Nakilala ni Aurelia si Fredric. Ang gwapo niya sa suit niya, lalo na sa salamin niyang may gintong frame at eleganteng pag-uugali niya na may kaseryosohan sa pagitan ng kilay niya. Mahirap para sa mga babae na hindi mahulog sa kanya. Yumuko siya at ngumiti. Hindi na siya ang mahina at sugatang lalaking dinampot niya mula sa kalye noon. Magaling na siya ngayon at nakabalik na sa buhay ng kadakilaan.Mayroon pa siyang maganda at talentadong kasintahan kasama niya. Samantala, totoo ang ngiti ni Trinity mula sa puso niya. Masaya si Aurelia para sa kanya. Naisip niyang perpekto sila para sa isa't-isa. Gayunpaman, nang tumingin siya ulit kay Neil…Nawala ang ngiti niya. Pinigilan niya ang paghinga niya at hindi siya nagtangkang magsalita. Hindi pa niya nakita ang lalaking ito na maging sobrang seryoso pagkatapos niya siyang makasama. Maingat na nagtanong si Aurelia nang pasubok, “Manong… Hehe, bakit mo ko dinala rito? Gagawin mo ba akong artista?”Nang natauhan si Neil, doon n
“Anong nangyari sa'yo?” Tinitigan ni Trinity si Neil sa pagtatala. “Di ba mahilig kang mag-promote ng mga baguhan?”Sinara ni Neil ang mga labi niya at walang sinabi. Si Trinity na mismo ang nagsabi na madalas niyang gawin iyon! Tama siya. Kung nasa Centrolis sila, handa siyang ipromote ang mga junior niya at bigyan ng pagkakataon ang mga baguhan. Gayunpaman, naiiba si Aurelia!Alam niya na kapag nakilala si Aurelia, madali lang para sa kanyang sumikat sa talento at itsura niya. Gayunpaman, may kapalit ang kasikatan, lalo na sa entertainment industry. Hindi siya nagmula sa isang prestihiyosong pamilya. Kahit na ganun, hindi niya mapipigilan ang mga tao na magbanta laban sa kanya. Ang pinakamahalaga pa roon, sa sandaling sumikat ang isang aktres, hindi niya mapipigilan ang mga tsismis…Nang naisip ni Neil na baka magkaroon ng tsismis tungkol sa kanya at sa iba pang mga aktor…Malamig ang mukha ni Neil at nanatili siyang tahimik. Hinigpitan niya ang kamao niya. Saan ba
“Nagkakamali ka.” Malamig siyang tinignan ni Neil. “Hindi ko balak na sumali sa pelikulang ito sa ngayon.”“‘Sa ngayon’ lang, tama?” nakangiting sabi ni Ava. “Kukuha ako ng tao para tawagan ang agent mo! Baka gustuhin mong sumali sa pelikula kapag nakita mo ang sahod!”Ang sama ng itsura ni Neil. Narinig niya mula kay Cordelia na may nakakainis na pinsan si Zephyr. Pinayuhan niya siyang maging mabuti sa miyembro ng pamilya niya dahil ikinasal siya sa pamilya. Sinabihan niya rin siyang huwag kumilos kagaya ng prinsesa ng mga Irwin sa Southeast Aciatic. Gustong-gusto niyang bawiin ang mga sinabi niya ngayon din!Hindi lang nakakairita si Ava, bilib na bilib din siya sa sarili niya. Kaya pala nanatili siyang hindi sikat kahit na maraming taon na siyang nasa mga Baker!Mukhang hangang-hanga si Ava sa sarili niya, “Mr. Harris, ikaw ang pinsan ng cousin-in-law ko, di ba? Ha, pinsan ko si Zephyr. Maituturing rin tayong magkapamilya!”Walang ekspresyon si Neil sa mukha niya nang mal
Nang nag-iisip nang mag-isa si Zephyr, biglang umalingawngaw ang isang boses na parang kulog. “Walang kwentang anak ka!”"Mom?"“Anong ginagawa mo? Bakit di mo hinahawakan si Cordelia!?” Mabilis na tumakbo si Janine at tinulak siya palayo. Hinawakan niya ang braso ni Cordelia habang pinapagalitan ang anak niya. “Malapit na siyang manganak at kailangan niyang maging sobrang ingat kapag naglalakad siya! Pinapahabol mo sa likuran mo ang asawa mo habang naglalakad ka sa harapan na parang boss? Wala kang kwenta!”Walang nasabi si Zephyr. Anong pakiramdam na maging madrasta mo ang sarili mong ina? Ano ang pakiramdam ng mawala sa'yo ang posisyon ng paboritong anak? Sundan ang live stream ni Mr. Z. Detalyado naming ipapaliwanag sa'yo to! “Cordelia, tignan mo ang nilalakaran mo… Hehe. Hindi ba malinis na ang courtyard ngayon? Pinalinis ko to sa mga tao kahapon. Wala nang kahit isang bato rito!“Tama, kaliwang paa muna… Ingat ka sa hakbang mo!“Ang galing mo, Cordelia!”Naiinis si
