Hindi pa man lubusang naglalayo ang distansya sa pagitan nila, sumayad na ang ilang hibla ng buhok ni Amelia sa leeg ni Cormac. Mahigpit na isinapo ni Cormac ang kamay sa bewang nito bago magbulong nang mababa, “Maganda... Sobrang ganda na hindi ko kayang ipagmalaki sa iba.”Hindi inaasahan ni Amelia na ang madalas na tahimik na si Cormac ay makakapagsalita rin ng ganitong mga nakakakilig na salita. Namula ang kanyang mukha at hindi siya nakasagot.Bahagyang natawa si Cormac, pinaandar ang wheelchair, at dinala si Amelia palabas ng villa papunta sa nakaparadang sasakyan.Pagkaupo sa loob ng sasakyan, agad nagmaneho ang driver papunta sa villa ng pamilya Fortalejo.Habang nasa sasakyan, hindi napigilang kabahan ni Amelia.Bukod pa sa makikita niya sina Aurora at Jerome ngayon, iniisip niyang baka mapahiya siya sa harap ng maraming tao sa handaan.Napansin ni Cormac ang tensyon sa mukha nito at mahina siyang nagtanong, “Kinakabahan ka ba?”“Hmm,” pag-amin ni Amelia. “Baka mapahiya kita.
Nakita siya sa litrato. Namumula ang mukha niya, magulo ang damit, nagkalat ang buhok, at nakahiga sa pagitan ng mga futon. Kitang-kita ang malagkit na ekspresyon sa kanyang mukha.Kahit walang nakalantad na hindi dapat makita, ang namumulang mukha at kilos niya ay sapat para mag-isip ng hindi maganda ang sinumang makakakita nito.Kahit maging abo ang mga larawang ito, tiyak na makikilala pa rin ni Amelia ang mga ito.Mga litrato ito mula dalawang taon na ang nakalilipas — mga larawan na ginamit ni Jerome noon para pagdudahan siya.Mabilis niyang iniwas ang tingin, pero nang muling bumaling ang kanyang mga mata kay Jerome, hindi na pagkabigla ang naroon kundi matinding galit — galit na mahirap itago.Alam niyang galit si Jerome sa kanya dahil sa maling akala nitong pinagtaksilan niya ito noon. Ngunit hindi niya inakala na magagawa nitong ilabas ang mga larawang iyon sa harap ng lahat sa isang pormal na party tulad nito.Handa ba talagang sirain ni Jerome ang buong pagkatao niya?Kahit
"Saan ka nagmula, batang walang modo?" malamig na sabi ni Cornel. "Lolo lang ang tawag mo? Hindi ka pa nga kasal sa pamilya Fortalejo pero nakikialam ka na sa mga usapin namin!"Nanlamig si Aurora sa kaba at agad na pinagpawisan ng husto dahil sa pagsisisi.Hindi niya inakala na matapos ang lahat ng kanyang plano para sirain si Amelia, siya pa ang nakapag-iwan ng masamang impresyon kay Cornel.Hindi na siya naglakas-loob magsalita pa. Yumuko na lamang siya habang mahigpit na kinakagat ang mapulang labi sa sobrang inis.Bakit?! Bakit ganito?!Bakit si Amelia na lang palagi ang laging maswerte? Bakit hindi niya ito tuluyang mapabagsak?!Tahimik ang lahat sa natitirang oras ng hapunan.Matapos ang pagkain, nagpunta ang mga bisita sa hall na katabi ng dining room para sa sayawan.Nagpatugtog ang banda sa entablado. Ang banayad na musika ay kumalat sa malawak na bulwagan habang maraming pares ng kalalakihan at kababaihan ang nagyakapan para sumayaw.Ang mga waiter ay paikot-ikot habang nag
Narinig iyon mula kay Cormac, bahagyang nakahinga nang maluwag si Amelia, saka sumunod sa matandang tagapamahala at naglakad patungo sa study sa ikalawang palapag.Ang study ni Cornel ay may antigong istilo, mabango ang amoy ng sandalwood, at nang pumasok si Amelia, parang nagkaroon siya ng pakiramdam na bumalik sa nakaraan.Nakapagpalit na ng robe ang matanda at nakaupo sa likod ng desk. Simula nang pumasok siya sa silid, nakatutok na agad ang matalim nitong tingin sa kanya.Sinubukan ni Amelia na huwag kabahan, lumapit siya sa desk at magalang na nagsabi, "Sir Cornel.""Ano ang tawag mo sa akin?" tanong ni Cornel na may awtoridad sa boses.Natigilan si Amelia at hindi agad naka-react."Dahil kasal ka na kay Cormac, dapat tawagin mo akong 'Lolo,'" paliwanag ni Cornel nang may bahagyang pasensya nang makita niyang hindi ito naintindihan ni Amelia. Ngunit sa dulo, may halong pang-aasar ang boses nito, "Talagang malayo ang pagkakaiba niyo ng kapatid mong si Aurora. Isa, halos hindi maka
Amelia ay natigilan.Gagawin namin ngayong gabi?!Bago pa siya makareact sa gulat, biglang sumigaw si Cornel nang malakas. "Kyel!"Bumukas ang pinto ng study, at mabilis na pumasok ang matandang butler."Kyel, dali! Dalhin mo na sina Amelia at Cormac sa kwarto." Hindi mapigilan ni Cornel ang ngiti sa kanyang mukha. "Doon sa kwartong 'yon!"Nataranta si Amelia. Wala na siyang pagkakataong magtanong kung anong kwarto ang tinutukoy nito, dahil bago pa siya makapagsalita, hinila na siya palabas ng study ng butler. Habang naglalakad palabas, rinig pa rin niya ang malakas na halakhak ni Cornel.Dinala si Amelia sa ikatlong palapag, sa harap ng isang kwarto. Bago sila pumasok, sinabi ni Kyel sa mahinahong boses, "Kayong dalawa lang ng pangalawang batang master ang nandito sa floor na 'to, kaya malaya kayong gawin ang gusto niyo. Wala rin kayong dapat ipag-alala, walang makakarinig o manggugulo sa inyo."Nanlaki ang mata ni Amelia sa narinig. Alam niya ang gustong ipahiwatig ni Kyel, kaya nam
Ang nangyari dalawang taon na ang nakalilipas ay ang pinakamasamang bangungot para kay Amelia. At hindi lang ito dahil nawala sa kanya ang pinakamahalagang bagay nang isang iglap. Sa gabing iyon, tila nawasak ang kanyang pagkatao.Matagal bago siya naka-recover. Hindi niya nagawang makalapit sa sinumang lalaki; kahit ang simpleng pakikipagkamay ay nagbibigay sa kanya ng takot.Kahit pa unti-unti na siyang bumabalik sa dati, inakala niyang kaya na niyang tanggapin si Cormac. Pero nang mapunta na sila sa sitwasyon, tila biglang tumanggi ang kanyang katawan.Nang makita niyang nagiging malamig muli ang tingin ni Cormac, napuno si Amelia ng matinding pagkailang at guilt. Siguradong iniisip ni Cormac na nagda-drama siya, hindi ba? Kasal na sila, nagkasundo na rin naman sila, pero sa huling sandali, tinanggihan niya ito.Sino bang lalaki ang hindi masasaktan sa ganito?Napaisip si Amelia. Gusto niyang bumawi. Kaya dahan-dahan siyang lumapit kay Cormac, yumakap sa kanyang leeg, at kusang hin
Kung ikukumpara sa tahimik na kwarto ni Amelia, napaka-tense ng atmosphere sa kabilang kwarto ng lumang mansyon ng pamilya Fortalejo.Pumasok si Jerome sa kwarto na namumula ang mukha. Agad siyang sinalubong ni Aurora na nakasuot na ng silk lace pajamas. Yumakap ito sa braso niya at malambing na nagsabi, "Jerome, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinihintay matapos kong maligo."Sa ilalim ng dim na ilaw, mas lalong lumitaw ang kagandahan ni Aurora. Ang malambot nitong dibdib ay bahagyang dumidiin sa braso ni Jerome.Ngunit kahit nasa tabi na niya ang kagandahan, nanatili itong walang pakialam. Malamig ang boses nang tanungin si Aurora, "Aurora, may gusto ka bang ipaliwanag sa akin?"Bahagyang nagulantang si Aurora, "I-I-ipaliwanag? Anong ibig mong sabihin, Jerome?""Tungkol sa mga litrato kanina," madiing sabi ni Jerome, nawawalan na ng pasensya. "Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatang ipakalat ang mga litratong iyon ni Amelia?"Nanlumo si Aurora."Jerome… ikaw… baka naman nagkakamali
Kung naging katulad lang sana ni Amelia si Aurora—kung kaya niyang mahalin ang sarili niya nang lubusan at gawin ang kahit ano para sa sarili niya—gaano kaya kaganda ang buhay niya…Sa isang saglit ng pag-aalinlangan, napailing si Jerome at sinabing, "Kalimutan na natin ito ngayon, pero sa susunod, huwag mo nang gagawin ang ganito nang hindi ako kinokonsulta, okay?"Nang marinig iyon, nagliwanag ang mukha ni Aurora sa tuwa at agad na niyakap si Jerome. "Siyempre hindi na!" Masaya niyang sagot. "Jerome, ang bait mo talaga sa akin."Tinitigan ni Aurora si Jerome, at biglang kumislap ang kanyang mga mata. Umayos siya ng upo, at sa mapanuksong tinig ay sinabi, "Jerome, simula nang bumalik tayo sa bansa, parang matagal na nating hindi nagagawa ‘yun..."Sandaling natigilan si Jerome.Tanging ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto, kaya’t bahagyang madilim ang paligid. Sa malabong liwanag, tila naghalo ang mukha ni Aurora sa imahe ng isang taong nasa kanyang alaala.Dahan-da
"Oo naman," mahinang sagot ni Amelia nang hindi alam ang totoo. "Paano ba 'to?" Humakbang palapit sa kanya si Cormac at hinawakan siya nito sa kanyang mga balikat. Paulit-ulit na tumango si Amelia. "wala naman magiging problema sa'kin," aniya Biglang naging malungkot ang mukha ni Cormac na halos hindi talaga makapaniwala sa gustong mangyari ni Amelia. Ayos lang ba talaga? Inisip man lang ba nito kung ano ang pwedeng maging kahinatnan ng gusto nitong mangyari? "Ganito ba ang gusto mong mangyari, Amelia?" Isang bakas ng lamig ang biglang lumitaw sa mga mata ni Cormac at napagtanto ni Amelia na tila may mali. Gayunpaman, huli na ang lahat nang mabilis siyang inihiga ni Cormac sa malaki at malambot na sofa na nasa loob ng kwarto nila. Hindi alam ni Amelia ang gagawin niya. Pinamulahan siya ng mukha at sinubukang magpumiglas pero walang saysay iyon."Cormac, bitawan mo ako! Kung maglakas-loob kang gawin ito kay Francesca, hinding-hindi kita mapa
Nagkatinginan ang dalawa, at agad na ibinuka ni Amelia ang kanyang mga labi sa direksyon ni Francesca, na nagpapahiwatig na may dapat gawin si Cormac. Nangunot ang noo ni Cormac. Pinilit ba siya ni Amelia na makipaglapit sa ibang babae? Hindi namalayan ni Amelia ang binigay na ekspresyon ni Cormac, ngunit itinuro niya si Francesca gamit ang kanyang hintuturo at ang kahulugan ay napakalinaw na. Ngunit hindi pa rin nakipagtulungan si Cormac sa gusto niyang mangyari. Nagkaproblema rin sina Matet at Jorge. "Amelia, kinunan lang namin ng litrato si Francesca na kinunan ang advertisement at mga larawan ni Mr. Fortalejo sa eksena. Ano ang dapat naming gawin kung wala man lang contact ang dalawa?" Nag-isip sandali si Amelia. "Maghintay pa tayo ng kaunti pa, hanggang sa matapos si Frnaces sa photoshoot ads niya." Matapos i-shoot ang ad sa loob ng dalawang oras ay napagod din si Francesca at nagpasyang maupo sa sarili niyang tent. Mabilis na iniabot ng assista
Sa isiping iyon ay bigla siyang nakaisip ng kapilyuhan. [Maaari kitang tulungan na makakuha ng balita. Pero sa isang kondisyon...let me love you tonight.] Pinamulahan ng mukha si Amelia pagkabasa ng message ni Cormac sa kanya. Let me love you tonight... Talaga namang nagagawa pa nitong makipag-deal sa kanya sa mga oras na iyon. Kagat ang ibabang labi na nireplyan niya ito. [Tumigil ka nga sa mga kalokohan mo. Siguro meron kang tinatago ano? kaya ayaw mo akong bigyan ng inpormasyon.] Sa mga oras na iyon ay may lakas ng loob siyang hamunin si Cormac. Nakakalungkot lang dahil mukhang hindi gumana ang ginawa niyang taktoka kay Cormac. Gayunpaman, si Cormac ay talagang curious sa nararamdaman ni Anelua tungkol sa bagay na ito, kaya tiningnan niya ang kanyang iskedyul at nang masiguro na maluwang ang schedule niya ay agad siyang pumayag na pagbigyan si Amelia tungkol sa interview. Si Amelia naman ay tuwang-tuwa nang makita niya ang message sa
Napaawang ang bibing ni Amelia dahil sa gulat. Nakakagulat na balita! Asawa ang mag-iinterview sa asawa na nali-link sa isang celebrity na babae pagkatapos ay ilalabas iyon sa publiko na magdudulot ng malaking pasabog sa buong bansa at sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Napakaganda nito! [Ano ang pakiramdam mo kung may babaeng humahabol sa iyo? Ilang beses na kayong nag-date? Paano kayo nagkakilala? Sa tingin mo ba mas maganda siya o mas maganda ang asawa mo...] Ilang interview questions ang pumasok sa isip ni Amelia. at ang interview na ito ay ideya na naman ni Jerome. Naisip ba nito na maari iyon maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila ni Cormac? Ngayon pa lang parang nakikita na niya kung ano ang gustong mangyari ni Jerome. Nang marinig ng lahat ang sinabi sa kanya ay tila nakaramdam ng simpatya ang mga ito at napailing at nagbuntong-hininga. Ito ay hindi napakadaling gawin, lalo pat hindi madaling kumbinsihin o mapapayag si Cormac na ma
"Salamat para saan?" naguguluhang tanong ni Amelia. Itinaas ni Cormac ang gilid ng kanyang bibig, "Salamat sa pagsasabi sa iyong ina na gusto mo ako." Natigilan si Amelia, at biglang nakaramdam ng init sa kanyang pisngi, at hindi niya mapigilang hawakan si Cormac. Sa katunayan ako ang dapat na magpasalamat sa iyo, Cormac. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Sabi niya sa kanyang isipan. Saglit na nagyakapan ang dalawa, at naramdaman ni Amelia na male-late na siya sa trabaho, kaya siya na ang unang humiwalay. "Cormac, kailangan ko nang pumasok sa trabaho," aniya. Talagang nag-aatubili pa si Cormac na pakawalan sa pagkakayakap si Amelia, ngunit ayaw naman niya itong ma-late sa pagpasok kaya pinakawalan na rin niya ito. Inabot niya ang noo nito at bahagya itong hinalikan sa noo, "Sige na, pumasok ka na," naka ngisi niyang sabi. Agad na siyang pumasok sa building pagkatapos magpaalam kay Cormac. Kakapasok pa lang ni Amelia sa opisina at hindi pa halos nakakapagpahinga at naka
Nang makita ni Alena na ang babaeng anak ay tila tunay na umiibig, ang mga mata niya ay kumikislap. Alam niyang dumaan sa hirap si Amelia, kaya marahil nang mahanap nito ang isang katulad ni Cormac na mabait at mapagkakatiwalaang lalaki at makakaintindi rito at magmamahal rito ng walang kapalit ay handa ulit ang anak na pumasok muli sa panibagong relasyon. Ngunit, si Cormac na ba ang tunay na magdadala kay Amelia sa kanya ng tunay na kaligayahan? Ang mundo ng mga mayayaman ay hindi isang bagay na maaaring pagsamahin ng mga taong tulad nila sa pamamagitan lamang ng pag-ibig. Maaaring maging hadlang iyon para kay Cormac. Makakaya nga ba nitong harapin ang lahat ng pagsubok alang-ala kay Amelia? Alam ni Amelia ang mga alalahanin ng kanyang ina para sa kanya kaya naiintindihan din niya ito. "Okay, mahal kong ina. Paulit-ulit ho akong pinrotektahan ni Cormac sa anumang panganib. Gusto ko ho siya at naniniwala ho ako sa kanya. Tsaka mabuting tao ho si Cormac kaya wag ho kayong mag-aa
"Okay," sangayon ni Amelia. May naisip si Cormac, at ngayon ay tila masasabi na niya iyon. "Sa katunayan, nagsimula akong mag-imbestiga ng ilang bagay tungkol dun," Nakikita niya na merong pakialam si Cormac sa nangyari noon, kung wala, bakit pa ito mag-iimbestiga sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan? Nagdilim ang mga mata ni Amelia. "Ano ang nalaman mo?" tanong niya. Sinabi ni Cormac kay Amelia na hindi ang pinaghihinalaan nilang matandang lalaki ang lumapastangan sa kanya noon, kundi ibang tao. Tungkol naman sa tunay na pagkakakilanlan ng taong iyon, nananatili pa itong iniimbestigahan. Hindi ang matanda, kundi ibang tao. Sino naman kaya iyon? Walang pakialam si Amelia nang marinig niya ang balita. Hindi magbabago ang mantsa sa kanyang katawan dahil matanda man ito o gwapo. Ang lahat ay isang bangungot na hindi na mawawala pa. Napabuntong-hininga si Amelia, "Cormac, hindi na ganoon kahalaga ang taong iyon sa akin ngayon. Gusto ko
Namutla ang mukha ni Amelia. Pakiramdam talaga niya ay nadroga siya kagabi, at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung sino ang may kagagawan niyon sa kanya, ngunit sa pinapakita ni Aurora ngayon sa kanya, parang gusto niyang isipin na ito ang may gawa ng lahat. Galit na galit siya sa mga oras na iyon, pero iniisip na lang niya na magkapatid sila nito kahit pa alam niyang wala itong pagmamahal sa kanya ay hindi na lang niya ito papatulan. "Aurora, sabihin mo nga sa akin ang totoo, may alam ka ba sa nangyari?" Tumingin si Aurora kay Amelia, na may pang-iinsulto sa mga mata niya. Gusto niya sa paningin ni Amelia dapat siya ang palaging mataas at makapangyarihan at hinding-hindi matatalo kailan man. "Anong pinagsasabi mo? Bakit ako ang tintanong mo? Dapat ikaw ang nakakaalam ng mga ginawa mo kagabi. Pumunta ka sa hotel na ito kahit may asawa ka at nakipagsiping sa ibang lalaki tapos may gana ka pa rin na tanungin ako kung may alam ba ako sa nangyari?"Masaya s
Bago pa tuluyang makalimot si Jerome ay mabilis niyang tinulak palayo si Aurora at agad na umalis sa ibabaw ng kama. Dinampot niya ang mga damit na nagkalat sa sahig tsaka pumasok sa loob ng banyo.Dahil sa ginawang pagtanggi ni Jerome kay Aurora ay nakaramdam siya ng hinanakit sa kanyang puso. Ilang beses na niyang ibinigay ang sarili kay Jerome, at sa bawat minuto na inaangkin siya nito ay hindi nagpapakita ng pagpapahalaga si Jerome sa kanya sa bawat pagkakataong iyon. Naisip tuloy niya, kung si Amelia kaya ang umakit dito, magagawa kaya nitong tanggihan? Kagabi, kung hindi pa siya naglagay ng droga sa baso ng alak ni Jerome ay tiyak na hindi niya ito magagawang akitin. Naalala pa ni Aurora ang mainit na eksena nilang dalawa ni Jerome kagabi. Ngunit ang malinaw niyang naalala kapag sila ay nasa init ng sensasyon ni Jerome ay patuloy nitong inuungol ang pangalan ni Amelia. Nakuyom ni Aurora ang kanyang mga kamay nang maalala ang tagpong iyon. Dahil doon ay lalong nad