Si Amelia, na kanina’y bahagyang nahihiya sa sinabi ni Cormac, ay biglang napakunot ang noo nang marinig ang mga sinabi ni Jerome.Kahit nasanay na siya sa ganitong tono ni Jerome mula nang muling magkita sila, hindi niya mapigilang mainis. Pero ngayon, mas nararamdaman niya ang pagkainis—lalo na’t sinasabi ito ni Jerome sa harap ni Cormac.“Jerome, ano bang ibig mong sabihin?” diretsahang tanong ni Amelia, sukdulan na ang inis niya.Jerome ay ngumiti nang malamig. “Ano, Amelia? Hindi mo na kayang magpigil?”Sa totoo lang, hindi rin alam ni Amelia kung bakit siya galit.Marahil ayaw niya lang na magkaroon ng maling impresyon si Cormac sa kanya. Ayaw niyang isipin nito na siya ang tipo ng babaeng inuuna ang pera o nakikisangkot sa mga kung anu-anong gulo.“Ang sinasabi ko lang, dapat maging responsable ka sa mga sinasabi mo,” malamig na sagot ni Amelia.“Responsible?” Tumawa nang mapait si Jerome. Hindi na siya nag-abala pang magpigil. “Hindi mo ba naisip, Amelia, na hindi ka na pweden
Napatingin ng masama si Amelia sa kanya, pero hindi na siya nagtanong pa.Matapos ang mahabang diskusyon nila ni Cormac, ang masamang pakiramdam ni Amelia, na dulot ni Jerome, ay biglang nawala. Sa halip, napabuti pa ang kanyang mood, at sa biyahe, naidlip siya habang nakasandal sa bintana ng sasakyan.Habang natutulog si Amelia, si Pablo, na kanina pa tahimik sa unahan, ay nagsalita nang pabulong, "Sir Cormac, may nahanap na ako tungkol sa nangyari sa dalaga dalawang taon na ang nakalipas."Kanina’y nakatingin si Cormac sa maamong mukha ni Amelia habang natutulog, ngunit nang marinig ito, bumaling siya kay Pablo, at biglang tumigas ang kanyang ekspresyon. "Nahanap mo na ba ang taong sangkot noon?""Nahanap ko na.""Nasaan siya ngayon?""Ayon sa utos mo, nakakulong na siya. Anong gagawin natin? Gusto mo bang turuan siya ng leksyon muna?""Turuan ng leksyon?" May malupit na ngiti sa labi ni Cormac. "Masyado ‘yang magaan para sa kanya. Pagkatapos nating ihatid si Amelia, pupunta tayo do
Hindi mapigilan ni Amelia ang pakiramdam na parang umiinit na ang kanyang mga tainga."Ha? Naliligo ka, di ba??" Hindi na niya kayang tumingin sa kanya at mabilis na isinara ang pinto ng banyo.Si Cormac, nakatingin lang sa namumulang mukha ni Amelia, hindi maiwasang mapangiti. Hinayaan na lang niya itong isara ang pinto.Pagbalik sa kama, pakiramdam ni Amelia ay parang nag-aapoy pa rin ang kanyang mukha, kaya't sinubukan niyang mag-scroll sa social media para kumalma.Ilang minuto lang, lumabas na si Cormac mula sa banyo. Sa pagkakataong ito, hindi na naglakas-loob si Amelia na tumingin sa kanya at nagpatuloy lang na naglalaro sa cellphone."Matulog ka na," sabi ni Cormac ng mahina. Nang makita niyang tumango ito nang hindi man lang tumitingin, pinatay na niya ang ilaw.Gabi iyon na hindi nakatulog nang maayos si Amelia.Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, naaalala niya ang matipunong katawan ni Cormac at ang bahagyang ngiti nito. Paulit-ulit siyang nagdasal sa kanyang isip
Narinig iyon ni Jerome, at biglang may naisip siya. Mas lalo pang lumalim ang sarkastikong ngiti sa kanyang labi."Oh, tama. Nakalimutan ko. Ganito rin ang presyo mo noon, dalawang taon na ang nakalipas," aniya, puno ng panunukso. "Pero noon, first time mo pa lang, 'di ba? Samantalang 'yung nabili ko ngayon, isang sirang sapatos na hindi ko na alam kung ilang lalaki na ang gumamit. Sa presyong ito, dapat masaya ka na—"Pak!Hindi pa man natatapos si Jerome sa pagsasalita, hindi na nakapagpigil si Amelia. Mabilis niyang itinataas ang kanyang kamay at pinadausdos ang isang malutong na sampal sa mukha ni Jerome.Hindi inasahan ni Jerome ang biglaang kilos ni Amelia. Nanlaki ang kanyang mga mata, hawak ang pisngi habang nakatitig sa babaeng nakasandal sa pader.Nakita niyang namumula sa galit ang dating maputlang mukha ni Amelia. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, ngunit pilit niyang kinakagat ang kanyang labi upang hindi ito bumagsak.Para bang may bumagsak sa puso ni Jerome.Ang
Pinaharap ni Cormac si Amelia sa kanya, pero nang makita niya ang mukha nitong punong-puno ng luha, saglit siyang natigilan.Hindi na napigilan ni Amelia ang sarili at napasigaw, "Bitawan mo ako! Kailangan nang operahan si Mama! Pakawalan mo ako!"Naningkit ang mga mata ni Cormac, pero hindi niya binitiwan si Amelia. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ang yakap dito at mariing sinabi, "Amelia, kalma ka! Paano ka pupunta sa ospital mag-isa? Tatawagan ko si Pablo para maayos na agad ang lahat!""’Di na kailangan—" Instintibong tumanggi si Amelia, pero hindi pa siya tapos magsalita nang makita niya ang matinding galit sa mga mata ni Cormac."Amelia! Hanggang kailan mo ipipilit ang pagiging matigas ang ulo mo? Gusto mo bang gumaling ang mama mo o hindi?" galit na tanong ni Cormac. Pero nang makita niyang sobrang namumutla si Amelia, lumambot nang bahagya ang tono niya. "Tandaan mo, asawa mo ako. Sa ganitong oras, hayaan mong umasa ka sa akin”Parang biglang tumigil ang mundo ni Amelia haban
Pinaharap ni Cormac si Amelia sa kanya, pero nang makita niya ang mukha nitong punong-puno ng luha, saglit siyang natigilan.Hindi na napigilan ni Amelia ang sarili at napasigaw, "Bitawan mo ako! Kailangan nang operahan si Mama! Pakawalan mo ako!"Naningkit ang mga mata ni Cormac, pero hindi niya binitiwan si Amelia. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ang yakap dito at mariing sinabi, "Amelia, kalma ka! Paano ka pupunta sa ospital mag-isa? Tatawagan ko si Pablo para maayos na agad ang lahat!""’Di na kailangan—" Instintibong tumanggi si Amelia, pero hindi pa siya tapos magsalita nang makita niya ang matinding galit sa mga mata ni Cormac."Amelia! Hanggang kailan mo ipipilit ang pagiging matigas ang ulo mo? Gusto mo bang gumaling ang mama mo o hindi?" galit na tanong ni Cormac. Pero nang makita niyang sobrang namumutla si Amelia, lumambot nang bahagya ang tono niya. "Tandaan mo, asawa mo ako. Sa ganitong oras, hayaan mong umasa ka sa akin”Parang biglang tumigil ang mundo ni Amelia haban
"Iyon ay, kung kailangan mo ako balang araw, sasabihin mo ba talaga sa akin?" Tinitigan ni Cormac ang umiwas na tingin ng maliit na babaeng nasa harapan niya. May bahagyang inis na dumaan sa kanyang mga mata bago niya hinawakan ang kanyang baba at iniangat ito upang mapaharap siya rito. "Amelia, gusto kong maging totoo ka sa akin. Ituring mo akong asawa mo."Napatingin si Amelia sa malalim na itim na mata ni Cormac at sandaling nawala sa sarili."Hmm." Maya-maya, ibinaba niya ang kanyang tingin. "Pangako, kung kailangan ko ng tulong balang araw, ikaw ang una kong sasabihan."Sa wakas, isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Cormac. "Good."Binitiwan niya ang kanyang baba at tumalikod para umalis. Ngunit bago siya tuluyang makalabas, biglang tinawag siya ni Amelia."Cormac!"Bahagyang tumigil ito at lumingon. Nakita niya ang mukha ni Amelia na may bahagyang pamumula, halatang hindi sanay sa sasabihin."Salamat... sa lahat ng ginawa mo."Isang simpleng pasasalamat, ngunit hindi niy
Namuti nang bahagya ang mukha ni Amelia. "Mom, imposible ‘yan. May marriage certificate na kami.""At ano naman kung may marriage certificate?" Matalas ang boses ni Alena. "Baka naman kailangan lang niya ng asawa sa papel." Kahit dalawang taon siyang walang malay, malinaw pa rin ang pag-iisip niya. "Sabihin mo sa’kin, sa estado niya sa buhay, bakit siya mai-in love sa isang ordinaryong babae na tulad mo?"Hindi agad nakasagot si Amelia.Sa totoo lang, tama ang sinabi ni Alena. Alam niyang ang pagpapakasal nila ni Cormac ay hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil may kailangan lang sila sa isa't isa. Pero ang hindi alam ni Alena, alam na ito ni Amelia mula pa noong una. Wala silang karapatang husgahan ang isa’t isa dahil pareho silang may dahilan sa kasal na iyon."Mom," umiwas siya sa usapan at mahinang sinabi, "Mabait naman sa’kin si Cormac..."Totoo naman ang sinabi niya. Kahit hindi pa sila lubos na magkakilala, lagi siyang nandiyan si Cormac tuwing kailangan niya ng tulong—katulad n
"Salamat para saan?" naguguluhang tanong ni Amelia. Itinaas ni Cormac ang gilid ng kanyang bibig, "Salamat sa pagsasabi sa iyong ina na gusto mo ako." Natigilan si Amelia, at biglang nakaramdam ng init sa kanyang pisngi, at hindi niya mapigilang hawakan si Cormac. Sa katunayan ako ang dapat na magpasalamat sa iyo, Cormac. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Sabi niya sa kanyang isipan. Saglit na nagyakapan ang dalawa, at naramdaman ni Amelia na male-late na siya sa trabaho, kaya siya na ang unang humiwalay. "Cormac, kailangan ko nang pumasok sa trabaho," aniya. Talagang nag-aatubili pa si Cormac na pakawalan sa pagkakayakap si Amelia, ngunit ayaw naman niya itong ma-late sa pagpasok kaya pinakawalan na rin niya ito. Inabot niya ang noo nito at bahagya itong hinalikan sa noo, "Sige na, pumasok ka na," naka ngisi niyang sabi. Agad na siyang pumasok sa building pagkatapos magpaalam kay Cormac. Kakapasok pa lang ni Amelia sa opisina at hindi pa halos nakakapagpahinga at naka
Nang makita ni Alena na ang babaeng anak ay tila tunay na umiibig, ang mga mata niya ay kumikislap. Alam niyang dumaan sa hirap si Amelia, kaya marahil nang mahanap nito ang isang katulad ni Cormac na mabait at mapagkakatiwalaang lalaki at makakaintindi rito at magmamahal rito ng walang kapalit ay handa ulit ang anak na pumasok muli sa panibagong relasyon. Ngunit, si Cormac na ba ang tunay na magdadala kay Amelia sa kanya ng tunay na kaligayahan? Ang mundo ng mga mayayaman ay hindi isang bagay na maaaring pagsamahin ng mga taong tulad nila sa pamamagitan lamang ng pag-ibig. Maaaring maging hadlang iyon para kay Cormac. Makakaya nga ba nitong harapin ang lahat ng pagsubok alang-ala kay Amelia? Alam ni Amelia ang mga alalahanin ng kanyang ina para sa kanya kaya naiintindihan din niya ito. "Okay, mahal kong ina. Paulit-ulit ho akong pinrotektahan ni Cormac sa anumang panganib. Gusto ko ho siya at naniniwala ho ako sa kanya. Tsaka mabuting tao ho si Cormac kaya wag ho kayong mag-aa
"Okay," sangayon ni Amelia. May naisip si Cormac, at ngayon ay tila masasabi na niya iyon. "Sa katunayan, nagsimula akong mag-imbestiga ng ilang bagay tungkol dun," Nakikita niya na merong pakialam si Cormac sa nangyari noon, kung wala, bakit pa ito mag-iimbestiga sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan? Nagdilim ang mga mata ni Amelia. "Ano ang nalaman mo?" tanong niya. Sinabi ni Cormac kay Amelia na hindi ang pinaghihinalaan nilang matandang lalaki ang lumapastangan sa kanya noon, kundi ibang tao. Tungkol naman sa tunay na pagkakakilanlan ng taong iyon, nananatili pa itong iniimbestigahan. Hindi ang matanda, kundi ibang tao. Sino naman kaya iyon? Walang pakialam si Amelia nang marinig niya ang balita. Hindi magbabago ang mantsa sa kanyang katawan dahil matanda man ito o gwapo. Ang lahat ay isang bangungot na hindi na mawawala pa. Napabuntong-hininga si Amelia, "Cormac, hindi na ganoon kahalaga ang taong iyon sa akin ngayon. Gusto ko
Namutla ang mukha ni Amelia. Pakiramdam talaga niya ay nadroga siya kagabi, at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung sino ang may kagagawan niyon sa kanya, ngunit sa pinapakita ni Aurora ngayon sa kanya, parang gusto niyang isipin na ito ang may gawa ng lahat. Galit na galit siya sa mga oras na iyon, pero iniisip na lang niya na magkapatid sila nito kahit pa alam niyang wala itong pagmamahal sa kanya ay hindi na lang niya ito papatulan. "Aurora, sabihin mo nga sa akin ang totoo, may alam ka ba sa nangyari?" Tumingin si Aurora kay Amelia, na may pang-iinsulto sa mga mata niya. Gusto niya sa paningin ni Amelia dapat siya ang palaging mataas at makapangyarihan at hinding-hindi matatalo kailan man. "Anong pinagsasabi mo? Bakit ako ang tintanong mo? Dapat ikaw ang nakakaalam ng mga ginawa mo kagabi. Pumunta ka sa hotel na ito kahit may asawa ka at nakipagsiping sa ibang lalaki tapos may gana ka pa rin na tanungin ako kung may alam ba ako sa nangyari?"Masaya s
Bago pa tuluyang makalimot si Jerome ay mabilis niyang tinulak palayo si Aurora at agad na umalis sa ibabaw ng kama. Dinampot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig tsaka pumasok sa loob ng banyo.Dahil sa ginawang pagtanggi ni Jerome kay Aurora ay nakaramdam siya ng hinanakit sa kanyang puso. Ilang beses na niyang ibinigay ang sarili kay Jerome, at sa bawat minuto na inaangkin siya nito ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga si Jerome sa kanya sa bawat pagkakataong iyon. Naisip tuloy niya, kung si Amelia kaya ang umakit dito, magagawa kaya nitong tanggihan? Kagabi, kung hindi pa siya naglagay ng droga sa baso ng alak ni Jerome ay tiyak na hindi niya ito magagawang akitin. Naalala pa ni Aurora ang mainit na eksena nilang dalawa ni Jerome kagabi. Ngunit ang malinaw niyang naalala kapag sila ay nasa init ng sensasyon ni Jerome ay patuloy nitong inuungol ang pangalan ni Amelia. Nakuyom ni Aurora ang kanyang mga kamay nang maalala ang tagpong iyon. Dahil doon ay lalong nad
Nakaramdam ng hiya si Su Kexin kaya hindi niya magawang makapagsalita. Napagtanto niya na si Cormac ay isang tuso. Siya ay mukhang seryoso, masungit at napaka intimidating, pero siya ay talagang may itinatagong pag-uugali! Paano niya masasagot ang tanong na iyon? Napatakip na lang siya ng bibig. Ngunit hindi hahayaan ni Cormac na hindi siya sumagot. Hinawakan siya nito sa baba at pinilit iyong itinaas, "Sagutin mo ako, Amelia," anas nito. Pulang-pula ang mukha ni Amelia sa hiya na halos matuyuan na siya ng dugo. Iniwas niya ang tingin dito at ngumuso, "Depende sa mood ko," sagot niya. Natigilan si Cormac. Bagama't hindi ito tiyak, para sa mahiyaing si Amelia, maaaring ito ang pinakamagandang sagot. Nakaramdam siya ng saya sa kanyang puso, niyakap niya si Amelia. "Okay, tiyak na magagawa kitang paligayahin sa hinaharap." Lalong namula ang mukha ni Amelia. Pero at the same time, hindi niya maitatanggi na may saya siyang nararamdaman sa kanyang p
Mabilis na naglakad si Cormac palapit kay Amelia at huminto sa harapan nito. Medyo namutla ang maganda nitong mukha. Mabilis niyang niyakap si Amelia at tinitigan ang mukha nitong may bahid ng luha, "Okay ka lang ba, Amelia?" Biglang may napagtanto si Aelia. Tumingin kay Cormac na nakatayo sa kanyang harapan. "Cormac, bakit ka nakatayo? Nasaan ang iyong wheelchair?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Alam mong pampublikong lugar ito at napakaraming tao ang pwedeng makakita sa'yo," sabi pa niya.Kung may makakilala kay Cormac at makarating kay Dominic, hindi ba mawawalan ng saysay ang pagsusumikap ni Cormac sa pagtatago sa loob ng maraming taon? Habang sinasabi niya iyon, itinaas niya ang kanyang ulo at nakita si Pablo na tumatakbo palapit sa kanila mula sa dulo ng corridor may may takot habang tinutulak ang wheelchair ni Cormac. Marahil tumakbo si Cormac para mapuntahan siya agad. Kung ikukumpara ang takot ni Amelia para sa kapakanan ni Cormac, ngunit baliwala na
Pwede kayang... Iniisip ang baso ng juice na kakainom pa lang niya, hindi mapigilan ng katawan ni Amelia na manginig. Gusto niyang umalis sa lugar na iyon ng mabilis, ngunit ramdam niyang nanghihina ang kanyang mga paa dahilan para hindi niya iyon magawang maihakbang. Sa sobrang takot ay kinuha niya ang kanyang cellphone nang hindi nag-iisip at nag-dial ng numero. Ilang sandali lang na nag ring ang nasa kabilang linya, at mabilis na nakonekta ang tawag. "Hello." Ang mababa at sexy na boses ni Cormac ay narinig niya mula sa kabilang linya. "Cormac, iligtas mo ako!" aniya. Walang kamalay-malay, si Amelia mismo ay hindi napagtanto na ang kanyang pagdepende kay Cormac ay umabot na sa puntong iyon. Kapag nakatagpo ng panganib, ang unang tao na pumapasok sa isip niya ay ang tawagan si Cormac,! Sa kabilang banda, maganda ang mood ni Cormac nang matanggap niya ang tawag ni Amelia, ngunit hindi niya inaasahang maririnig niya ang mga salita ni Amelia
Napakunot ang noo ni Amelia at itinaas ang kanyang ulo, at nakita si Aurora sa likod niya sa salamin habang may galit sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Lihim siyang nakaramdam ng pagkainis. Sa dami ng tao bakit ito pa ang masasalamuha niya sa ganito pang pagkakataon. Pero wala siyang gustong sabihin, naghugas na lang siya ng kamay at naghanda sa pagpunta sa loob ng banyo. Ngunit hinawakan ni Aurora ang kanyang pulso at sinigawan siya: "huwag mo akong talikuran, Amelia!" Sumimangot si Amelia. Ano na naman ang kaya ang problema ng babaeng ito? "Ano ba ang kailangan mo?" Malamig ang mga matang tiningnan niya si Aurora. "Ako dapat ang magtanong kung ano ang kailangan mo at ang binabalak mong gawin!" Halatang medyo lasing si Aurora, at sinigawan si Amelia, "Narinig ko ang pag-uusap ninyo kaninang dalawa! Tungkol saan ang pinagsasabi mo kay Jerome! Gusto mo bang mapalapit muli sa kanya!" Sumimangot si Amelia. Tila narinig ni Aurora