Sandaling tumigil si Pablo bago maka-react, "Iyong tungkol sa dalaga dalawang taon na ang nakalipas?""Hmm," sagot ni Cormac."Matagal na kasi ang nangyari, kaya medyo matrabaho ang paghanap.""Simulan mo kay Jerome. Mukhang may email siyang natanggap kamakailan na may kaugnayan sa mga pangyayari noong mga panahong iyon.""Okay, naiintindihan ko," sagot ni Pablo.Ang mahahabang daliri ni Cormac ay mahinang tumapik sa armrest ng kanyang wheelchair habang bahagyang nakayuko ang tingin."Sino man ang nagtatangkang guluhin ang babae ko, hindi ko palalagpasin," malamig niyang sabi.At saka…Napatingin si Cormac kay Jerome, na noon ay palabas na ng café. Ang titig niya ay mas naging malamig.Ayon sa balitang narinig niya, si Jerome daw ay tila sumuko na kay Amelia at nakatakda na raw itong magpakasal sa ibang babae. Pero sa nakikita ngayon, parang sobra pa rin ang pakikialam ni Jerome sa relasyon nila ni Amelia?Napangisi si Cormac. Hindi niya inakala na darating ang araw na pagseselosan ni
Hindi nakasagot si Amelia, ngunit pakiramdam niya ay hindi maipaliwanag ang pagod sa kanyang puso. Binuksan niya ang mga kamay ni Cormac, tumayo at umalis sa harap ng hapag-kainan.Tinitigan ni Cormac ang kanyang papalayong likuran, ngunit hindi siya tumayo para habulin ito.Kinagabihan, hindi na bumalik si Cormac sa master bedroom, at si Amelia ay mag-isa, gising at balisa sa kama.Kinabukasan, maagang umalis si Cormac, at nagising si Amelia na wala na siya roon.Pagkatapos kumain ng almusal nang mag-isa, pumunta si Amelia sa opisina. Ngunit bago pa man siya makaupo, nakita niyang nagmamadaling lumabas si Jerome mula sa kanyang opisina.Nagtaka si Amelia, at balak sanang pumunta ng banyo para iwasan ang posibleng harapan nila ni Jerome. Ngunit bago siya makalakad, itinuro siya nito."Amelia, may gagawin ka ba mamayang hapon? Sumama ka sa akin sa Brightonix Group para sa interview.""Brightonix Group?"Napatigil si Amelia, at nang lingunin niya ito, nakita niyang nakatingin sa kanya s
Si Amelia, na kanina’y bahagyang nahihiya sa sinabi ni Cormac, ay biglang napakunot ang noo nang marinig ang mga sinabi ni Jerome.Kahit nasanay na siya sa ganitong tono ni Jerome mula nang muling magkita sila, hindi niya mapigilang mainis. Pero ngayon, mas nararamdaman niya ang pagkainis—lalo na’t sinasabi ito ni Jerome sa harap ni Cormac.“Jerome, ano bang ibig mong sabihin?” diretsahang tanong ni Amelia, sukdulan na ang inis niya.Jerome ay ngumiti nang malamig. “Ano, Amelia? Hindi mo na kayang magpigil?”Sa totoo lang, hindi rin alam ni Amelia kung bakit siya galit.Marahil ayaw niya lang na magkaroon ng maling impresyon si Cormac sa kanya. Ayaw niyang isipin nito na siya ang tipo ng babaeng inuuna ang pera o nakikisangkot sa mga kung anu-anong gulo.“Ang sinasabi ko lang, dapat maging responsable ka sa mga sinasabi mo,” malamig na sagot ni Amelia.“Responsible?” Tumawa nang mapait si Jerome. Hindi na siya nag-abala pang magpigil. “Hindi mo ba naisip, Amelia, na hindi ka na pweden
Napatingin ng masama si Amelia sa kanya, pero hindi na siya nagtanong pa.Matapos ang mahabang diskusyon nila ni Cormac, ang masamang pakiramdam ni Amelia, na dulot ni Jerome, ay biglang nawala. Sa halip, napabuti pa ang kanyang mood, at sa biyahe, naidlip siya habang nakasandal sa bintana ng sasakyan.Habang natutulog si Amelia, si Pablo, na kanina pa tahimik sa unahan, ay nagsalita nang pabulong, "Sir Cormac, may nahanap na ako tungkol sa nangyari sa dalaga dalawang taon na ang nakalipas."Kanina’y nakatingin si Cormac sa maamong mukha ni Amelia habang natutulog, ngunit nang marinig ito, bumaling siya kay Pablo, at biglang tumigas ang kanyang ekspresyon. "Nahanap mo na ba ang taong sangkot noon?""Nahanap ko na.""Nasaan siya ngayon?""Ayon sa utos mo, nakakulong na siya. Anong gagawin natin? Gusto mo bang turuan siya ng leksyon muna?""Turuan ng leksyon?" May malupit na ngiti sa labi ni Cormac. "Masyado ‘yang magaan para sa kanya. Pagkatapos nating ihatid si Amelia, pupunta tayo do
Hindi mapigilan ni Amelia ang pakiramdam na parang umiinit na ang kanyang mga tainga."Ha? Naliligo ka, di ba??" Hindi na niya kayang tumingin sa kanya at mabilis na isinara ang pinto ng banyo.Si Cormac, nakatingin lang sa namumulang mukha ni Amelia, hindi maiwasang mapangiti. Hinayaan na lang niya itong isara ang pinto.Pagbalik sa kama, pakiramdam ni Amelia ay parang nag-aapoy pa rin ang kanyang mukha, kaya't sinubukan niyang mag-scroll sa social media para kumalma.Ilang minuto lang, lumabas na si Cormac mula sa banyo. Sa pagkakataong ito, hindi na naglakas-loob si Amelia na tumingin sa kanya at nagpatuloy lang na naglalaro sa cellphone."Matulog ka na," sabi ni Cormac ng mahina. Nang makita niyang tumango ito nang hindi man lang tumitingin, pinatay na niya ang ilaw.Gabi iyon na hindi nakatulog nang maayos si Amelia.Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, naaalala niya ang matipunong katawan ni Cormac at ang bahagyang ngiti nito. Paulit-ulit siyang nagdasal sa kanyang isip
Narinig iyon ni Jerome, at biglang may naisip siya. Mas lalo pang lumalim ang sarkastikong ngiti sa kanyang labi."Oh, tama. Nakalimutan ko. Ganito rin ang presyo mo noon, dalawang taon na ang nakalipas," aniya, puno ng panunukso. "Pero noon, first time mo pa lang, 'di ba? Samantalang 'yung nabili ko ngayon, isang sirang sapatos na hindi ko na alam kung ilang lalaki na ang gumamit. Sa presyong ito, dapat masaya ka na—"Pak!Hindi pa man natatapos si Jerome sa pagsasalita, hindi na nakapagpigil si Amelia. Mabilis niyang itinataas ang kanyang kamay at pinadausdos ang isang malutong na sampal sa mukha ni Jerome.Hindi inasahan ni Jerome ang biglaang kilos ni Amelia. Nanlaki ang kanyang mga mata, hawak ang pisngi habang nakatitig sa babaeng nakasandal sa pader.Nakita niyang namumula sa galit ang dating maputlang mukha ni Amelia. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, ngunit pilit niyang kinakagat ang kanyang labi upang hindi ito bumagsak.Para bang may bumagsak sa puso ni Jerome.Ang
Pinaharap ni Cormac si Amelia sa kanya, pero nang makita niya ang mukha nitong punong-puno ng luha, saglit siyang natigilan.Hindi na napigilan ni Amelia ang sarili at napasigaw, "Bitawan mo ako! Kailangan nang operahan si Mama! Pakawalan mo ako!"Naningkit ang mga mata ni Cormac, pero hindi niya binitiwan si Amelia. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ang yakap dito at mariing sinabi, "Amelia, kalma ka! Paano ka pupunta sa ospital mag-isa? Tatawagan ko si Pablo para maayos na agad ang lahat!""’Di na kailangan—" Instintibong tumanggi si Amelia, pero hindi pa siya tapos magsalita nang makita niya ang matinding galit sa mga mata ni Cormac."Amelia! Hanggang kailan mo ipipilit ang pagiging matigas ang ulo mo? Gusto mo bang gumaling ang mama mo o hindi?" galit na tanong ni Cormac. Pero nang makita niyang sobrang namumutla si Amelia, lumambot nang bahagya ang tono niya. "Tandaan mo, asawa mo ako. Sa ganitong oras, hayaan mong umasa ka sa akin”Parang biglang tumigil ang mundo ni Amelia haban
Pinaharap ni Cormac si Amelia sa kanya, pero nang makita niya ang mukha nitong punong-puno ng luha, saglit siyang natigilan.Hindi na napigilan ni Amelia ang sarili at napasigaw, "Bitawan mo ako! Kailangan nang operahan si Mama! Pakawalan mo ako!"Naningkit ang mga mata ni Cormac, pero hindi niya binitiwan si Amelia. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ang yakap dito at mariing sinabi, "Amelia, kalma ka! Paano ka pupunta sa ospital mag-isa? Tatawagan ko si Pablo para maayos na agad ang lahat!""’Di na kailangan—" Instintibong tumanggi si Amelia, pero hindi pa siya tapos magsalita nang makita niya ang matinding galit sa mga mata ni Cormac."Amelia! Hanggang kailan mo ipipilit ang pagiging matigas ang ulo mo? Gusto mo bang gumaling ang mama mo o hindi?" galit na tanong ni Cormac. Pero nang makita niyang sobrang namumutla si Amelia, lumambot nang bahagya ang tono niya. "Tandaan mo, asawa mo ako. Sa ganitong oras, hayaan mong umasa ka sa akin”Parang biglang tumigil ang mundo ni Amelia haban
Napakunot ang noo ni Amelia at itinaas ang kanyang ulo, at nakita si Aurora sa likod niya sa salamin habang may galit sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Lihim siyang nakaramdam ng pagkainis. Sa dami ng tao bakit ito pa ang masasalamuha niya sa ganito pang pagkakataon. Pero wala siyang gustong sabihin, naghugas na lang siya ng kamay at naghanda sa pagpunta sa loob ng banyo. Ngunit hinawakan ni Aurora ang kanyang pulso at sinigawan siya: "huwag mo akong talikuran, Amelia!" Sumimangot si Amelia. Ano na naman ang kaya ang problema ng babaeng ito? "Ano ba ang kailangan mo?" Malamig ang mga matang tiningnan niya si Aurora. "Ako dapat ang magtanong kung ano ang kailangan mo at ang binabalak mong gawin!" Halatang medyo lasing si Aurora, at sinigawan si Amelia, "Narinig ko ang pag-uusap ninyo kaninang dalawa! Tungkol saan ang pinagsasabi mo kay Jerome! Gusto mo bang mapalapit muli sa kanya!" Sumimangot si Amelia. Tila narinig ni Aurora
Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, sa wakas ay nakita ni Amelia si Jerome na lumabas mula sa opisina nito pagdating ng gabi, na may gasa sa kanyang mukha. Nang makita siya ni Jerome sa opisina ay saglit itong natigilan, ngunit hindi nagtagal ay sinabi nito sa lahat ng empleyado: "Oras na para umalis tayo at pumunta na sa kalapit na KTV bar." Naghiyawan ang lahat, at sabay na bumaba, at sumakay ng taxi papunta sa KTV na hindi kalayuan sa kumpanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pagpasok pa lang nila ay may nakita silang magandang babae na kumakaway sa kanila sa pintuan ng KTV, "Jerome, dito, dito!" Nang makita ang babae, si Amelia ay natigilan saglit. Si Aurora iyon. Si Aurora ay nakasuot ng napakaseksi ngayon, na may itim na vest at maikling palda, at mainit na katawan. Natigilan lahat ang mga kasamahang lalaki sa magazine sa paligid niya. Habang naglalakad sila papasok ay agad na lumapit si Aurira at natural na ipinulupot ang mga braso nit
Hindi mapigilang humalagapak ng tawa ni Cormac dahil sa naging reaksyon ni Amelia sa mga oras na iyon. May napagtanto si Amelia at mabilis na isinara ang kanyang bibig at sinubukang tumayo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa pagtayo niya, biglang hinawakan ni Cormac ang kanyang kamay at hinila siya palapit sa bisig nito. Nahulog si Amelia sa kandungan nito at bahagyang makasigaw dahil sa gulat. Hinawakan ni Cormac ang kanyang baba at aga siyang siniil ng halik sa kanyang manipis na labi. Hindi tulad ng magaan na halik kanina lang, ang halik na ito ay bahagyang mapusok. Mabilis niyang ibinuka ang mga labi at ang mga kamay nito ay tila naging mapangahas, na humahaplos sa kanyang likuran. Matapos ang mahabang paghalik, nag-aatubiling binitawan ni Cormac si Amelia. Sa pagtingin sa babae na nasa kanyang mga bisig na may namumulang mukha na parang mansanas, ang kanyang puso ay lumambot. "Amelia, salamat sa pagtitiwala mo sa akin," anas niya sa tainga nito.
Seryosong sagot ni Amelia. Ang bawat salita na sinabi ng dalaga ay tila tumatagos sa puso ni Cormac. Bahagyang nakaramdam ng panlalamig ang puso ni Cormac at hindi niya maiwasang hawakan nang mahigpit ang kamay ni Amelia. Sa napakaraming taon, kahit ang kanyang lolo na nagpalaki sa kanya ay hindi magawang maniwala sa kanya. Bagama't hindi niya pinapansin ang mga opinyon at pananaw ng ibang tao, pero iba kung ano man ang sinasabi ni Amelia sa kanya. Kung inisip din ni Amelia na siya yung tipo ng tao na iiwan ang taong nagpapahalaga sa kanya, baka masaktan pa siya. Pero sinabi nito na naniniwala ito sa kanya at ikinagagalak niya iyon. Sa pagtingin sa maningning na mga mata ni Amelia, nakaramdam siya ng bahagyang init sa kanyang puso, ngunit sa parehong sandaling iyon ay hindi niya maiwasang mapangiti ng mapait, "Pero, Amelia, alam mo ba, minsan, kahit ako ay hindi ko magawang paniwalaan ang sarili ko." Natigilan si Amelia, "Anong ibig mong sabihin?" "N
Natigilan si Amelia. Paanong ang pagbuo ng pangyayari na ito ay katulad ng sitwasyon ng sunog na naranasan niya makapamakaylan lang? Ngunit hindi niya ito masyadong inisip, dahil alam niyang pinag-uusapan na ngayon ni Cormac ang mahalagang punto, kaya't itunuon na lang niya ang sarili at nakinig nang mabuti kay Cormac. Paano nakatakas si Cormac pagkatapos magising sa pangyayaring iyon? Iniwan ba niya ang kanyang kasintahang si Serena? Tumingin si Cormac sa lapida na nasa harapan niya at nagpatuloy sa pagsasalita nang dahan-dahan. "Pagkagising ko, nalaman ko na lang na nakalas na ang tali sa mga kamay ko. Hindi lang 'yon, nawala rin si Serena sa tabi ko." lalong natigilan si Amelia. Nagtataka pa rin siya noon na si Cormac at si Serena ay nakatali kaya paano nga naman nakawala si Cormac sa lubid at saka, bakit nawala si Serena? Hindi inaasahan ni Amelia ang ganoong sagot, at hindi maiwasang magtanong, "Sigurado ka ba?" Pagkatapos ay tumingi
Mula nang marinig niyang sinabi sa kanya ni Dona ang tungkol sa kaso ng kidnapping, talagang gusto na niyang hanapin si Cormac para humingi ng linaw. Pero kung tutuusin ay isa iyong pribado at sobrang bigat ng nakaraan, hindi talaga niya makuhang tanungin si Cormac. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ikinuwento iyon ni Cormac sa sarili niyang inisyatiba. Ibig sabihin willing talaga itong buksan ang puso nito para sa kanya? Hawak ni Cormac ang kamay ni Amelia sa oras na iyon, at ang init ng palad nito ay dumampi sa palad niya. Pagtingin sa lapida na nasa harapan niya, bahagyang kumislap ang mga mata niya, "I think you should know who she is?" Saglit na nag-alinlangan si Amelia, ngunit sa bandang huli ay tumango siya bilang pagsangayon, "Medyo kilala ko siya." "Kung gayon naniniwala ako na maaaring nakarinig ka ng maraming tsismis tungkol sa kaso ng pagkidnap noon." Si Cormac ay may mahinang ekspresyon pa rin, at walang emosyong maririnig sa kanyang tono
Hanggang sa kaso ng kidnapping sampung taon na ang nakararaan, nang mawalan ng mga paa si Cormac, naisip niya na sa wakas ay nawala na ang banta nito para sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makalipas ang ilang taon, bumalik si Comrac mula sa America, bagama't ito ay naka-wheelchair, pero nagdala ito ng mas malaking banta para sa kanya! Sa loob ng napakaraming taon, mula noong dumating si Comrac, ang basurang ito, mula sa ibang bansa upang patakbuhin ang Brightonix Group, lalo iting naging banta sa kanya. Sinusubukan niya ang lahat ng paraan upang kalabanin ang kanyang kapatid, ngunit hindi niya inaasahan na si Cormac ay parang bakal na pader na hindi niya magawang tibagin. Sa loob ng ilang taon na pakikipagkumpitensya rito, hindi man lang niya ito nakitaan ng kahinaan. Hanggang sa dumating si Amelia at nagpakita ng malasakin si Cormac rito, tanda lang na ang babaeng iyon ang magiging kahinaan nito, ang tanging kahinaan ng isang Cormac Fortalejo. Sa napak
Tanga at walang kwentang anak! "Dad, hindi kita kinokontra!" Namutla ang mukha ni Jerome, ngunit nagsalita pa rin siya, "Ang akin lang, wala namang ginawang masama sa'yo si Amelia. Kung si Cormac lang naman talaga ang pakay mo, bakit mo dinamay si Amelia?!" "Anong alam mo?!" Sigaw ni Dominic, "Maraming taon nang walang karelasyon si Cormac at sinasabi na hindi siya maaaring magkaanak, kaya hindi siya maaaring magdulot sa atin ng banta. Ngunit ngayon ay nariyan na itong si Amelia at kapag siya ay nagsilang ng tagapagmana ni Cormac, sa tingin mo ba may laban tayong makipagkumpitensya kay Cormac!" Namutla ang mukha ni Jerome, "Paano magkakaanak si Cormac kung siya ay isang baldado-" "Anong masama sa pagiging baldado?" Lalong nairita si Dominic habang nagsasalita, "Kahit na siya ay isang lumpo, maaari siyang magkaroon ng anak. Higit sa lahay, ang market value at taunang kita ng kanyang kumpanya ay malayong nauuna kaysa sa kumpanyang aking pinamumunuan. Ayokong ipamuk
Naramdaman ni Cormac na lalong uminit ang taong nasa kanyang mga bisig, tumawa, at sa wakas ay tumigil sa pagpapahirap sa kanya. Tinulungan lang niya itong takpan ang kubrekama at bumulong, "Matulog ka na." Sumandal si Amelia sa dibdib ni Cormac at narinig niya ang malakas na tibok ng kanyang puso. Bigla na naman siyang natahimik at inaantok. Ito ay talagang nakapagtataka. Kapag nasa tabi niya si Cormac, maaaring siya ay labis na kinakabahan na ang kanyang puso ay malakas na tumitinok, o kaya siya ay napakalma na siya ay nakatulog nang mahimbing. Noong gabing iyon, napakasarap ng tulog niya. Ang ikinagulat ni Amelia ay talagang nanatili si Cormac sa ward sa mga susunod na araw. Paminsan-minsan, may pumupunta para kay Cormac upang pag-usapan ang tungkol sa kumpanya, ngunit gaano man kalaki ang negosyo, walang balak umalis si Cormac sa kanyang tabi. At tuwing gabi, natutulog sila sa iisang kama kasama nito. Si Amelia ay hindi naapektuhan, ngunit palagi s