Naalala bigla ni Amelia na nagmamadali siyang umalis kahapon ng tanghali. Ang dalawang mangkok ng fried rice na niluto niya para sana sa lunch ay nakalimutan niyang kainin at naiwan lang sa bahay.Kung iisipin, pag-uwi ni Cormac kagabi, kinain nito ang isa at inilagay ang natira sa refrigerator.Lalo siyang nakaramdam ng hiya. Tumayo siya sa dulo ng mga paa niya, pilit inaabot ang fried rice sa kamay ni Cormac. "Wala namang tao sa bahay kahapon, pero ngayon nandito na ako. Hayaan mo na akong magluto ng bago."Nakita ni Cormac ang pagpupumilit ni Amelia habang pilit inaabot ang pagkain. Bahagyang pinatulis niya ang labi niya, pero hindi pa rin ibinaba ang kamay. Sa halip, yumuko siya nang bahagya, eksaktong tapat sa mukha ni Amelia na patuloy na nagpupumilit umabot.Dahil sa biglaang paglapit ni Cormac, nagulat si Amelia. Nawalan siya ng balanse at muntik nang matumba. Buti na lang, mabilis ang kilos ni Cormac. Agad nitong hinawakan ang manipis niyang baywang at itinayo siya nang maayo
"Uy, nandito ka na?" Saka lang napansin ni Amelia si Cormac at agad na lumapit. "Hugasan mo na agad 'yung kamay mo at kumain ka na. Maraming pagkain, kaya kain ka lang nang kain. Kung hindi natin maubos, gagawa na lang ako ng baon mo para sa opisina.""Hindi na, huwag na." Umupo si Cormac. "Kumain na ako."Hindi sang-ayon si Amelia. Kahit apat na tao siguro, hindi nila mauubos ang dami ng nilutong pagkain, paano pa silang dalawa lang?Pero nagkamali siya. Hindi niya inaasahan na ganun pala kalakas kumain si Cormac. Nilantakan nito lahat ng niluto niyang pagkain.Nakatulala si Amelia. Sa dami na ng beses nilang sabay kumain, ngayon lang niya napansin na malakas palang kumain si Cormac.Kinabukasan, Linggo, naging abala ulit si Amelia sa pagluluto para kay Cormac. Hindi niya namalayan na mabilis na lumipas ang weekend.Lunes ng umaga, pumunta na sa trabaho si Amelia.Dati, gustong-gusto ni Amelia ang pumunta sa trabaho. Pero simula nang maging editor-in-chief si Jerome, parang naging na
PAGDATING ni Amelia sa Civil Affairs Bureau, hindi pa dumarating ang lalaking pakakasalan niya.Lumipas na ang kalahating oras mula sa napagkasunduang nilang oras, pero hindi pa rin dumarating ang lalaki. Tatawagan na sana ito ni Amelia nang biglang tumawag ang lalaki."Amelia, sinungaling ka, pinaglaruan ka na’t lahat at niloko noong kolehiyo, ngayon gusto mong humanap ng tapat na lalaki na mapapangasawa? Sinasabi ko sa iyo, mangarap ka!” sabi nito mula sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag."No wonder, kaya ka nag-propose ka ng kasal sa'kin sa loob ng tatlong araw ng date natin. Kung hindi lang sa university mo nag-aaral ang ex-girlfriend ko, muntik na akong magpaloko sayo. Walanghiyang babae! Pweh!" sabi pa nito. Pagkatapos ni'yon ay tumunog ang end call tone tanda na binaba na nito ang tawag.Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Amelia para magpaliwanag bago siya nito hinusgahan.Namumutla ang kanyang mga daliri habang hawak ang cellphone niya. Bumuka ang kanyang mga la
MAKALIPAS ang isang oras, lumabas si Amelia mula sa Civil Affairs Bureau dala ang pulang libro na nasa kanyang kamay. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay para siyang lumulutang dahil tila panaginip lang ang lahat.Hindi niya akalain na magpapakasal siya ng biglaan sa isang lalaki, at sa isang lalaking kakakilala lang niya.Bumaba ang tingin ni Amelia sa marriage certificate at nakita niya sa litratong nandun at sa litarato ay magkatabi silang dalawa ng lalaki. Ang lalaki ay kalmado lang, habang siya naman ay mukhang balisa at hindi mapakali. Sa ibaba naman ng litrato ay nandoon ang pangalan nilang dalawa.Nakakatawang isipin na sa marriage certificate lang niya nalaman ang pangalan ng bago niyang asawa.Cormac Fortalejo.Isang simple ngunit maawtoridad na pangalan, na tumutugma sa pagkatao ng lalaking ito."Amelia Herera?" Nakatingin din ang lalaki sa pulang libro at dahan-dahang binasa ang pangalan ni Amelia.Ang kanyang namamaos na boses ay parang isang balahibo na humahaplos sa
SAGLIT na natigilan si Amelia bago niya napagtanto na ang dahilan kung bakit nagbihis ng maganda si Matet ay dahil sa taong iinterbyuhin nila mamayang hapon at iyon ay ang president ng F Incorporation.Ang F Incorporation ay isang maalamat at matatag na kumapanya sa buong Alta Syudad. Naitatag ang F Incorporation tatlong taon na ang nakalilipas at mabilis na nakilala sa financing industry sa bansa.Sa sumunod na tatlong maikling taon, ang kumpanyang ito ay mabilis na naging isa sa pinakamalaking family business sa bansa, at sa loob ng ilang panahon ay kapantay na ito ng tatlong kilalang kumpanyang matagal nang itinatag sa bansa.Ang presidente ng F Incorporation ay higit na kainte-interisado kaysa sa kumapanya nito mismo.Sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi pa alam ang mga inpormasyon tungkol sa presidenteng ito, ni walang nakakaalam ng buo nitong pangalan at hitsura. Ngunit ito ay hindi nakakaapekto sa pagiging diterminado ng lahat para makilala ang misteryosong pangulo na ito.
PAKIRAMDAM ni Amelia ay lutang ang isip niya sa mga sandaling iyon. Hindi siya naka-react nang ngitian sila ni Cormac. "Fashion magazine? Please sit down.""Ate Amelia, ano ba ang iniisip mo?"Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Matet na nasa tabi niya ay hindi pa siya babalik sa tamang kaisipan niya. Kurap-kurap na naupo siya sa sofa kasama ni Matet at ng iba pa.Pinagulong naman ni Cormac ang wheelchair palapit sa kanila."Mr. Fortalejo, can we start?" Excited na tanong naman ni Matet. Halatang interisado na itong may malaman tungkol sa lalaki."Please," walang emosyong sagot nito.Hindi man lang tiningnan ni Cormac si Amelia mula umpisa hanggang dulo, na para bang hindi sila magkakilalang dalawa.Dahil sa malayong ugali na pinapakita ni Cormac sa mga oras na iyon, naisip ni Amelia kung ang lalaking kaharap nila ngayon ay kamukha lang ba ng kanyang asawa na si Cormac?Tumikhim si Matet. "Um... Mr. Fortalejo, you are so mysterious that no one even knows your full name. Do you mind
SA SANDALING iyon ay naramdaman ni Amelia ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Siya ba ang pinapahula nito? Ano naman kaya ang dapat niyang isagot? Dapat ba niyang sabihin na ikinasal na ito gayong ikinasal naman na sila?Kahit pa walang kasiguraduhan ang sasabihin niya ay kusang buka ang kanyang bibig para sagutin ang tanong nito."Y-you look handsome... I guess... I guess you're married?"Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam siya ng pagkakunsensya at hiya at hindi na magawang tumingin pa kay Cormac. Pero mapaisipsiya. Bakit naman siya makokonsensya at mahihiya? Kasalanan ba niya na wala siyang kaalam-alam sa pagkato nito? Isa pa, ito naman ang unang nagkunwaring hindi sila magkakilala.Habang nagtatalo ang sarili at isipan ni Amelia, nakita ni Cormac ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.Lihim na napangiti si Cormac. Bago pa man maganap ang interview, alam na niya na si Amelia ang isa sa mag-iinterview sa kanya. Nang malaman niya na sa Fashion magazine ito nagtatarabaho ay p
SA MGA oras na iyon, ayaw isipin ni Amelia kung tama nga ba ang nakikita niya na may pagnanasa sa mga mata ni Cormac dahil hiya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ni hindi nga siya naglakad ng loob na tingnan ito.Umalis siya mula sa pagkakaupo sa kandungan nito at nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng banyo.Nang maisara ni Amelia ang pinto, dinama niya ang kanyang dibdib. Parang nasa karera ang puso niya sa sobrang bilis ni'yon. Alam niyang kapag hindi siya umalis sa tabi ni Cormac alam na niya ang pwedeng mangyari.It was almost...Hindi niya mapigilan na matakot kanina pero sa kabila ni'yon ay napaisip siya. Legal na silang mag-asawa ni Cormac kaya wala naman sogurong mali kung meron mang mangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng takot nang makita niya ang pagnanasa sa mga mata ni Cormac kanina.Isa pa, ito ang ikatlo palang pagkikita nila ng lalaki kaya hindi pa niya makuhang masanay sa mga pangyayari nagaganap sa buhay niya ngayon.Pero kung
"Uy, nandito ka na?" Saka lang napansin ni Amelia si Cormac at agad na lumapit. "Hugasan mo na agad 'yung kamay mo at kumain ka na. Maraming pagkain, kaya kain ka lang nang kain. Kung hindi natin maubos, gagawa na lang ako ng baon mo para sa opisina.""Hindi na, huwag na." Umupo si Cormac. "Kumain na ako."Hindi sang-ayon si Amelia. Kahit apat na tao siguro, hindi nila mauubos ang dami ng nilutong pagkain, paano pa silang dalawa lang?Pero nagkamali siya. Hindi niya inaasahan na ganun pala kalakas kumain si Cormac. Nilantakan nito lahat ng niluto niyang pagkain.Nakatulala si Amelia. Sa dami na ng beses nilang sabay kumain, ngayon lang niya napansin na malakas palang kumain si Cormac.Kinabukasan, Linggo, naging abala ulit si Amelia sa pagluluto para kay Cormac. Hindi niya namalayan na mabilis na lumipas ang weekend.Lunes ng umaga, pumunta na sa trabaho si Amelia.Dati, gustong-gusto ni Amelia ang pumunta sa trabaho. Pero simula nang maging editor-in-chief si Jerome, parang naging na
Naalala bigla ni Amelia na nagmamadali siyang umalis kahapon ng tanghali. Ang dalawang mangkok ng fried rice na niluto niya para sana sa lunch ay nakalimutan niyang kainin at naiwan lang sa bahay.Kung iisipin, pag-uwi ni Cormac kagabi, kinain nito ang isa at inilagay ang natira sa refrigerator.Lalo siyang nakaramdam ng hiya. Tumayo siya sa dulo ng mga paa niya, pilit inaabot ang fried rice sa kamay ni Cormac. "Wala namang tao sa bahay kahapon, pero ngayon nandito na ako. Hayaan mo na akong magluto ng bago."Nakita ni Cormac ang pagpupumilit ni Amelia habang pilit inaabot ang pagkain. Bahagyang pinatulis niya ang labi niya, pero hindi pa rin ibinaba ang kamay. Sa halip, yumuko siya nang bahagya, eksaktong tapat sa mukha ni Amelia na patuloy na nagpupumilit umabot.Dahil sa biglaang paglapit ni Cormac, nagulat si Amelia. Nawalan siya ng balanse at muntik nang matumba. Buti na lang, mabilis ang kilos ni Cormac. Agad nitong hinawakan ang manipis niyang baywang at itinayo siya nang maayo
Namuti nang bahagya ang mukha ni Amelia. "Mom, imposible ‘yan. May marriage certificate na kami.""At ano naman kung may marriage certificate?" Matalas ang boses ni Alena. "Baka naman kailangan lang niya ng asawa sa papel." Kahit dalawang taon siyang walang malay, malinaw pa rin ang pag-iisip niya. "Sabihin mo sa’kin, sa estado niya sa buhay, bakit siya mai-in love sa isang ordinaryong babae na tulad mo?"Hindi agad nakasagot si Amelia.Sa totoo lang, tama ang sinabi ni Alena. Alam niyang ang pagpapakasal nila ni Cormac ay hindi dahil sa pagmamahal kundi dahil may kailangan lang sila sa isa't isa. Pero ang hindi alam ni Alena, alam na ito ni Amelia mula pa noong una. Wala silang karapatang husgahan ang isa’t isa dahil pareho silang may dahilan sa kasal na iyon."Mom," umiwas siya sa usapan at mahinang sinabi, "Mabait naman sa’kin si Cormac..."Totoo naman ang sinabi niya. Kahit hindi pa sila lubos na magkakilala, lagi siyang nandiyan si Cormac tuwing kailangan niya ng tulong—katulad n
"Iyon ay, kung kailangan mo ako balang araw, sasabihin mo ba talaga sa akin?" Tinitigan ni Cormac ang umiwas na tingin ng maliit na babaeng nasa harapan niya. May bahagyang inis na dumaan sa kanyang mga mata bago niya hinawakan ang kanyang baba at iniangat ito upang mapaharap siya rito. "Amelia, gusto kong maging totoo ka sa akin. Ituring mo akong asawa mo."Napatingin si Amelia sa malalim na itim na mata ni Cormac at sandaling nawala sa sarili."Hmm." Maya-maya, ibinaba niya ang kanyang tingin. "Pangako, kung kailangan ko ng tulong balang araw, ikaw ang una kong sasabihan."Sa wakas, isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Cormac. "Good."Binitiwan niya ang kanyang baba at tumalikod para umalis. Ngunit bago siya tuluyang makalabas, biglang tinawag siya ni Amelia."Cormac!"Bahagyang tumigil ito at lumingon. Nakita niya ang mukha ni Amelia na may bahagyang pamumula, halatang hindi sanay sa sasabihin."Salamat... sa lahat ng ginawa mo."Isang simpleng pasasalamat, ngunit hindi niy
Pinaharap ni Cormac si Amelia sa kanya, pero nang makita niya ang mukha nitong punong-puno ng luha, saglit siyang natigilan.Hindi na napigilan ni Amelia ang sarili at napasigaw, "Bitawan mo ako! Kailangan nang operahan si Mama! Pakawalan mo ako!"Naningkit ang mga mata ni Cormac, pero hindi niya binitiwan si Amelia. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ang yakap dito at mariing sinabi, "Amelia, kalma ka! Paano ka pupunta sa ospital mag-isa? Tatawagan ko si Pablo para maayos na agad ang lahat!""’Di na kailangan—" Instintibong tumanggi si Amelia, pero hindi pa siya tapos magsalita nang makita niya ang matinding galit sa mga mata ni Cormac."Amelia! Hanggang kailan mo ipipilit ang pagiging matigas ang ulo mo? Gusto mo bang gumaling ang mama mo o hindi?" galit na tanong ni Cormac. Pero nang makita niyang sobrang namumutla si Amelia, lumambot nang bahagya ang tono niya. "Tandaan mo, asawa mo ako. Sa ganitong oras, hayaan mong umasa ka sa akin”Parang biglang tumigil ang mundo ni Amelia haban

Narinig iyon ni Jerome, at biglang may naisip siya. Mas lalo pang lumalim ang sarkastikong ngiti sa kanyang labi."Oh, tama. Nakalimutan ko. Ganito rin ang presyo mo noon, dalawang taon na ang nakalipas," aniya, puno ng panunukso. "Pero noon, first time mo pa lang, 'di ba? Samantalang 'yung nabili ko ngayon, isang sirang sapatos na hindi ko na alam kung ilang lalaki na ang gumamit. Sa presyong ito, dapat masaya ka na—"Pak!Hindi pa man natatapos si Jerome sa pagsasalita, hindi na nakapagpigil si Amelia. Mabilis niyang itinataas ang kanyang kamay at pinadausdos ang isang malutong na sampal sa mukha ni Jerome.Hindi inasahan ni Jerome ang biglaang kilos ni Amelia. Nanlaki ang kanyang mga mata, hawak ang pisngi habang nakatitig sa babaeng nakasandal sa pader.Nakita niyang namumula sa galit ang dating maputlang mukha ni Amelia. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, ngunit pilit niyang kinakagat ang kanyang labi upang hindi ito bumagsak.Para bang may bumagsak sa puso ni Jerome.Ang
Hindi mapigilan ni Amelia ang pakiramdam na parang umiinit na ang kanyang mga tainga."Ha? Naliligo ka, di ba??" Hindi na niya kayang tumingin sa kanya at mabilis na isinara ang pinto ng banyo.Si Cormac, nakatingin lang sa namumulang mukha ni Amelia, hindi maiwasang mapangiti. Hinayaan na lang niya itong isara ang pinto.Pagbalik sa kama, pakiramdam ni Amelia ay parang nag-aapoy pa rin ang kanyang mukha, kaya't sinubukan niyang mag-scroll sa social media para kumalma.Ilang minuto lang, lumabas na si Cormac mula sa banyo. Sa pagkakataong ito, hindi na naglakas-loob si Amelia na tumingin sa kanya at nagpatuloy lang na naglalaro sa cellphone."Matulog ka na," sabi ni Cormac ng mahina. Nang makita niyang tumango ito nang hindi man lang tumitingin, pinatay na niya ang ilaw.Gabi iyon na hindi nakatulog nang maayos si Amelia.Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, naaalala niya ang matipunong katawan ni Cormac at ang bahagyang ngiti nito. Paulit-ulit siyang nagdasal sa kanyang isip
Napatingin ng masama si Amelia sa kanya, pero hindi na siya nagtanong pa.Matapos ang mahabang diskusyon nila ni Cormac, ang masamang pakiramdam ni Amelia, na dulot ni Jerome, ay biglang nawala. Sa halip, napabuti pa ang kanyang mood, at sa biyahe, naidlip siya habang nakasandal sa bintana ng sasakyan.Habang natutulog si Amelia, si Pablo, na kanina pa tahimik sa unahan, ay nagsalita nang pabulong, "Sir Cormac, may nahanap na ako tungkol sa nangyari sa dalaga dalawang taon na ang nakalipas."Kanina’y nakatingin si Cormac sa maamong mukha ni Amelia habang natutulog, ngunit nang marinig ito, bumaling siya kay Pablo, at biglang tumigas ang kanyang ekspresyon. "Nahanap mo na ba ang taong sangkot noon?""Nahanap ko na.""Nasaan siya ngayon?""Ayon sa utos mo, nakakulong na siya. Anong gagawin natin? Gusto mo bang turuan siya ng leksyon muna?""Turuan ng leksyon?" May malupit na ngiti sa labi ni Cormac. "Masyado ‘yang magaan para sa kanya. Pagkatapos nating ihatid si Amelia, pupunta tayo do