Share

Kabanata 135

”I-Ikaw…”

Para itong kidlat na gumuhit sa kalangitan, at tumama sa ulo ni Cordelia.

Mukhang napansin ito ng lalaking pulubi, gumawa siya ng mga tunog matapos siyang sumilip kay Cordelia at umiling siya bago siya tumakbo palayo na may dala-dalang mga basura na para bang tumatakas siya.

Hinabol siya ni Cordelia ngunit hindi niya naabutan ang pulubi. Namumutla siya habang humihingal.

Ang mukha na iyon... Kamukhang-kamukha ito ni Marcus!

Natigilan si Cordelia habang umaagos ang dugo sa kanyang ulo. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa sobrang lamig. Ni hindi niya alam kung paano siya naglakad pabalik sa hotel.

Nang tumingala siya at nakita si Marcus, inilagay ng lalaki ang isang kamay sa kanyang balikat, dahilan para mapaatras siya at matulala sa kanya.

"Anong nangyari?" Mahina at malalim ang boses ni Marcus.

Nahimasmasan si Cordelia at huminga siya ng malalim.

Ang mukha sa kanyang harapan ay maskulado at malinis, at lalaking-lalaki ang dating ng kanyang mga mata. Paano maihaha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status