Tumahimik ang paligid sa loob ng kotse. Nanigas ang katawan ni Luna. Maraming araw na niyang hindi nakikita si Neil at Nellie. Ito ang pinakamatagal na sandaling nahiwalay siya sa mga ito mula noong iluwal niya ang mga ito noong nakaraang anim na taon. Nangungulila siya sa mga ito nang sobra. Mula sa tawagan nila nitong umaga at kahapon, alam niyang gustong-gusto rin siya makita ng mga bata. Ang apoy sa kanyang puso na nag-aalab sa galak nang maisip niyang makikita niya ang mga anak niya ay pinatay ng malalamig na salita ni Alice, at sa halip ay lumamig at nanigas. Sinasadya ito ni Alice. Wala siyang nararamdaman para kay Neil at Nellie. Sinusubukan lang niyang kunin ang mga bata. “Joshua?” Nang mapansin ang pagiging tahimik ni Joshua, tinawag pa siya ni Alice nang marahan. Doon lang siya nahimasmasan. Umubo siya nang bahagya, itinaas ang kanyang tingin at tumingin kay Luna mula sa likod habang nakaupo ito sa pampasaherong upuan. “Gagawin natin ang sinasabi ni Alice.”
"Mommy! Namiss talaga kita!" Ang sabi ni Nellie. Kinuha niya ang kanyang mga susi, at sa sandaling binuksan niya ang pinto ng apartment, tumakbo palabas ang dalawang bata na parang dalawang maliit na buhawi. Niyakap nila Neil at Nellie ang magkabilang binti niya sa sobrang saya. "Mommy, alam kong babalik ka ng ganitong oras, pero pinipilit ni Neil na mamaya ka pa uuwi!""Mommy, nitong mga nakaraang araw na wala ka sa bahay, nagpaturo ako kay Lily kung paano gumawa ng kape! Gumawa ako ng paborito mong Arabica coffee!" "Mommy, marami akong plano ngayon, hindi ka pwedeng umalis ngayong hapon. Dito ka lang sa bahay, basahan mo ako ng mga kwento at gumawa kayo ng Lego ni Neil!" “Mommy…”Tumingin si Luna sa dalawang bata na nasa harap niya, nasa dulo ng dila niya ang mga salitang nais niyang sabihin, ngunit hindi niya ito magawang bigkasin. Sa likod niya, nakatayo si Lily sa may sala, habang pinagmamasdan siya ng may ngiti sa kanyang mukha. "Ms. Luna, sinadya nilang hindi pumas
Tumaas ang mga kilay ni Joshua.Hindi niya inasahan na ito ang unang tanong na itatanong sa kanya ng kanyang anak pagkatapos nilang magkahiwalay ng ilang araw. Tumingin siya sa kanyang anak. "Mukhang ayaw mong makita ang Mommy mo at ayaw mong makipag-ayos ako sa kanya?" Huminto si Neil. Lumingon siya at seryoso siyang tumingin kay Joshua, pagkatapos ay inangat niya ang dalawa niyang daliri. "Unang-una, kahit kailan hindi ko tinanggap si Ms Alice Gibson. Para sakin, kahit kailan hindi ko siya naging Mommy. Si Luna ang Mommy ko. Pangalawa, mahalaga ba sayo kung anong gusto ko at ayaw ko, Mr. Lynch? Kung talagang iniisip mo ang mga nararamdaman namin, hindi mo kami pipilitin ng kapatid ko na gawin ang mga bagay na ayaw namin, gaya na lang ng pagpilit mo samin na bumalik sa Blue Bay Villa ngayon. At ang huli, wala akong pakialam sa inyong dalawa ni Alice, gusto ko lang malaman kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo mo sa kanya pagkatapos niyong pumunta sa Sea City."Bago sila u
Kasabay nito, namiss niya sila ng husto, matagal na panahon na ang lumipas mula noong huli niyang nakita ang mga bata. Yun ang dahilan kung bakit naisip niyang dalhin silang lahat sa Blue Bay Villa para magkasama-sama silang lahat. Ngunit parang...Nagtagumpay lang siya na galitin ang mga bata at si Luna. Nagpatuloy sa byahe ang mga sasakyan. Pagkalipas ng ilang sandali, huminto sa tapat ng Blue Bay Villa ang pila ng mga kotse. Noong bumaba si Luna mula sa kotse kung saan nilagay nila Yuri at Zach ang mga bagahe, bumaba na rin si Alice. Mayroong pekeng ngiti sa mukha ni Alice habang nakatayo siya sa labas ng kotse ni Joshua. "Nellie, tara dito, kakargahin ka ni Mommy papasok ng bahay!" Umirap si Nellie, nilampasan niya si Alice, at naglakad siya papunta sa pinto. Samantala, tumakbo si Neil papunta sa mga braso ni Alice ng may ngiti sa kanyang mukha. "Kung ayaw ni Nellie na magpakarga sayo, ako na lang ang kargahin mo! Hindi ako masyadong mabigat, mas mabigat lang ako ng
Pak——!Bago pa man makapagsalita ang lahat, umalingawngaw sa buong sala ang tunog ng isang malakas na sampal. Bumaling sa gilid ang ulo ni Luna dahil sa lakas ng sampal sa kanya, kumalat sa bibig niya ang lasa ng dugo, at tumulo ang dugo mula sa gilid ng kanyang mga labi. “Mommy!” “Mommy ——!”Agad na napatayo ang dalawang bata mula sa sofa at tumakbo sila papunta kay Luna. Hinawakan ng isa sa kanila ang kamay ni Luna, humarang siya sa harap niya, at sinubukan siyang protektahan, habang ang isa naman ay mahinahong kumuha ng tissue mula sa mesa sa tabi nila at inabot ito kay Luna. Napasimangot si Joshua nang makita niya ba pinoprotektahan ng dalawang bata si Luna. Sa tabi niya, ngumingisi si Alice sa loob niya, ngunit puno ng pag-aalala ang ekspresyon niya sa labas, "Neil, dali, dalhin mo dito ang kapatid mo." Pagkatapos, tumingin siya sa maliit na ginoo na nag-abot ng tissue kay Luna. "Sa pagitan ng Lolo niyo at ng Aunty Luna niyo ang bagay na ito. Problema ito ng matatand
"Dapat alam mo na pinalaki sila ni Luna sa loob ng anim na taon. Mas mabuti kung magiging mabait ka kay Luna, kung hindi, baka hindi ka na kilalanin ng mga bata bilang lolo nila."Nanggalaiti ang mukha ni Adrian. Sa kabilang banda, tumingin si Luna sa ekspresyon ni Adrian ng walang emosyon sa kanyang mga mata, at nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi. "Mr. Lynch, sinabi mo na pinatay ko si Hailey, may pruweba ka ba? Sa pagdedesisyon kung pinatay ng isang tao ang isa pang tao, di ba dapat magsalita ka base sa mga ebidensya?" Pinatong niya ang kanya paa sa kanyang tuhod, malamig at walang emosyon ang kanyang boses. "Nagpakamatay si Hailey sa pamamagitan ng pagtalon mula sa mataas na gusali. Tinutukan ko ba siya ng kutsilyo at pinlit siyang tumalon o tinulak ko ba siya? Kung tama ang pagkakatanda ko, noong nagpakamatay si Hailey, sinamahan ko ang kaibigan ko dahil binisita niya ang ex-husband niya sa ospital. May mga CCTV sa mga hallway at elevator sa ospital, perpekto ang alibi ko."
Hindi makapaniwala si Adrian sa nakikita niya.Klaro ang pagkakaalala niya, sa nakalipas na ilang taon, minsan niyang binisita ang pamilya Walter sa Sea City. Nalasing siya at naawa siya kay Hailey.Sa loob ng puso niya, si Hailey ang pinakamagandang kandidato na asawa ni Joshua. Bilang tatay ni Joshua, inisip niya na kahit hindi niya minahal o inalagaan ang anak niya, makikinig ito sa kanya, makikinig ito sa pamilya, at pakakasalan si Hailey na pinili na para kay Joshua simula pa nung bata sila.Sa halip, hindi inaasahan ni Adrian na tatanggi si Joshua ng tuluyan. Pinakasalan pa ni Joshua si Luna Gibson na lumaki sa Sea City, para lang tanggihan ang pamilya niya.Sa huli, kahit na nawawala si Luna Gibson, tinanggihan niya pa rin si Hailey. Para hindi madamay kay Hailey, balak niya pang maengage kay Aura, ang batang kapatid ni Luna.Noon, lasing siya, pinapagalitan niya si Joshua habang pinapagaan ang loob ni Hailey, sinasabi niya na mas mabuting lalaki ang nararapat para kay Hail
Tumawa si Joshua, “Noon, para pakasalan ako, gumawa siya ng mga pakana, at ngayon, gumawa rin siya ng ibang mga pakana, para harapin si Luna.”Gamit ang kaliwang kamay niya, elegante niyang tinanggal ang mga butones ng shirt niya. Napasigaw ang matandang babae dahil sa bandage sa kanang braso ni Joshua, “Joshua, ano, anong nangyari?”“Kasalanan ito ni Hailey.” Tumingin siya ng malamig kay Adrian, “Ang lahat ng sinasabi ni Luna, ang mga ebidensya ng mga krimen ni Hailey na nahanap ko. Una, akala ko, dahil patay na siya, hindi na kailangan ibunyag ang mga ebidensyang ito. Pero tatay, kung pinilit niyo na isang mabuting babae siya at si Luna ang nagset up sa kanya… Ayos lang sa akin na inbunyag sa mundo ang masamang ginawa ng isang patay na babae…”Namutla si Adrian, walang bahid ng kulay. Napaatras siya, nakatayo at nanginginig na para bang matutumba na siya. “Imposible… mabuting babae si Hailey…”“Adrian!” Mabilis na lumapit si Alice at tinulungan niyang tumayo si Adrian. Humawak si