Palihim na kinuyom ni Luna ang kanyang mga kamao. Hinamak siya ni Alice sa pamamagitan ng pagsabi—sa harapan nila Joseph at Natasha—na ang kanyang mga magulang ay bihira siyang alagaan, pero patuloy na sumasang-ayon ang mag-asawa sa kanya, habang sinasabi na nararapat lang kay Luna na hindi siya magustuhan ng kanyang mga magulang. Pakiramdam niya ay isang malaking kalokohan ang eksenang nangyayari sa kanyang harapan. Huminga siya ng malalim, nilagpasan sila, at diretsong tinungo ang kanyang opisina. Sa sandaling nahawakan niya ang doorknob, tumawa ng kaunti si Alice sa kanyang likuran. “Ms. Luna, hindi mo ba kami sasamahan? Nagluto ng maraming masarap na pagkain ang aking ina, at lahat sila ay mga paborito ko noon. Hindi ko mauubos ang lahat ng ito!” Parang mga kutsilyo na bayolenteng tumarak sa puso ni Luna ang mga salita ni Alice. Noon nung siya pa si Luna Gibson, may paborito sila Natasha at Joseph. Kahit na anong mangyari, palagi nilang hinahayaan na unang pumili si A
Tinitigan siya ng masama ni Shannon at hinablot ang phone ni Courtney. Tinignan niya ang unang draft na pinakita ni Luna sa malaking screen bago sinuri ang draft ni Mo Sam. Natahimik siya. Masyado itong… pareho. Parehong pareho ang mga ito. At sa oras din na iyon, ang iba pang mga tao na nasa conference room ay nagsimulang hanapin si Mo Sam, ang talentadong henyo, sa kani-kanilang mga phone. Sa sandaling nakita nila ito, natahimik ang lahat. Tinaggap ni Luna ang phone ng kanyang assistant na si Arianna na katabi niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kapareho ng kanyang mga rough draft ang mga disenyong nakapaskil. Kahit ang mga ditalye ay pareho. Ilang taon na rin siyang isang designer. Maraming beses na rin siyang naka-engkwentro ng mga kumopya ng kanyang mga gawa. Gayun pa man, ito ang unang beses na ang kinopyang draft niya ay pinaskil isang araw bago sa kanya, at sa kung saan makikita pa nga ng publiko. Naningkit ang kanyang mga mata. Malinaw ang intensyon n
Kasalukuyang tinitignan ni Joshua ang mga ginuhit ni Nellie nung tinawagan siya ni Luna. Aminado siya na may talento si Nellie, pero hindi sapat ang talento. Kung hindi nagabayan ng maayos ni Luna si Nellie, hindi siya sana makakagawa ng kamangha-manghang mga disenyo sa edad na anim na taong gulang.Pero, kahit na maganda ang mga disenyo ni Nellie, kulang pa rin ito ng panghalina na katulad ng kay Luna. Nung tumunog ang kanyang phone, sinilip niya muna ang pangalan ng tumatawag. Sinagot niya ang tawag ng may magandang pakiramdam. “Tapos ka na ba sa meeting? Sabi ni Nellie—”“Mr. Lynch,” masyadong seryoso ang boses ni Luna. “Pakiusap pumunta kayo kaagad ngayon dito sa design department.”Nagsalubong ang kilay ni Joshua sa sandaling napansin niya ang pagmamadali ni Luna. “Anong nangyari?” Sabi niya ng may mababang tono. “May nangyari.” Huminga ng malalim si Luna. “May nanggaya ng mga disenyo ko.” Nanginig ng bahagya si Joshua. Pagkalipas ng ilang sandali, pinatay niya ang ka
Nakatingin ang lahat sa screen, gustong mahuli ang mukha ng salarin. Paano naging siya ang gumawa nun?Umupo si Luna sa kanyang upuan habang naninigas ang buo niyang katawan. Para bang naingas siya sa pwesto niya. Hindi niya na kailangan na lumapit pa na katulad ng iba para malaman kung sino ang lalake na nasa footage. “Ito ay ang tatay ni Mrs. Lynch, si Mr. Gibson!” Si Shannon ang unang nakakilala sa lalake na nasa footage. Pinalo niya ang kanyang hita. “Pumupunta dito si Mr. Gibson kasama ang kanyang aawa para dalhan ng pagkain si Mrs. Lynch! At isa pa, hindi siya natutuwa kay Director Luna!” Walang malay na napatingin si Shannon kay Arianna, na katabi lang niya. “Narinig ko pa nga siya na pinagsasalitaan niya ng masama si Director una. Narinig mo rin yun, tama?” Kaagad na tumango si Arianna. “Oo! Palaging nilalalit ni Mr. Gibson si director Luna, tinatawag pa nga niya ito na p*ta o kung ano pa.” Nagsalubong ang kilay ni Joshua habang nililingon niya si Alice. Ka
Nagpanggap na nag-aalala si Alice. "Joshua, sa tingin ko dapat… mag-report ka pa rin sa pulis." Hinawakan niya ang kanyang dibdib at namula ang kanyang mga mata. "Nadurog ang puso ko nang magagawa pala ito ng sarili kong ama. Kung alam ko lang na gagawin niya ito, napigilan ko sana siya." Makahulugang tinignan ni Alice si Luna. "Alam mo na matagal nang may problema sa'kin si Director Luna." Habang humihikbi ay nagdagdag siya nang may nanginginig na boses, "Noong unang lumabas ang insidente ng plagiarism, kaduda-duda akong tinitignan ni Director Luna." Tumingin si Alice kay Joshua nang may luhaang mga mata. "Natatakot ako na baka gustong makita ni Director Luna ang ama ko nang mag-isa para madamay niya ang ibang taong walang kinalaman sa insidenteng ito." Sa huli, huminga nang malalim si Alice. "Sa tingin ko dapat nating hayaan na lang sa mga pulis ang bagay na ito kaagad. Ano sa tingin mo?" Walang sinabi si Joshua. Pagkaupo niya, tinignan niya si Alice gamit ng kanyang ma
Malinaw na si Luna and biktima habang si Alice ang anak ni Joseph. Bakit baliktad ang sitwasyon nila sa sandaling iyon? Naningkit ang mga mata ni Joshua sa paalis na anyo ni Luna, ang kanyang paningin ay puno ng pagtataka. "Joshua…" Bumuntong-hininga si Alice. Lumapit siya at hinawakan ang kanyang kamay. "Bakit masyadong nag-aalala si Luna sa problema ng pamilya natin? Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa'tin?" "Nagulat din ako." Nilihis ni Joshua ang kanyang tingin at walang emosyon ang boses niya nang magsalita siya. "Palaging propesyonal si Luna sa trabaho niya. Hindi ako sanay na bigla niyang ipapasok ang pamilya bilang dahilan." Pagkatapos, tinignan niya si Alice. "Kagaya kung paanong nag-aalala ka dati tungkol sa pamilya mo, pero bigla mong pinili na parusahan sila. Nakakapagtaka." Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Alice. Pagkatapos ng ilang sandali, kinagat niya ang kanyang labi at mukhang medyo nahihiya. "Ginagawa ko to para lang sa'yo." Maingat niyang tini
Hindi nagpunta si Luna sa ospital para bisitahin si Natasha. Sa halip, sumakay siya ng taxi papunta sa istasyon ng pulis. Hindi siya pinayagan ng pulis sa makatwirang paraan. "Tinatanong pa ang suspek, at walang pwedeng makipagkita sa kanya." "Kailan ko pala siya pwedeng makita?" Tinignan ng pulis ang kanyang relo. "Mga tatlo o apat na oras pa." "Tatlo o apat na oras, di ba?" Umupo si Luna sa upuan. "Maghihintay ako." Tinignan siya ng pulis sa gulat pero wala siyang sinabi sabay umalis. Umupo si Luna mula hapon hanggang sa sumapit ang gabi. Bandang alas sais ng gabi, sa wakas ay nilapitan na siya ng pulis. "Pwede mo na siyang makita." Pinasalamatan ni Luna ang opisyal at sumunod papunta sa visitation room, halatang nagulat si Joseph. "Narinig ko na may isang babaeng gusto akong makita buong hapon. Hindi ko naisip na ikaw pala yun." Pagkatapos, ngumisi si Joseph. "Director Luna, bakit masyado kang nagmamadali na makita ako? Nandito ka ba para pagtawanan ako?" Nang
Nasasabik na tinignan ni Joseph si Luna. "Kung ganun, Ms. Luna, hahayaan mo ba akong makaalis?" "Sige," pumikit si Luna. "Pero kailangan mong sagutin ang dalawang tanong ko." "Una." Huminga nang malalim si Luna at tinignan ang lalaking medyo may edad at maputi ang buhok na nakaupo sa kanyang harapan. "Bago nangibang bansa si Aura, may sinabi siya sa'kin. Sinabi niya na hindi siya anak ni Natasha. Anak mo raw siya sa ibang babae. Pinadala mo ang anak mo kay Natasha sa ampunan at pinalit mo si Aura. Totoo ba to?" Kaagad na nanahimik ang kwarto. Tinaas ni Joseph ang kanyang ulo at tumingin kay Luna sa gulat. Binukas-sara niya ang kanyang bibig nang maraming beses pero hindi siya makapagsalita. Pagkatapos nang mahabang oras, nagsalita siya nang may paos na boses, "Bakit niya sinabi to sa'yo?" Pinikit ni Luna ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. "Kailangan mo lang sumagot kung totoo ba o hindi. Kapag sinabi ko to kay Alice, base sa pagkatao niya at kung gaano siya kab
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya