"Hindi, seryoso, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko," sabi ni Amelia nang may halatang kaba habang paatras siyang umatras nang di niya namamalayan. "Lolo, pasensya na po, bigla po akong nahilo at parang masusuka. Mauna na po ako, babalik na lang po ako sa ibang araw para personal na humingi ng paumanhin."Pagkatapos sabihin iyon, hindi na siya tumingin kay Cormac o kay Cornel. Agad siyang lumabas ng kwarto, halos tumatakbo pa sa pagmamadali.Pagkaalis ni Amelia, napailing si Cornel at napangiti nang malamig. "Pumili ka ng ganitong babae na wala man lang kaalam-alam sa tamang asal?"Lumingon si Cormac kay Cornel, ang kanyang mga mata ay malamig. "Kung hindi dahil sa pangungulit ninyo, hindi ko siya hahanapin.""Ikaw talaga!" galit na sagot ni Cornel, kitang-kita sa mukha nito ang pagkadismaya. Matagal na niyang gustong alagaan ang kanyang bunsong apo, ngunit mula nang magkaroon ng aksidente sampung taon na ang nakakaraan, naging mailap ito at mahirap basahin ang ugali. Kahit siya n
Ang sinabi ni Cormac ay biglang nagpatahimik kay Amelia. Nakalimutan niyang isipin ang tungkol sa mga paa ni Cormac at sa halip ay napasigaw siya sa kaba, "Ano ang balak mong gawin—"Ngunit bago pa niya matapos ang tanong, bigla na lang napunit ang kanyang kulay burgundy na damit!Mabilis na pinigilan ni Cormac si Amelia, at ang kanyang malakas na katawan ay dumikit sa kanya. Ang amoy ng pagiging isang ganap na lalaki ay bumalot sa kanya nang buo."Cormac, anong ginagawa mo—"Gustong sumigaw ni Amelia, ngunit bago pa niya masabi ang mga susunod na salita, tinakpan ng mga labi ni Cormac ang kanya.Ang halik na iyon ay puno ng pagmamatigas at tila may halong parusa, kaya wala nang espasyo para kay Amelia na makaligtas. Unti-unti siyang nadadala sa sitwasyon."’Wag, tama na…"Ang nararamdaman niyang ito ay nagbalik ng alaala ng nangyari dalawang taon na ang nakalilipas. Bigla siyang nanginig sa takot, at ang mga luha niya ay sunod-sunod na tumulo.Napansin ni Cormac ang panginginig ni Am
PAGDATING ni Amelia sa Civil Affairs Bureau, hindi pa dumarating ang lalaking pakakasalan niya.Lumipas na ang kalahating oras mula sa napagkasunduang nilang oras, pero hindi pa rin dumarating ang lalaki. Tatawagan na sana ito ni Amelia nang biglang tumawag ang lalaki."Amelia, sinungaling ka, pinaglaruan ka na’t lahat at niloko noong kolehiyo, ngayon gusto mong humanap ng tapat na lalaki na mapapangasawa? Sinasabi ko sa iyo, mangarap ka!” sabi nito mula sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag."No wonder, kaya ka nag-propose ka ng kasal sa'kin sa loob ng tatlong araw ng date natin. Kung hindi lang sa university mo nag-aaral ang ex-girlfriend ko, muntik na akong magpaloko sayo. Walanghiyang babae! Pweh!" sabi pa nito. Pagkatapos ni'yon ay tumunog ang end call tone tanda na binaba na nito ang tawag.Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Amelia para magpaliwanag bago siya nito hinusgahan.Namumutla ang kanyang mga daliri habang hawak ang cellphone niya. Bumuka ang kanyang mga la
MAKALIPAS ang isang oras, lumabas si Amelia mula sa Civil Affairs Bureau dala ang pulang libro na nasa kanyang kamay. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay para siyang lumulutang dahil tila panaginip lang ang lahat.Hindi niya akalain na magpapakasal siya ng biglaan sa isang lalaki, at sa isang lalaking kakakilala lang niya.Bumaba ang tingin ni Amelia sa marriage certificate at nakita niya sa litratong nandun at sa litarato ay magkatabi silang dalawa ng lalaki. Ang lalaki ay kalmado lang, habang siya naman ay mukhang balisa at hindi mapakali. Sa ibaba naman ng litrato ay nandoon ang pangalan nilang dalawa.Nakakatawang isipin na sa marriage certificate lang niya nalaman ang pangalan ng bago niyang asawa.Cormac Fortalejo.Isang simple ngunit maawtoridad na pangalan, na tumutugma sa pagkatao ng lalaking ito."Amelia Herera?" Nakatingin din ang lalaki sa pulang libro at dahan-dahang binasa ang pangalan ni Amelia.Ang kanyang namamaos na boses ay parang isang balahibo na humahaplos sa
SAGLIT na natigilan si Amelia bago niya napagtanto na ang dahilan kung bakit nagbihis ng maganda si Matet ay dahil sa taong iinterbyuhin nila mamayang hapon at iyon ay ang president ng F Incorporation.Ang F Incorporation ay isang maalamat at matatag na kumapanya sa buong Alta Syudad. Naitatag ang F Incorporation tatlong taon na ang nakalilipas at mabilis na nakilala sa financing industry sa bansa.Sa sumunod na tatlong maikling taon, ang kumpanyang ito ay mabilis na naging isa sa pinakamalaking family business sa bansa, at sa loob ng ilang panahon ay kapantay na ito ng tatlong kilalang kumpanyang matagal nang itinatag sa bansa.Ang presidente ng F Incorporation ay higit na kainte-interisado kaysa sa kumapanya nito mismo.Sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi pa alam ang mga inpormasyon tungkol sa presidenteng ito, ni walang nakakaalam ng buo nitong pangalan at hitsura. Ngunit ito ay hindi nakakaapekto sa pagiging diterminado ng lahat para makilala ang misteryosong pangulo na ito.
PAKIRAMDAM ni Amelia ay lutang ang isip niya sa mga sandaling iyon. Hindi siya naka-react nang ngitian sila ni Cormac. "Fashion magazine? Please sit down.""Ate Amelia, ano ba ang iniisip mo?"Kung hindi lang siya pinaalalahanan ni Matet na nasa tabi niya ay hindi pa siya babalik sa tamang kaisipan niya. Kurap-kurap na naupo siya sa sofa kasama ni Matet at ng iba pa.Pinagulong naman ni Cormac ang wheelchair palapit sa kanila."Mr. Fortalejo, can we start?" Excited na tanong naman ni Matet. Halatang interisado na itong may malaman tungkol sa lalaki."Please," walang emosyong sagot nito.Hindi man lang tiningnan ni Cormac si Amelia mula umpisa hanggang dulo, na para bang hindi sila magkakilalang dalawa.Dahil sa malayong ugali na pinapakita ni Cormac sa mga oras na iyon, naisip ni Amelia kung ang lalaking kaharap nila ngayon ay kamukha lang ba ng kanyang asawa na si Cormac?Tumikhim si Matet. "Um... Mr. Fortalejo, you are so mysterious that no one even knows your full name. Do you mind
SA SANDALING iyon ay naramdaman ni Amelia ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Siya ba ang pinapahula nito? Ano naman kaya ang dapat niyang isagot? Dapat ba niyang sabihin na ikinasal na ito gayong ikinasal naman na sila?Kahit pa walang kasiguraduhan ang sasabihin niya ay kusang buka ang kanyang bibig para sagutin ang tanong nito."Y-you look handsome... I guess... I guess you're married?"Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam siya ng pagkakunsensya at hiya at hindi na magawang tumingin pa kay Cormac. Pero mapaisipsiya. Bakit naman siya makokonsensya at mahihiya? Kasalanan ba niya na wala siyang kaalam-alam sa pagkato nito? Isa pa, ito naman ang unang nagkunwaring hindi sila magkakilala.Habang nagtatalo ang sarili at isipan ni Amelia, nakita ni Cormac ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha.Lihim na napangiti si Cormac. Bago pa man maganap ang interview, alam na niya na si Amelia ang isa sa mag-iinterview sa kanya. Nang malaman niya na sa Fashion magazine ito nagtatarabaho ay p
SA MGA oras na iyon, ayaw isipin ni Amelia kung tama nga ba ang nakikita niya na may pagnanasa sa mga mata ni Cormac dahil hiya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ni hindi nga siya naglakad ng loob na tingnan ito.Umalis siya mula sa pagkakaupo sa kandungan nito at nagmamadaling tumakbo papasok sa loob ng banyo.Nang maisara ni Amelia ang pinto, dinama niya ang kanyang dibdib. Parang nasa karera ang puso niya sa sobrang bilis ni'yon. Alam niyang kapag hindi siya umalis sa tabi ni Cormac alam na niya ang pwedeng mangyari.It was almost...Hindi niya mapigilan na matakot kanina pero sa kabila ni'yon ay napaisip siya. Legal na silang mag-asawa ni Cormac kaya wala naman sogurong mali kung meron mang mangyari sa kanilang dalawa. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng takot nang makita niya ang pagnanasa sa mga mata ni Cormac kanina.Isa pa, ito ang ikatlo palang pagkikita nila ng lalaki kaya hindi pa niya makuhang masanay sa mga pangyayari nagaganap sa buhay niya ngayon.Pero kung
Ang sinabi ni Cormac ay biglang nagpatahimik kay Amelia. Nakalimutan niyang isipin ang tungkol sa mga paa ni Cormac at sa halip ay napasigaw siya sa kaba, "Ano ang balak mong gawin—"Ngunit bago pa niya matapos ang tanong, bigla na lang napunit ang kanyang kulay burgundy na damit!Mabilis na pinigilan ni Cormac si Amelia, at ang kanyang malakas na katawan ay dumikit sa kanya. Ang amoy ng pagiging isang ganap na lalaki ay bumalot sa kanya nang buo."Cormac, anong ginagawa mo—"Gustong sumigaw ni Amelia, ngunit bago pa niya masabi ang mga susunod na salita, tinakpan ng mga labi ni Cormac ang kanya.Ang halik na iyon ay puno ng pagmamatigas at tila may halong parusa, kaya wala nang espasyo para kay Amelia na makaligtas. Unti-unti siyang nadadala sa sitwasyon."’Wag, tama na…"Ang nararamdaman niyang ito ay nagbalik ng alaala ng nangyari dalawang taon na ang nakalilipas. Bigla siyang nanginig sa takot, at ang mga luha niya ay sunod-sunod na tumulo.Napansin ni Cormac ang panginginig ni Am
"Hindi, seryoso, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko," sabi ni Amelia nang may halatang kaba habang paatras siyang umatras nang di niya namamalayan. "Lolo, pasensya na po, bigla po akong nahilo at parang masusuka. Mauna na po ako, babalik na lang po ako sa ibang araw para personal na humingi ng paumanhin."Pagkatapos sabihin iyon, hindi na siya tumingin kay Cormac o kay Cornel. Agad siyang lumabas ng kwarto, halos tumatakbo pa sa pagmamadali.Pagkaalis ni Amelia, napailing si Cornel at napangiti nang malamig. "Pumili ka ng ganitong babae na wala man lang kaalam-alam sa tamang asal?"Lumingon si Cormac kay Cornel, ang kanyang mga mata ay malamig. "Kung hindi dahil sa pangungulit ninyo, hindi ko siya hahanapin.""Ikaw talaga!" galit na sagot ni Cornel, kitang-kita sa mukha nito ang pagkadismaya. Matagal na niyang gustong alagaan ang kanyang bunsong apo, ngunit mula nang magkaroon ng aksidente sampung taon na ang nakakaraan, naging mailap ito at mahirap basahin ang ugali. Kahit siya n
Pagbalik sa Pilipinas, nag-aalala si Amelia na baka ang kanilang pamamaalam sa France ay nagdulot ng kahihiyan kay Jerome. Ngunit sa hindi inaasahan, sa pagkakataong ito ay hindi siya pinag-initan ng lalaki.***Dumating agad ang weekend.Maaga pa lang ng umaga, isinuot na ni Amelia ang burgundy na damit na inihanda ni Cormac para sa kanya, may kaakibat na kwintas na may mga brilyante, at pares ng sapatos na may laso. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan.Naghihintay na si Cormac sa ibaba. Nang marinig ang mga yabag, tumingin siya pataas nang kaswal, ngunit nang makita si Amelia pababa ng hagdan, napahinto siya saglit sa gulat.Alam niya namang maganda si Amelia, ngunit dati’y hindi ito masyadong nag-aayos ng sarili, minsan pa nga’y parang sinasadya nitong itago ang kanyang kagandahan. Kaya ang ganda nito ay parang lihim at walang pag-iimbot.Ngunit sa oras na ito, suot ang eleganteng damit na pinili niya para sa kanya at may magaan na makeup, tila naging makinang na brilyante si Ameli
Maluwag talaga ang shirt ni Cormac sa katawan ni Amelia. Kahit na nakabotones ang lahat, lantad pa rin ang kanyang payat na collarbone. Nang bumangon siya mula sa kama, kitang-kita ang mahahaba niyang mga binti, na parang nang-aakit sa bawat galaw.Hindi maiwasan ni Cormac na ilihis ang tingin.Kahit ipinagmamalaki niya ang kanyang mahusay na self-control, naramdaman niyang uminit ang pakiramdam niya kaya’t agad siyang uminom ng malamig na tubig para kumalma. Hindi napansin ni Amelia ang kakaibang kilos ni Cormac at tahimik lang itong umupo para kumain.“Babalik na tayo mamayang hapon,” sabi ni Cormac habang kumakain. “Sasama ka ba sa akin?”Naalala ni Amelia ang nangyari sa dinner kagabi, kaya’t agad siyang tumango. “Sasama ako.”Sa pagkakataong ito, hindi na siya magdadalawang-isip. Kahit na kailangan niya ang trabahong ito, hindi niya kayang tiisin ang ginagawa ni Jerome.“Okay.”Biglang naalala ni Amelia ang isang bagay. “Ah, bakit ka nga pala nandito sa France?”Halos di halata a
Bahagyang natigilan si Amelia, tumagilid siya at sa liwanag ng poste ng ilaw na sumisilip sa bintana ng kotse, napansin niyang tila malamig ang mukha ni Cormac. Iba ito sa karaniwang kawalang-pakialam niya; parang may ikinainis ito.Bahagyang luminaw ang isip ni Amelia mula sa kalasingan, kaya't nagtanong siya nang maingat, "Cormac, galit ka ba?"Habang iniisip niya, asawa nga naman niya ito. Sino ba ang hindi magagalit kung makikita ang asawa niyang pinapatos ng iba, hindi ba?"Ano sa tingin mo?" malamig na tugon ni Cormac, at biglang bumaba ang temperatura sa loob ng sasakyan."Pasensya na?" mahina niyang sagot."Pasensya na lang?" bahagyang tinaas ni Cormac ang kilay.Natigilan si Amelia, tinitigan si Cormac, at biglang naisip ang nangyari."Hindi iyon ang iniisip mo, promise!" nagmadali si Amelia. "Akala ko kasi ordinaryong dinner lang iyon. Hindi ko inakala na gano’n si Editor-in-Chief Enrique."Biglang kinabahan si Amelia na baka isipin ni Cormac na kagaya siya ng iniisip ni Jer
Mr. Fortalejo ?Natulala si Amelia sa narinig. Mabilis niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita ang isang wheelchair sa kanyang harapan, at ang lalaking may seryosong ekspresyon na nakaupo dito.Sa isang iglap, nanlaki ang kanyang mga mata."Cormac?" tanong niya na puno ng hindi makapaniwala, na parang nasa panaginip lamang siya.Tinitigan ni Cormac si Amelia. Nakita niyang lasing ito, namumula ang maliit nitong mukha, ang mga mata’y tila malalambot, at ang suot nitong manipis na suit ay humuhubog sa kanyang maselang pigura na nagdadagdag ng kakaibang alindog.Ngunit ang alindog na ito ang mas lalong nagpagalit sa kanya.Ganito ba siya palagi? Ito ba ang dahilan kung bakit siya pinagnanasaan ng mga lalaki?Humigpit ang ekspresyon sa gwapong mukha ni Cormac, at hindi niya pinansin si Amelia. Sa halip, nakatuon ang malamig niyang tingin kay Editor-in-Chief Enrique.Si Editor-in-Chief Enrique, na kanina’y handang sampalin si Amelia, ay hindi inasahang dumating si Cormac. Hinawakan
Bahagyang nataranta si Amelia, pero sa labas, sinubukan niyang magpanggap na kalmado. "Sir Enrique, magbabanyo ka rin ba?" tanong niya."Hindi ako pupunta sa banyo," sagot ni Editor-in-Chief Enrique habang papalapit. Humigop siya ng alak at sinabuyan ang mukha ni Amelia ng amoy nito. "Hinihintay talaga kita."Halos masuka si Amelia.Halos kasing edad na ni Editor-in-Chief Enrique ang tatay niya, at nakakahiya na may gana pa itong magsalita ng ganito."Sir Enrique, mahilig ka talagang magbiro," sabi ni Amelia habang pilit na ngumingiti. Unti-unti siyang umatras, nagbabadyang bumalik sa loob ng pambabaeng banyo.Ngunit hindi niya inaasahang hahawakan ni Editor-in-Chief Enrique ang kanyang pulso. "O, Amelia, bakit ka umiiwas? Hindi mo ba ako gusto?"Syempre hindi!Halos mapamura si Amelia, pero naalala niyang kailangan niyang mag-ingat dahil sa kanyang trabaho. Pinilit niyang kumalma. "Sir Enrique, mukhang lasing ka na.""Kahit lasing, madali pa rin kitang maayos, maliit na sirena," sago
Magkatabi sina Amelia at Jerome sa eroplano, at hindi maipaliwanag ni Amelia ang nararamdaman niyang pagkailang. Ang tanghalian sa eroplano ay seafood rice, na labis niyang kinaiinisan, kaya halos hindi siya kumain."Bakit?" tanong ni Jerome nang mapansin niyang halos hindi nagalaw ang plato ni Amelia. Ngingisi-ngising dagdag nito, "Ayaw mo pa rin pala ng seafood?"Pagod na si Amelia sa paulit-ulit na panunukso ni Jerome, kaya malamig niyang sagot, "Mukhang naalala mo pa.""Oo naman." Dahan-dahang humigop si Jerome ng kape. "Ikaw ang first love ko, paano ko makakalimutan?"Napakuyom si Amelia sa tinidor na hawak niya."At higit pa roon," patuloy ni Jerome na parang walang napapansin, "niloko mo ako mula umpisa hanggang dulo. Hindi madaling kalimutan 'yon."Namutla nang bahagya si Amelia. "Jerome, sino ba talaga ang niloko? Hindi ko itinago ang pagkatao ko sa'yo."Nag-iba ang ekspresyon ni Jerome, ngunit agad ding napalitan ng mapait na ngiti. "Oo nga naman. Kung nalaman mo lang ang to
Kinabukasan, nagising si Amelia nang mas maaga nang kalahating oras, binuksan ang kanyang laptop, at nagsulat ng resignation letter.Kahit sabihing duwag siya o umiiwas, alam niyang hindi na niya kayang magtrabaho under kay Jerome.Ngunit bago pa man niya ma-print ang resignation letter, nakatanggap siya ng tawag mula sa ospital."Miss Herera? Oo, napansin namin kaninang umaga na may pagbabago sa EEG ng iyong ina, tila may mga senyales na maaaring mapabuti siya.""Ano?" Napuno ng tuwa si Amelia. "Totoo po ba, doc? Magiging maayos na po ba si Mama?""Masasabi lang namin na posible, Miss Herera. Huwag po sana kayong masyadong umasa.""Doc, kahit maliit na pag-asa, sapat na iyon para sa akin. Pakisuyo po, gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo.""Siyempre, gagawin namin ang lahat, pero..." Medyo nag-atubili ang doc. "Dahil sa mga senyales ng paggaling, susubukan namin ang ibang mga paggamot, ngunit ang gastos nito ay..."Sandaling natigilan si Amelia, pero mabilis din niyang naintindiha