Sa sumunod na araw, muntik nang bumagsak ang panga ni Neil sa gulat nang nakita niya si Aurelia sa pintuan. “Mr. Harris.” Maginoong yumuko ang butler na taga-Chaiseland. “Utos ni Mr. Hamerton na mananatili si Aurelia rito mula ngayon!” Natagalan si Neil na maproseso ito. Bago siya nagising kanilang umaga, nakatanggap siya ng tawag mula kay Cordelia at inaantok na nakinig sa kanyang magsalita—sinabi niyang hindi na daw ligtas para kay Aurelia na manatili sa tabi niya, tapos mayroon silang malaking bagay na kailangang gawin at kailangan nilang protektahan si Aurelia…Inisip niya ay nananaginip siya. Iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag nang binanggit ni Cordelia na ipapadala niya si Aurelia sa kanya. Hindi niya inasahan na…“Hoy, teka!” Hindi nagawang pigilan ni Neil ang butler, sa halip ay muntik na niyang mabunggo si Aurelia. Tahimik na nakatayo roon si Aurelia kasama ng bagahe niya at tumingin si Neil sa kanya. Kahit na kumunot ang noo niya sa inis, kusang kumilos ang
“Hmm… hindi!” Seryoso at prangkang sumagot si Aurelia, “Manong, isang magandang bagay ang kwintas!”“Ano, ibig mo bang sabihin hindi ako maganda?” Nainis si Neil. Medyo hindi nababagay sa kanya ang salitang “maganda”, pero isa siyang gwapong lalaking kinikilala sa showbiz at hindi nagmula sa wala ang titulo niya bilang first love ng bansa. “Hindi, hindi!” Nagmadaling nagsabi si Aurelia. “Ano palang ibig mong sabihin? Di ba sabi mo maganda ang mga kwintas?”“Hindi sa hindi ka maganda.” Ngumiti si Aurelia. “Pero hindi ka ‘bagay’!” "Aurelia!"Ang lakas ng loob niya!…Nasa paghahanda na ang bagong pelikula, pero hindi natutuwa si Trinity. Nang nakita siya ni Cordelia sa cafe nang maiitim ang paligid ng mga mata niya at may nanlulumong titig, sobra siyang naawa sa kanya. “Cordelia, palitan mo siya!” Napapagod na si Trinity. “Ano bang klaseng halimaw si Ava Baker? Hindi lang sa hindi niya madiretso ang mga linya niya. Iisa lang ang itsura niya sa kahit na anong emosyon! Hindi
“Ikaw…” Hinimas ni Zephyr ang tiyan ni Cordelia at ngumiti. “Pagtuunan mo na lang ng pansin ang panganganak at ang sarili mo!”“Mm.” Ngumiti si Cordelia. “Sana matapos na ang lahat ng nakakainis na bagay na'to sa oras na ipanganak na siya.”“Oo naman. Honey, wag kang magsasabi ng kahit ano at wag mong ipapaalam to kay Trinity para itago ito pansamantala. Wag kayong mag-aaway ni Ava!”“Alam ko!” May naisip si Cordelia at nagdagdag, “Darling, kailangan mong tignan ang account na ginagamit ni Hannah sa lalaking yun. Ito ang pinakamahalagang piraso ng ebidensya laban sa kanya!”Malumanay ang titig ni Zephyr habang hinalikan niya siya sa noo. “Sige, mahal kong darling!”…Nanginginig ang kanang mata ni Hannah nitong mga nakaraang araw at kinakabahan siya. Tinanong niya si Ava, “Ava, ano bang ibig sabihin kapag nanginginig ang mata mo? Anong pinagkaiba ng ibig sabihin sa kaliwa at sa kanan?”Aligaga si Ava sa facial mask niya at wala siyang oras para kausapin siya. Uminit ang ulo ni
Hindi ginamit ni Hannah ang kotse niya. Naglakad siya nang ilang distansya papunta sa tahimik na lugar malayo sa malaking kalsada at tumawag ng taxi. Nanatili siyang kinakabahan sa daan at gumanda lang ang pakiramdam niya nang nasa teritoryo na siya ni Chuck. Huminto ang taxi sa junction, hindi direkta sa bahay ni Chuck. Isa itong tahimik na kasunduan nilang dalawa matagal na. Naglakad pa siya para hindi siya masundan pagkatapos bumaba ng taxi. Ngunit ngayon, pakiramdam niya ay may mga matang nakatingin sa kanya mula sa likod nang lumiko siya sa tahimik na eskinita. Nanginig si Hannah at tumakbo nang nakayuko, pero nanatili ang pakiramdam sa kanya. Lumingon siya, pero walang nasa likuran niya. Pero nang nagpatuloy siya, maliwanag na narinig sa eskinita ang mga yabag sa likuran niya. Huminto siya, kumurap, at pumasok sa isa pang eskinita. Pagkatapos, mabilis siyang pumasok sa apartment ni Chuck. Pagkatapos tiyaking walang nakasunod sa kanya, binuksan niya ang pinto gamit n
