Share

Kabanata 223

Ang taong tumawag ay paulit-ulit na tinatawagan si "Ms. Jenner,” at iisa lang ang Ms. Jenner sa pamamahay na ito—siya ‘yun, si Yelena Jenner!

Kung sabagay, isa itong tagapagmana ng mga Hamerton. Wala siyang pakialam kung ito ba ang panganay o ang pangatlo. Kapag nagawa niyang ipakasal ang sarili niya sa mga Hamerton, magagawa niyang magyabang sa Jangasas at maging sa Centrolis!

Mayroong napakasama at matagumpay na tingin sa mukha niya habang iniisip niya ang tungkol dito.

“Wendy!”

"Ms. Yelena...” Nagmamadaling lumapit si Wendy. Nag-aalala siya ngunit napansin niyang tila maganda ang mood ni Yelena noong tumingala siya.

“Ano ‘yun, Ms. Yelena?”

"Tawagan mo yung number." Inangat ni Yelena ang kanyang baba. "Sabihin mo sa tao na ‘yun na pwedeng kunin ng mga designer ang mga sukat ko anumang oras!

“At tawagan mo si Cordelia!” Ngumisi siya.

"Sa araw na binibihisan ako ng mga designer, gusto kong makita ng p*tang ‘yun na sinusundo ako ng mga tauhan ng mga Hamerton!"

Dumating si Co
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status