"Nasabi ko na kay Mr. Matthew na hindi mo napatay si Cordelia." Humarap ang lalaki kay Marcus. "Si Mr. Matthew ang nagbigay sa’yo ng perang ‘to. Sinabi niya na huwag muna kitang idispatya dahil may pakinabang ka pa sa kanya!"Biglang kinurot ng binata ang mukha ni Marcus. Mukhang niloloko lang niya siya."Hah, sa tingin ko maganda ang plano ni Mr. Matthew... Sayang naman kapag nawala ang mukha mo!"Nagtayuan ang mga balahibo ni Marcus. Kahit na matagal siyang nakakulong at nakilala niya ang mga gangster na tulad ni Nicholas, hindi sila katulad ng lalaking ito sa harapan niya na nagpapangilabot sa kanya“Alis na.” Nakaparada ang kotse sa gilid ng bangketa, at narinig ni Marcus ang nakakatakot na boses. "Heh... Magiging kapaki-pakinabang ka sa hinaharap!"Binuksan ni Marcus ang pinto ng kotse at tumakas siya dala ang pera.Ibinaba ng lalaki ang kanyang sombrero, mayroong ngiti sa kanyang mukha.…Kanina pa naghihintay si Zephyr sa labas ng emergency room.Natuyo ang dugo sa kany
Nanatiling nakatayo si Nicholas habang kumikibot ang kanyang mga sintido. Pagkaraan ng ilang sandali, tumingin siya kay Linda ng may komplikadong ekspresyon at sinabing, "Huminahon ka, okay? Ayaw din ni Zephyr na mangyari ito…""Ano ang ayaw niya?" Nagtaas ng boses si Linda. "Hah, naiinip na ba siyang mamuhay bilang isang mayamang tagapagmana sa Centrolis at pumunta siya dito upang magpapanggap bilang isang dating kriminal para magpakasal?"“Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Hindi mo naiintindihan. Pinagtangkaan ang buhay niya at malubha siyang nasugatan. Iyon ang dahilan kung bakit niya itinago ang pagkatao niya sa Jangasas!"Nanahimik sandali si Linda at tinitigan niya siya ng mabuti bago siya suminghal. “Ganun karami ang alam mo?”Hindi makapagsalita si Nicholas.“Nicholas Thompson!”Walang ibang gustong gawin si Nicholas kundi sampalin ang sarili niya.“Zephyr Hamerton!” Nanginginig ang boses ni Linda sa sobrang galit. “Magpagaling ka hangga’t gusto mo. Bakit dinamay mo p
Para bang nagkaroon ng malakas na pagsabog sa puso ni Cordelia.Huminto sa ere ang kamay ni Zephyr bago niya ito dahan-dahang binawi."Nagsinungaling ako sa’yo," ang sabi niya. "Nasaktan din kita."Ipinikit ni Cordelia ang kanyang mga mata at umiyak.Sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit tila may pambihirang aura si Zephyr, kung bakit ang bawat paghihirap na nararanasan niya ay laging nareresolba, kung bakit wala siyang pakialam sa pera, kung bakit parang wala siyang takot...Siya ang tagapagmana ng mga Hamerton. Ang buong mundo ay nasa ilalim ng kanyang mga paa. Ano pa ang ikakatakot niya?Tumawa Cordelia. Tinawag niya siyang tanga noon, ngunit siya talaga ang tanga na naloko!“Cordelia—”“Pakiusap umalis ka na.”Nagtago si Cordelia sa ilalim ng mga kumot. Ang mahina niyang boses ay nanggaling sa maliit na siwang.Nakikita ni Zephyr ang magulo niyang buhok at ang nanginginig niyang katawan. Gusto niyang tapikin ang likod ni Cordelia at yakapin siya gaya ng dati, ngunit hi
Napakaduwag ba ni Zephyr kaya kailangan niya ang mga taong ito para palakasin ang loob niya upang pumasok sa sarili niyang bahay?“Cordelia, umidlip ka muna,” ang mahinang sinabi ni Linda. "May bibilhin lang ako sa baba."Tumango si Cordelia at ipinikit ang kanyang mga mata sa pagod.Maingat na isinara ni Linda ang pinto at bumaba siya. Nakakrus ang kanyang mga braso habang papalapit siya sa dalawang lalaki.“Mar—” Kinagat niya ang kanyang mga labi at binago ang kanyang sasabihin. "Mr. Hamerton, matutulog pa lang si Cordelia. Kung babalik ka ngayon, huwag kang gagawa ng ingay. Naghihilom na ang mga sugat sa katawan niya, pero kinalulungkot ko na baka matagalan bago maghilom ang sugat sa puso niya."Seryoso ang ekspresyon ni Zephyr habang tumatango siya. "Salamat.""Hindi mo ako kailangang pasalamatan." Tumingin sa kanya si Linda. “Hindi ka rin niya basta-basta kayang iwan. Hindi niya lang matanggap ang mga bagay sa ngayon. Kausapin mo siya ng dahan-dahan. Magiging ayos din siya."
Hindi makapagsalita si Linda.Mas marami ang mga taong nanonood sa kanila ngayon, naiinggit sila o kaya ay mayroong nakakalokong ngiti sa kanilang mukha. Ang ilan sa kanila ay inilabas ang kanilang mga phone upang i-record ito at tumawa. "Palagi kong naririnig ang mga tao na nagsasabing lumuluhod sila sa mga washboard, ngunit hindi ko inaasahan na makakatagpo ako ng isang taong nakaluhod sa isang washboard dahil sa kanyang asawa!"“Hahaha!”Namumula ang mga pisngi ni Linda. Wala siyang ibang gusto kundi ang ibaon ang sarili niya sa isang butas kung mayroon man."Nicholas! A-Anong… Nababaliw ka na ba!? "Tumayo ka! Huwag kang lumuhod!" Gusto niyang hilahin patayo si Nicholas habang nagsasalita siya. Sa kabila nito, lalong lumakas ang sigaw ng lalaki, “Huwag mo akong hawakan!“Kaaway ko ang sinumang maglakas-loob na humadlang sa akin na umamin sa aking kasalanan sa aking asawa! Ako, si Nicholas Thompson, ay mataas ang katayuan sa mga gang. Kung sino man ang may sama ng loob sa
“Sa tingin ko dapat mo siyang isama pabalik sa Centrolis. At least nasa Hamertons kami ng dad mo. Hindi namin hahayaan na makaranas ng anumang paghihirap si Cordelia.""Salamat, Aunt Cloud." Pilit na ngumiti si Zephyr. "Natatakot ako na baka mas galit siya sa’kin kapag ginawa ko ‘yun."“Nahuli niyo na ba si Marcus?”"Hindi pa," ang sagot ni Zephyr ng may mababang tono. "Tuso ang taong nagtakas sa kanya at pamilyar siya sa mga suburb ng Jangasas, lalo na ang mga lugar sa tabi ng ilog. Tinakpan niya ang kanyang mukha noong malapit siya sa mga lugar na may mga surveillance camera. Wala ring registration plate ang sasakyan, kaya mahirap itong imbestigahan.""Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong ko," ang sabi sa kanya ni Kate.Tumingin si Zephyr sa kanya ng may pasasalamat at tumango. Nagtanong siya, "Kailan kayo babalik ni Zennie?"“Sa tingin ko, sa darating na dalawang araw. Oras na para mag-focus si Zennie at maghanda para sa kanyang university application!"Noong sinab
Narinig ni Zephyr ang pag-agos ng tubig sa banyo pagdating niya sa bahay. Kumirot ang kanyang puso, ngunit hindi siya nangahasz na gumawa ng kahit ano. Tahimik lang siyang nakatayo doon.Naalala niya kung ano ang sinabi ni Seth. Tinatawag na PTSD ang kakaibang kinikilos ni Cordelia.…"Maituturing na light lang ang mayroon siya," ang sabi ni Seth sa kanya. "Ang pinakamainam ay gamutin ito sa pamamagitan ng psychological intervention, ngunit... mas mabuti para sa gumawa nito sa kanya na ayusin ang kanyang ginawa. Dahil ikaw ang pinagmulan ng problema, ikaw ang pinakamahusay na doktor para dito."…Huminga ng malalim si Zephyr. Nais niyang gampanan din ang tungkulin ng isang doktor, ngunit hindi siya binigyan ni Cordelia ng pagkakataong lapitan siya.Bumukas ang pinto ng banyo, at lumabas si Cordelia na nakatapis ng tuwalya. Nang tumingala siya at sinalubong ang mga mata nila, napasigaw siya sa gulat.“Cordelia—”Hindi man lang nakapagsalita si Zephyr bago nagmadali si Cordelia p
Tumaas ang isang kilay ni Cordelia at hindi niya alam kung matatawa siya o mapapangiwi.“Nagdala siya ng isda, gulay, at marami pang iba. Halos mapuno ang refrigerator natin!" Kumunot ang noo ni Xyla at tinuro ang balkonahe. "Tingnan mo, nakatambak doon ang mga natira! Binili ba niya ang supermarket?"Inalalayan muna ni Cordelia ang kanyang ina sa pag-upo at titingnan sana niya ang kusina noong lumabas si Zephyr para ihain ang mga pagkain. Pareho silang natigilan nang magtagpo ang kanilang mga mata.Ibinaba ni Cordelia ang kanyang ulo para iwasan ang tingin ni Zephyr at pumasok siya sa kusina.Parang may dumaang bagyo sa loob. Tumawa si Cordelia. Kinailangan niyang linisin ang kalat sa huli.Naalala niya na noong una silang nagkasama, lagi siyang naghihintay na pagsilbihan niya siya na parang isa siyang master. Ilang beses na siyang nagluto, ginulo niya ang kusina. Hindi ito maintindihan ni Cordelia noon—ganun ba kahirap ang mga gawaing bahay?Naiintindihan na niya ito ngayon. Lu