Nabigla siya sa taong nasa litrato!‘Marcus?’Lumingon si Nicholas para tumingin kay Yale. Hindi makapaniwala ang mga mata niya.“Ano, nakita mo na ba ang taong ito dati?” Ngumisi si Yale.Ibinaba ni Nicholas ang mga litrato. Ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi nagbago.“Ito ang taong gusto kong patayin mo.” Tumitig si Yale sa mga mata niya. “Tandaan mo ang mukha niya, N. Wag mong patayin ang maling tao!”“Ano ang ibig niyong sabihin?”Kakaiba ang tawa ni Yale. Tumawa siya ng matagal, sa sobrang tagal nito ay halos nawalan ng pasensya si Nicholas.“Sige, hindi na ako magpapaligoy ligoy,” Ang malamig na sinabi ni Yale. “Ang lalaking ito ay si Zephyr Hamerton, ang pangatlong anak ng mga Hamerton! Lumipad ang lolo ko papunta sa North Armania para makipagkita sa ilang mga dignitaryo. Wala siyang oras para sa pamilyang ito… Ito ang tamang oras para gawin ito!”Kumunot ang noo ni Nicholas.Hindi niya inaasahan na ang asawa ni Cordelia ay si Zephyr!Mula sa ilang beses nilang pag
Tumitig si Nicholas kay Yale. Matagal siyang walang sinabi.“Ako ang bahala sa paghihinala ni lolo,” Ang sabi ni Yale habang nakatingin kay Nicholas. “Nicholas, ang kailangan mo lang gawin ay ang pumatay ng mga tao para sa akin. Ako na ang bahala sa lahat!”Sigurado si Nicholas na gusto rin ni Yale na patayin ang matanda, base sa tono nito.Inutusan ni Yale na umalis si Marcus. Kasabay nito, nilabas niya ang isang land plan at binilugan niya ang pinakamagandang lokasyon sa gitna ng Centrolis.“Maraming tao sa lugar na ito. Isa itong gintong lugar.” Tumawa siya. “Kapag natapos na ang kasunduan, makikipag usap ako sa mga tamang department, at ang lupa na ito ay mapapasayo! Ano sa tingin mo?”Tinikom ni Nicholas ang mga labi niya ngunit wala siyang sinabi.Tinapik ni Yale ang balikat ni Nicholas. “Nicholas, ikaw ay ambisyoso, brutal, at walang awa. Yun ang gusto ko sayo!”“Makakatulong ito para sayo at para sa akin, kaya pag isipan mo ito ng mabuti!”Tumingin si Nicholas sa land p
Hindi inaasahan ni Nicholas na ang lalaking tulad ni Zephyr na may mataas na katayuan sa lipunan ay may isang ordinaryong pagkatao din.Ang isa sa mga account entry ay mali siguro, habang kausap ni Cordelia si Zephyr ng may seryosong ekspresyon. Si Zephyr, na may tangkad na higit six feet, ay yumuko na parang isang batang mula sa elementary school, na may ginawang mali.Nabigla si Nicholas sa eksenang ito.Si Zephyr ay isang asawa lang kapag kasama niya si Cordelia. Takot siya sa asawa niya, pinapagalitan siya ng asawa niay, at binibigay niya ang perang kinita niya sa asawa niya—tulad ng milyon milyong mga lalaki sa mundo, wala siyang lugar para magdesisyon sa pamilya nila.Hindi niya hinahangad ang pwesto na gusto ng libo libong mga tao, ngunit kuntento na siya sa masayang mga araw na meron siya kasama ang asawa niya.Nabigla si Nicholas at humigpit ang mga kamao niya. Lumapit siya. Nakabukas ang pinto ng cafe, at madaling marinig ang pag uusap ng mag asawa.“Darling, makinig ka
Tumawa si Nicholas at mukha siyang inosente.“Hindi ba’t isa itong cafe? Ano pa ba ang rason kung bakit nandito ako?”Maingat na pinanood ni Zephyr si Nicholas, binabasa niya ang kahit maliit na ekspresyon nito.Hindi agresibo ang lalaki katulad noong nakaraan, ngunit ang konklusyon ay hindi madaling gawin kung nandito siya para sa isang mabuti o masamang intensyon.Bumalik si Zephyr sa pag akbay sa balikat ni Cordelia, sinabi niya kay Crodelia na umuwi muna ito at sinabi niya na siya na ang bahala dito.Nag aalala si Cordelia ngunit naglakad lang siya ng mabagal palabas dahil sa pag pilit ni Zephyr. Nang umalis na si Cordelia, tumingin si Zephyr kay Nicholas ng nakangisi.“Afternoon tea set, tama ba? Ihahanda ko ito para sayo!”“Kaya mo ba itong gawin?”“Bakit hindi? Ako ang boss dito.”Bumalik si Zephyr sa likod ng counter. Ang kilos niya ay praktisado, ngunit ang mga kaldero at kawali ay gumawa ng ingay. Nagtaka si Nicholas kung kailangan ba talaga gumawa ni Zephyr ng ingay
Kakaiba na tila naglaho sa ere si Marcus. Dumating si Robert sa Jangasas para palihim na magbigay ng balita sa kanya. “Sir, ang mga tauhan po natin ay hinanap na ang buong Centrolis, pero hindi po matagpuan si Marcus.”Malamig ang ekspreyson ni Zephyr. Paano nangyari na ang isang buhay na tao ay naglaho ng basta basta?! Ngayon at hindi siya mahanap, naisip na ni Zephyr ang pinakamasama.“Magpatuloy kayo sa paghahanap sa Centrolis!” Kinagat niya ng ngipin niya. “Ang hinala ko ay nauna siyang mahanap ni Uncle Matthew. Siguradong hahanap sila ng tao na aatake sa kin kung may gusto silang gawin!”“Sir…” Lumaki ang mga mata ni Robert, tila kabado siya.“Wag kang mag alala tungkol sa akin,” Ang utos ni Zephyr, “Pero si Cordelia… Humanap ka ng mga maaasahan na mga tauhan para protektahan siya habang papunta at paalis ng trabaho. Ang kaligtasan niya ang pinakamahalaga sa lahat!”“Masusunod po!”Kinilabutan si Zephyr pagkatapos itong sabihin.Magtulungan man sina Matthew, Yale, o ang iba
Tumingin si Zephyr sa mga review sa phone niya ng may madilim na ekspresyon.Ang isang bagong shop ay hindi makakakuha ng ganito karaming atensyon. Ang tanging posibilidad lang ay tulad ng sinabi ni Cordelia—may ibang taong may pakana nito.Ang mga review na ito ay sinasadyang nilagay ng mga paid posters.Pinaghihinalaan din ni Zephyr si Nicholas, ngunit binawi niya ito sa oras na maisip niya ito. Base sa pagkatao at katayuan ni Nicholas, hindi siya gagawa ng ganitong klaseng pakana.Bukod pa dito, ang taktikang ginamit dito ay parang laban sa pagitan ng mga babae. Kung gusto puntiryahin ni Nicholas si Zephyr, madali siyang magsisimula ng digmaan.Ito rin ay parang gawa ng isang business rival. Maraming cafe sa lugar, ngunit lahat sila ay may kanya kanyang kulay at target customer. Ayos lang ang lahat sa isa’t isa.Kaya naman, ang tao na kumuha ng paid posters para puntiryahin sila, malamang ay pinupuntirya nito si Cordelia…Ang sagot ay naging klaro na kay Zephyr, ngunit tinan
Nababalisa si Cordelia, ngunit nagustuhan ni Zephyr ang sitwasyon. Hindi para sa kanya ang magtimpla ng kape at magsilbi sa mga customer. Gusto niya lang samahan si Cordelia ng araw araw—mas maganda pa kung silang dalawa lang ang nasa shop.Gayunpaman, sinabi niya pa rin kay Fredric na imbestigahan ito para sumaya si Cordelia. Ang resulta ay tulad ng inaasahan niya. “Z, nagkonsulta ako sa ilang media company, at mabilis nilang nakuha ang data. Nakalagay sa data na ang mga paid poster na ito ay mula sa Jenner Group.”“Hah, so si Yelena talaga?”“Ang account na nagbayad sa paid posters ay ang finance account mula sa Jenner Group.”Sino pa ba mula sa mga Jenner, maliban kay Yelena, ang gagawa ng ganito?Kinurot ni Zephyr ang noo niya at tinapos niya ang phone call.Masyado siyang nanunuya para labanan ang mga Jenner, lalo na at hindi siya kayang labanan ng mga ito. Kaya nga lang, pinahahalagahan niya si Cordelia.Sinabi ni Fredric ng may mahinang boses, “Z, hindi mahirap para harap
”Maaga akong magsasara ngayon.” Blanko ang mukha ni Cordelia. “Pakiusap umalis ka na. Wala ako ng kailangan mo dito!”Nailang ang mga katrabaho nila noong lumingon sila kay Yelena.Ngumisi si Yelena at pinagkrus niya ang kanyang mga braso, sinenyasan nila sila na manood. “Cordelia, hindi makakabuti sa upa niyo kapag maaga kayong nagsara, hindi ba?”“Upa?” Tinaas ni Cordelia ang kanyang kilay. “Ang asawa ko ang nagbabayad ng upa at nagpapatakbo sa store. Sinabi ng asawa ko na binuksan niya ang cafe na ‘to para maging masaya ako, kaya pwede akong magsara kung kailan ko gusto. Hindi ko kailangang alalahanin ang pera!“Tsaka…” Pinunasan niya ang counter habang nakatingin siya kay Yelena at sinabing, “Isa ‘tong lugar para sa kape at desserts, hindi para sa pakikipagchismisan!”“Malaking problema na ang panatilihin ang negosyo niyo, kaya bakit ang yabang-yabang mo pa?” Napahiya si Yelena dahil hindi niya kayang talunin si Cordelia sa harap ng mga katrabaho nila.“Sige, aalis kami! Pero
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala