Pagkatapos ng mga ilang sandali, huminga ng malalim si Luna at ngumiti. โPinalaki ko lang ang bagay na to, yun lang.โ Walang imik na umangat ang kilay ni Joshua habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Luna. Tumawa ng bahagya si Luna. โNagdugo noon ang ilong ni Neil dahil sa sipon. Marami na akong nakitang mga taong na-diagnos ng leukemia dahil lang sa hindi matigil ang pagdurugo ng kanilang ilong, at nag-alala ako na baka magkaganun siya, kaya pinadala ko siya sa hematology department para mapatignan. Sa bandang huli, lumabas na meron lang siyang sipon. Nag-alala lang ako sa wala.โ Nagpanggap si Luna na kalmado at nagkibit balikat. โMaraming tao ang naoospital dahil sa sipon sa taglamig, kaya sinabihan kami ng doktor na manatili sa may hematology department.โNaningkit ang mga mata ni Joshua. โYun lang?โ โSyempre. Ganun lang siya kasimple.โ Bahagyang tumawa si Luna. Kinuha niya ang litrato kay Joshua, lumingon at umalis. Nanatili nakatayo sa kanyang pwesto si Joshua habang
Palihim na kinuyom ni Luna ang kanyang mga kamao. Hinamak siya ni Alice sa pamamagitan ng pagsabiโsa harapan nila Joseph at Natashaโna ang kanyang mga magulang ay bihira siyang alagaan, pero patuloy na sumasang-ayon ang mag-asawa sa kanya, habang sinasabi na nararapat lang kay Luna na hindi siya magustuhan ng kanyang mga magulang. Pakiramdam niya ay isang malaking kalokohan ang eksenang nangyayari sa kanyang harapan. Huminga siya ng malalim, nilagpasan sila, at diretsong tinungo ang kanyang opisina. Sa sandaling nahawakan niya ang doorknob, tumawa ng kaunti si Alice sa kanyang likuran. โMs. Luna, hindi mo ba kami sasamahan? Nagluto ng maraming masarap na pagkain ang aking ina, at lahat sila ay mga paborito ko noon. Hindi ko mauubos ang lahat ng ito!โ Parang mga kutsilyo na bayolenteng tumarak sa puso ni Luna ang mga salita ni Alice. Noon nung siya pa si Luna Gibson, may paborito sila Natasha at Joseph. Kahit na anong mangyari, palagi nilang hinahayaan na unang pumili si A
Tinitigan siya ng masama ni Shannon at hinablot ang phone ni Courtney. Tinignan niya ang unang draft na pinakita ni Luna sa malaking screen bago sinuri ang draft ni Mo Sam. Natahimik siya. Masyado itongโฆ pareho. Parehong pareho ang mga ito. At sa oras din na iyon, ang iba pang mga tao na nasa conference room ay nagsimulang hanapin si Mo Sam, ang talentadong henyo, sa kani-kanilang mga phone. Sa sandaling nakita nila ito, natahimik ang lahat. Tinaggap ni Luna ang phone ng kanyang assistant na si Arianna na katabi niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kapareho ng kanyang mga rough draft ang mga disenyong nakapaskil. Kahit ang mga ditalye ay pareho. Ilang taon na rin siyang isang designer. Maraming beses na rin siyang naka-engkwentro ng mga kumopya ng kanyang mga gawa. Gayun pa man, ito ang unang beses na ang kinopyang draft niya ay pinaskil isang araw bago sa kanya, at sa kung saan makikita pa nga ng publiko. Naningkit ang kanyang mga mata. Malinaw ang intensyon n
Kasalukuyang tinitignan ni Joshua ang mga ginuhit ni Nellie nung tinawagan siya ni Luna. Aminado siya na may talento si Nellie, pero hindi sapat ang talento. Kung hindi nagabayan ng maayos ni Luna si Nellie, hindi siya sana makakagawa ng kamangha-manghang mga disenyo sa edad na anim na taong gulang.Pero, kahit na maganda ang mga disenyo ni Nellie, kulang pa rin ito ng panghalina na katulad ng kay Luna. Nung tumunog ang kanyang phone, sinilip niya muna ang pangalan ng tumatawag. Sinagot niya ang tawag ng may magandang pakiramdam. โTapos ka na ba sa meeting? Sabi ni NellieโโโMr. Lynch,โ masyadong seryoso ang boses ni Luna. โPakiusap pumunta kayo kaagad ngayon dito sa design department.โNagsalubong ang kilay ni Joshua sa sandaling napansin niya ang pagmamadali ni Luna. โAnong nangyari?โ Sabi niya ng may mababang tono. โMay nangyari.โ Huminga ng malalim si Luna. โMay nanggaya ng mga disenyo ko.โ Nanginig ng bahagya si Joshua. Pagkalipas ng ilang sandali, pinatay niya ang ka
Nakatingin ang lahat sa screen, gustong mahuli ang mukha ng salarin. Paano naging siya ang gumawa nun?Umupo si Luna sa kanyang upuan habang naninigas ang buo niyang katawan. Para bang naingas siya sa pwesto niya. Hindi niya na kailangan na lumapit pa na katulad ng iba para malaman kung sino ang lalake na nasa footage. โIto ay ang tatay ni Mrs. Lynch, si Mr. Gibson!โ Si Shannon ang unang nakakilala sa lalake na nasa footage. Pinalo niya ang kanyang hita. โPumupunta dito si Mr. Gibson kasama ang kanyang aawa para dalhan ng pagkain si Mrs. Lynch! At isa pa, hindi siya natutuwa kay Director Luna!โ Walang malay na napatingin si Shannon kay Arianna, na katabi lang niya. โNarinig ko pa nga siya na pinagsasalitaan niya ng masama si Director una. Narinig mo rin yun, tama?โ Kaagad na tumango si Arianna. โOo! Palaging nilalalit ni Mr. Gibson si director Luna, tinatawag pa nga niya ito na p*ta o kung ano pa.โ Nagsalubong ang kilay ni Joshua habang nililingon niya si Alice. Ka
Nagpanggap na nag-aalala si Alice. "Joshua, sa tingin ko dapatโฆ mag-report ka pa rin sa pulis." Hinawakan niya ang kanyang dibdib at namula ang kanyang mga mata. "Nadurog ang puso ko nang magagawa pala ito ng sarili kong ama. Kung alam ko lang na gagawin niya ito, napigilan ko sana siya." Makahulugang tinignan ni Alice si Luna. "Alam mo na matagal nang may problema sa'kin si Director Luna." Habang humihikbi ay nagdagdag siya nang may nanginginig na boses, "Noong unang lumabas ang insidente ng plagiarism, kaduda-duda akong tinitignan ni Director Luna." Tumingin si Alice kay Joshua nang may luhaang mga mata. "Natatakot ako na baka gustong makita ni Director Luna ang ama ko nang mag-isa para madamay niya ang ibang taong walang kinalaman sa insidenteng ito." Sa huli, huminga nang malalim si Alice. "Sa tingin ko dapat nating hayaan na lang sa mga pulis ang bagay na ito kaagad. Ano sa tingin mo?" Walang sinabi si Joshua. Pagkaupo niya, tinignan niya si Alice gamit ng kanyang ma
Malinaw na si Luna and biktima habang si Alice ang anak ni Joseph. Bakit baliktad ang sitwasyon nila sa sandaling iyon? Naningkit ang mga mata ni Joshua sa paalis na anyo ni Luna, ang kanyang paningin ay puno ng pagtataka. "Joshuaโฆ" Bumuntong-hininga si Alice. Lumapit siya at hinawakan ang kanyang kamay. "Bakit masyadong nag-aalala si Luna sa problema ng pamilya natin? Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa'tin?" "Nagulat din ako." Nilihis ni Joshua ang kanyang tingin at walang emosyon ang boses niya nang magsalita siya. "Palaging propesyonal si Luna sa trabaho niya. Hindi ako sanay na bigla niyang ipapasok ang pamilya bilang dahilan." Pagkatapos, tinignan niya si Alice. "Kagaya kung paanong nag-aalala ka dati tungkol sa pamilya mo, pero bigla mong pinili na parusahan sila. Nakakapagtaka." Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Alice. Pagkatapos ng ilang sandali, kinagat niya ang kanyang labi at mukhang medyo nahihiya. "Ginagawa ko to para lang sa'yo." Maingat niyang tini
Hindi nagpunta si Luna sa ospital para bisitahin si Natasha. Sa halip, sumakay siya ng taxi papunta sa istasyon ng pulis. Hindi siya pinayagan ng pulis sa makatwirang paraan. "Tinatanong pa ang suspek, at walang pwedeng makipagkita sa kanya." "Kailan ko pala siya pwedeng makita?" Tinignan ng pulis ang kanyang relo. "Mga tatlo o apat na oras pa." "Tatlo o apat na oras, di ba?" Umupo si Luna sa upuan. "Maghihintay ako." Tinignan siya ng pulis sa gulat pero wala siyang sinabi sabay umalis. Umupo si Luna mula hapon hanggang sa sumapit ang gabi. Bandang alas sais ng gabi, sa wakas ay nilapitan na siya ng pulis. "Pwede mo na siyang makita." Pinasalamatan ni Luna ang opisyal at sumunod papunta sa visitation room, halatang nagulat si Joseph. "Narinig ko na may isang babaeng gusto akong makita buong hapon. Hindi ko naisip na ikaw pala yun." Pagkatapos, ngumisi si Joseph. "Director Luna, bakit masyado kang nagmamadali na makita ako? Nandito ka ba para pagtawanan ako?" Nang
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya