Share

Kabanata 129

”Siguradong hindi ikaw yung may gustong pumunta dito!” Kilalang-kilala siya ni Seth.

“Oo. Si Cordelia ang may gusto ng lugar na ‘to,” ang mahinang sinabi ni Marcus. “Determinado siya na maging kayo ni Linda, kaya sinabi niya na magbakasyon tayo dito para magkasama kayo ni Linda.”

“Napakabait niya.” Ngumiti si Seth at tumingin siya sa paligid. “Napakaganda dito… Medyo nakakapagtaka lang.”

“Ano ‘yun?”

“Nagsearch ako tungkol sa hotel na ‘to. Sikat na sikat ang hotel na ‘to. Akala ko napakaraming tao dito. Kaso, maliban sa’tin, walang ibang tao dito! Kahit na hindi peak season, hindi dapat ganito katahimik dito, hindi ba?”

Umubo ng dalawang beses si Marcus. Inutusan niya ang mga tauhan niya na ibakante ang buong lugar bago sila pumunta dito. Syempre, wala silang nakitang ibang tao dito.

“Hayy, mukhang hindi maganda ang lagay ng hotel na ‘to. Magsasara na ba ‘to?”

Sumimangot si Marcus at inirapan niya si Seth.

“Ano? Gusto mo ba ng maraming tao at mga matataong lugar?”

Nagkibit-bali
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status