Huminto si Zephyr at pumunta siya sa tabi ni Cordelia upang sabihin na, “Nasa labas ang mga pulis ngayon. Ligtas tayo. Dito ka lang. Babalik ako agad.”Nakita niya na maraming tao sa may pasilyo. Hindi lang ang mga pulis ang nandito, nandoon din ang mga tauhan na pinadala ni Robert upang protektahan si Cordelia.Tumango si Cordelia at pinaalalahanan niya si Zephyr na mag-ingat. Tiningnan niyang maigi ang lock pagkatapos umalis ni Zephyr at sinabit niya ang security chain.Pamilyar si Zephyr sa loob ng hotel. Madali niyang naiwasan ang mga tao at nagtungo siya sa rooftop sa pamamagitan ng isang lihim na daan. Gaya ng inaasahan, nakita niya ang mga bakas ng dugo sa may hagdan.Naalarma siya, at tumakbo siya paakyat. Hindi pare-pareho ang mga bakas ng dugo, kaya binagalan niya ang kilos niya at naging alerto siya habang nakahawak ang isang kamay niya sa baril sa kanyang baywang.Bigla siyang nakariniog ng mahinang sigaw na humihingi ng tulong!“Sino ‘yan?” Nagulat si Zephyr.Nakita
Kahit na natatakot si Cordelia, mabilis niyang pinakalma ang kanyang sarili. Pagkatapos niyang mag-isip ng ilang sandali, kinuha niya ang mga damit niya mula sa kabinet.Nagulat si Zephyr, hindi niya alam kung anong gustong gawin ni Cordelia.“May naisip akong ideya,” ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Darling, bihisan mo siya ng damit at pagmukhain niyo siyang babae!“Tapos dalhin niyo siya palabas ng hotel, at hindi kayo paghihinalaan ng mga tao!”Pinag-isipan ito ni Zephyr. Ang kasalukuyan nilang dapat gawin ay mailabas ng hotel si Nicholas. Pwede nilang subukan ang ideyang ito!Umalis si Cordelia sa kwarto, at mabilis na kumilos ang mga lalaki. Noong muling bumukas ang pinto, nakabihis na si Nicholas ng mga damit niya. Kahit na mas malaki si Nicholas, maswerte sila na maluwag ang mga damit ni Cordelia. Isa itong mahabang dress, kaya pwede siyang balutin nito.Tiningnan siya ni Cordelia at kumuha siya ng isang magandang ipit mula sa kanyang pitaka upang ilagay ito kay Nicholas.
”May tama siya ng saksak sa tiyan niya na muntik nang tumagos hanggang sa atay niya. Malalim ang sugat, pero natahi ko na ito.”Kumabog ng malakas ang puso ni Cordelia noong narinig niya ang tungkol dito, at hindi niya namalayan na humigpit ang hawak niya sa kamay ni Zephyr.“Huwag kayong mag-alala.” Pagod na ngumiti si Seth. “Hindi na kritikal ang kondisyon niya. Pero kailangan niyang manatili sa ospital para maobserbahan siya sa ngayon… Mas mabuti kung may taong sasama sa kanya, para mabigyan ko siya ng pangalawang emergency treatment kung sakaling may mangyari.""Salamat." Tinapik ni Zephyr ang kanyang balikat. Nakonsensya siya na dinala niya si Nicholas kay Seth, ngunit wala siyang maisip na mas mabuting solusyon.Walang duda na malalantad ang pagkatao ni Nicholas kapag dinala nila siya sa isang ordinaryong ospital, habang maaaring hindi rin kasing husay ang mga doktor mula sa mga ordinaryong private clinic.Dinala ng nurse si Nicholas sa ward ng ospital.Ang lalaking madalas
”Anong problema?” Nagtaka si Zephyr noong nakita niya ang ekspresyon ng mukha ni Nicholas.Inisip niya ba nagpapakumbaba na siya sa pagpupunas niya sa mukha ni Nicholas para sa kanya, kaya paanong may reklamo pa rin siya!? "Wala." Napangiwi si Nicholas. "Masyadong malalim ang mga sugat mo." Tumingin sa kanya si Zephyr. "Kailangan mo pang magpahinga. Huwag ka munang kumilos, baka muli nanamang bumuka ang mga sugat mo.""Nasaan ang lugar na 'to?" "Sa ospital ni Seth.""Ano?" Muntik nang mapatalon si Nicholas, namilipit siya sa sakit noong aksidente niyang nahila ang sugat sa kanyang tiyan. Tumingin si Zephyr sa kanya ng nakasimangot. "Hindi kita pwedeng dalhin sa ibang lugar. Alam ni Seth ang lahat," ang sabi niya ng may malalim na boses. "Iniligtas niya ang buhay mo. Magpasalamat ka sa kanya!" Suminghal si Nicholas at ngumisi. "Kung tama ang pagkakatanda ko…" Tumingin siya kay Zephyr. "Siya rin ang nagligtas sa buhay mo, hindi ba, Mr. Z Hamerton?" Agad na nagalit si Z
