Natigilan si Robert. Kailangan niyang i-discuss ang reform plan ng grupo sa board of directors. Bakit siya babalik sa Jangasas sa kritikal na oras na ito!?“Sir, nag-aalala ka ba kay Ms. Jenner?” Ang mahinang tanong ni Robert. "Huwag kang mag-alala, binabantayan siya ng mga tauhan ko. Ligtas siya.”Hindi napigilan ni Zephyr na suminghal, "Kung ganun, bakit hindi siya sumasagot sa tawag!?" Balisa siya.Hindi alam ni Robert kung ano ang isasagot niya doon.Sa totoo lang, maraming dahilan kung bakit hindi masagot ng isang tao ang kanilang phone–maaaring naubusan ng baterya ang kanyang phone, hindi niya ito narinig, o walang signal...Higit pa dito, tumatawag siya sa kalagitnaan ng gabi at gusto niyang sagutin niya agad ang kanyang tawag. Hindi ba kailangan ni Ms. Jenner ng tulog? Iyon ay…Hindi kumbinsido si Zephyr. Kinuha niya ang susi ng kotse niya at tumakbo siya palabas.Biglang tumunog ang phone niya. Napahinto siya nang makita niya ang screen, at nanginginig ang kamay niya no
Bumangon si Zennie mula sa kama at sumandal siya sa may pintuan. Nang maamoy niya ang amoy na nagmumula sa kusina, nagising siya at tumakbo siya palabas ng nakapaa.Gaya ng inaasahan, hindi siya binigo ng hapag kainan na sumalubong sa kanya!"Whoa, Cordelia, may magic ka ba?" Napabuntong hininga siya. "Napakarami mong niluto ngayong umaga!"Natawa si Cordelia at naisip niya na tapos na ito habang inilalagay niya ang kaldero ng chicken soup sa mesa.“Kain na!” Ipinasa niya ang mga kubyertos kay Zennie."Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, kaya nagluto ako ng parehong matamis at malinamnam na pagkain. Sana ayos lang sa'yo ang pagkain!"“Paanong hindi ko magugustuhan ang pagkain!?” Si Zennie ay parang isang matakaw na kuting habang kumakain siya ng pancake at may hawak na tinapay sa kanyang kamay, masaya siyang kumakain.Nakakaaliw ang almusal na ganito, at parang may magic si Cordelia. Ang lahat ng mga ordinaryong pagkaing ito ay ginawa niyang napakasarap na hindi maihahambing sa
Sa wakas ay wala na sa kritikal na kalagayan si Liam, ngunit hindi siya maaaring magpagod o magulat. Walang magawa si Zephyr kundi pansamantalang patakbuhin ang Hamerton Group alang-alang sa kanyang lolo.Dahil dito, patuloy na naantala ang kanyang pagbabalik sa Jangasas.Hindi nagreklamo si Cordelia tungkol dito. Sinabihan niya lamang siya na gawin ang anumang kailangan niyang gawin at huwag siyang mag-alala. Kaso lang, hindi mapigilan ni Zephyr na mag-alala. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya siya nakikita."Pwede na bang bisitahin si lolo ngayon?" "Sinabi ni Uncle Clark na si Mr. Matthew ang nag-aalaga sa kanya."Napahinto si Zephyr at napangiti. Naalala niya ang pakikipagtalo ni Kate kay Henry sa phone dalawang araw na ang nakakaraan. Tila dahil ito sa pinakiusapan ni Kate si Henry na alagaan si Liam dahil may sakit siya, ngunit si Henry, na mabagal mag-isip, ay nanatiling tahimik.Pinagalitan siya ni Kate, “Hahayaan mo ba na maungusan ka nanaman ng nakababata mong
Eksakto sa iniisip ni Matthew ang nasa isip niya.Bagama't lihim niyang sinanay si Marcus mula noong nahuli nila siya, hindi siya maikukumpara kay Zephyr. Magkaibang-magkaiba silang dalawa. Gaano man magsanay ang lalaki, hindi kailanman magiging tigre ang isang daga.Ang planong pagpanggapin si Marcus bilang si Zephyr at ipadala siya sa Chaiseland para pirmahan ang loan... Ang nasa Chaiseland ay nanay ni Zephyr! Kapag may nangyari, mapapahamak si Matthew.“Kamukha ba talaga ni Marcus si Zephyr?” Kalmado siyang tinanong ni Liam.Pinagpawisan si Matthew. “Oo... May marriage agreement daw ang mga Jenner sa kanya. Gayunpaman, sa hindi malamang dahilan, ang ating si Zephyr, na nagpapagaling sa nayong iyon—”Agad na tinikom ni Matthew ang kanyang bibig. Kapag nagpatuloy siya sa pagsasalita, hindi maiiwasang mabanggit ang tungkol sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ni Zephyr."Anyway... iyon ang nangyari!" Tumawa si Matthew. "Dad, ito ay isang hindi pagkakaunawaan. Marahil ay ngayon l
