ligtas para kay Aurelia na manatili sa tabi niya, tapos mayroon silang malaking bagay na kailangang gawin at kailangan nilang protektahan si Aurelia…Inisip niya ay nananaginip siya. Iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag nang binanggit ni Cordelia na ipapadala niya si Aurelia sa kanya. Hindi niya inasahan na…“Hoy, teka!” Hindi nagawang pigilan ni Neil ang butler, sa halip ay muntik na niyang mabunggo si Aurelia. Tahimik na nakatayo roon si Aurelia kasama ng bagahe niya at tumingin si Neil sa kanya. Kahit na kumunot ang noo niya sa inis, kusang kumilos ang
“Hmm… hindi!” Seryoso at prangkang sumagot si Aurelia, “Manong, isang magandang bagay ang kwintas!”“Ano, ibig mo bang sabihin hindi ako maganda?” Nainis si Neil. Medyo hindi nababagay sa kanya ang salitang “maganda”, pero isa siyang gwapong lalaking kinikilala sa showbiz at hindi nagmula sa wala ang titulo niya bilang first love ng bansa. “Hindi, hindi!” Nagmadaling nagsabi si Aurelia. “Ano palang ibig mong sabihin? Di ba sabi mo maganda ang mga kwintas?”“Hindi sa hindi ka maganda.” Ngumiti si Aurelia. “Pero hindi ka ‘bagay’!” "Aurelia!"Ang lakas ng loob niya!…Nasa paghahanda na ang bagong pelikula, pero hindi natutuwa si Trinity. Nang nakita siya ni Cordelia sa cafe nang maiitim ang paligid ng mga mata niya at may nanlulumong titig, sobra siyang naawa sa kanya. “Cordelia, palitan mo siya!” Napapagod na si Trinity. “Ano bang klaseng halimaw si Ava Baker? Hindi lang sa hindi niya madiretso ang mga linya niya. Iisa lang ang itsura niya sa kahit na anong emosyon! Hindi
“Ikaw…” Hinimas ni Zephyr ang tiyan ni Cordelia at ngumiti. “Pagtuunan mo na lang ng pansin ang panganganak at ang sarili mo!”“Mm.” Ngumiti si Cordelia. “Sana matapos na ang lahat ng nakakainis na bagay na'to sa oras na ipanganak na siya.”“Oo naman. Honey, wag kang magsasabi ng kahit ano at wag mong ipapaalam to kay Trinity para itago ito pansamantala. Wag kayong mag-aaway ni Ava!”“Alam ko!” May naisip si Cordelia at nagdagdag, “Darling, kailangan mong tignan ang account na ginagamit ni Hannah sa lalaking yun. Ito ang pinakamahalagang piraso ng ebidensya laban sa kanya!”Malumanay ang titig ni Zephyr habang hinalikan niya siya sa noo. “Sige, mahal kong darling!”…Nanginginig ang kanang mata ni Hannah nitong mga nakaraang araw at kinakabahan siya. Tinanong niya si Ava, “Ava, ano bang ibig sabihin kapag nanginginig ang mata mo? Anong pinagkaiba ng ibig sabihin sa kaliwa at sa kanan?”Aligaga si Ava sa facial mask niya at wala siyang oras para kausapin siya. Uminit ang ulo ni
Hindi ginamit ni Hannah ang kotse niya. Naglakad siya nang ilang distansya papunta sa tahimik na lugar malayo sa malaking kalsada at tumawag ng taxi. Nanatili siyang kinakabahan sa daan at gumanda lang ang pakiramdam niya nang nasa teritoryo na siya ni Chuck. Huminto ang taxi sa junction, hindi direkta sa bahay ni Chuck. Isa itong tahimik na kasunduan nilang dalawa matagal na. Naglakad pa siya para hindi siya masundan pagkatapos bumaba ng taxi. Ngunit ngayon, pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya mula sa likod nang lumiko siya sa tahimik na eskinita. Nanginig si Hannah at tumakbo nang nakayuko, pero nanatili ang pakiramdam sa kanya. Lumingon siya, pero walang nasa likuran niya. Pero nang nagpatuloy siya, maliwanag na narinig sa eskinita ang mga yabag sa likuran niya. Huminto siya, kumurap, at pumasok sa isa pang eskinita. Pagkatapos, mabilis siyang pumasok sa apartment ni Chuck. Pagkatapos tiyaking walang nakasunod sa kanya, binuksan niya ang pinto gamit n
Nagulat sila. Palagi namang maganda ang resulta tuwing nagpupunta siya para magpa-check-up. Hindi pa siya pribadong kinausap ng doktor. Bakit…Kinakabahang pinisil ni Cordelia ang kamay ni Zephyr. “Hubby, may nangyari ba?”“Wala, tiyak yan wala!” Ang totoo, kinakabahan rin siya. Kahit na palagi niyang inaasar ang anak niya, anak niya pa rin siya. Isang buhay na ginawa niya. Sinubukan niyang palakasin ang loob niya at nginitian si Cordelia. Hinawakan niya ang kamay niya at dinala siya sa opisina ng doktor. Ang exclusive doctor niya ay isang mabait na lokal na babae. Isa siyang eksperto sa obstetrics at gynecology. Bihasa siya sa larangan niya. Nagpakita siya ng mabait na ngiti habang pinanood niya silang pumasok. “Heto ang report mo.”Kinakabahan itong tinignan ni Cordelia. Pinapakita sa report na maayos naman ang lahat. Kaya bakit pinatawag sila rito ng doktor?Tumingin ang doktor kay Zephyr nang may misteryosong ekspresyon. “Wag kang mag-alala. Ayos lang kayo n
Nang magsasalita sana si Zephyr, biglang may dumaan. Napansin rin ito ni Cordelia at tumingin sa kung saan siya nakatingin. “Di ba si Aunt Hannah yun?”Niyakap niya si Cordelia. Mag-isang dumating si Hannah, at malihim ang paraan ng paglalakad niya. Sa direksyon na pinuntahan niya, pumunta siguro siya sa obstetrics and gynecology department. “Bakit nandito rin siya?” Kumunot ang noo ni Cordelia. “Sinundan niya ba tayo?”Tinawag ni Zephyr ang mga bodyguard para protektahan sila sa daan papunta sa car park. Kahit na sinusundan pa niya sila o hindi, kahit na masama ang intensyon niya, wala siyang laban sa kanila!Nagsalita si Zephyr nang may malalim na boses, “Cordelia, sasabihan ko ang butler at housekeeper na bantayan ang pagkain ko. Hinding-hindi ka pwedeng kumain ng kahit na anong pinadala ng tito at tita ko!”“Hmm, sige.” Tumango si Cordelia. Ngumisi siya. “Kaya dapat kitang protektahan.”“Oh… Ano pa?”“At kailangan kong matulog sa tabi mo para maprotektahan kita!”