Share

Kabanata 186

“Nicholas Thompson!”

Dumilim ang tingin ni Zephyr. Nagmula din sa kanya ang isang napakabigat na pakiramdam.

“Gusto mo na bang mamatay?”

“Hah, mukhang natatakot ka?”

Biglang inangat ni Zephyr ang kanyang kamay upang sakalin si Nicholas.

Nagulat si Nicholas noong naramdaman niya na pahigpit nang pahigpit ang pagsakal sa kanya ni Zephyr. Nahirapan siyang huminga.

“Ikaw…”

Tumalim ang mga mata ni Zephyr. Kasing bagsik ng mga gangster na nakilala ni Nicholas noon ang mga ginagawa ni Zephyr.

Pinilit ni Nicholas na igalaw ang kanyang kamay upang hawakan ang braso ni Zephyr… noong bumukas ang pinto, at bumungad kay Cordelia ang eksenang ito pagpasok niya.

“Honey!” Nagulat siya at tumakbo siya upang hablutin ang braso ni Zephyr. “Anong ginagawa mo?”

Huminahon si Zephyr at unti-unti niyang binitawan si Nicholas.

Umubo si Nicholas ngunit hindi siya nangahas na lakasan ito sa takot na muling bumuka ang mga sugat niya. Habang umuubo siya, tumingin siya ng masama kay Zephyr.

Si Zephyr la
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status