Umaasa rin si Linda na sana ay nagkamali siya.Subalit, napakatalas ng memorya niya mula pa noong nasa high school siya, at kailanman ay hindi niya nakalimutan ang mga taong nakilala niya noon.Kahit na nakasuot ng mask ang isang tao, hindi magbabago ang mga mata nila.Habang iniisip ni Linda ang tungkol dito, lalo siyang nagdududa kay Zennie. Hininaan niya ang kanyang boses at sinabing, “Kung ganun, bantayan mo lang siya ng maigi. Hindi pa natin alam kung siya ba talaga ang anak ng mga Hamerton o hindi.”Nanlaki ang mga mata ni Cordelia sa gulat.“Ang ibig kong sabihin ay dapat manatili kang alerto para hindi ka pagsamantalahan ng masasamang tao!”“Pero Linda…” Nagsalita si Cordelia pagkaraan ng ilang sandali, “Kung hindi siya ang anak ng mga Hamerton, kung ganun ano ang dahilan niya para lumapit sa’kin? Tsaka, dinaos yung charity dinner nung nakaraan para mismo sa kanya, at personal na kinumpirma ni Yelena ang pagkatao niya!“Kahit na kaya niya akong lokohin, sa tingin mo ba m
Sinubukang ayusin ni Linda ang kanyang bukung-bukong, ngunit nakaramdam siya agad ng matinding sakit sa kanyang binti noong sinubukan niyang igalaw ang kanyang paa. Tumingala siya at tumingin siya sa langit. Hapon na, at nagsimula nang matakpan ng mga ulap ang bundok. Dahil sa karanasan niya sa hiking, pumili siya ng daan na hindi pa nadaanan ng ibang tao noon.Napagtanto niya na hindi siya makakaalis sa bundok!Agad niyang kinuha ang kanyang phone mula sa kanyang backpack, ngunit walang signal doon.Sinubukan niyang tumayo, ngunit halos hindi siya makatayo, kahit na sinubukan niyang kumapit sa puno sa tabi niya.Nataranta si Linda. Walang ibang tao sa bundok na ‘to, at habang dumidilim ang langit, naririnig niya ang mga tunog ng mga hayop.Kinabahan siya, at hindi niya napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Paulit-ulit niyang pinatay at binuksan ang kanyang phone upang makahanap ng signal, ngunit paubos na ang baterya ng nag-iisang phone na maaaring makapagli
Pakiramdam ni Linda ay para bang may tumama sa puso niya.Ngayon lang niya ulit naramdaman ang pakiramdam na ito mula noong nakipagtalo siya sa lalaking iyon.Sumimangot siya, sinubukan niyang itulak palayo si Seth. Subalit, lalo lamang humigpit ang hawak ni Seth sa kamay niya. “Hey…”"Masakit ang paa mo at hindi ka makalakad," ang paliwanag ni Seth. "Tigilan mo na ang katigasan ng ulo mo."Tinikom ni Linda ang kanyang mga labi at nakita niya ang malinis at payat na kamay ni Seth. Iyon ang kamay na humahawak sa scalpel. Maganda ito. Samantala, si Seth ay maalaga, gwapo, at elegante. Kung hindi siya ang nagligtas sa kanya ngayong araw, baka hindi pa rin siya nakakaalis sa bundok na 'yun. Habang nag-iisip siya, nakaramdam siya ng pananakit mula sa kanyang paa. Sumimangot sita at muntik na siyang mawalan ng balanse. "Mag-iingat ka!" Agad na hinawakan ni Seth ang kanyang braso. Nakakita siya ng malaking bato at inalalayan niya si Linda na umupo pagkatapos niya itong pagpa
"Cordelia, ano 'to?" "Kainin mo 'yan." Walang emosyon ang mukha ni Cordelia. "Hindi maganda na puro instant noodles lang ang kinakain mo. Ilang beses ko na bang sinabi 'yun sa'yo!?" Pakiramdam ni Linda na may nakabara sa kanyang lalamunan. Naluluha ang kanyang mga mata.Tinitigan siya ng matagal ni Cordelia. Sa wakas ay tumigil na siya sa pagpapanggap natawa siya ng malakas. "Ano 'to? Hindi ito ang unang beses na dinalhan kita ng pagkain. Kailangan mo bang umiyak?" Nilunok ni Linda ang pagkain sa loob ng bibig niya. Inangat niya ang namumula niyang mga mata, at sa wakas ay nasabi din niya ang dalawang salita. “I’m sorry.”Naramdaman ni Cordelia na kumabog ang kanyang dibdib. Alam niya kung gaano kataas ang pride ni Linda. Kailanman ay hindi siya nagpaubaya at humingi ng tawad sa tuwing mag-aaway sila. Subalit alam niya din na nakahanda siyang ibaba ang sarili niya para sa kanya. Yung totoo, isa lang itong pagtatalo sa pagitan ng dalawang matalik na magkaibigan. Hindi
Mayroong ngiti sa mukha ni Marcus habang nakatingin siya sa babae na yakap niya.“Hubby.” Mukhang may binabalak si Cordelia at kinuskos niya ang sarili niya kay Marcus. “Bakit hindi natin sila tulungan?”“Tulungan sila?” Nagulat siya. Paano nila sila tutulungan? Wala siyang karanasan sa bagay na ‘to.“Tama!” Seryoso ang cute niyang asawa tungkol dito. “Kung hindi dahil kay Dr. Stafford, hindi tayo magkakakilala. Ngayong naisip ko ang tungkol dito, dapat natin siyang pasalamatan, ang matchmaker!“Maganda siguro kung magiging silang dalawa ni Linda!”Naging malagim ang mga mata ni Marcus. Hindi siya nagsalita.Mas nag-iisip siya kaysa kay Cordelia, at mas komplikado ang pag-iisip niya kaysa sa kanya. Ayaw niyang madamay sa mga ganitong bagay ng para lang sa wala.Kung sabagay, wala siyang gaanong alam tungkol kay Linda. Higit pa rito, iniligtas siya ni Seth. Hindi niya pwedeng ipahamak si Seth.Subalit, tuwang-tuwa si Cordelia. Disidido siyang maging matchmaker ng dalawa.Ngumit
”Siguradong hindi ikaw yung may gustong pumunta dito!” Kilalang-kilala siya ni Seth.“Oo. Si Cordelia ang may gusto ng lugar na ‘to,” ang mahinang sinabi ni Marcus. “Determinado siya na maging kayo ni Linda, kaya sinabi niya na magbakasyon tayo dito para magkasama kayo ni Linda.”“Napakabait niya.” Ngumiti si Seth at tumingin siya sa paligid. “Napakaganda dito… Medyo nakakapagtaka lang.”“Ano ‘yun?”“Nagsearch ako tungkol sa hotel na ‘to. Sikat na sikat ang hotel na ‘to. Akala ko napakaraming tao dito. Kaso, maliban sa’tin, walang ibang tao dito! Kahit na hindi peak season, hindi dapat ganito katahimik dito, hindi ba?”Umubo ng dalawang beses si Marcus. Inutusan niya ang mga tauhan niya na ibakante ang buong lugar bago sila pumunta dito. Syempre, wala silang nakitang ibang tao dito.“Hayy, mukhang hindi maganda ang lagay ng hotel na ‘to. Magsasara na ba ‘to?”Sumimangot si Marcus at inirapan niya si Seth.“Ano? Gusto mo ba ng maraming tao at mga matataong lugar?”Nagkibit-bali
Naguluhan si Cordelia sa sinabi ng matandang babae.Tumingin siya sa matanda ng may pagdududa. Gusto sana niyang magtanong ngunit nagulat siya kay Marcus, na nasa tabi niya.Mukhang malagim ang lalaki, nanlilisik ang kanyang mga mata, na para bang magsisimula siya ng isang bagyo.Hinawakan ni Cordelia ang kamay ni Marcus at binulungan niya siya, “Baka masyado na siyang matanda kaya hindi na niya alam ang sinasabi niya… Huwag mong masyadong dibdibin yung sinabi niya.”Hindi nila inasahan na matalas ang pantinig ng matandang babae at narinig niya ang sinabi ni Cordelia. Ngumisi siya.“Napakabuti mo, iha. Gagantimpalaan ka sa kabutihan mo.”“Salamat, lola.” Nagkaroon ng magalang na ngiti sa mukha ni Cordelia. “Mabait naman ang asawa ko. Medyo nakakatakot lang talaga ang itsura niya. Masyado siyang seryoso minsan, kaya madalas hindi siya naiintindihan ng ibang tao.”“Hah, gusto mong malaman ang kapalaran niyo ng asawa mo, hindi ba?”Agad na tumango si Cordelia.Tiningnan ng matand
Nang gustong itago ni Cordelia ang tali, inilagay muna ito ni Marcus sa kanyang bulsa.“Darling, anong…”"Iyan ang sinabi ng matandang babae," sabi niya. “Isa para sa iyo at isa para sa akin. Itatabi natin ‘to ng magkahiwalay, kaya kung talagang magkakahiwalay tayo sa hinaharap—”“Hindi, tumahimik ka! Hindi tayo maghihiwalay!" Natakot si Cordelia. Hindi mahalaga kung ano ang sinabi ng matandang babae, ngunit kinutuban siya ng hindi maganda sa salitang "hiwalay" na nagmula kay Marcus.Pinagaan ni Marcus ang loob niya, malumanay ang kanyang paos na boses, "Ikaw talaga, hahanapin kita kahit magkahiwalay tayo!"“Mn!” Mariing tumango si Cordelia.Nagpalitan ng tingin sina Seth at Linda at sabay na ngumiti.Naglakad-lakad silang apat saglit at bumalik sila sa hotel. Dumating ang manager para personal silang salubungin at dinala sila sa pinakamagandang restaurant.Napatulala sina Seth at Linda nang makapasok sila. Ito ang Edarial Dining na sinasabing nagkakahalaga ng kalahating taong