"N!" Nag-alala ang mga tauhan ni Nicholas na baka masaktan siya at naghanda sila para kumilos. Inutusan sila ni Nicholas na huwag makialam.Ang ilan sa kanila ay naglakad palayo ng labag sa kanilang kalooban. Habang pinapanood niya silang maglaho sa kadiliman, binaba ni Zephyr ang baril. "Tama 'yun. Matagal ko nang alam na hindi ikaw si Marcus." Suminghal si Nicholas. "Pero ano ngayon? Wala akong ginawa sa'yo kahit na nalaman ko na hindi ikaw si Marcus, hindi ba?" Lumamlam ang mukha ni Zephyr. Tama siya. Higit pa rito, noong dumating si Yelena sa cafe upang apihin si Cordelia, dumating siya upang paalisin sila. Gayunpaman, duda pa rin sa kanya si Zephyr. "Alam mo na hindi ako si Marcus." Tumingin siya ng malamig kay Nicholas. "Kung ganun, alam mo ba kung sino talaga ako?" Napahinto siya. Tumingin siya sa kanya at bigla siyang ngumiti. "Ang tanging alam ko lang ay ang asawa mo ang pinakamatalik na kaibigan ng babaeng gusto ko!" Tinaas ni Zephyr ang kanyang mga kilay.
"Na… naistorbo ko ba kayo?" Ngumuso si Cordelia at natawa. Lumalabas na mas malakas pa ang karisma ng asawa niya kaysa sa inaakala niya! Napakasama ng itsura ng tatlong lalaki, lalo na si Zephyr. Tumingin siya ng masama sa kaliwa't kanan niya na para bang nakatingin siya sa mga kaaway niya. "Doon kayo sa labas mag-away!" Ang sabi niya. "Hindi niyo ba nakikita na nandito ang asawa ko!?" Nagulat silang dalawa. Nahiya si Seth, nginitian niya si Cordelia at mabilis siyang umalis. Samantala, blanko ang ekspresyon ng mukha ni Nicholas. Tumingin siya kay Zephyr, tinapik niya ang kanyang balikat, at pumunta siya sa hardin. Sa huli ay humalakhak ng malakas si Cordelia. "Anong pinagtatawanan mo?" Hinawakan siya ni Zephyr at tiningnan niya siya ng masama. Nilamon siya ng matinding pagkalalaki ni Zephyr. Malambing siyang sumandal kay Zephyr at dinutdot niya ng kanyang daliri ang dibdib niya. "Walang masama sa bromance… Hayy, mukhang mali ang dating ko. Naistorbo ko ba kayo?"
Di nagtagal, naisuot na niya ang wedding dress at lumabas siya ng kwarto. Nakatayo si Zephyr sa kabilang dulo ng pulang carpet, tahimik niyang pinagmamasdan si Cordelia.Nasinagan ng araw ang maganda niyang mukha mula sa makukulay na salamin ng bintana.Tumingin siya kay Cordeli ng nakangiti. Narinig ang tunog ng pipe organ habang masayang naglalakad ang bride papunta sa lalaki na nangakong habangbuhay siyang mamahalin.Tanging ang ngiti lamang ni Cordelia ang nakikita ng mga mata ni Zephyr.Bigla siyang nasamid. Iba’t ibang emosyon ang nararamdaman niya.“Anong problema?” Dumating si Cordelia sa harap niya. “Bakit nakatayo ka lang diyan!?”Ngumiti lamang siya ng parang isang tanga noong nahimasmasan siya.Napakaganda niya sa suot niyang wedding dress.Hinawakan niya ang kanyang kamay at magkasama silang humarap sa altar.Nangako siya sa Diyos na si Cordelia lang ang magiging asawa niya sa buong buhay niya. For richer, for poorer, in sickness and in health—mananatili siya sa t
Sa isang private club sa Centrolis…Umiinom ng tsaa si Matthew. Sumisilip siya kay Marcus, na nakatayo sa harap niya. Nagkaroon ng galit na ekspresyon sa kanyang matabang mukha.Nagmamalaking ngumiti si Yale at sinabi niya na, “Anong masasabi mo sa ideya ko, dad?“Sa tulong ng taong ‘to, magagawa nating patayin si Zephyr ng walang nakakapansin. Magiging puppet natin siya, at mapapasakamay mo ang mga Hamerton!”Pineke ni Matthew ang kanyang tawa at kumumpas siya, inutusan niya ang tauhan niya na palabasin si Marcus.“Sino pang nakakaalam na hinuli mo ang lalaking ‘to?”“Kakampi natin sila! Huwag kang mag-alala!” Pinaglaruan ni Yale ang bead bracelet na nasa kamay niya habang nakakrus ang kanyang mga binti.Ang kamangmangan niya ang bagay na pinakaayaw ni Matthew sa kanya!Siguradong mapapahamak siya kapag laging nasa mga ulap ang isip niya. Wala silang magawa kundi sundin ang mga Hamerton upang hindi sila mapaalis—doon lamang sila magkakaroon ng pagkakataon na burahin ang mga ta
Tanging si Cordelia lamang ang laman ng mga mata ni Zephyr.Nagulat si Cordelia, at namula siya. Nahihiya siya at natatakot habang nagmamakaawa siya, “Honey, huwag!”Nakangisi ang mga mata ni Zephyr.Kumalat sa loob ng silid ang init ng parang apoy. Noong masinagan ng liwanag ng buwan ang bintana ng kanilang kwarto, naliwanagan nito ang mga nakakalat na damit sa sahig at pati na rin ang dalawang tao sa kama.…Unti-unting minulat ni Zephyr ang kanyang mga mata kinaumagahan. Noong nakita niya na mahimbing pa ring natutulog si Cordelia sa kanyang mga braso, hindi niya napigilang ngumiti at hinalikan niya ang kanyang mga labi. Dahan-dahan niyang hinila ang braso niya at bumangon siya sa kama upang tawagan ang reception, sinabihan niya sila na magdala ng almusal sa kanilang kwarto.Umikot si Cordelia sa higaan, bigla siyang nagising nang maramdaman niya na walang tao sa tabi niya.“Darling?”Bumangon siya mula sa kama upang maghanap. Pagpasok ni Zephyr mula sa balkonahe, naglakad s
Huminto si Zephyr at pumunta siya sa tabi ni Cordelia upang sabihin na, “Nasa labas ang mga pulis ngayon. Ligtas tayo. Dito ka lang. Babalik ako agad.”Nakita niya na maraming tao sa may pasilyo. Hindi lang ang mga pulis ang nandito, nandoon din ang mga tauhan na pinadala ni Robert upang protektahan si Cordelia.Tumango si Cordelia at pinaalalahanan niya si Zephyr na mag-ingat. Tiningnan niyang maigi ang lock pagkatapos umalis ni Zephyr at sinabit niya ang security chain.Pamilyar si Zephyr sa loob ng hotel. Madali niyang naiwasan ang mga tao at nagtungo siya sa rooftop sa pamamagitan ng isang lihim na daan. Gaya ng inaasahan, nakita niya ang mga bakas ng dugo sa may hagdan.Naalarma siya, at tumakbo siya paakyat. Hindi pare-pareho ang mga bakas ng dugo, kaya binagalan niya ang kilos niya at naging alerto siya habang nakahawak ang isang kamay niya sa baril sa kanyang baywang.Bigla siyang nakariniog ng mahinang sigaw na humihingi ng tulong!“Sino ‘yan?” Nagulat si Zephyr.Nakita
Kahit na natatakot si Cordelia, mabilis niyang pinakalma ang kanyang sarili. Pagkatapos niyang mag-isip ng ilang sandali, kinuha niya ang mga damit niya mula sa kabinet.Nagulat si Zephyr, hindi niya alam kung anong gustong gawin ni Cordelia.“May naisip akong ideya,” ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Darling, bihisan mo siya ng damit at pagmukhain niyo siyang babae!“Tapos dalhin niyo siya palabas ng hotel, at hindi kayo paghihinalaan ng mga tao!”Pinag-isipan ito ni Zephyr. Ang kasalukuyan nilang dapat gawin ay mailabas ng hotel si Nicholas. Pwede nilang subukan ang ideyang ito!Umalis si Cordelia sa kwarto, at mabilis na kumilos ang mga lalaki. Noong muling bumukas ang pinto, nakabihis na si Nicholas ng mga damit niya. Kahit na mas malaki si Nicholas, maswerte sila na maluwag ang mga damit ni Cordelia. Isa itong mahabang dress, kaya pwede siyang balutin nito.Tiningnan siya ni Cordelia at kumuha siya ng isang magandang ipit mula sa kanyang pitaka upang ilagay ito kay Nicholas.
”May tama siya ng saksak sa tiyan niya na muntik nang tumagos hanggang sa atay niya. Malalim ang sugat, pero natahi ko na ito.”Kumabog ng malakas ang puso ni Cordelia noong narinig niya ang tungkol dito, at hindi niya namalayan na humigpit ang hawak niya sa kamay ni Zephyr.“Huwag kayong mag-alala.” Pagod na ngumiti si Seth. “Hindi na kritikal ang kondisyon niya. Pero kailangan niyang manatili sa ospital para maobserbahan siya sa ngayon… Mas mabuti kung may taong sasama sa kanya, para mabigyan ko siya ng pangalawang emergency treatment kung sakaling may mangyari.""Salamat." Tinapik ni Zephyr ang kanyang balikat. Nakonsensya siya na dinala niya si Nicholas kay Seth, ngunit wala siyang maisip na mas mabuting solusyon.Walang duda na malalantad ang pagkatao ni Nicholas kapag dinala nila siya sa isang ordinaryong ospital, habang maaaring hindi rin kasing husay ang mga doktor mula sa mga ordinaryong private clinic.Dinala ng nurse si Nicholas sa ward ng ospital.Ang lalaking madalas