Noong nakita ni Nicholas ang matangkad at magandang babae, hindi niya napigilang humigpit ang hawak niya sa kanyang wheelchair.“Bakit niyo siya dinala dito?”Seryoso ang itsura ni Zephyr. “Ikaw yung nagsabi na ipaliwanag ang lahat ng mga hindi pagkakaunawaan sa lalong madaling panahon at huwag nang patagalin pa ang mga bagay.”“Ikaw yung tinutukoy ko!” Tumingin ng masama sa kanya si Nicholas.Ngumiti si Zephyr at kinawayan niya si Cordelia. Mabigat ang mga yabag ni Linda habang mabagal siyang naglalakad palapit kay Nicholas. Habang palapit sila sa isa't isa, lalong nagiging malinaw ang nakaraan nila sa kanilang mga isipan. Tumalikod si Nicholas ng may malamig na ekspresyon. Noong sandaling yumuko siya upang hawakan ang wheelchair, subalit, lumabas mula sa kanyang hospital gown ang kanyang kwintas dahil sa pagkilos niya. Mabigat ang paghinga ni Linda. Mayroong kwintas na kamukhang-kamukha nito sa kanyang leeg. Yung totoo, hindi ito isang kwintas. Isa lang itong ordinaryon
Masama ang loob ni Linda na nagkukunwari si Nicholas na malamig at walang pakialam, masama ang loob niya na hindi siya nagpaliwanag, at masama ang loob niya na kaya niya siyang mahalin sa napakaraming paraan, ngunit pinili niya ang pinakawalang kwentang paraan!Napatalon si Nicholas, at sumakit ang sugat niya sa sandaling iyon. Napakatagal niyang nakabilad sa ilalim ng malakas na sikat ng araw at medyo nanghina siya. Lalo siyang namutla, at tumulo ang malalaking butil ng pawis sa kanyang noo.Agad siyang tiningnan ni Zephyr. Marahil ay bumukas ang sugat ni Nicholas dahil tumutulo ang dugo mula sa gasa. Tumakbo si Cordelia para tawagin ang nurse.Lumuhod si Linda sa harapan niya na kinakabahan at hinawakan ang kamay niya. “Nicholas... kumusta ang pakiramdam mo? Ma... Malubha ba ang sugat mo?"Balewala kay Nicholas ang isang saksak. Maraming beses na siyang nabaril. Nasaktan siya sa sinabi ni Linda at sa titig niya noong tumingin siya sa kanya. Nasaktan siya dahil hindi niya alam kun
Hindi nagtagal, bumalik si Cordelia mula sa pagbili ng mga gamit at napangiti siya nang makitang inaalagaan ni Linda si Nicholas. Kinausap niya saglit ang dalaga at umalis siya kasama si Zephyr.Habang pauwi sila, walang tigil siyang dumaldal na parang kalapati, pakiramdam niya ay nabawasan ang bigat sa kanyang mga balikat. Bagama't hindi nakasama ni Linda si Seth gaya ng inaasahan niya, susuportahan niya siya sa anumang desisyon niya!Sabi ni Cordelia ng may matamis na ngiti, “Darling, sa tingin ko madalas kayong magkikita ni Nicholas sa hinaharap. Dapat niyong kalimutan ang mga nangyari na at subukan niyong magkasundo!"“Mm.” Yung totoo, wala silang dapat kalimutan.Tumingin si Zephyr sa kanya ng may komplikadong tingin at bigla siyang huminto sa paglalakad. Mukhang maganda ang mood niya ngayon, kaya malamang na matatanggap niya ito kung sasabihin niya ito sa kanya ngayon... Gayunpaman, saan siya magsisimula?Huminga ng malalim si Zephyr at tumingin siya sa malinaw na mga mata n
Nag-aalala si Cordelia sa pananatili ni Linda sa ospital nang mag-isa. Noong bumisita siya, nakita niyang pinapakain ni Linda si Nicholas.Ang babae na palaging walang pakialam at kaswal tungkol sa mga tao at mga bagay-bagay ay maingat na hinihipan ang bawat kutsarang puno ng sabaw, sa takot na mapaso nito si Nicholas.Tungkol naman sa lalaking nakahiga sa kama na mukhang hindi kayang alagaan ang kanyang sarili, sinong mag-aakalang nakakatayo na siya at aktibo sa physiotherapy dalawang araw lang ang nakalipas?Natawa si Cordelia at bigla niyang naalala ang kanyang asawa.Masungit si Zephyr sa mga tagalabas, kaunti na lang ay makikita na ang mga salitang "Approach with caution" sa kanyang mukha. Gayunpaman, hindi siya umaalis sa tabi niya sa oras na makita niya siya at hindi siya maitaboy. Puro siya darling ito and honey ‘yun, na para bang mas maingay pa siya kaysa sa mga ibon sa mga puno."Nandito ka pala." Isang pamilyar na boses ang nagmula sa kanyang likuran.Lumingon si Corde
Lalong nagulat si Cordelia. "Bakit hawak mo ang marriage certificate natin!?"Pakiramdam ni Zephyr ay naninikip ang kanyang lalamunan, at nanunuyo ang kanyang mga labi. Hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag.Habang wala si Cordelia, nakita niya ang mga marriage certificate, at gaya ng inaasahan, pangalan ni Marcus Grist ang nakalagay sa mga ito. Noong nagpakasal si Cordelia bilang kapalit ni Yelena, may ginawa ang mga Jenner at direkta nilang inirehistro ang kasal gamit ang ID ni Marcus.Kung alam lang niya na mahuhulog na siya ng husto para kay Cordelia ngayon, personal na sana siyang pumunta sa registration, anuman ang mangyari.Sinabi sa kanya ni Frederic na hindi pa huli ang lahat para baguhin ang pangalan ngayon. Medyo mas mahirap lang itong gawin.Sa kabila nito, nahuli siya ni Cordelia noong gusto niyang kunin ang mga certificate."Darling, anong problema?" Bahagyang nataranta si Cordelia nang makitang tulala ang lalaki.“Hinalughog mo... ang bahay natin para lang m
“Kung sakali lang!”Hinaplos ni Cordelia ang kanyang tiyan at ngumiti siya sa kanya, ng banayad at determinado."Kung magkakaroon tayo ng anak, kailangan nating magplano para sa kanila. Pero gusto kong bilhin itong insurance para sa’yo…”Tanging siya lamang ang nasa puso at mga mata niya habang hawak niya ang kanyang kamay.“Honey... ito ang unang beses na nabuntis ako. Sa totoo lang medyo kinakabahan ako. Marami akong nalamang impormasyon nitong nakalipas na dalawang araw, at natatakot ako na baka may mangyari na tulad ng sinasabi sa mga forum—”“Kalokohan!” Umirap si Zephyr at mariin siyang tinitigan. “Huwag kang mag-isip ng mga negatibong bagay. Walang mangyayaring masama sa’yo!""Huminahon ka!" Niyakap siya ni Cordelia. “Sinasabi ko lang na kung sakaling may mangyari. Huwag mong kalimutan na i-claim ang insurance.""Walang mangyayaring masama! Walang kung sakali!” Hindi napigilan ni Zephyr na sumigaw. Maging si Cordelia ay natakot dahil sa madilim na ekspresyon ng kanyang mu
“Cordelia, mahina ang kalusugan mo. Ang nangyayari ngayon ay isang bihirang kaso ng pseudo-pregnancy. Hindi naman ito malaking problema. Magpahinga ka at magpagaling, at maaari ka pang mabuntis.“Isa pa…”Inilabas ni Seth ang isang body check report na may pangalang William Jenner."Kailangan kong humingi ng tawad sa’yo. Si Mr. Jenner ay nagsagawa ng isang body check dito noon, at ang ilang mga medical student sa ilalim ko ay kumuha ng bahagi ng mga sample ng dugo upang magsagawa ng mga pagsusuri bilang isang eksperimento sa kanilang internship nang hindi nagpapaalam. Kasama ang mga sample ng dugo mo at ni Mr. Jenner sa nakuha nila."Malaking paglabag ito sa mga patakaran ng ospital, at naparusahan na ang mga estudyante."Ngunit tiningnan ko ang mga resulta ng mga test nila, at ipinapakita nito na... ikaw at si William Jenner ay hindi magkadugo!"Naramdaman ni Cordelia may maingay sa kanyang mga tainga habang nablangko ang kanyang isip.…Tumakbo si Zephyr sa hagdan at agad niy
Hindi ba talaga alam ni William ang tungkol dito? Kung gayon, bakit paminsan-minsan ay nagbibitaw ng mga panlalait si Joanne na gaya ng “bastardo” kapag pinapagalitan niya siya noon? Kung iisipin, maaaring ginamit ni Joanne ang insultong iyon sa kainitan ng sandali, ngunit dahil ito ay isang bagay na nakabatay sa katotohanan...Talaga bang walang nakakakilala sa tatay nilang dalawa ni Carter?Gulong-gulo ang isipan ni Cordelia. Parang may mga straw sa lalamunan niya kaya nahihirapan siyang huminga.Yumuko si Zephyr sa harapan niya at marahang sinuklay ang kanyang kamay sa buhok niya ng may mapagmahal na tingin..Sinabi niya ng may mahinang boses, "Darling, umuwi na tayo."“Ah—”“Shh, naiintindihan ko. Alam ko na hindi maganda ang lagay mo ngayon, at hindi natin agad malalaman ang ilang bagay.“Pwede nating dahan-dahanin ang mga bagay, honey. Lagi akong nasa tabi mo, kahit anong mangyari. Huwag kang mag-alala, okay?”Tumingin si Cordelia sa kanyang mga mata at pakiramdam niya ay
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala