Noong gabing iyon, nakatulog nang napakahimbing si Luna. Nasa kaliwa niya si Neil habang nasa kanan niya naman si Nellie. Ang mahinang paghinga ni Nigel ay nanggagaling sa kwintas na nasa taas ng kama. Kahit paano, ang tatlong pinakamahalagang tao sa kanya ay nasa tabi niya. Niyakap niya nang mahigpit si Neil at Nellie, tapos biglang parang hindi na problema ang mga problema niya. Basta’t nasa tabi niya ang mga mahal niya sa buhay, malulutas ang kahit ano.Kinabukasan, nagising siya mula sa kanyang panaginip ng mga katok ni Anne sa pinto. “Luna, buksan mo ang pinto! Luna, gising! May mabuting balita!” Inaantok na idinilat ni Luna ang kanyang mga mata habang kinukuskos ang masakit niyang ulo. Bumaba siya ng kama at binuksan ang pinto. “Wag kang maingay. Natutulog pa si Neil at Nellie.” Huminto saglit si Anne at nakatingin nang nahihiya sa kwarto. Ang dalawang bata sa kama ay natutulog pa rin nang mahimbing at hindi nabubulabog sa ingay niya. Sinra ni Luna ang pinto ng
Napanganga si Anne. Kinuskos ni Luna ang pagitan ng kilay niya. Huminga siya nang malalim. “Hindi ko inakalang ganito kadaling matatapos ang problema.” Akala niya kakailanganin niya ng isa o dalawang araw para makapag-isip ng plano. Hindi niya inasahang magbabago ang lahat sa loob lamang ng isang gabi. Tinikom ni Nigel ang kanyang bibig. “Sinabi ko sa’yo matulog ka nang mahimbing at paggising mo, magiging ayos na ang lahat. Di ako nagsisinungaling diba?” Tumawa si Luna. Makalipas ang isang saglit, nagsalita siya. “Nagtataka lang ako—paano mo napasunod si Mo Sam?” “Wala lang.” Tumawa nang mahina si Nigel. “Nag-hack akio sa kanyang computer at kinuha ko ang lahat ng lamang ng hard disk niya, kasama ang diary niya kung saan naihi siya sa kama noong bata siya at kung paano siya nabigong ligawan ang babaeng gusto niya noon. Atsaka… “Atsaka, ang ebidensya ng mga draft ng ibang mga designer.” Huminto saglit si Luna bago sabihin nang dahan-dahan, “Edi ang pagkatao niya bilang isa
Kaagad na nanigas ang kamay ni Luna na nakahawak sa kanyang phone. “Si Mr. :Lynch, siya ay…” “Marunong din siyang mag-hack.” Sa kabilang linya, kinamot ni Lucas ang ulo niya nang naguguluhan. “Sa totoo lang, sa busy schdule niya, hindi magkakaroon ng oras si Mr. Lynch na magkaroon ng libangan, pero isa siyang magaling na hacker. Sabi niya pinag-aralan niya ito matagal na noong nababagot siya.” Tapos idinagdag ni Lucas nang madamdamin, “Talagang si Mr. Lynch ang pinakamatalinong lalaking nakilala ko. Ang hacking ay isang napakahirap na gawain, pero natututunan niya ito kapag nababagot siya! Napakagaling!” Nanginig nang bahagya ang kamay ni Luna. Kung tama ang pagkakaalala niya, noong pinakasalan niya si Joshua, naaalala niyang sinabi niya noon kay Joshua na tingin niya ang mga lalaking marunong mag-hack ay nakakabilib. Tinanong niya pa ito noon kung marunong ba itong mang-hack. Ngunit tumingin sa kanya nang seryoso si Joshua. “Ang mga hacker ay mas matalinong programme
“Magaling ba siya…sa pag-hack?” “Magaling.” Tinikom ni Nigel ang bibig niya. “Baka kailangan ko pa ng ilang taong pagsasanay para maabot ko ang lebel niya.” Lumubog sa kawalan ang puso ni Luna sa sinabi ni Nigel. Nakipag-usap siya saglit kay Nigel bago ibaba ang linya at bumalik sa sala. Nagluto ng almusal si Anne. Tinawag niya si Luna para kumain, kahit na nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya dito. “Umamin na si Mo Sam na ninakaw niya ang mga disenyo mo, at isa itong mabuting balita. Bakit parang masama pa rin ang timpla mo?” Pinilit ni Luna na ngumiti. Yumuko siya at nagsimulang kumain nang maigi. …Makalipas ang limang oras, sa Lynch Group Tower. Ito ang parehong conference room na may parehong tao. Ang lahat ay tinawag para sa isang pagpupulong. Habang nakaupo sa main seat, hindi maitago ni Joshua ang pagod sa kanyang mukha. Kahit na ganon, matikas pa rin siya at mukhang mapagmataas. Habang may maliit na ngiti, tinapik niya ang lamesa gamit ng isang ka
Biglang tumahimik ang lahat nang marinig ang mga sinabi ni Shannon. Napatingin sila kay Alice.Matapos ang mahabang sandali, nag bulungan ang lahat ng tahimik.“Matagal nang hindi maganda ang relasyon nila Mrs. Lynch at Luna.”“Pero hindi gagawa ng ganito si Mrs. Lynch na makakasira sa reputasyon ng Group, hindi ba?”“Sino ang makakapagsabi? Baka alam ni Mrs. Lynch na pinapabayaan siya ni Mr. Lynch na gawin ang kahit ano, baka wala siyang pakialam…”Tuloy tuloy lang ang bulungan.Bilang ang taong pinag uusapan, kalmado lang si Alice.Kalmado siyang tumingin kay Shannon. Ang mga mata niya ay napuno ng gulat. “Sigurado ka ba na ang computer fifty-two ang ginamit ko?”Kumunot ang noo ni Shannon at tumango siya.“Sigurado ako. Ako ang naghanda ng computer para sayo noon.”Kumunot ang noo ni Alice. “Sigurado ka ba? Paano naman…”Tumingin ng nalilito si Alice kay Shannon, pagkatapos ay tumingin siya kay Joshua. Pabago bago ang ekspresyon niya, mula sa pagkagulat at naging galit.
Tila nagdilim ang paningin ni Luna.Sigurado nga.Ang ibig sabihin ng pagiging malapit nila Alice at Courtney ay may binabalak silang masama.Para naman sa recording, hindi niya inaasahan na isisisi ito ni Alice sa iba.Kung sabagay, buong hapon niyang hinihintay si Joseph sa police station kahapon.Hindi niya inaasahan na pupuntiryahin ni Alice si Arianna.Si Arianna ay ang assistant na hinanap ni Nigel para sa kanya mula sa internet dahil sa busy niyang schedule nung nakaraan.Sinabi ni Nigel na matalino si Arianna. Sinuri niya ng mabuti ang lahat ng kandidato bago niya ito pinili.Pinagkakatiwalaan niya ang anak niya, kaya’t tinanggap niya agad si Arianna. Kaya naman, lumagpas si Arianna sa screening ng Human Resources.Alam ng lahat na si Arianna ay nasa panig ni Luna.Gayunpaman, sa mga sandaling ito…Binigay ni Alice ang sisi kay Arianna sa pag upload ng video. Sinabi niya pa na hanapin kung sino ang may pakana nito.“Masisisante ba ako? Tumingin si Arianne kay Luna n
Biglang tumahimik ang conference room.Tumingin ang lahat kay Luna. Tila gusto nilang basahin ang mga iniisip niya.“Luna.”Habang nakaupo sa main seat, tumingin sa kanya ng malamig si Joshua. “Anong nangyari?”Nung sinundo ni Joshua si Luna mula sa police station kahapon at nang makita nito ang video sa internet, parang hindi niya pinepeke ang ekspresyon niya.Gayunpaman, ngayon, ang taong nag upload ng video ay ang pinakamalapit na assistant ni Luna.Kung hindi siya isang magaling gumawa ng pakana at magaling magpanggap sa harap niya, baka ang assistant niya ay sinuhulan ng iba.Tumalikod si Joshua at tumingin siya sa babaeng nasa tabi ni Luna. Ang mukha nito ay nawalan na ng kulay. Pinagpapawisan ito at nanginginig.Kung hindi nakahawak ng mahigpit ang babaeng ito sa mesa, naniniwala si Joshua na matutumba na ang babaeng ito sa sahig.Kumunot ang noo ni Joshua.Paano nagawa ng assistant ni Luna, na isang tapat at mabait na babae, na suhulan ng iba para pag taksilan si Luna
Kay Luna lang malapit si Arianna sa loob ng opisina.Sa ganun, madali nang malaman ang taong nasa likod ng lahat ng ito.Ngumiti si Luna.Kahit na walang tao na tumuro sa kanya, pinapahiwatig ito ng mga salita nila.Kaya naman, agad siyang tumayo at hinarap ito.Kaya , huminga ng malalim si Luna at naglakad siya patungo kay Joshua. “Dahil iniisip ng lahat na inutusan ko si Arianna para gumawa nito, sige.”Pagkatapos, lumingon si Luna kay Shannon. “Kunin mo ang computer number fifty-two, ang computer na gamit ni Mrs. Lynch.”Napahinto si Shannon bago siya tumawag ng lalaking empleyado at lumabas sila.Ngumiti si Alice at tumingin siya kay Luna. “Ms. Luna, anong…”“Mrs. Lynch, sigurado ako na hindi mo ito alam.” Ngumiti si Luna. “Si Mr. Lynch, na nasa tabi mo, ay isang mahusay na hacker. Iniisip ko na kung si Arianna nga ang nag upload ng video, nag log-in siguro siya sa social media account niya gamit ang computer mo, kung hindi, hindi niya mauupload ang video.”“Bukod pa dito