Nagulat sila. Palagi namang maganda ang resulta tuwing nagpupunta siya para magpa-check-up. Hindi pa siya pribadong kinausap ng doktor. Bakit…Kinakabahang pinisil ni Cordelia ang kamay ni Zephyr. “Hubby, may nangyari ba?”“Wala, tiyak yan wala!” Ang totoo, kinakabahan rin siya. Kahit na palagi niyang inaasar ang anak niya, anak niya pa rin siya. Isang buhay na ginawa niya. Sinubukan niyang palakasin ang loob niya at nginitian si Cordelia. Hinawakan niya ang kamay niya at dinala siya sa opisina ng doktor. Ang exclusive doctor niya ay isang mabait na lokal na babae. Isa siyang eksperto sa obstetrics at gynecology. Bihasa siya sa larangan niya. Nagpakita siya ng mabait na ngiti habang pinanood niya silang pumasok. “Heto ang report mo.”Kinakabahan itong tinignan ni Cordelia. Pinapakita sa report na maayos naman ang lahat. Kaya bakit pinatawag sila rito ng doktor?Tumingin ang doktor kay Zephyr nang may misteryosong ekspresyon. “Wag kang mag-alala. Ayos lang kayo n
Nang magsasalita sana si Zephyr, biglang may dumaan. Napansin rin ito ni Cordelia at tumingin sa kung saan siya nakatingin. “Di ba si Aunt Hannah yun?”Niyakap niya si Cordelia. Mag-isang dumating si Hannah, at malihim ang paraan ng paglalakad niya. Sa direksyon na pinuntahan niya, pumunta siguro siya sa obstetrics and gynecology department. “Bakit nandito rin siya?” Kumunot ang noo ni Cordelia. “Sinundan niya ba tayo?”Tinawag ni Zephyr ang mga bodyguard para protektahan sila sa daan papunta sa car park. Kahit na sinusundan pa niya sila o hindi, kahit na masama ang intensyon niya, wala siyang laban sa kanila!Nagsalita si Zephyr nang may malalim na boses, “Cordelia, sasabihan ko ang butler at housekeeper na bantayan ang pagkain ko. Hinding-hindi ka pwedeng kumain ng kahit na anong pinadala ng tito at tita ko!”“Hmm, sige.” Tumango si Cordelia. Ngumisi siya. “Kaya dapat kitang protektahan.”“Oh… Ano pa?”“At kailangan kong matulog sa tabi mo para maprotektahan kita!”
Nakilala ni Aurelia si Fredric. Ang gwapo niya sa suit niya, lalo na sa salamin niyang may gintong frame at eleganteng pag-uugali niya na may kaseryosohan sa pagitan ng kilay niya. Mahirap para sa mga babae na hindi mahulog sa kanya. Yumuko siya at ngumiti. Hindi na siya ang mahina at sugatang lalaking dinampot niya mula sa kalye noon. Magaling na siya ngayon at nakabalik na sa buhay ng kadakilaan.Mayroon pa siyang maganda at talentadong kasintahan kasama niya. Samantala, totoo ang ngiti ni Trinity mula sa puso niya. Masaya si Aurelia para sa kanya. Naisip niyang perpekto sila para sa isa't-isa. Gayunpaman, nang tumingin siya ulit kay Neil…Nawala ang ngiti niya. Pinigilan niya ang paghinga niya at hindi siya nagtangkang magsalita. Hindi pa niya nakita ang lalaking ito na maging sobrang seryoso pagkatapos niya siyang makasama. Maingat na nagtanong si Aurelia nang pasubok, “Manong… Hehe, bakit mo ko dinala rito? Gagawin mo ba akong artista?”Nang natauhan si Neil, doon n
“Anong nangyari sa'yo?” Tinitigan ni Trinity si Neil sa pagtatala. “Di ba mahilig kang mag-promote ng mga baguhan?”Sinara ni Neil ang mga labi niya at walang sinabi. Si Trinity na mismo ang nagsabi na madalas niyang gawin iyon! Tama siya. Kung nasa Centrolis sila, handa siyang ipromote ang mga junior niya at bigyan ng pagkakataon ang mga baguhan. Gayunpaman, naiiba si Aurelia!Alam niya na kapag nakilala si Aurelia, madali lang para sa kanyang sumikat sa talento at itsura niya. Gayunpaman, may kapalit ang kasikatan, lalo na sa entertainment industry. Hindi siya nagmula sa isang prestihiyosong pamilya. Kahit na ganun, hindi niya mapipigilan ang mga tao na magbanta laban sa kanya. Ang pinakamahalaga pa roon, sa sandaling sumikat ang isang aktres, hindi niya mapipigilan ang mga tsismis…Nang naisip ni Neil na baka magkaroon ng tsismis tungkol sa kanya at sa iba pang mga aktor…Malamig ang mukha ni Neil at nanatili siyang tahimik. Hinigpitan niya ang kamao niya. Saan ba
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala