"Huwag na," malamig na boses ni Jerome ang narinig mula sa likuran, halos wala itong emosyon.Nanigas ang katawan ni Amelia. Hindi siya lumingon at nagsalita ng malamig, "Ano bang kailangan mo, Editor-in-Chief?""Wala ka bang gustong ipaliwanag sa akin?" Lumakas ang boses ni Jerome, halatang papalapit habang nagsasalita."Ipaliwanag? Ano naman ang ipapaliwanag ko?""Marami," sagot ni Jerome. "Katulad ng, bakit hindi ka man lang nagpaalam sa France? At isa pa, ano ang relasyon niyo ng uncle ko?"Hindi napigilan ni Amelia ang panginginig ng kanyang katawan. Nang humarap siya, nakita niya ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Jerome."Paano—paano mo nalaman—" nanginginig ang boses ni Amelia.Alam na kaya ni Jerome ang tungkol sa kasal nila ni Cormac? Sinabi kaya ni Cormac? Bigla siyang nakaramdam ng kaba.Bagaman simple at malinis ang kasal nila ni Cormac, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ito kay Jerome.Lalo pa't si Cormac ay tiyuhin nito... at si Jerome ang una niyang minahal."
Ang straight slim suit ay nagpakita ng mahaba at matikas na tindig ni Cormac, kahit nasa wheelchair siya. Gayunpaman, may taglay siyang aura na agad mapapansin."Congratulations, Mr. Fortalejo," bati ng blonde at blue-eyed na host na nag-aabot ng crystal trophy na may halatang excitement sa mukha."Thank you," sagot ni Cormac, tinanggap ang tropeo at nagsalita nang mahinahon sa standard American accent, "I am honored to receive this award."Habang hawak ni Cormac ang tropeo, napansin ng host ang singsing sa kanyang daliri. Bigla itong nagsabi, "My God, Mr. Fortalejo, is this a wedding ring?"Biglang nag-close-up ang camera sa kamay ni Cormac, at ang simpleng diamond ring na binili ni Amelia ang lumabas sa screen.Tumalon ang puso ni Amelia nang makita iyon. Agad niyang itinago ang kamay kung saan naroon ang parehong singsing.Sa screen, excited pa rin ang host. "Mr. Fortalejo, so it’s true, you’re married! Hindi ko alam kung ilang babae ang malulungkot dahil dito. Pero, Mr. Fortalejo,
Sa restaurant, tanging tunog lang ng mga kubyertos nina Amelia at Cormac ang naririnig habang kumakain sila."Ahm…" Sa huli, hindi na kinaya ni Amelia ang katahimikan at nagdesisyong magsalita, "Tungkol doon sa gabing iyon—""Pasensya na."Nag-aalangan pa si Amelia kung paano sisimulan ang usapan, pero hindi niya inakala na sasalubungin siya ni Cormac ng ganoong sagot."H-ha?" Halos hindi makapaniwala si Amelia.Nagso-sorry ba talaga si Cormac sa kanya?"That night, naging padalos-dalos ako." Tapos na si Cormac sa pagkain at eleganteng kinuha ang napkin para punasan ang kanyang bibig, pagkatapos ay nagsalita ng mababa ngunit malinaw. "May mga bagay rin akong hindi nagawa nang tama."Siyempre, hindi pwedeng hindi magpakita ng mabuting pag-uugali si Amelia matapos mag-sorry si Cormac. "Nagkulang din ako. Hindi tama na iniwan ko ang family party nang basta-basta. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, magso-sorry din ako sa lolo mo."Sa mga nakaraang araw, pinag-isipan nang mabuti ni Amelia ang
"Century Hotel," sagot ni Amelia nang hindi namamalayan, pero matapos niyang sabihin iyon, napahinto siya at tumingin kay Cormac. "Bakit mo tinatanong 'yan?""Wala naman." Ang sagot ni Cormac na tila walang emosyon. "Hindi mo ba naisip kung sino ang may gawa nito sa'yo noon? May naglagay ng gamot sa inumin mo, dinala ka sa hotel room, at pagkatapos ay ipinamukha pa sa lahat sa eskuwelahan. Malinaw na may gustong manira sa'yo.”"Hindi ko alam. Gusto ko rin sanang alamin, pero wala akong nahanap," ani Amelia. Bigla niyang napagtanto ang isang bagay at tumingin kay Cormac. "Cormac, naniniwala ka ba sa mga sinasabi ko?"Nakatingin lang si Cormac kay Amelia na nakasandal pa sa kanyang balikat. May kakaibang ginhawang dulot ang pakiramdam na iyon, kaya mababa ang kanyang boses nang sumagot, "Asawa kita. Bakit naman hindi ako maniniwala?"Isang simpleng pangungusap iyon, ngunit parang mabigat ang naging dating kay Amelia.Naniniwala siya.Si Jerome, kahit ilang taon na silang magkasama, hind
Naalala ni Amelia ang biglang pagtayo ni Cormac noong gabing iyon, kaya’t bahagyang namula ang kanyang pisngi. Ngunit pilit siyang ngumiti, "Sa pagitan ng mag-asawa, dapat lang na magtiwala sa isa’t isa."Tinitigan ni Iandrex ang babae sa kanyang harapan, bahagyang napalalim ang kanyang iniisip bago muling nagsalita, "Sinabi ba ni Cormac kung bakit siya nagpapanggap na disabled?"Napakunot ang noo ni Amelia at umiling.Sinabi noon ni Cormac na may mga bagay na hindi pa niya kailangang malaman, kaya hindi na siya nagtanong pa."Sampung taon na ang nakararaan, naaksidente si Cormac sa sasakyan," walang alinlangan na paliwanag ni Iandrex. "Akala ng lahat, naparalisa na siya sa aksidenteng iyon, pero sa totoo lang, nasugatan lang siya at naipagamot na ang lahat nang magpunta siya sa Amerika."Naalala ni Amelia ang balita noon tungkol sa pagkakaaksidente ng ikalawang anak ng pamilya Fortalejo.Noong panahong iyon, wala pang dalawampung taong gulang si Cormac, bagong pasok pa lang sa kolehi
Bumigat ang pakiramdam ni Amelia. Paano nalaman ni Aurora ang tungkol sa kalagayan ng kanyang ina?“Anong gusto mo?” tanong niya, mas malamig na ngayon ang boses niya.“Ay, ate naman, wag kang ganyan. Concerned lang din naman ako kay Tita Vilma,” sagot ni Aurora gamit ang peke niyang tono. “Kaya nga nung narinig kong tumaas na naman ang medical expenses niya, naisip ko agad kung paano kita matutulungan.”Tutulungan siya ni Aurora?Napangisi si Amelia. “At paano mo naman ako tutulungan?”“Naku, sakto lang! May kilala kasi akong kaibigan na nagmamay-ari ng magazine company, at nagha-hire daw sila ngayon. Maganda ang offer. Kaya naisip ko, ate, sobrang galing mo naman kaya, siguradong mas maganda ang opportunity mo doon,” ani Aurora, sa wakas sinasabi na ang pakay niya.Ngayon lang naintindihan ni Amelia ang lahat.Kaya pala kung ano-anong sinasabi si Aurora. Gusto lang nitong alisin siya sa fashion magazine na pinagtatrabahuhan niya.At ang dahilan? Siyempre, si Jerome.Napagtanto iyon
Inakala ni Amelia na nakita siya ni Cormac habang may kausap siya sa telepono sa may hagdan, pero hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Kaya ang nasabi niya na lang, "Ah, sa company, wala naman ‘yun, hindi importante."Hindi naman sinasadya ni Amelia na itago ang tungkol sa kalagayan ng kanyang ina kay Cormac. Hindi lang niya talaga alam kung paano sisimulan ang usapan.Sasabihin ba niyang ang kanyang ina ay may malubhang karamdaman at kailangan ng pera para sa gamot? Kahit anong isipin, parang lalabas na humihingi siya ng pera kay Cormac.Kahit mag-asawa na sila at unti-unti na niyang nararamdaman ang kaunting pagkakampi at tiwala kay Cormac, hindi pa rin niya magawa ang magmukhang mahina sa harap ng iba.Siguro’y dala na rin ito ng nakasanayan niya noong bata pa siya. Lagi siyang pinapaalalahanan ng kanyang ina na kahit pagtawanan siya ng iba dahil wala siyang ama, o sabihang isa siyang anak sa labas na walang karapatan, hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Kailangang panatili
"Tungkol saan?" tanong ni Cormac na kalmado pa rin. Wala siyang interes sa laman ng sobre, pero inulit niya ang tanong.Hindi alam ni Jerome kung paano sisimulan, kaya nagpaikot-ikot na lang siya. "Narinig ko, uncle... na meron kang babae ngayon?"Sinubukan niyang gawing magaan ang tono, pero noong una niyang nalaman iyon, talagang nabigla siya.Kilalang-kilala niya si Cormac. Hindi ito mahilig makipaglapit sa mga babae. Maging ang ama nitong si Dominic ay minsang nagduda kung ang aksidente sa sasakyan sampung taon na ang nakakaraan ay hindi lang nagresulta sa pagkaparalisa ng mga binti ni Cormac, kundi pati na rin sa kakayahan nitong makipag-relasyon.Hanggang sa malaman nilang ikinasal si Cormac. At ang mas nakakagulat para kay Jerome, konektado rin si Amelia sa lalaking ito.Tiningnan ni Cormac si Jerome habang nagsasalita, bahagyang itinaas ang kilay. "Alam mo naman pala ang tungkol sa akin."Maiksi ang sagot niya, pero ang mababang tono nito ay nagbigay kay Jerome ng hindi maipal
"Oo naman," mahinang sagot ni Amelia nang hindi alam ang totoo. "Paano ba 'to?" Humakbang palapit sa kanya si Cormac at hinawakan siya nito sa kanyang mga balikat. Paulit-ulit na tumango si Amelia. "wala naman magiging problema sa'kin," aniya Biglang naging malungkot ang mukha ni Cormac na halos hindi talaga makapaniwala sa gustong mangyari ni Amelia. Ayos lang ba talaga? Inisip man lang ba nito kung ano ang pwedeng maging kahinatnan ng gusto nitong mangyari? "Ganito ba ang gusto mong mangyari, Amelia?" Isang bakas ng lamig ang biglang lumitaw sa mga mata ni Cormac at napagtanto ni Amelia na tila may mali. Gayunpaman, huli na ang lahat nang mabilis siyang inihiga ni Cormac sa malaki at malambot na sofa na nasa loob ng kwarto nila. Hindi alam ni Amelia ang gagawin niya. Pinamulahan siya ng mukha at sinubukang magpumiglas pero walang saysay iyon."Cormac, bitawan mo ako! Kung maglakas-loob kang gawin ito kay Francesca, hinding-hindi kita mapa
Nagkatinginan ang dalawa, at agad na ibinuka ni Amelia ang kanyang mga labi sa direksyon ni Francesca, na nagpapahiwatig na may dapat gawin si Cormac. Nangunot ang noo ni Cormac. Pinilit ba siya ni Amelia na makipaglapit sa ibang babae? Hindi namalayan ni Amelia ang binigay na ekspresyon ni Cormac, ngunit itinuro niya si Francesca gamit ang kanyang hintuturo at ang kahulugan ay napakalinaw na. Ngunit hindi pa rin nakipagtulungan si Cormac sa gusto niyang mangyari. Nagkaproblema rin sina Matet at Jorge. "Amelia, kinunan lang namin ng litrato si Francesca na kinunan ang advertisement at mga larawan ni Mr. Fortalejo sa eksena. Ano ang dapat naming gawin kung wala man lang contact ang dalawa?" Nag-isip sandali si Amelia. "Maghintay pa tayo ng kaunti pa, hanggang sa matapos si Frnaces sa photoshoot ads niya." Matapos i-shoot ang ad sa loob ng dalawang oras ay napagod din si Francesca at nagpasyang maupo sa sarili niyang tent. Mabilis na iniabot ng assista
Sa isiping iyon ay bigla siyang nakaisip ng kapilyuhan. [Maaari kitang tulungan na makakuha ng balita. Pero sa isang kondisyon...let me love you tonight.] Pinamulahan ng mukha si Amelia pagkabasa ng message ni Cormac sa kanya. Let me love you tonight... Talaga namang nagagawa pa nitong makipag-deal sa kanya sa mga oras na iyon. Kagat ang ibabang labi na nireplyan niya ito. [Tumigil ka nga sa mga kalokohan mo. Siguro meron kang tinatago ano? kaya ayaw mo akong bigyan ng inpormasyon.] Sa mga oras na iyon ay may lakas ng loob siyang hamunin si Cormac. Nakakalungkot lang dahil mukhang hindi gumana ang ginawa niyang taktoka kay Cormac. Gayunpaman, si Cormac ay talagang curious sa nararamdaman ni Anelua tungkol sa bagay na ito, kaya tiningnan niya ang kanyang iskedyul at nang masiguro na maluwang ang schedule niya ay agad siyang pumayag na pagbigyan si Amelia tungkol sa interview. Si Amelia naman ay tuwang-tuwa nang makita niya ang message sa
Napaawang ang bibing ni Amelia dahil sa gulat. Nakakagulat na balita! Asawa ang mag-iinterview sa asawa na nali-link sa isang celebrity na babae pagkatapos ay ilalabas iyon sa publiko na magdudulot ng malaking pasabog sa buong bansa at sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Napakaganda nito! [Ano ang pakiramdam mo kung may babaeng humahabol sa iyo? Ilang beses na kayong nag-date? Paano kayo nagkakilala? Sa tingin mo ba mas maganda siya o mas maganda ang asawa mo...] Ilang interview questions ang pumasok sa isip ni Amelia. at ang interview na ito ay ideya na naman ni Jerome. Naisip ba nito na maari iyon maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila ni Cormac? Ngayon pa lang parang nakikita na niya kung ano ang gustong mangyari ni Jerome. Nang marinig ng lahat ang sinabi sa kanya ay tila nakaramdam ng simpatya ang mga ito at napailing at nagbuntong-hininga. Ito ay hindi napakadaling gawin, lalo pat hindi madaling kumbinsihin o mapapayag si Cormac na ma
"Salamat para saan?" naguguluhang tanong ni Amelia. Itinaas ni Cormac ang gilid ng kanyang bibig, "Salamat sa pagsasabi sa iyong ina na gusto mo ako." Natigilan si Amelia, at biglang nakaramdam ng init sa kanyang pisngi, at hindi niya mapigilang hawakan si Cormac. Sa katunayan ako ang dapat na magpasalamat sa iyo, Cormac. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Sabi niya sa kanyang isipan. Saglit na nagyakapan ang dalawa, at naramdaman ni Amelia na male-late na siya sa trabaho, kaya siya na ang unang humiwalay. "Cormac, kailangan ko nang pumasok sa trabaho," aniya. Talagang nag-aatubili pa si Cormac na pakawalan sa pagkakayakap si Amelia, ngunit ayaw naman niya itong ma-late sa pagpasok kaya pinakawalan na rin niya ito. Inabot niya ang noo nito at bahagya itong hinalikan sa noo, "Sige na, pumasok ka na," naka ngisi niyang sabi. Agad na siyang pumasok sa building pagkatapos magpaalam kay Cormac. Kakapasok pa lang ni Amelia sa opisina at hindi pa halos nakakapagpahinga at naka
Nang makita ni Alena na ang babaeng anak ay tila tunay na umiibig, ang mga mata niya ay kumikislap. Alam niyang dumaan sa hirap si Amelia, kaya marahil nang mahanap nito ang isang katulad ni Cormac na mabait at mapagkakatiwalaang lalaki at makakaintindi rito at magmamahal rito ng walang kapalit ay handa ulit ang anak na pumasok muli sa panibagong relasyon. Ngunit, si Cormac na ba ang tunay na magdadala kay Amelia sa kanya ng tunay na kaligayahan? Ang mundo ng mga mayayaman ay hindi isang bagay na maaaring pagsamahin ng mga taong tulad nila sa pamamagitan lamang ng pag-ibig. Maaaring maging hadlang iyon para kay Cormac. Makakaya nga ba nitong harapin ang lahat ng pagsubok alang-ala kay Amelia? Alam ni Amelia ang mga alalahanin ng kanyang ina para sa kanya kaya naiintindihan din niya ito. "Okay, mahal kong ina. Paulit-ulit ho akong pinrotektahan ni Cormac sa anumang panganib. Gusto ko ho siya at naniniwala ho ako sa kanya. Tsaka mabuting tao ho si Cormac kaya wag ho kayong mag-aa
"Okay," sangayon ni Amelia. May naisip si Cormac, at ngayon ay tila masasabi na niya iyon. "Sa katunayan, nagsimula akong mag-imbestiga ng ilang bagay tungkol dun," Nakikita niya na merong pakialam si Cormac sa nangyari noon, kung wala, bakit pa ito mag-iimbestiga sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan? Nagdilim ang mga mata ni Amelia. "Ano ang nalaman mo?" tanong niya. Sinabi ni Cormac kay Amelia na hindi ang pinaghihinalaan nilang matandang lalaki ang lumapastangan sa kanya noon, kundi ibang tao. Tungkol naman sa tunay na pagkakakilanlan ng taong iyon, nananatili pa itong iniimbestigahan. Hindi ang matanda, kundi ibang tao. Sino naman kaya iyon? Walang pakialam si Amelia nang marinig niya ang balita. Hindi magbabago ang mantsa sa kanyang katawan dahil matanda man ito o gwapo. Ang lahat ay isang bangungot na hindi na mawawala pa. Napabuntong-hininga si Amelia, "Cormac, hindi na ganoon kahalaga ang taong iyon sa akin ngayon. Gusto ko
Namutla ang mukha ni Amelia. Pakiramdam talaga niya ay nadroga siya kagabi, at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung sino ang may kagagawan niyon sa kanya, ngunit sa pinapakita ni Aurora ngayon sa kanya, parang gusto niyang isipin na ito ang may gawa ng lahat. Galit na galit siya sa mga oras na iyon, pero iniisip na lang niya na magkapatid sila nito kahit pa alam niyang wala itong pagmamahal sa kanya ay hindi na lang niya ito papatulan. "Aurora, sabihin mo nga sa akin ang totoo, may alam ka ba sa nangyari?" Tumingin si Aurora kay Amelia, na may pang-iinsulto sa mga mata niya. Gusto niya sa paningin ni Amelia dapat siya ang palaging mataas at makapangyarihan at hinding-hindi matatalo kailan man. "Anong pinagsasabi mo? Bakit ako ang tintanong mo? Dapat ikaw ang nakakaalam ng mga ginawa mo kagabi. Pumunta ka sa hotel na ito kahit may asawa ka at nakipagsiping sa ibang lalaki tapos may gana ka pa rin na tanungin ako kung may alam ba ako sa nangyari?"Masaya s
Bago pa tuluyang makalimot si Jerome ay mabilis niyang tinulak palayo si Aurora at agad na umalis sa ibabaw ng kama. Dinampot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig tsaka pumasok sa loob ng banyo.Dahil sa ginawang pagtanggi ni Jerome kay Aurora ay nakaramdam siya ng hinanakit sa kanyang puso. Ilang beses na niyang ibinigay ang sarili kay Jerome, at sa bawat minuto na inaangkin siya nito ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga si Jerome sa kanya sa bawat pagkakataong iyon. Naisip tuloy niya, kung si Amelia kaya ang umakit dito, magagawa kaya nitong tanggihan? Kagabi, kung hindi pa siya naglagay ng droga sa baso ng alak ni Jerome ay tiyak na hindi niya ito magagawang akitin. Naalala pa ni Aurora ang mainit na eksena nilang dalawa ni Jerome kagabi. Ngunit ang malinaw niyang naalala kapag sila ay nasa init ng sensasyon ni Jerome ay patuloy nitong inuungol ang pangalan ni Amelia. Nakuyom ni Aurora ang kanyang mga kamay nang maalala ang tagpong iyon. Dahil doon ay lalong nad