Direktang kinuha ni Hannah ang mangkok sa mesa nang sinabi niya iyon. Nang kakainin na niya ang dessert, narinig niya si Cordelia na magsalita nang nakatawa, “Hindi sa hindi ko kayang hayaan kang kainin yan, pero hindi mo dapat to kainin nang buntis ka.”Nanigas si Hannah habang hawak niya ang kutsara. “Nagmula to sa Southeast Aciatic. Maraming mamahaling herbs dito. Pero hindi ito pwede para sa mga buntis. Baka malaglag ang anak mo kapag kinain mo to.”Suminghal si Janine, “Sister-in-law, pinadala ito ng mga magulang ni Cordelia para sa ama ko. Talagang gustong-gusto mong angkinin ito.”Natulala si Hannah. Binaba niya ang kutsara at tinulak ang dessert papalayo. Naubusan na ng pasensya si Franklin na manatili roon. Tumayo siya gamit ng tungkod niya at bumalik sa loob ng bahay. “Eh? Anong problema, papa!?” Walang kaalam-alam na tanong ni Noah. “Ate, galit ba si papa?”Inirapan siya ni Janine. “Ayos lang, wifey!” Tumingin si Noah kay Hannah at nakangiting nagsalita. “Sasab
“Paano kung naisip niya ang tungkol doon?”“Hmm… Pinapatunayan nitong gusto niya ang batang ito para sa ibang bagay!” sagot ni Cordelia. “Unang-una, hindi na siya bata. Dapat siguro di na siya nag-aanak sa kondisyon niya. Pangalawa, naalala mo ba ang sinabi niya sa'tin?”Naalala ni Zephyr na sa meeting ng Baker Group, dumalo si Hannah bilang representative ng Prestige Agency. Masama ang loob niya sa meeting. Sinabi niyang may ilang taong nakasunod sa kanya. Naiinis siya. Syempre, ang mga tao ni Zephyr ang sinasabi niya. May napagtanto si Zephyr. “Ibig sabihin, pagbibintangan niya tayo kapag may nangyari sa anak niya!”Seryosong tumango si Cordelia. Kung talagang ipapanganak ni Hannah ang bata, masyadong mapanganib ito. Lalo na't may dugo ni Chuck ang bata. Mamamatay siya kapag nabisto iyon. Higit pa roon, hindi na siya bata. Mas mataas ang tyansa niyang magkakumplikasyon at baka magkaroon ng kapansanan ang bata. Hindi siya tanga. Imposibleng maghahamak siya. Ngumiti si
Nakangisi si Zephyr sa kabilang linya. Narinig ang mga tawa nina Cordelia at Carter mula sa sala. Tumingin siya sa loob at nakita niya ang ilang bata pang katulong na nakapalibot sa kanya. Binigyan nila siya ng merienda at tsaa at inalagaan siya nang maayos. Masisigla ang mga mata nila. Tumawa si Zephyr. Nagbago nga si Carter. Naalala niya noong bata pa siya na sobrang kinukutya sa paaralan. Umiiyak siya sa gitna ng gabi habang nagsusumbong sa ate niya. Sa huli, kailangan siyang alagaan ng brother-in-law niya. At ngayon, si Carter ang opisyal na tagapagmana ng Irwin Pharmaceuticals. Tinuruan at ginabayan siya ni Irwin, na nagbigay ng daan para kay Carter. Samantala, masikap si Carter. Nagpakita siya ng matinding talento sa medisina simula noong bata pa siya. Hindi lang siya nakapagtapos ng medical school nang mas maaga nang dalawang taon, mabilis din siyang naging bihasa sa paggawa ng gamot at acupuncture. Mayroon siyang halo sa ulo niya kahit nakaupo lang siya roon. Na
Tignan mo, masyadong nag-alala ang ate niya kahit nasamid lang sa tubig si Zephyr!Tumawa si Carter at umalis gamit ng palusot na gusto niya raw matulog dahil sa jetlag niya. Tapos nang masamid si Zephyr at para ba siyang natatawa habang nakatingin kay Cordelia. “Hindi ko inasahang na napakabrutal pala ng father-in-law ko.”“Oo nga,” sumagot si Cordelia habang tinapik niya ang likod niya. “May tagapagmana na siya ng pilak na karayom niya!”Biglang may naisip si Zephyr. Magaling sa panggagamot si Carter kaya baka magamit nila ito. Niyakap ni Cordelia si Zephyr na parang isang kuting. “Darling, inaantok ako.”“Matulog na tayo sa kwarto.”“Pero ayaw kong maglakad…”“Sige.” Handang tuparin ni Zephyr ang lahat ng hiling niya. Bubuhatin kita!” sabi niya habang binuhat niya si Cordelia nang parang prinsesa at dahan-dahang umakyat sa hagdan. “Darling, parang di ko na kailangan ng binti pagkatapos kitang makilala!”“Imposible,” mahinang sabi ni Zephyr. “Madalas di mo yun kailanga
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala