Share

Chapter Twenty Nine

Author: HiddenMask
last update Last Updated: 2025-01-25 10:54:39

"Century Hotel," sagot ni Amelia nang hindi namamalayan, pero matapos niyang sabihin iyon, napahinto siya at tumingin kay Cormac. "Bakit mo tinatanong 'yan?"

"Wala naman." Ang sagot ni Cormac na tila walang emosyon. "Hindi mo ba naisip kung sino ang may gawa nito sa'yo noon? May naglagay ng gamot sa inumin mo, dinala ka sa hotel room, at pagkatapos ay ipinamukha pa sa lahat sa eskuwelahan. Malinaw na may gustong manira sa'yo.”

"Hindi ko alam. Gusto ko rin sanang alamin, pero wala akong nahanap," ani Amelia. Bigla niyang napagtanto ang isang bagay at tumingin kay Cormac. "Cormac, naniniwala ka ba sa mga sinasabi ko?"

Nakatingin lang si Cormac kay Amelia na nakasandal pa sa kanyang balikat. May kakaibang ginhawang dulot ang pakiramdam na iyon, kaya mababa ang kanyang boses nang sumagot, "Asawa kita. Bakit naman hindi ako maniniwala?"

Isang simpleng pangungusap iyon, ngunit parang mabigat ang naging dating kay Amelia.

Naniniwala siya.

Si Jerome, kahit ilang taon na silang magkasama, hind
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Thirty

    Naalala ni Amelia ang biglang pagtayo ni Cormac noong gabing iyon, kaya’t bahagyang namula ang kanyang pisngi. Ngunit pilit siyang ngumiti, "Sa pagitan ng mag-asawa, dapat lang na magtiwala sa isa’t isa."Tinitigan ni Iandrex ang babae sa kanyang harapan, bahagyang napalalim ang kanyang iniisip bago muling nagsalita, "Sinabi ba ni Cormac kung bakit siya nagpapanggap na disabled?"Napakunot ang noo ni Amelia at umiling.Sinabi noon ni Cormac na may mga bagay na hindi pa niya kailangang malaman, kaya hindi na siya nagtanong pa."Sampung taon na ang nakararaan, naaksidente si Cormac sa sasakyan," walang alinlangan na paliwanag ni Iandrex. "Akala ng lahat, naparalisa na siya sa aksidenteng iyon, pero sa totoo lang, nasugatan lang siya at naipagamot na ang lahat nang magpunta siya sa Amerika."Naalala ni Amelia ang balita noon tungkol sa pagkakaaksidente ng ikalawang anak ng pamilya Fortalejo.Noong panahong iyon, wala pang dalawampung taong gulang si Cormac, bagong pasok pa lang sa kolehi

    Last Updated : 2025-01-25
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Thirty One

    Bumigat ang pakiramdam ni Amelia. Paano nalaman ni Aurora ang tungkol sa kalagayan ng kanyang ina?“Anong gusto mo?” tanong niya, mas malamig na ngayon ang boses niya.“Ay, ate naman, wag kang ganyan. Concerned lang din naman ako kay Tita Vilma,” sagot ni Aurora gamit ang peke niyang tono. “Kaya nga nung narinig kong tumaas na naman ang medical expenses niya, naisip ko agad kung paano kita matutulungan.”Tutulungan siya ni Aurora?Napangisi si Amelia. “At paano mo naman ako tutulungan?”“Naku, sakto lang! May kilala kasi akong kaibigan na nagmamay-ari ng magazine company, at nagha-hire daw sila ngayon. Maganda ang offer. Kaya naisip ko, ate, sobrang galing mo naman kaya, siguradong mas maganda ang opportunity mo doon,” ani Aurora, sa wakas sinasabi na ang pakay niya.Ngayon lang naintindihan ni Amelia ang lahat.Kaya pala kung ano-anong sinasabi si Aurora. Gusto lang nitong alisin siya sa fashion magazine na pinagtatrabahuhan niya.At ang dahilan? Siyempre, si Jerome.Napagtanto iyon

    Last Updated : 2025-01-25
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Thirty Two

    Inakala ni Amelia na nakita siya ni Cormac habang may kausap siya sa telepono sa may hagdan, pero hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. Kaya ang nasabi niya na lang, "Ah, sa company, wala naman ‘yun, hindi importante."Hindi naman sinasadya ni Amelia na itago ang tungkol sa kalagayan ng kanyang ina kay Cormac. Hindi lang niya talaga alam kung paano sisimulan ang usapan.Sasabihin ba niyang ang kanyang ina ay may malubhang karamdaman at kailangan ng pera para sa gamot? Kahit anong isipin, parang lalabas na humihingi siya ng pera kay Cormac.Kahit mag-asawa na sila at unti-unti na niyang nararamdaman ang kaunting pagkakampi at tiwala kay Cormac, hindi pa rin niya magawa ang magmukhang mahina sa harap ng iba.Siguro’y dala na rin ito ng nakasanayan niya noong bata pa siya. Lagi siyang pinapaalalahanan ng kanyang ina na kahit pagtawanan siya ng iba dahil wala siyang ama, o sabihang isa siyang anak sa labas na walang karapatan, hindi siya dapat magpakita ng kahinaan. Kailangang panatili

    Last Updated : 2025-01-27
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Thirty Three

    "Tungkol saan?" tanong ni Cormac na kalmado pa rin. Wala siyang interes sa laman ng sobre, pero inulit niya ang tanong.Hindi alam ni Jerome kung paano sisimulan, kaya nagpaikot-ikot na lang siya. "Narinig ko, uncle... na meron kang babae ngayon?"Sinubukan niyang gawing magaan ang tono, pero noong una niyang nalaman iyon, talagang nabigla siya.Kilalang-kilala niya si Cormac. Hindi ito mahilig makipaglapit sa mga babae. Maging ang ama nitong si Dominic ay minsang nagduda kung ang aksidente sa sasakyan sampung taon na ang nakakaraan ay hindi lang nagresulta sa pagkaparalisa ng mga binti ni Cormac, kundi pati na rin sa kakayahan nitong makipag-relasyon.Hanggang sa malaman nilang ikinasal si Cormac. At ang mas nakakagulat para kay Jerome, konektado rin si Amelia sa lalaking ito.Tiningnan ni Cormac si Jerome habang nagsasalita, bahagyang itinaas ang kilay. "Alam mo naman pala ang tungkol sa akin."Maiksi ang sagot niya, pero ang mababang tono nito ay nagbigay kay Jerome ng hindi maipal

    Last Updated : 2025-01-27
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Thirty Four

    Sandaling tumigil si Pablo bago maka-react, "Iyong tungkol sa dalaga dalawang taon na ang nakalipas?""Hmm," sagot ni Cormac."Matagal na kasi ang nangyari, kaya medyo matrabaho ang paghanap.""Simulan mo kay Jerome. Mukhang may email siyang natanggap kamakailan na may kaugnayan sa mga pangyayari noong mga panahong iyon.""Okay, naiintindihan ko," sagot ni Pablo.Ang mahahabang daliri ni Cormac ay mahinang tumapik sa armrest ng kanyang wheelchair habang bahagyang nakayuko ang tingin."Sino man ang nagtatangkang guluhin ang babae ko, hindi ko palalagpasin," malamig niyang sabi.At saka…Napatingin si Cormac kay Jerome, na noon ay palabas na ng café. Ang titig niya ay mas naging malamig.Ayon sa balitang narinig niya, si Jerome daw ay tila sumuko na kay Amelia at nakatakda na raw itong magpakasal sa ibang babae. Pero sa nakikita ngayon, parang sobra pa rin ang pakikialam ni Jerome sa relasyon nila ni Amelia?Napangisi si Cormac. Hindi niya inakala na darating ang araw na pagseselosan ni

    Last Updated : 2025-01-29
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Thirty Five

    Hindi nakasagot si Amelia, ngunit pakiramdam niya ay hindi maipaliwanag ang pagod sa kanyang puso. Binuksan niya ang mga kamay ni Cormac, tumayo at umalis sa harap ng hapag-kainan.Tinitigan ni Cormac ang kanyang papalayong likuran, ngunit hindi siya tumayo para habulin ito.Kinagabihan, hindi na bumalik si Cormac sa master bedroom, at si Amelia ay mag-isa, gising at balisa sa kama.Kinabukasan, maagang umalis si Cormac, at nagising si Amelia na wala na siya roon.Pagkatapos kumain ng almusal nang mag-isa, pumunta si Amelia sa opisina. Ngunit bago pa man siya makaupo, nakita niyang nagmamadaling lumabas si Jerome mula sa kanyang opisina.Nagtaka si Amelia, at balak sanang pumunta ng banyo para iwasan ang posibleng harapan nila ni Jerome. Ngunit bago siya makalakad, itinuro siya nito."Amelia, may gagawin ka ba mamayang hapon? Sumama ka sa akin sa Brightonix Group para sa interview.""Brightonix Group?"Napatigil si Amelia, at nang lingunin niya ito, nakita niyang nakatingin sa kanya s

    Last Updated : 2025-01-29
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Thirty Six

    Si Amelia, na kanina’y bahagyang nahihiya sa sinabi ni Cormac, ay biglang napakunot ang noo nang marinig ang mga sinabi ni Jerome.Kahit nasanay na siya sa ganitong tono ni Jerome mula nang muling magkita sila, hindi niya mapigilang mainis. Pero ngayon, mas nararamdaman niya ang pagkainis—lalo na’t sinasabi ito ni Jerome sa harap ni Cormac.“Jerome, ano bang ibig mong sabihin?” diretsahang tanong ni Amelia, sukdulan na ang inis niya.Jerome ay ngumiti nang malamig. “Ano, Amelia? Hindi mo na kayang magpigil?”Sa totoo lang, hindi rin alam ni Amelia kung bakit siya galit.Marahil ayaw niya lang na magkaroon ng maling impresyon si Cormac sa kanya. Ayaw niyang isipin nito na siya ang tipo ng babaeng inuuna ang pera o nakikisangkot sa mga kung anu-anong gulo.“Ang sinasabi ko lang, dapat maging responsable ka sa mga sinasabi mo,” malamig na sagot ni Amelia.“Responsible?” Tumawa nang mapait si Jerome. Hindi na siya nag-abala pang magpigil. “Hindi mo ba naisip, Amelia, na hindi ka na pweden

    Last Updated : 2025-01-29
  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Thirty Seven

    Napatingin ng masama si Amelia sa kanya, pero hindi na siya nagtanong pa.Matapos ang mahabang diskusyon nila ni Cormac, ang masamang pakiramdam ni Amelia, na dulot ni Jerome, ay biglang nawala. Sa halip, napabuti pa ang kanyang mood, at sa biyahe, naidlip siya habang nakasandal sa bintana ng sasakyan.Habang natutulog si Amelia, si Pablo, na kanina pa tahimik sa unahan, ay nagsalita nang pabulong, "Sir Cormac, may nahanap na ako tungkol sa nangyari sa dalaga dalawang taon na ang nakalipas."Kanina’y nakatingin si Cormac sa maamong mukha ni Amelia habang natutulog, ngunit nang marinig ito, bumaling siya kay Pablo, at biglang tumigas ang kanyang ekspresyon. "Nahanap mo na ba ang taong sangkot noon?""Nahanap ko na.""Nasaan siya ngayon?""Ayon sa utos mo, nakakulong na siya. Anong gagawin natin? Gusto mo bang turuan siya ng leksyon muna?""Turuan ng leksyon?" May malupit na ngiti sa labi ni Cormac. "Masyado ‘yang magaan para sa kanya. Pagkatapos nating ihatid si Amelia, pupunta tayo do

    Last Updated : 2025-01-30

Latest chapter

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One Hundred Six

    Napakunot ang noo ni Amelia at itinaas ang kanyang ulo, at nakita si Aurora sa likod niya sa salamin habang may galit sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Lihim siyang nakaramdam ng pagkainis. Sa dami ng tao bakit ito pa ang masasalamuha niya sa ganito pang pagkakataon. Pero wala siyang gustong sabihin, naghugas na lang siya ng kamay at naghanda sa pagpunta sa loob ng banyo. Ngunit hinawakan ni Aurora ang kanyang pulso at sinigawan siya: "huwag mo akong talikuran, Amelia!" Sumimangot si Amelia. Ano na naman ang kaya ang problema ng babaeng ito? "Ano ba ang kailangan mo?" Malamig ang mga matang tiningnan niya si Aurora. "Ako dapat ang magtanong kung ano ang kailangan mo at ang binabalak mong gawin!" Halatang medyo lasing si Aurora, at sinigawan si Amelia, "Narinig ko ang pag-uusap ninyo kaninang dalawa! Tungkol saan ang pinagsasabi mo kay Jerome! Gusto mo bang mapalapit muli sa kanya!" Sumimangot si Amelia. Tila narinig ni Aurora

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred Five

    Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, sa wakas ay nakita ni Amelia si Jerome na lumabas mula sa opisina nito pagdating ng gabi, na may gasa sa kanyang mukha. Nang makita siya ni Jerome sa opisina ay saglit itong natigilan, ngunit hindi nagtagal ay sinabi nito sa lahat ng empleyado: "Oras na para umalis tayo at pumunta na sa kalapit na KTV bar." Naghiyawan ang lahat, at sabay na bumaba, at sumakay ng taxi papunta sa KTV na hindi kalayuan sa kumpanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pagpasok pa lang nila ay may nakita silang magandang babae na kumakaway sa kanila sa pintuan ng KTV, "Jerome, dito, dito!" Nang makita ang babae, si Amelia ay natigilan saglit. Si Aurora iyon. Si Aurora ay nakasuot ng napakaseksi ngayon, na may itim na vest at maikling palda, at mainit na katawan. Natigilan lahat ang mga kasamahang lalaki sa magazine sa paligid niya. Habang naglalakad sila papasok ay agad na lumapit si Aurira at natural na ipinulupot ang mga braso nit

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred Four

    Hindi mapigilang humalagapak ng tawa ni Cormac dahil sa naging reaksyon ni Amelia sa mga oras na iyon. May napagtanto si Amelia at mabilis na isinara ang kanyang bibig at sinubukang tumayo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa pagtayo niya, biglang hinawakan ni Cormac ang kanyang kamay at hinila siya palapit sa bisig nito. Nahulog si Amelia sa kandungan nito at bahagyang makasigaw dahil sa gulat. Hinawakan ni Cormac ang kanyang baba at aga siyang siniil ng halik sa kanyang manipis na labi. Hindi tulad ng magaan na halik kanina lang, ang halik na ito ay bahagyang mapusok. Mabilis niyang ibinuka ang mga labi at ang mga kamay nito ay tila naging mapangahas, na humahaplos sa kanyang likuran. Matapos ang mahabang paghalik, nag-aatubiling binitawan ni Cormac si Amelia. Sa pagtingin sa babae na nasa kanyang mga bisig na may namumulang mukha na parang mansanas, ang kanyang puso ay lumambot. "Amelia, salamat sa pagtitiwala mo sa akin," anas niya sa tainga nito.

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred Three

    Seryosong sagot ni Amelia. Ang bawat salita na sinabi ng dalaga ay tila tumatagos sa puso ni Cormac. Bahagyang nakaramdam ng panlalamig ang puso ni Cormac at hindi niya maiwasang hawakan nang mahigpit ang kamay ni Amelia. Sa napakaraming taon, kahit ang kanyang lolo na nagpalaki sa kanya ay hindi magawang maniwala sa kanya. Bagama't hindi niya pinapansin ang mga opinyon at pananaw ng ibang tao, pero iba kung ano man ang sinasabi ni Amelia sa kanya. Kung inisip din ni Amelia na siya yung tipo ng tao na iiwan ang taong nagpapahalaga sa kanya, baka masaktan pa siya. Pero sinabi nito na naniniwala ito sa kanya at ikinagagalak niya iyon. Sa pagtingin sa maningning na mga mata ni Amelia, nakaramdam siya ng bahagyang init sa kanyang puso, ngunit sa parehong sandaling iyon ay hindi niya maiwasang mapangiti ng mapait, "Pero, Amelia, alam mo ba, minsan, kahit ako ay hindi ko magawang paniwalaan ang sarili ko." Natigilan si Amelia, "Anong ibig mong sabihin?" "N

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred Two

    Natigilan si Amelia. Paanong ang pagbuo ng pangyayari na ito ay katulad ng sitwasyon ng sunog na naranasan niya makapamakaylan lang? Ngunit hindi niya ito masyadong inisip, dahil alam niyang pinag-uusapan na ngayon ni Cormac ang mahalagang punto, kaya't itunuon na lang niya ang sarili at nakinig nang mabuti kay Cormac. Paano nakatakas si Cormac pagkatapos magising sa pangyayaring iyon? Iniwan ba niya ang kanyang kasintahang si Serena? Tumingin si Cormac sa lapida na nasa harapan niya at nagpatuloy sa pagsasalita nang dahan-dahan. "Pagkagising ko, nalaman ko na lang na nakalas na ang tali sa mga kamay ko. Hindi lang 'yon, nawala rin si Serena sa tabi ko." lalong natigilan si Amelia. Nagtataka pa rin siya noon na si Cormac at si Serena ay nakatali kaya paano nga naman nakawala si Cormac sa lubid at saka, bakit nawala si Serena? Hindi inaasahan ni Amelia ang ganoong sagot, at hindi maiwasang magtanong, "Sigurado ka ba?" Pagkatapos ay tumingi

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter Two Hundred

    Mula nang marinig niyang sinabi sa kanya ni Dona ang tungkol sa kaso ng kidnapping, talagang gusto na niyang hanapin si Cormac para humingi ng linaw. Pero kung tutuusin ay isa iyong pribado at sobrang bigat ng nakaraan, hindi talaga niya makuhang tanungin si Cormac. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ikinuwento iyon ni Cormac sa sarili niyang inisyatiba. Ibig sabihin willing talaga itong buksan ang puso nito para sa kanya? Hawak ni Cormac ang kamay ni Amelia sa oras na iyon, at ang init ng palad nito ay dumampi sa palad niya. Pagtingin sa lapida na nasa harapan niya, bahagyang kumislap ang mga mata niya, "I think you should know who she is?" Saglit na nag-alinlangan si Amelia, ngunit sa bandang huli ay tumango siya bilang pagsangayon, "Medyo kilala ko siya." "Kung gayon naniniwala ako na maaaring nakarinig ka ng maraming tsismis tungkol sa kaso ng pagkidnap noon." Si Cormac ay may mahinang ekspresyon pa rin, at walang emosyong maririnig sa kanyang tono

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One Hundred Nine

    Hanggang sa kaso ng kidnapping sampung taon na ang nakararaan, nang mawalan ng mga paa si Cormac, naisip niya na sa wakas ay nawala na ang banta nito para sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makalipas ang ilang taon, bumalik si Comrac mula sa America, bagama't ito ay naka-wheelchair, pero nagdala ito ng mas malaking banta para sa kanya! Sa loob ng napakaraming taon, mula noong dumating si Comrac, ang basurang ito, mula sa ibang bansa upang patakbuhin ang Brightonix Group, lalo iting naging banta sa kanya. Sinusubukan niya ang lahat ng paraan upang kalabanin ang kanyang kapatid, ngunit hindi niya inaasahan na si Cormac ay parang bakal na pader na hindi niya magawang tibagin. Sa loob ng ilang taon na pakikipagkumpitensya rito, hindi man lang niya ito nakitaan ng kahinaan. Hanggang sa dumating si Amelia at nagpakita ng malasakin si Cormac rito, tanda lang na ang babaeng iyon ang magiging kahinaan nito, ang tanging kahinaan ng isang Cormac Fortalejo. Sa napak

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One Hundred Eight

    Tanga at walang kwentang anak! "Dad, hindi kita kinokontra!" Namutla ang mukha ni Jerome, ngunit nagsalita pa rin siya, "Ang akin lang, wala namang ginawang masama sa'yo si Amelia. Kung si Cormac lang naman talaga ang pakay mo, bakit mo dinamay si Amelia?!" "Anong alam mo?!" Sigaw ni Dominic, "Maraming taon nang walang karelasyon si Cormac at sinasabi na hindi siya maaaring magkaanak, kaya hindi siya maaaring magdulot sa atin ng banta. Ngunit ngayon ay nariyan na itong si Amelia at kapag siya ay nagsilang ng tagapagmana ni Cormac, sa tingin mo ba may laban tayong makipagkumpitensya kay Cormac!" Namutla ang mukha ni Jerome, "Paano magkakaanak si Cormac kung siya ay isang baldado-" "Anong masama sa pagiging baldado?" Lalong nairita si Dominic habang nagsasalita, "Kahit na siya ay isang lumpo, maaari siyang magkaroon ng anak. Higit sa lahay, ang market value at taunang kita ng kanyang kumpanya ay malayong nauuna kaysa sa kumpanyang aking pinamumunuan. Ayokong ipamuk

  • Marriage of Convenience with the Billionaire.   Chapter One Hundred Seven

    Naramdaman ni Cormac na lalong uminit ang taong nasa kanyang mga bisig, tumawa, at sa wakas ay tumigil sa pagpapahirap sa kanya. Tinulungan lang niya itong takpan ang kubrekama at bumulong, "Matulog ka na." Sumandal si Amelia sa dibdib ni Cormac at narinig niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Bigla na naman siyang natahimik at inaantok. Ito ay talagang nakapagtataka. Kapag nasa tabi niya si Cormac, maaaring siya ay labis na kinakabahan na ang kanyang puso ay malakas na tumitinok, o kaya siya ay napakalma na siya ay nakatulog nang mahimbing. Noong gabing iyon, napakasarap ng tulog niya. Ang ikinagulat ni Amelia ay talagang nanatili si Cormac sa ward sa mga susunod na araw. Paminsan-minsan, may pumupunta para kay Cormac upang pag-usapan ang tungkol sa kumpanya, ngunit gaano man kalaki ang negosyo, walang balak umalis si Cormac sa kanyang tabi. At tuwing gabi, natutulog sila sa iisang kama kasama nito. Si Amelia ay hindi naapektuhan, ngunit palagi s

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status