Pagbalik sa Pilipinas, nag-aalala si Amelia na baka ang kanilang pamamaalam sa France ay nagdulot ng kahihiyan kay Jerome. Ngunit sa hindi inaasahan, sa pagkakataong ito ay hindi siya pinag-initan ng lalaki.***Dumating agad ang weekend.Maaga pa lang ng umaga, isinuot na ni Amelia ang burgundy na damit na inihanda ni Cormac para sa kanya, may kaakibat na kwintas na may mga brilyante, at pares ng sapatos na may laso. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan.Naghihintay na si Cormac sa ibaba. Nang marinig ang mga yabag, tumingin siya pataas nang kaswal, ngunit nang makita si Amelia pababa ng hagdan, napahinto siya saglit sa gulat.Alam niya namang maganda si Amelia, ngunit dati’y hindi ito masyadong nag-aayos ng sarili, minsan pa nga’y parang sinasadya nitong itago ang kanyang kagandahan. Kaya ang ganda nito ay parang lihim at walang pag-iimbot.Ngunit sa oras na ito, suot ang eleganteng damit na pinili niya para sa kanya at may magaan na makeup, tila naging makinang na brilyante si Ameli
"Hindi, seryoso, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko," sabi ni Amelia nang may halatang kaba habang paatras siyang umatras nang di niya namamalayan. "Lolo, pasensya na po, bigla po akong nahilo at parang masusuka. Mauna na po ako, babalik na lang po ako sa ibang araw para personal na humingi ng paumanhin."Pagkatapos sabihin iyon, hindi na siya tumingin kay Cormac o kay Cornel. Agad siyang lumabas ng kwarto, halos tumatakbo pa sa pagmamadali.Pagkaalis ni Amelia, napailing si Cornel at napangiti nang malamig. "Pumili ka ng ganitong babae na wala man lang kaalam-alam sa tamang asal?"Lumingon si Cormac kay Cornel, ang kanyang mga mata ay malamig. "Kung hindi dahil sa pangungulit ninyo, hindi ko siya hahanapin.""Ikaw talaga!" galit na sagot ni Cornel, kitang-kita sa mukha nito ang pagkadismaya. Matagal na niyang gustong alagaan ang kanyang bunsong apo, ngunit mula nang magkaroon ng aksidente sampung taon na ang nakakaraan, naging mailap ito at mahirap basahin ang ugali. Kahit siya n
Ang sinabi ni Cormac ay biglang nagpatahimik kay Amelia. Nakalimutan niyang isipin ang tungkol sa mga paa ni Cormac at sa halip ay napasigaw siya sa kaba, "Ano ang balak mong gawin—"Ngunit bago pa niya matapos ang tanong, bigla na lang napunit ang kanyang kulay burgundy na damit!Mabilis na pinigilan ni Cormac si Amelia, at ang kanyang malakas na katawan ay dumikit sa kanya. Ang amoy ng pagiging isang ganap na lalaki ay bumalot sa kanya nang buo."Cormac, anong ginagawa mo—"Gustong sumigaw ni Amelia, ngunit bago pa niya masabi ang mga susunod na salita, tinakpan ng mga labi ni Cormac ang kanya.Ang halik na iyon ay puno ng pagmamatigas at tila may halong parusa, kaya wala nang espasyo para kay Amelia na makaligtas. Unti-unti siyang nadadala sa sitwasyon."’Wag, tama na…"Ang nararamdaman niyang ito ay nagbalik ng alaala ng nangyari dalawang taon na ang nakalilipas. Bigla siyang nanginig sa takot, at ang mga luha niya ay sunod-sunod na tumulo.Napansin ni Cormac ang panginginig ni Am
"Huwag na," malamig na boses ni Jerome ang narinig mula sa likuran, halos wala itong emosyon.Nanigas ang katawan ni Amelia. Hindi siya lumingon at nagsalita ng malamig, "Ano bang kailangan mo, Editor-in-Chief?""Wala ka bang gustong ipaliwanag sa akin?" Lumakas ang boses ni Jerome, halatang papalapit habang nagsasalita."Ipaliwanag? Ano naman ang ipapaliwanag ko?""Marami," sagot ni Jerome. "Katulad ng, bakit hindi ka man lang nagpaalam sa France? At isa pa, ano ang relasyon niyo ng uncle ko?"Hindi napigilan ni Amelia ang panginginig ng kanyang katawan. Nang humarap siya, nakita niya ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Jerome."Paano—paano mo nalaman—" nanginginig ang boses ni Amelia.Alam na kaya ni Jerome ang tungkol sa kasal nila ni Cormac? Sinabi kaya ni Cormac? Bigla siyang nakaramdam ng kaba.Bagaman simple at malinis ang kasal nila ni Cormac, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito kay Jerome.Lalo pa't si Cormac ay tiyuhin nito... at si Jerome ang una niyang minahal."
Ang straight slim suit ay nagpakita ng mahaba at matikas na tindig ni Cormac, kahit nasa wheelchair siya. Gayunpaman, may taglay siyang aura na agad mapapansin."Congratulations, Mr. Fortalejo," bati ng blonde at blue-eyed na host na nag-aabot ng crystal trophy na may halatang excitement sa mukha."Thank you," sagot ni Cormac, tinanggap ang tropeo at nagsalita nang mahinahon sa standard American accent, "I am honored to receive this award."Habang hawak ni Cormac ang tropeo, napansin ng host ang singsing sa kanyang daliri. Bigla itong nagsabi, "My God, Mr. Fortalejo, is this a wedding ring?"Biglang nag-close-up ang camera sa kamay ni Cormac, at ang simpleng diamond ring na binili ni Amelia ang lumabas sa screen.Tumalon ang puso ni Amelia nang makita iyon. Agad niyang itinago ang kamay kung saan naroon ang parehong singsing.Sa screen, excited pa rin ang host. "Mr. Fortalejo, so it’s true, you’re married! Hindi ko alam kung ilang babae ang malulungkot dahil dito. Pero, Mr. Fortalejo,
Sa restaurant, tanging tunog lang ng mga kubyertos nina Amelia at Cormac ang naririnig habang kumakain sila."Ahm…" Sa huli, hindi na kinaya ni Amelia ang katahimikan at nagdesisyong magsalita, "Tungkol doon sa gabing iyon—""Pasensya na."Nag-aalangan pa si Amelia kung paano sisimulan ang usapan, pero hindi niya inakala na sasalubungin siya ni Cormac ng ganoong sagot."H-ha?" Halos hindi makapaniwala si Amelia.Nagso-sorry ba talaga si Cormac sa kanya?"That night, naging padalos-dalos ako." Tapos na si Cormac sa pagkain at eleganteng kinuha ang napkin para punasan ang kanyang bibig, pagkatapos ay nagsalita ng mababa ngunit malinaw. "May mga bagay rin akong hindi nagawa nang tama."Siyempre, hindi pwedeng hindi magpakita ng mabuting pag-uugali si Amelia matapos mag-sorry si Cormac. "Nagkulang din ako. Hindi tama na iniwan ko ang family party nang basta-basta. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, magso-sorry din ako sa lolo mo."Sa mga nakaraang araw, pinag-isipan nang mabuti ni Amelia ang
"Century Hotel," sagot ni Amelia nang hindi namamalayan, pero matapos niyang sabihin iyon, napahinto siya at tumingin kay Cormac. "Bakit mo tinatanong 'yan?""Wala naman." Ang sagot ni Cormac na tila walang emosyon. "Hindi mo ba naisip kung sino ang may gawa nito sa'yo noon? May naglagay ng gamot sa inumin mo, dinala ka sa hotel room, at pagkatapos ay ipinamukha pa sa lahat sa eskuwelahan. Malinaw na may gustong manira sa'yo.”"Hindi ko alam. Gusto ko rin sanang alamin, pero wala akong nahanap," ani Amelia. Bigla niyang napagtanto ang isang bagay at tumingin kay Cormac. "Cormac, naniniwala ka ba sa mga sinasabi ko?"Nakatingin lang si Cormac kay Amelia na nakasandal pa sa kanyang balikat. May kakaibang ginhawang dulot ang pakiramdam na iyon, kaya mababa ang kanyang boses nang sumagot, "Asawa kita. Bakit naman hindi ako maniniwala?"Isang simpleng pangungusap iyon, ngunit parang mabigat ang naging dating kay Amelia.Naniniwala siya.Si Jerome, kahit ilang taon na silang magkasama, hind
Naalala ni Amelia ang biglang pagtayo ni Cormac noong gabing iyon, kaya’t bahagyang namula ang kanyang pisngi. Ngunit pilit siyang ngumiti, "Sa pagitan ng mag-asawa, dapat lang na magtiwala sa isa’t isa."Tinitigan ni Iandrex ang babae sa kanyang harapan, bahagyang napalalim ang kanyang iniisip bago muling nagsalita, "Sinabi ba ni Cormac kung bakit siya nagpapanggap na disabled?"Napakunot ang noo ni Amelia at umiling.Sinabi noon ni Cormac na may mga bagay na hindi pa niya kailangang malaman, kaya hindi na siya nagtanong pa."Sampung taon na ang nakararaan, naaksidente si Cormac sa sasakyan," walang alinlangan na paliwanag ni Iandrex. "Akala ng lahat, naparalisa na siya sa aksidenteng iyon, pero sa totoo lang, nasugatan lang siya at naipagamot na ang lahat nang magpunta siya sa Amerika."Naalala ni Amelia ang balita noon tungkol sa pagkakaaksidente ng ikalawang anak ng pamilya Fortalejo.Noong panahong iyon, wala pang dalawampung taong gulang si Cormac, bagong pasok pa lang sa kolehi
Natigilan si Amelia. Paanong ang pagbuo ng pangyayari na ito ay katulad ng sitwasyon ng sunog na naranasan niya makapamakaylan lang? Ngunit hindi niya ito masyadong inisip, dahil alam niyang pinag-uusapan na ngayon ni Cormac ang mahalagang punto, kaya't itunuon na lang niya ang sarili at nakinig nang mabuti kay Cormac. Paano nakatakas si Cormac pagkatapos magising sa pangyayaring iyon? Iniwan ba niya ang kanyang kasintahang si Serena? Tumingin si Cormac sa lapida na nasa harapan niya at nagpatuloy sa pagsasalita nang dahan-dahan. "Pagkagising ko, nalaman ko na lang na nakalas na ang tali sa mga kamay ko. Hindi lang 'yon, nawala rin si Serena sa tabi ko." lalong natigilan si Amelia. Nagtataka pa rin siya noon na si Cormac at si Serena ay nakatali kaya paano nga naman nakawala si Cormac sa lubid at saka, bakit nawala si Serena? Hindi inaasahan ni Amelia ang ganoong sagot, at hindi maiwasang magtanong, "Sigurado ka ba?" Pagkatapos ay tumingi
Mula nang marinig niyang sinabi sa kanya ni Dona ang tungkol sa kaso ng kidnapping, talagang gusto na niyang hanapin si Cormac para humingi ng linaw. Pero kung tutuusin ay isa iyong pribado at sobrang bigat ng nakaraan, hindi talaga niya makuhang tanungin si Cormac. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ikinuwento iyon ni Cormac sa sarili niyang inisyatiba. Ibig sabihin willing talaga itong buksan ang puso nito para sa kanya? Hawak ni Cormac ang kamay ni Amelia sa oras na iyon, at ang init ng palad nito ay dumampi sa palad niya. Pagtingin sa lapida na nasa harapan niya, bahagyang kumislap ang mga mata niya, "I think you should know who she is?" Saglit na nag-alinlangan si Amelia, ngunit sa bandang huli ay tumango siya bilang pagsangayon, "Medyo kilala ko siya." "Kung gayon naniniwala ako na maaaring nakarinig ka ng maraming tsismis tungkol sa kaso ng pagkidnap noon." Si Cormac ay may mahinang ekspresyon pa rin, at walang emosyong maririnig sa kanyang tono
Hanggang sa kaso ng kidnapping sampung taon na ang nakararaan, nang mawalan ng mga paa si Cormac, naisip niya na sa wakas ay nawala na ang banta nito para sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makalipas ang ilang taon, bumalik si Comrac mula sa America, bagama't ito ay naka-wheelchair, pero nagdala ito ng mas malaking banta para sa kanya! Sa loob ng napakaraming taon, mula noong dumating si Comrac, ang basurang ito, mula sa ibang bansa upang patakbuhin ang Brightonix Group, lalo iting naging banta sa kanya. Sinusubukan niya ang lahat ng paraan upang kalabanin ang kanyang kapatid, ngunit hindi niya inaasahan na si Cormac ay parang bakal na pader na hindi niya magawang tibagin. Sa loob ng ilang taon na pakikipagkumpitensya rito, hindi man lang niya ito nakitaan ng kahinaan. Hanggang sa dumating si Amelia at nagpakita ng malasakin si Cormac rito, tanda lang na ang babaeng iyon ang magiging kahinaan nito, ang tanging kahinaan ng isang Cormac Fortalejo. Sa napak
Tanga at walang kwentang anak! "Dad, hindi kita kinokontra!" Namutla ang mukha ni Jerome, ngunit nagsalita pa rin siya, "Ang akin lang, wala namang ginawang masama sa'yo si Amelia. Kung si Cormac lang naman talaga ang pakay mo, bakit mo dinamay si Amelia?!" "Anong alam mo?!" Sigaw ni Dominic, "Maraming taon nang walang karelasyon si Cormac at sinasabi na hindi siya maaaring magkaanak, kaya hindi siya maaaring magdulot sa atin ng banta. Ngunit ngayon ay nariyan na itong si Amelia at kapag siya ay nagsilang ng tagapagmana ni Cormac, sa tingin mo ba may laban tayong makipagkumpitensya kay Cormac!" Namutla ang mukha ni Jerome, "Paano magkakaanak si Cormac kung siya ay isang baldado-" "Anong masama sa pagiging baldado?" Lalong nairita si Dominic habang nagsasalita, "Kahit na siya ay isang lumpo, maaari siyang magkaroon ng anak. Higit sa lahay, ang market value at taunang kita ng kanyang kumpanya ay malayong nauuna kaysa sa kumpanyang aking pinamumunuan. Ayokong ipamuk
Naramdaman ni Cormac na lalong uminit ang taong nasa kanyang mga bisig, tumawa, at sa wakas ay tumigil sa pagpapahirap sa kanya. Tinulungan lang niya itong takpan ang kubrekama at bumulong, "Matulog ka na." Sumandal si Amelia sa dibdib ni Cormac at narinig niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Bigla na naman siyang natahimik at inaantok. Ito ay talagang nakapagtataka. Kapag nasa tabi niya si Cormac, maaaring siya ay labis na kinakabahan na ang kanyang puso ay malakas na tumitinok, o kaya siya ay napakalma na siya ay nakatulog nang mahimbing. Noong gabing iyon, napakasarap ng tulog niya. Ang ikinagulat ni Amelia ay talagang nanatili si Cormac sa ward sa mga susunod na araw. Paminsan-minsan, may pumupunta para kay Cormac upang pag-usapan ang tungkol sa kumpanya, ngunit gaano man kalaki ang negosyo, walang balak umalis si Cormac sa kanyang tabi. At tuwing gabi, natutulog sila sa iisang kama kasama nito. Si Amelia ay hindi naapektuhan, ngunit palagi s
"Ang kwintas na ito ay may espesyal na bahagi sa puso ko." Nagulat si Amelia, direktang inamin ito ni Cormac. Nkaramdam ng kalungkutan si Amelia na halos nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata, ngunit nawala iyon nang marinig niya ang aunod na sinabi ni Cormac, "Ngunit kung ipagsapalaran mo ang buhay mo para sa kuwintas na ito sa susunod, mas gugustuhin kong basagin na lang ito." Natigilan si Amelia. Tila may sinabi si Cormac sa isang katulad na bagay noong araw, ngunit sa oras na iyon, naisip niya na siya ay pabigla-bigla lamang, kaya hindi niya ito inisip. Ngunit sa oras na ito, talagang seryoso iyong sinabi ni Cormac. Sa tahimik na gabi, tila may kapangyarihan ito, at bawat salita ay tumatak sa puso ni Amelia. "Kaya sa hinaharap, anuman ito, huwag mong ipagsapalaran ang iyong buhay para dito. Kung talagang nagmamalasakit ka sa aking nararamdaman, protektahan mo ang iyong sarili, dahil sa akin, ikaw ang pinakamahalaga," sabi pa nito sa mababang boses
Si Cormac ay karaniwang nagsusuot ng mga kamiseta at pormal na damit, ngunit ang pakiramdam sa ilalim ng kanyang kamay ay napakakinis at maluwag. Ito ay malinaw na sutla na pajama na karaniwang isinusuot ni Cormac. Ngunit bakit hindi umuwi si Cormac para matulog, pero heto katabi pa niya sa kama at naka-pajama? Habang iniisip ito ni Amelia, mas kakaiba ang pakiramdam nito. Hindi niya maiwasang gamitin ang dalawang kamay para mas maingat na maramdaman si Cormac. Ngunit pagkatapos ng pagpindot na ito, ang focus sa kanyang isip ay biglang naging mali - well, bagama't nakita na niya ang magandang pigura ni Cormac noon, iba talaga ang pakiramdam kapag nahahawakan. Palagi niyang naririnig na sinasabi ng mga tao na parang ice cubes ang eight-pack abs, at palagi niyang iniisip na exaggerated ito, pero napatunayan niya na ganu'n pala talaga iyon. Naroon din ang linya sa may bandang puson nito, na may kakaibang kurba at bangin, ito ay simpleng... Medyo nasas
Matapos iyon marinig ni Cormac ay inihinto niya ang wheelchair at pagkatapos ay ngumisi siya.Si Tatay Ben ay talaga namang tapat kay Dominic. "Isinasaalang-alang ang pamilya?" Puno ng panunuya ang boses ni Cormac, "Tatay Ben, mukhang hindi ka oa rin pinagkakatiwalaan ni Dominic, dahil hindi niya sinabi sa iyo ang totoong nangyari sa kaso ng kidnapping sampung taon na ang nakalipas." Biglang namutla ang mukha ni Tatay Ben, "Anong ibig mong sabihin..." Hindi pinansin ni Cormac ang matanda, pinadulas lang ang wheelchair at lumabas ng bodega. Bumalik siya sa koridor ng ospital, at tsaka niya inutusan si Pablo, "Tulungan mo akong harapin ito." "Sige ho, Señorito." Sumang-ayon si Pablo, ngunit hindi pa rin maiwasang sumimangot, "Pero, Señorito, hindi mo ba ito aasikasuhin?" Ang reaksyon ni Cormac sa pagkakataong ito ay mas kalmado kaysa noong nasugatan si Amelia noon. Akala niya magagalit siya. Ngumisi si Cormac, "Chess piece lang 'yan, bakit mo kailang
Nanlaki ang mga mata ni Cormac, "Sigurado ka ba?" Natural na naiintindihan ni Pablo ang iniisip ni Cormac, at tumango siya ng mariin. Ang anti-theft equipment sa villa ni Cormac ay masasabing world-class. Kung walang pinsala, kung gayon mayroon lamang isang posibilidad para sa sunog na ito - ito ay itinakda ng isang tagaloob. Bahagyang kumuyom ang mga kamay ni Cormac sa mga armrest ng wheelchair, at nang magsalita siyang muli, ang kanyang boses ay napakalamig, "Tawagan mo sina Nanay Maris at Tatay Ben." Makalipas ang kalahating oras, inayos ni Cormac ang ilang security guard para bantayan ang ward ni Amelia, at mag-isa siyang pumunta sa bodega sa ilalim ng ospital. Sa bodega, dalawang tao ang nakatali sa lupa, nakayuko, isang lalaki at isang babae. Bumukas ang pinto ng bodega, at dahan-dahang pumasok ang isang payat na lalaki, nakaupo sa wheelchair, at huminto sa harap ng dalawang tao. Nang makitang malinaw ang taong nasa harapan niya, nangingi