Share

Kabanata 222

Nagulat si Cordelia. Wala siyang kakilala mula sa Centrolis, kaya anong meron sa imbitasyong ito?

"Ms. Cordelia?” Ang tanong ni Wendy, "Kailan mo ito kukunin?"

“Ah, bukas na lang…”

Bago pa matapos ni Cordelia ang kanyang sinasabi, narinig niya ang nagmamadaling pagsang-ayon ni Wendy, at sinundan ito ng pagbubunganga ni Yelena.

"Ilang beses na ba kitang tinawag? Bingi ka ba?! Kung hindi magtatrabaho, mag-impake ka na at umuwi ka na!"

Natatarantang ibinaba ni Wendy ang tawag habang umiiling si Cordelia, pinakinggan niya ang tunog mula sa kabilang linya.

"Sinong kausap mo?" Nakakrus ang mga braso ni Yelena habang nakatingin siya kay Wendy ng may pagdududa.

Takot si Wendy kay Yelena, kaya nautal siya at hindi makapagsalita noong tinatanong siya ng ganito.

Bumaba ang tingin ni Yelena, at nakita niya ang sulat na hawak ni Wendy.

"Ano 'yan?"

Nanigas si Wendy at gusto sana niyang itago ang sulat sa likod niya, ngunit huli na ang lahat.

"Ipakita mo sa'kin ang hawak mo!"

“Ms. Yel
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status