Nang gustong itago ni Cordelia ang tali, inilagay muna ito ni Marcus sa kanyang bulsa.“Darling, anong…”"Iyan ang sinabi ng matandang babae," sabi niya. “Isa para sa iyo at isa para sa akin. Itatabi natin ‘to ng magkahiwalay, kaya kung talagang magkakahiwalay tayo sa hinaharap—”“Hindi, tumahimik ka! Hindi tayo maghihiwalay!" Natakot si Cordelia. Hindi mahalaga kung ano ang sinabi ng matandang babae, ngunit kinutuban siya ng hindi maganda sa salitang "hiwalay" na nagmula kay Marcus.Pinagaan ni Marcus ang loob niya, malumanay ang kanyang paos na boses, "Ikaw talaga, hahanapin kita kahit magkahiwalay tayo!"“Mn!” Mariing tumango si Cordelia.Nagpalitan ng tingin sina Seth at Linda at sabay na ngumiti.Naglakad-lakad silang apat saglit at bumalik sila sa hotel. Dumating ang manager para personal silang salubungin at dinala sila sa pinakamagandang restaurant.Napatulala sina Seth at Linda nang makapasok sila. Ito ang Edarial Dining na sinasabing nagkakahalaga ng kalahating taong
Umupo ang grupo sa paligid ng mesa. Ang mga pagkain ay mabango at mukhang mamahalin. Ang bawat dish ay nakalagay sa mamahalin porselana, na mukhang napakagarbo.Wala nang pakialam si Seth kung may droga ang pagkain. Nagsimula na agad siyang kumain.Inasar siya ni Linda. "Hindi ka ba natatakot na baka kunin ng restaurant ang password ng bank account mo?""Maaari nilang gawin ang gusto nila!" Sagot ni Seth na may pagkain sa bibig. “Para namang maraming laman ang account ko. Malamang hindi pa kayang bayaran ng laman ng account ko ang pagkain na ‘to! Hindi ako malulugi!""Oh, isang matalinong consumer si Dr. Stafford!""Ikaw din!" Tumawa si Seth. "Mas marami kang kinain kaysa sa akin!"Muntik nang hampasin ni Linda ang kanyang ulo gamit ng mga kubyertos niya.Magiliw na ngumiti sa isa't isa sina Cordelia at Marcus habang pinagmamasdan ang kanilang mga kaibigan na nagtatalo."Nakahain na ang lahat ng pagkain." Pinangunahan ng manager ang mga server na maghain ng fish soup.“Ito ay
“Ayos lang ako.” Ngumuso si Linda at pilit na tumawa habang tinatapik niya ang likod ng kamay ni Cordelia."Linda." Tumigil si Cordelia. Hindi niya sinabi kung ano ang balak niyang sabihin. Sa halip, mahina niyang sinabi na, “Magpahinga ka na muna. Huwag mong sarilinin ang mga bagay. Pwede mo akong tratuhin na parang butas sa puno. Mas mabuting pag-usapan natin ang tungkol dito."Pero kung ayaw mo, hindi rin ako magtatanong."“Cordelia, kasi…” nag-aalangan na magsalita si Linda. Maya-maya pa ay sinabi niya ng may mababang tono na, "Sa tingin ko ay hindi ako karapat-dapat kay Seth."“Ano?”"Hindi ako worth it sa oras ni Seth." Napakagat labi si Linda. "Ako... Ang taong iyon at ako, kami ay..."Bagaman hindi natapos ni Linda ang kanyang sinasabi, naunawaan ni Cordelia ang nangyari. Medyo nagulat siya. Palaging masayahin si Linda. Paminsan-minsan ay matapang siya ngunit hindi siya isang kaswal na tao pagdating sa pakikipagsiping.Kung minamahal ng isang babae ang isang lalaki ng bu
Biglang naisip ni Cordelia na maglakad-lakad sa may dalampasigan. Sinuklay niya ang kanyang mahabang buhok ng naka ngiti at pumunta siya sa dalampasigan suot ang kanyang tsinelas.…Hindi makatulog ng maayos si Marcus.Hirap siyang matulog ngayon na wala si Cordelia sa tabi niya. Sa kabila noon, may mga sikretong bestie si Cordelia na kausapin si Linda. Ang isang lalaking tulad niya ay hindi maaaring umarte.Kaya naman, ang malambot na kama ang naging puntirya niya. Pumihit si Marcus, mas malaki ang mga mata kaysa sa mga platito, habang paulit-ulit niyang sinusumpa si Seth sa kanyang isipan.Para kanino ang bakasyon na ito!?Good job kay Seth, binitawan mo ang pagkakataong mapalapit kay Linda ng ganoon na lang para maghilik sa kwarto ng mag-isa. Naririnig niya siya kahit na sa kabila ng dingding!Napabuntong-hininga si Marcus. Nang makitang madaling araw na, nagplano siyang magpahinga ng kaunti nang tumunog ang telepono sa silid."Mr. Z, mag-isang lumabas si Ms. Cordelia.""An
”I-Ikaw…”Para itong kidlat na gumuhit sa kalangitan, at tumama sa ulo ni Cordelia.Mukhang napansin ito ng lalaking pulubi, gumawa siya ng mga tunog matapos siyang sumilip kay Cordelia at umiling siya bago siya tumakbo palayo na may dala-dalang mga basura na para bang tumatakas siya.Hinabol siya ni Cordelia ngunit hindi niya naabutan ang pulubi. Namumutla siya habang humihingal.Ang mukha na iyon... Kamukhang-kamukha ito ni Marcus!Natigilan si Cordelia habang umaagos ang dugo sa kanyang ulo. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa sobrang lamig. Ni hindi niya alam kung paano siya naglakad pabalik sa hotel.Nang tumingala siya at nakita si Marcus, inilagay ng lalaki ang isang kamay sa kanyang balikat, dahilan para mapaatras siya at matulala sa kanya."Anong nangyari?" Mahina at malalim ang boses ni Marcus.Nahimasmasan si Cordelia at huminga siya ng malalim.Ang mukha sa kanyang harapan ay maskulado at malinis, at lalaking-lalaki ang dating ng kanyang mga mata. Paano maihaha
"Talaga?" Tuwang-tuwa si Cordelia. "Ipino-promote nila ang anibersaryo nila, pero tayo ang swinerte!""Oo." Napangiti si Marcus. Kuntento na siya basta masaya siya.“Darling, I realize na napakalaki ng swerte ko simula nang ikasal kita. Ang lahat ay nangyayari nang hindi inaasahan!" Naka-tiptoe si Cordelia at hinawakan ang mukha ni Marcus para halikan ang mga labi nito."Ikaw ang lucky charm ko, baby!"Nagulat ito kay Marcus. Pinisil niya ang ilong niya at tumawa."Sige at mag-almusal ka muna," sabi niya sa malalim na tono. "Pupunta ako sa washroom at sasamahan kita mamaya.""Oh." Hindi ito masyadong inisip ni Cordelia. “Hanapin ko muna sina Linda at Seth. Halika at salubungin kami!”“Sige.”Habang lumalaktaw si Cordelia sa silid, isang madilim na kislap ang sumilay sa mga mata ni Marcus. Kinuha niya ang landline at nag-dial ng ilang digit, madilim na nagtanong, "Ano ang nasagasaan niya ngayong umaga?"“Sir, nasa dalampasigan si Ms. Cordelia, at nagbabantay kami sa malayo, hin
Ito ang mga larawan ni Xyla.Ang mental health hospital ay medyo espesyal. Karamihan sa mga pasyente ay may mas mababa sa average na immune system. Upang maiwasan ang mga mikrobyo at virus na dinala sa pamamagitan ng mga pagbisita sa pamilya, binago ng ospital ang mga panuntunan nito kamakailan.Ang mga miyembro ng pamilya ay maaari lamang bumisita isang beses sa isang buwan habang ang mga pasyente ay kailangang manatili sa ospital sa natitirang oras, na inaalagaan ng mga propesyonal.Hindi makikita ni Cordelia ang kanyang ina sa tuwing gusto niya tulad ng dati. Iyon ang dahilan kung bakit kumukuha ng mga larawan si Seth paminsan-minsan—salamat sa kaginhawahan ng kanyang tungkulin—at dinadala ang mga ito sa kanya, kaya alam niyang maayos ang kalagayan ng kanyang ina."Maganda ang kalagayan ni Ms. Irwin,” natatawang sabi ni Seth. "Ang sabi ng nurse na nag-aalaga sa kanya, siya ay kumikilos tulad ng isang ordinaryong tao kamakailan, kung ito ay pag-uusap o mga aktibidad sa labas. I w
“Wow, nakakamangha! Yeah!” Natuwa si Seth. Siya ay tulad ng iba pang mga manonood sa panahon ng laban, sumisibol at buong lakas na nagyaya. "Ganyan nga! Hook punch... Yeah!"Nakakabingi ang mga sigawan. Nanalo ang estudyante ni Marcus sa isa pang round."Cordelia, nakakakuha ba si Marcus ng maraming pera kung patuloy na nananalo ang kanyang mga estudyante sa mga laban na ito?"Napahagikhik si Cordelia na halos hindi niya masagot ang tanong."Anong ginagawa mo?" Natawa din si Linda. “Palipat-lipat ka ba ng lane? Tumigil sa gamot para maging trainer?"“Mukhang maganda ito!” Tumingin si Seth sa paligid. “Tingnan mo itong mga manonood. Pumasok sila na may dalang ticket. Binabayaran ang mga boksingero manalo man o matalo. Syempre mas madadagdagan pa ang trainer!”"Diyos ko, Seth, nakikita ko ang mga dollar sign sa mga mata mo!" Nanlaki ang mata ni Linda.Sinadya ni Seth na bumuntong-hininga, "Paano ako mag-iipon para magpakasal kung hindi?""Ano ang sinasabi mo?"Nagpipigil ng tawa