"Hello, Zephyr!" Alam na agad ni Zephyr noong narinig pa lang niya ang boses na ito ang speed demon.Napangiti si Zephyr. "Mom, bakit ka tumatawag ng ganitong oras?"Kung isasaalang-alang ang pagkakaiba ng oras, umaga dapat sa Ricos ngayon. Mahalaga ang kanyang ina sa kumpanya, kaya imposibleng malaya siyang tumawag at makipag-usap kapag oras ng trabaho.“Sagutin mo muna ang tanong ko! Hindi ba't sinabi mo na may pekeng anak ako na pupunta para sa akin at sinabi mo na hulihin ko siya ng buhay?“Ilang araw na ang lumipas. Nasaan siya?"Kumunot ang noo ni Zephyr. Kung tama siya, dapat kumilos na sila Matthew at Yale.Kinutuban ng masama si Zephyr.Seryoso siyang nagtanong, “Robert, ano ang ginagawa ni Unlce Matthew nitong mga nakaraang araw?”"Sa tingin ko nanatili lang siya sa tabi ni Mr. Liam."“E si Yale?”Bago pa makasagot si Robert ay mas lalong tumindi ang masamang kutob ni Zephyr. Hindi pa siya nakaramdam ng ganito noon. Para bang hiniwa ang kanyang puso.Tinawagan niya
Mukhang naalarma si Marcus at hinawakan niya ang patalim na nakatago sa damit niya.Sinabi sa kanya ni Matthew bago siya dumating na dapat siyang kumilos nang mabilis at hindi dapat gaanong magsalita, para walang ibang makapansin.Mukhang hindi madaling idispatya ang babaeng ito. Higit pa dito, kailangan niya siyang kaladkarin sa isang liblib na lugar para patayin. Malaking katangahan kung papatayin niya siya sa cafe.Hindi naiwasan ni Marcus na muling mapatingin kay Cordelia. Ito siya, ang babaeng pinakasalan ni Zephyr kapalit niya!Hindi niya akalain na si Zephyr ang mag-aayos sa kasal niya noong nagpapagala-gala siya sa lansangan ng may putol na daliri.Pinikit niya ang kanyang mga mata. Maganda si Cordelia. Nakakahinayang siyang patayin. Kahit paano, dapat i-enjoy muna niya ang oras niya kasama siya.Napangiti si Marcus. Makikita ang kademonyohan sa kanyang mga mata.Umubo siya upang pagtakpan ito habang mabilis na nagsalin ng tubig si Cordelia para sa kanya at sinabihan siy
”Pero bago ‘yun…”…Walang tigil na tinawagan ni Zephyr si Cordelia noong makababa siya ng eroplano, ngunit walang sumasagot. Kinain siya ng masamang kutob niya na parang daan-daang libong uod.Nagmamadali siyang umuwi ngunit nakita niya ang mga tauhan ni Robert sa baba. Natulala sila nang makita nila siya."Mr. Zephyr, d-di ba... nasa cafe ka?""Ano?" Bumilis ang tibok ng puso ni Zephyr. "Anong cafe?"“Sabi ng dalawang tauhan natin doon na nakita ka daw nilang pumasok sa cafe! Sinabihan kami ni Robert noon na huwag kayong istorbohin ni Ms. Jenner, kaya umalis na sila pagkatapos ka nilang makitang pumasok!”“Bwisit!”Agad na naintindihan ni Zephyr ang nangyayari.Ang pumasok sa cafe ay si Marcus Grist, at ngayon... Mag-isa siyang hinaharap ni Cordelia!"Ihatid niyo ako doon ngayon din!"Nagpalitan ng tingin ang mga bodyguard at sumakay sila sa kotse upang magmaneho papunta sa cafe sa lalong madaling panahon.…Namamaga ang mukha ni Cordelia dahil sa mga sampal ni Marcus. U
Habang tulala si Cordelia, nakarinig siya ng malakas na ingay. Nakakabingi ang tunog ng bala na tumatagos na salamin. Pagkatapos, nagkaroon ng kaguluhan.Bumagsak si Cordelia sa sahig, nawalan siya ng malay. Kumapit siya sa huling hibla ng lakas ng loob na mayroon siya habang gumagapang siya palabas.“Honey, iligtas mo ako…”Sa kabila nito, may kamay na biglang humablot sa buhok niya!Napaiyak siya sa sakit, para bang matatanggal ang anit niya. Bago siya nawalan ng malay, naramdaman niya ang malamig na patalim na humiwa sa kanyang balat, at narinig niya ang boses ng lalaki."Mr. Z, hah... Patakasin mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang babaeng ‘to. Ano sa tingin mo?"Wala kang talo sa deal na ‘to! Basta pakawalan mo ako, ipinapangako kong hindi na ako muling magpapakita sa’yo...“Sa’yo na ang asawa ko mula ngayon!"Sa isang sigaw ni Zephyr, pinalibutan ng kanyang mga bodyguard si Marcus, ngunit hindi sila nangahas na kumilos. Mayroong patalim na nakatapat sa leeg ni Cordelia, at unt
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala