Share

Kabanata 221

Natulala si Cordelia.

Tila maraming nararamdamang emosyon ang lalaking ito nitong mga nakaraan, yung tipong napakasaya at napakalambing niya.

Ngumiti si Cordelia at marahan niyang tinakpan ng kanyang kamay ang kanyang bibig.

"Sarilinin mo na lang 'yan," ang sabi niya. "Huwag na huwag mong sasabihin 'yan ng malalas, kundi baka mawala ito!"

"Honey, may gusto akong sabihin sa'yo pagbalik ko."

Nang makita niya na mukhang seryoso si Zephyr, hindi napigilan ni Cordelia na magtanong, "Ano 'yun?"

“Um… Mahabang kuwento,” sabi niya. “Wala ka pa ring alam tungkol sa sitwasyon ng pamilya ko kahit na isang taon na tayong kasal. May pamilya pa ako. Yung totoo, hindi lang kami madalas mag-usap."

Nagtaka si Cordelia. Noong nagpakasal sila, alam niya na bumagsak na ang mga Grist. Ang mga magulang ni Marcus ay parehong patay na, at isa siyang kriminal na madalas makipag-away at gumawa ng gulo..

Hindi niya inaasahan na may iba pa palang natitira sa mga Grist. Kung sabagay, naiintindihan naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status