“Nicholas Thompson!”Dumilim ang tingin ni Zephyr. Nagmula din sa kanya ang isang napakabigat na pakiramdam.“Gusto mo na bang mamatay?”“Hah, mukhang natatakot ka?”Biglang inangat ni Zephyr ang kanyang kamay upang sakalin si Nicholas.Nagulat si Nicholas noong naramdaman niya na pahigpit nang pahigpit ang pagsakal sa kanya ni Zephyr. Nahirapan siyang huminga.“Ikaw…”Tumalim ang mga mata ni Zephyr. Kasing bagsik ng mga gangster na nakilala ni Nicholas noon ang mga ginagawa ni Zephyr.Pinilit ni Nicholas na igalaw ang kanyang kamay upang hawakan ang braso ni Zephyr… noong bumukas ang pinto, at bumungad kay Cordelia ang eksenang ito pagpasok niya.“Honey!” Nagulat siya at tumakbo siya upang hablutin ang braso ni Zephyr. “Anong ginagawa mo?”Huminahon si Zephyr at unti-unti niyang binitawan si Nicholas.Umubo si Nicholas ngunit hindi siya nangahas na lakasan ito sa takot na muling bumuka ang mga sugat niya. Habang umuubo siya, tumingin siya ng masama kay Zephyr.Si Zephyr la
Ibinaba ni Cordelia ang mga sulok ng kanyang labi, at sumimangot siya. Bago pa niya maisip kung ano ang sasabihin niya, lumabas si Zephyr na nakakunot ang noo.“Ako ang mag-aalaga sa kanya.”Natakot si Nicholas. “H-Hindi, hindi ikaw ang tinutukoy ko—”“Ako lang ang pwedeng mag-alaga sa’yo maliban kay Cordelia.”Ang sabi ni Nicholas pagkaraan ng ilang sandali, “Bro, papuntahin mo na lang dito si Ian.”“Sugatan din si Ian. Pinauwi ko muna siya para makapagpahinga pagkatapos siyang gamutin ni Seth.”Walang masabi si Nicholas.“Ayos lang ‘yun.” Ngumisi si Zephyr. “Kaya kitang alagaan nang mabuti.”Sumimangot si Nicholas habang palihim na humahagikhik si Cordelia habang nakatakip ang kamay niya sa kanyang bibig. Inabot niya ang take-out box kay Zephyr habang nagsasalita siya. “Babalik na muna ako sa cafe, darling. Dadalhan ko kayo ng hapunan kapag tapos na ako. Dito ka na lang muna at alagaan mong mabuti si Mr. Thompson!”Ngumiti si Zephyr. Pareho silang ngumisi sa isa't isa pagkat
Noong nakita ni Nicholas ang matangkad at magandang babae, hindi niya napigilang humigpit ang hawak niya sa kanyang wheelchair.“Bakit niyo siya dinala dito?”Seryoso ang itsura ni Zephyr. “Ikaw yung nagsabi na ipaliwanag ang lahat ng mga hindi pagkakaunawaan sa lalong madaling panahon at huwag nang patagalin pa ang mga bagay.”“Ikaw yung tinutukoy ko!” Tumingin ng masama sa kanya si Nicholas.Ngumiti si Zephyr at kinawayan niya si Cordelia. Mabigat ang mga yabag ni Linda habang mabagal siyang naglalakad palapit kay Nicholas. Habang palapit sila sa isa't isa, lalong nagiging malinaw ang nakaraan nila sa kanilang mga isipan. Tumalikod si Nicholas ng may malamig na ekspresyon. Noong sandaling yumuko siya upang hawakan ang wheelchair, subalit, lumabas mula sa kanyang hospital gown ang kanyang kwintas dahil sa pagkilos niya. Mabigat ang paghinga ni Linda. Mayroong kwintas na kamukhang-kamukha nito sa kanyang leeg. Yung totoo, hindi ito isang kwintas. Isa lang itong ordinaryon
Masama ang loob ni Linda na nagkukunwari si Nicholas na malamig at walang pakialam, masama ang loob niya na hindi siya nagpaliwanag, at masama ang loob niya na kaya niya siyang mahalin sa napakaraming paraan, ngunit pinili niya ang pinakawalang kwentang paraan!Napatalon si Nicholas, at sumakit ang sugat niya sa sandaling iyon. Napakatagal niyang nakabilad sa ilalim ng malakas na sikat ng araw at medyo nanghina siya. Lalo siyang namutla, at tumulo ang malalaking butil ng pawis sa kanyang noo.Agad siyang tiningnan ni Zephyr. Marahil ay bumukas ang sugat ni Nicholas dahil tumutulo ang dugo mula sa gasa. Tumakbo si Cordelia para tawagin ang nurse.Lumuhod si Linda sa harapan niya na kinakabahan at hinawakan ang kamay niya. “Nicholas... kumusta ang pakiramdam mo? Ma... Malubha ba ang sugat mo?"Balewala kay Nicholas ang isang saksak. Maraming beses na siyang nabaril. Nasaktan siya sa sinabi ni Linda at sa titig niya noong tumingin siya sa kanya. Nasaktan siya dahil hindi niya alam kun
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala