Share

Kabanata 434

Kahit na naging isa na siyang tao na hindi niya gusto, hindi naman niya pwedeng abandunahin at iwanan ito.

Ito ang responsibilidad niya bilang isang asawa at bilang isang ama.

Pero hindi niya talaga maunawaan. “Natatandaan ko pa, ikaw at si Gwen ay magkalamesa at matalik na magkaibigan sa buong tatlong taon niyo sa high school. Nung nangyari sa kanya ito, akala ko ay magiging ganun din katulad kay Luna ang reaksyon mo.”

Biglang natigilan si Alice.

Isang segundo ang lumipas, lumingon siya at humarap sa mga buton ng elevator. “Hindi naman talaga kami magkaibigan, magkalamesa lang. Bukod doon, hindi na kami nakapag-usap pa pagkatapos ng high school. Para sa akin, si Gwen ay isa na lamang dating kaklase na ilang taon na ring hindi ko nakita.”

Kumunot ang kilay ni Joshua. “Pero inaway pa nga ni Gwen si Luna para sayo.”

“Iyon ay dahil sa alam niya na kinasal ako sa isang mayaman na lalake at gusto niyang pataasin ang posisyon niya sa lipunan,” walang pakundangan na sinabi ni Alice
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status