Nang marinig ang boses ng lalaki, si Luna, na handa nang matamaan, ay huminto nang bahagya. Joshua? Nang iatras niya ang kanyang kamay at tinignan ang pinanggalingan ng boses… Habang nakatayo sa harapan niya, hawak ng matangkad na lalaki ang braso ni Ben. Bumakat ang ugat sa kanyang noo, malinaw na ginagamit niya ang buong lakas niya, sinusubukan ang makakaya niya para masuntok sa mukha si Luna. Pero pinigilan siya ni Joshua gamit ng isang kamay. Para bang walang hirap. Natulala saglit si Luna. “Luna! Halika rito!” Narinig ang boses ni Gwen mula sa likod niya. Huminto siya, at nagmadaling umatras para tumayo sa tabi ni Gwen. Hinawakan ni Gwen ang kamay niya, minasahe ito at sinabi habang naguguluhan, “Kailan pa dumating si Joshua?” “Kanina pa niya tayo sinusundan mula noong lumabas tayo ng ospital.” Sa tabi nila, nakahalukipkip pa rin si Luke habang nakasandal siya sa pader, habang dumadaan kay Luna ang tingin niya. “Siguro nag-aalala siya na baka may mangyari sa kany
“Hiniwalayan mo ako nitong umaga, nitong hapon nakahanap ka na ng girlfriend, at ngayong gabi dinala mo ang bago mong girlfriend sa dati mong tirahan. Ben Zeller. Hindi ka nararapat sa oras na ginugol ko sa paghanga sa’yo.” Kasabay nito, huminga siya nang malalim, lumingon at tumingin kay Luke na hawak ang lighter nito, habang naghahandang magsindi ng sigarilyo at panoorin ang nangyayari. “Pwede ba akong humiram ng lighter please?” Itinaas ni Luke ang kanyang balikat, lumapit at yumuko, hinawakan ang kanyang lighter, at kinuha ang pinakamagandang larawan ni Gwen na mag-isa tapos sinindihan ang ibang mga larawan. Sa huli, inabot niya kay Gwen ang larawang kinuha niya. “For commemorative purposes.”Umiling si Gwen. “Sunugin mo na lang yan.”Ayaw niyang gunitain ang bagay na tulad nito. Ngumiti nang bahagya si Luke at tumingin kay Gwen nang mukhang interesado at sinilid ang larawan sa kanyang bulsa. Nasilaban ang mga larawan. Sa gitna ng nagbabagang apoy, seryosong tumawa si
Ang kamay ni Joshua na nakahawak sa kanyang kutsara’t tinidor ay huminto nang bahagya. Sa huli, tumawa siya nang mahina, “Dahil isa kang divorciada at ang dati mong asawa ay isang g*go, palihim mong dinakip si Neil at Nellie at pinalaki sila bilang sarili mong anak?”Itinaas ni Luna ang kanyang baso at mabilis na inubos ang isang basong tubig, tapos inilipat ang kanyang tingin kay Joshua. “Parang ganon na nga.”Itinaas din ni Joshua ang kanyang baso. “Bakit hindi ka nagkaroon ng anak noong kasama mo ang dati mong asawa?”“Hindi siya karapat-dapat na magkaroon ng anak.” Nang ibaba niya ang kanyang baso, itinaas ni Luna ang kanyang kubyertos at nagsimulang kumain. “Nagkaroon siya ng kalaguyo kung kailang pinakakailangan ko siya, at binalak pa akong patayin para lang mapasaya ang kalaguyo niya. Ano sa tingin mo, karapat-dapat ba siyang magkaanak?”Kung hindi lang siya buntis noon, ayaw talaga niyang iluwal ang mga anak nito. Hindi siya karapat-dapat sa mga ito. Kahit pagkatapos ni
Pinapaulit-ulit ng radyo ang balita tungkol sa Walter family na nangyari nitong nakaraang araw. “Bago pa mailabas ang mga paratang laban kay Mr. Dennis Walter, ang tanging tagapagmana ng Walter Group, si Ms. Halley Walter ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali. Ang Walter Group ngayon ay isa nang kahariang nawalan ng hari at malapit nang bumagsak…”Pinikit ni Luna ang mga mata niya. Nagtaka siya kung nabalitaan na ba ito ni Gwen. Kung oo, kahit paano gagaan ang pakiramdam niya diba? Nang maisip niya ito, inilabas niya ang kanyang phone, at binalak na padalhan si Gwen ng mensahe, ngunit sa halip ay nakita niya ang bagong status update na inilabas ni Ben. ‘Pinapatingin ko ang mga sugat ko sa police station, Larson family, maghanda kayo! Hihingi ako ng kabayaran!’Ang mga kasamang larawan ay ang larawan ng napuruhan niyang braso at ang namamaga niyang pisngi na kinalabasan ng away noong araw na iyon. Alam ni Luna na malamang kagagawan ni Zach at Yuri ang mga sugat ni
Tumahimik ang paligid sa loob ng kotse. Nanigas ang katawan ni Luna. Maraming araw na niyang hindi nakikita si Neil at Nellie. Ito ang pinakamatagal na sandaling nahiwalay siya sa mga ito mula noong iluwal niya ang mga ito noong nakaraang anim na taon. Nangungulila siya sa mga ito nang sobra. Mula sa tawagan nila nitong umaga at kahapon, alam niyang gustong-gusto rin siya makita ng mga bata. Ang apoy sa kanyang puso na nag-aalab sa galak nang maisip niyang makikita niya ang mga anak niya ay pinatay ng malalamig na salita ni Alice, at sa halip ay lumamig at nanigas. Sinasadya ito ni Alice. Wala siyang nararamdaman para kay Neil at Nellie. Sinusubukan lang niyang kunin ang mga bata. “Joshua?” Nang mapansin ang pagiging tahimik ni Joshua, tinawag pa siya ni Alice nang marahan. Doon lang siya nahimasmasan. Umubo siya nang bahagya, itinaas ang kanyang tingin at tumingin kay Luna mula sa likod habang nakaupo ito sa pampasaherong upuan. “Gagawin natin ang sinasabi ni Alice.”
"Mommy! Namiss talaga kita!" Ang sabi ni Nellie. Kinuha niya ang kanyang mga susi, at sa sandaling binuksan niya ang pinto ng apartment, tumakbo palabas ang dalawang bata na parang dalawang maliit na buhawi. Niyakap nila Neil at Nellie ang magkabilang binti niya sa sobrang saya. "Mommy, alam kong babalik ka ng ganitong oras, pero pinipilit ni Neil na mamaya ka pa uuwi!""Mommy, nitong mga nakaraang araw na wala ka sa bahay, nagpaturo ako kay Lily kung paano gumawa ng kape! Gumawa ako ng paborito mong Arabica coffee!" "Mommy, marami akong plano ngayon, hindi ka pwedeng umalis ngayong hapon. Dito ka lang sa bahay, basahan mo ako ng mga kwento at gumawa kayo ng Lego ni Neil!" “Mommy…”Tumingin si Luna sa dalawang bata na nasa harap niya, nasa dulo ng dila niya ang mga salitang nais niyang sabihin, ngunit hindi niya ito magawang bigkasin. Sa likod niya, nakatayo si Lily sa may sala, habang pinagmamasdan siya ng may ngiti sa kanyang mukha. "Ms. Luna, sinadya nilang hindi pumas
Tumaas ang mga kilay ni Joshua.Hindi niya inasahan na ito ang unang tanong na itatanong sa kanya ng kanyang anak pagkatapos nilang magkahiwalay ng ilang araw. Tumingin siya sa kanyang anak. "Mukhang ayaw mong makita ang Mommy mo at ayaw mong makipag-ayos ako sa kanya?" Huminto si Neil. Lumingon siya at seryoso siyang tumingin kay Joshua, pagkatapos ay inangat niya ang dalawa niyang daliri. "Unang-una, kahit kailan hindi ko tinanggap si Ms Alice Gibson. Para sakin, kahit kailan hindi ko siya naging Mommy. Si Luna ang Mommy ko. Pangalawa, mahalaga ba sayo kung anong gusto ko at ayaw ko, Mr. Lynch? Kung talagang iniisip mo ang mga nararamdaman namin, hindi mo kami pipilitin ng kapatid ko na gawin ang mga bagay na ayaw namin, gaya na lang ng pagpilit mo samin na bumalik sa Blue Bay Villa ngayon. At ang huli, wala akong pakialam sa inyong dalawa ni Alice, gusto ko lang malaman kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo mo sa kanya pagkatapos niyong pumunta sa Sea City."Bago sila u
Kasabay nito, namiss niya sila ng husto, matagal na panahon na ang lumipas mula noong huli niyang nakita ang mga bata. Yun ang dahilan kung bakit naisip niyang dalhin silang lahat sa Blue Bay Villa para magkasama-sama silang lahat. Ngunit parang...Nagtagumpay lang siya na galitin ang mga bata at si Luna. Nagpatuloy sa byahe ang mga sasakyan. Pagkalipas ng ilang sandali, huminto sa tapat ng Blue Bay Villa ang pila ng mga kotse. Noong bumaba si Luna mula sa kotse kung saan nilagay nila Yuri at Zach ang mga bagahe, bumaba na rin si Alice. Mayroong pekeng ngiti sa mukha ni Alice habang nakatayo siya sa labas ng kotse ni Joshua. "Nellie, tara dito, kakargahin ka ni Mommy papasok ng bahay!" Umirap si Nellie, nilampasan niya si Alice, at naglakad siya papunta sa pinto. Samantala, tumakbo si Neil papunta sa mga braso ni Alice ng may ngiti sa kanyang mukha. "Kung ayaw ni Nellie na magpakarga sayo, ako na lang ang kargahin mo! Hindi ako masyadong mabigat, mas mabigat lang ako ng
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya