”Gawin mo ulit ‘yan, at ipapakita ko sa’yo kung paano kita papatayin!”“Ikaw…”“Alis na!” Ang sigaw ni Cordelia.Tumingin sa kanya si Yelena, tulala at takot na takot. Puno pa rin ng galit ang tingin niya kay Cordelia, ngunit hindi na siya nangahas na gumawa ng gulo. Si Linda, na kadarating lang sa cafe, ay nasaksihan ang nangyari. Sapat na ang kalat sa lapag upang malaman kung ano ang nangyari.Nataranta siya, nag-alala siya na baka dehado si Cordelia at agad siyang tumakbo papunta kay Cordelia upang itulak palayo si Yelena.Nawalan ng balanse si Yelena noong tinulak siya ni Linda at bumangga siya sa kanto ng mesa, dahilan upang pagpawisan siya ng malamig sa sakit na naramdaman niya.“Linda Quimby, nababaliw ka na ba!?” Nagwala si Yelena. “Ang lakas ng loob mo na itulak ako!”“Ano ngayon?” Dinepensahan ni Linda si Cordelia. “Nagpunta ka dito kasama ng mga tao na ‘to para ipahiya si Cordelia, hindi ba?”“Hah, nandito ako bilang isang customer!” Inirapan siya ni Yelena. “Mga w
Kinagat ni Yelena ang kanyang mga labi at ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang ilihis ang kanyang tingin ng nakababa ang kanyang buhok upang hindi makita ni Nicholas ang kanyang mukha. "Hindi na kailangan," ang sagot niya. "Iisipin ko na lang na minalas ako ngayon kaya nakasalubong ko ang dalawang talunan!" "Anong sinabi mo?" Noong nagtaas ng boses si Linda, agad na nanliit si Yelena. Habang pa naglalakad siya palabas, nanatili siya malapit sa pader, ag sumigaw siya, "Cordelia, maghintay ka lang! Bantayan mo 'yang walang kwentang shop mo araw-araw kung kaya mo, kung hindi sisirain ko ito balang araw!" Susugod sana si Linda, ngunit hinawakan ni Cordelia ang kanyang kamay. "Hayaan mo na." Itinayo ni Nicholas ang isang natumbang bangko at inayos niya ang kanyang manggas. Tumingin siya sa dalawang babae ng nakangiti. "Kakagatin mo ba pabalik yung aso kapag kinagat ka nito?" "Wala ka nang pakialam dun!" Pinagbuntunan siya ni Linda. Tumagos hanggang sa puso ni Nicholas
Ang sabi ng tauhan niya ng nakangisi, “N, ang dinig ko mahilig mag-party yung Ms. Yelena Jenner na ‘yun.”“Talaga?” Natawa din si Nicholas. “Gaano siya kahilig?”“Hindi ko alam. Yung mga masisipag na hunk sa club ang dapat mong tanungin! Haha…”Dumilim ang mga mata ni Nicholas. Nakangiti siya, ngunit may bahid ng lamig ang kanyang tingin.…Pagkaraan ng ilang araw, dinala si Yelena sa isang madilim na silid sa Euforia.Nagsimula siyang mayabang, nagtitili at nagsisigaw siya dahil sa kalasingan.“Sino ka? Ang lakas ng loob mo na dukutin ako! Isa akong VIP patron dito! Bulag ba kayong lahat!?”“Syempre, alam ko na VIP patron ka namin,” isang malamig na boses ang biglang sumagot.Unti-unting lumiwanag sa loob ng silid. Nakakatakot at matalim tumingin ang lalaking nakaupo sa gitna. Kapansin-pansin ang peklat sa paligid ng kanyang mga mata.Pakiramdam ni Yelena na tumalon palabas ang puso niya sa kaba at huminga siya ng malalim.Nagsalita si Nicholas ng nakangisi. “Ms. Jenner, hi
”Oops, maling tao ang pinadalhan ko.” Maririnig ang sarkastikong boses ni Nicholas sa kabilang linya. “Dapat kay Mr. Jenner ko pinadala ang ganito kagandang mga larawan!”“Nicholas Thompson!”“Ms. Jenner, talagang napakasarap mo sa club!”Kinagat ni Yelena ang kanyang mga labi at namutla siya.“Marami akong pinagdaanang hirap sa kulungan, Ms. Jenner. Medyo naimbalido ang kamay ko lalo na ng mga laban.“Kapag nagkamali ako at aksidente kong naipost ang mga ‘to… Heh, Ms. Jenner, ayos lang sa’kin, pero ang imahe mo bilang isang mayamang tagapagmana…”“Nicholas… Mr. Thompson!” Nanginig ang boses ni Yelena. “S-Sabihin mo sa’kin kung anong gusto mo! Gagawin ko ang makakaya ko!”“Wala naman. Mukha lang kasing hindi ka seryoso sa pag-ayos sa pinsalang ginawa mo.”Nagngitngit ang mga ngipin ni Yelena. “A-Ano pa bang gusto mo?”“Umupa ka lang ng mga bayarang poster para magbigay ng magagandang reviews. Ako na sana mismo ang gumawa nun kung ganun lang ‘yun kasimple. Bakit pa kita uutusan
Pinilit ni Yelena na tiisin ito, hinayaan niya si Cordelia na magpatuloy sa pag-iisip na biktima siya.“Cordelia, t-talaga bang hindi mo ako papatawarin?”“Walang lugar dito para sa’yo.” Malamig ang mga mata ni Cordelia. “Umalis ka na.”“Cordelia…”“Umalis ka na, ngayon din!” Kinuyom ni Cordelia ang kanyang mga kamao at nagngitngit ang kanyang mga ngipin, puno ng galit ang tingin niya kay Yelena.Kahit na inaapi ni Yelena si Cordelia mula pa noong bata siya, natatakot siya kay Cordelia sa tuwing nagagalit siya.Higit pa rito, mayroong lalaki na parang isang demonyo sa tabi niya ngayon…Kinagat ni Yelena ang kanyang labi. Dahil pinaalis siya ni Cordelia, hindi na siya makapaghintay na umalis, lalo na’t nakahingi na siya ng tawad.“C-Cordelia, humingi na ako ng tawad. Wala na akong magagawa kung ayaw mo akong patawarin!”Umatras si Yelena habang nagsasalita siya hanggang sa nakarating siya sa hardin. Natisod pa nga siya sa daan na gawa sa bato.Huminga ng malalim si Cordelia. G
"N!" Nag-alala ang mga tauhan ni Nicholas na baka masaktan siya at naghanda sila para kumilos. Inutusan sila ni Nicholas na huwag makialam.Ang ilan sa kanila ay naglakad palayo ng labag sa kanilang kalooban. Habang pinapanood niya silang maglaho sa kadiliman, binaba ni Zephyr ang baril. "Tama 'yun. Matagal ko nang alam na hindi ikaw si Marcus." Suminghal si Nicholas. "Pero ano ngayon? Wala akong ginawa sa'yo kahit na nalaman ko na hindi ikaw si Marcus, hindi ba?" Lumamlam ang mukha ni Zephyr. Tama siya. Higit pa rito, noong dumating si Yelena sa cafe upang apihin si Cordelia, dumating siya upang paalisin sila. Gayunpaman, duda pa rin sa kanya si Zephyr. "Alam mo na hindi ako si Marcus." Tumingin siya ng malamig kay Nicholas. "Kung ganun, alam mo ba kung sino talaga ako?" Napahinto siya. Tumingin siya sa kanya at bigla siyang ngumiti. "Ang tanging alam ko lang ay ang asawa mo ang pinakamatalik na kaibigan ng babaeng gusto ko!" Tinaas ni Zephyr ang kanyang mga kilay.
"Na… naistorbo ko ba kayo?" Ngumuso si Cordelia at natawa. Lumalabas na mas malakas pa ang karisma ng asawa niya kaysa sa inaakala niya! Napakasama ng itsura ng tatlong lalaki, lalo na si Zephyr. Tumingin siya ng masama sa kaliwa't kanan niya na para bang nakatingin siya sa mga kaaway niya. "Doon kayo sa labas mag-away!" Ang sabi niya. "Hindi niyo ba nakikita na nandito ang asawa ko!?" Nagulat silang dalawa. Nahiya si Seth, nginitian niya si Cordelia at mabilis siyang umalis. Samantala, blanko ang ekspresyon ng mukha ni Nicholas. Tumingin siya kay Zephyr, tinapik niya ang kanyang balikat, at pumunta siya sa hardin. Sa huli ay humalakhak ng malakas si Cordelia. "Anong pinagtatawanan mo?" Hinawakan siya ni Zephyr at tiningnan niya siya ng masama. Nilamon siya ng matinding pagkalalaki ni Zephyr. Malambing siyang sumandal kay Zephyr at dinutdot niya ng kanyang daliri ang dibdib niya. "Walang masama sa bromance… Hayy, mukhang mali ang dating ko. Naistorbo ko ba kayo?"
Di nagtagal, naisuot na niya ang wedding dress at lumabas siya ng kwarto. Nakatayo si Zephyr sa kabilang dulo ng pulang carpet, tahimik niyang pinagmamasdan si Cordelia.Nasinagan ng araw ang maganda niyang mukha mula sa makukulay na salamin ng bintana.Tumingin siya kay Cordeli ng nakangiti. Narinig ang tunog ng pipe organ habang masayang naglalakad ang bride papunta sa lalaki na nangakong habangbuhay siyang mamahalin.Tanging ang ngiti lamang ni Cordelia ang nakikita ng mga mata ni Zephyr.Bigla siyang nasamid. Iba’t ibang emosyon ang nararamdaman niya.“Anong problema?” Dumating si Cordelia sa harap niya. “Bakit nakatayo ka lang diyan!?”Ngumiti lamang siya ng parang isang tanga noong nahimasmasan siya.Napakaganda niya sa suot niyang wedding dress.Hinawakan niya ang kanyang kamay at magkasama silang humarap sa altar.Nangako siya sa Diyos na si Cordelia lang ang magiging asawa niya sa buong buhay niya. For richer, for poorer, in sickness and in health—mananatili siya sa t
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala