Hindi nagpunta si Luna sa ospital para bisitahin si Natasha. Sa halip, sumakay siya ng taxi papunta sa istasyon ng pulis. Hindi siya pinayagan ng pulis sa makatwirang paraan. "Tinatanong pa ang suspek, at walang pwedeng makipagkita sa kanya." "Kailan ko pala siya pwedeng makita?" Tinignan ng pulis ang kanyang relo. "Mga tatlo o apat na oras pa." "Tatlo o apat na oras, di ba?" Umupo si Luna sa upuan. "Maghihintay ako." Tinignan siya ng pulis sa gulat pero wala siyang sinabi sabay umalis. Umupo si Luna mula hapon hanggang sa sumapit ang gabi. Bandang alas sais ng gabi, sa wakas ay nilapitan na siya ng pulis. "Pwede mo na siyang makita." Pinasalamatan ni Luna ang opisyal at sumunod papunta sa visitation room, halatang nagulat si Joseph. "Narinig ko na may isang babaeng gusto akong makita buong hapon. Hindi ko naisip na ikaw pala yun." Pagkatapos, ngumisi si Joseph. "Director Luna, bakit masyado kang nagmamadali na makita ako? Nandito ka ba para pagtawanan ako?" Nang
Nasasabik na tinignan ni Joseph si Luna. "Kung ganun, Ms. Luna, hahayaan mo ba akong makaalis?" "Sige," pumikit si Luna. "Pero kailangan mong sagutin ang dalawang tanong ko." "Una." Huminga nang malalim si Luna at tinignan ang lalaking medyo may edad at maputi ang buhok na nakaupo sa kanyang harapan. "Bago nangibang bansa si Aura, may sinabi siya sa'kin. Sinabi niya na hindi siya anak ni Natasha. Anak mo raw siya sa ibang babae. Pinadala mo ang anak mo kay Natasha sa ampunan at pinalit mo si Aura. Totoo ba to?" Kaagad na nanahimik ang kwarto. Tinaas ni Joseph ang kanyang ulo at tumingin kay Luna sa gulat. Binukas-sara niya ang kanyang bibig nang maraming beses pero hindi siya makapagsalita. Pagkatapos nang mahabang oras, nagsalita siya nang may paos na boses, "Bakit niya sinabi to sa'yo?" Pinikit ni Luna ang kanyang mga mata at huminga nang malalim. "Kailangan mo lang sumagot kung totoo ba o hindi. Kapag sinabi ko to kay Alice, base sa pagkatao niya at kung gaano siya kab
Nahihilo ang isipan ni Luna habang lumabas siya ng istasyon ng pulis, ngunit bumabagabag pa rin sa kanyang tainga ang mga salita ni Joseph. "Sobra kaming nagsisisi. Simula noon, akala namin hindi kailangan ni Luna na mag-alala kami sa kanya dahil sa pag-iisip niya at sa kung gaano siya kagaling. "Gusto naming makabawi sa kanya. Ang pagnakaw ko sa mga disenyo mo ngayon ay ginawa ko lang para subukan siyang mapasaya. "Tinanong mo ko noon kung bakit ginawa ko pa rin kahit alam ko ang kahihinatnan nito. Iyon ay dahil kaya kong ibuwis ang lahat para sa kanya. Kung gusto ni Alice ang mga bituin at langit, gagawin namin ang lahat para maibigay ito sa kanya, lalo na kung paano namin siya pinabayaan noon…" …Tumingin si Luna sa madilim na langit. Bigla na lang, pakiramdam niya ay gusto niyang umiyak. Bakit? Bakit wala sa mga magulang niya o kay Joshua ang nag-alala o nagpakita man lang ng kahit na kaunting lambing sa kanya noong siya pa si Luna Gibson? Bakit nagsimula lang silang
"Kung hindi ko ito magagawa nang hindi sinasama ang personal kong nararamdaman sa trabaho, paano ko sasabihan ang mga empleyado ko na maging patas?" Kinagat ni Luna ang labi niya. Naintindihan niya ang pagpupumilit ni Joshua, pero… Tumingin sa kanya si Luna. "Mr. Lynch, kung sinabi kong hindi ko gustong makulong nang matagal si Joseph Gibson, iisipin mo ba na hindi ako makatwiran?" Inangat ni Joshua ang kanyang mga mata at tumingin sa harapan. Walang emosyon ang kanyang boses habang nagsalita siya, "May dalawang anak si Joseph Gibson. Ang isa sa kanila ay si Aura, na muntikan ka nang mapatay at ang mga bata nang ilang beses. Ang isa pa ay ang asawa ko, si Alice, na palaging may problema sa'yo." Lumingon siya at malamig na tumingin kay Luna, sinusuri niya ang mukha ni Luna. "Pagkatapos ng lahat ng iyon, at napakamatiisin mo pa rin kina Joseph at Natasha. Hindi ka kumikibo kahit na gaano ka nila pagalitan. "Kung hindi ka naglagay ng hidden camera bago ang insidente, tuluyang ma
Pinikit ni Luna ang kanyang mga mata. May dahilan siya para pagsuspetsahan na si Alice ang maaaring nagkalat ng video na ito online. Sinasadya ni Alice na bigyan ng problema si Luna. Sa kabilang banda ay ang kanyang karera, na pinagtrabahuan niya nang maraming taon at gustong ipagpatuloy na gawin buong buhay niya. Sa kabilang banda naman ay ang kanyang tunay na mga magulang, na nagpalaki sa kanya sa nagdaang dalawampung taon. Pareho itong importante kay Luna. Palihim na sinara ni Luna ang kanyang kamao nang mahigpit. Masyado siyang naging mababaw. Masyado siyang naging aligaga sa kanyang trabaho sa nagdaang kalahating buwan na muntik na niyang makalimutan na malapit lang sa kanya si Alice. Pagkatapos ng mahabang sandali, huminto ang kotse. Umalingawngaw ang boses ni Joshua sa tainga niya. "Baba." Doon lamang dumilat si Luna. Binuksan niya ang ointo ng kotse at napansin niya na binalik siya ni Joshua sa Swan Lake Residences. "Salamat," pinasalamatan niya siya at um
Habang nasa likuran, nagdilim ang mukha ni Joshua. “Di ba sumosobra ka na kay Luna?” Nabigla si Lucas. Sumosobra? Sumobra ba… siya? Nang makita kung gaanong tulala si Lucas, lumingon si Joshua at tumingin sa labas ng bintana. “Ang labis na pag-aalala mo sa kanya. Atsaka, kanina lang sa police station, bumubulong ka nang sobrang lapit sa tainga ni Luna.” Natulala si Lucas. Mabilis na umikot ang isipan niya. Natukoy na ni Lucas ang problema. Ang amo ba niya ay… nagseselos? Nilinis ni Lucas ang lalamunan niya at sinabi, “Okay. Mag-iingat na ako dito sa susunod.” Walang emosyong sumagot si Joshua at tumingin sa gusali ng apartment. Nakabukas na ang ilaw sa apartment ni Luna. “Tara na.”…Lumabas si Luna ng elevator at kakalabas lang niya ng mga susi niya nang mapansin niya ang ilaw na nanggagaling sa ibaba ng pinto. Kusang napakunot ang noo niya. May tao ba sa bahay niya? Si Anne ba ito? Binigyan niya ito ng isang pares ng susi noong lumipat siya sa apartment.
Hindi napansin ni Anne ang pagbabago sa mukha ni Luna. Nagsalin siya ng isang basong tubig para sa kanyang sarili, sinasabi habang umiinom siya, “Sa totoo lang pakiramdam ko minsan ang hirap basahin ni Joshua. Pagkatapos mai-post ng video online at kumalat ito, kaagad na nagpadala ng annoucement ang Lynch Group na hindi totoo ang video. “Di nagtagal bago ang paalala, kinausap ako ni Joshua at sinabi sa akin ang tungkol sa insidente. Sinabi niya sa akin na siguro malungkot ka at sinabihan niya akong pasayahin daw kita.” Di mapigilan ni Anne na suminghal, “Kung hindi ko lang alam na siya ang basurang nanakit sa’yo nang sobra, aakalain ko sanang isa siyang mabuting tao.” Palihim na tinikom ni Luna ang kamao niya. Makalipas ang isang saglit, bumangon siya at sumugod sa balkonahe. Ang lugar kung saan nakahinto ang Maserati ay wala nang laman. Pinalo ni Luna ang noo niya sa inis. Siguro iniisip ni Joshua na baliw siya. Naghanda ito ng surpresa para sa kanya, ngunit tumanggi siya
Tinulak siya ni Anne sa kwarto. “Wag ka dapat kumilos at wag ka mag-isip. Matulog ka lang nang mahimbing!” Walang magawa si Luna. gusto niyang sabihin na pwede siyang tumulong sa mga hugasin, pero kaagad na hinila ni John si Anne sa mga braso niya. “Gusto kong makipaglambingan kay Anne, habang naghuhugas ng pinggan nang magkasama sa kusina. Wag kang maging third wheel.” Habang tulala pa rin si Luna, kaagad na kinuha ni John si Anne at umalis. Hanggang sa maglaho sa paningin niya ang dalawa lang nakangiting nagsalita si Neil, “Mommy, wag kang tumingin.” Huminto saglit si Luna at kusang yumuko. Nagsuot na ng pajama si Neil at Nellie, at yakap ng bawat isa ang isang maliit na unan habang nakatayo sila sa tapat ng pinto ng kwarto. “Gusto naming matulog kasama mo ngayong gabi, Mommy.” Humikab si Nellie. “Matagal na tayong hindi natutulog nang magkasama! Namiss ko ito!” Ngumiti nang bahagya si Neil. “Oo. Masyado kang busy at hindi mo na kami makausap. Buti makakabawi ka ngayong g
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya