Mahabang mahaba na panahon na niyakap ni Joshua si Luna.Halos makatulog na si Joshua sa kama habang yakap si Luna, ngunit naalala niya na hindi niya ito kwarto. Pagkatapos humiga ng mahabang panahon, tumayo siya ng nanginginig at balak niyang bumalik sa kanyang kwarto.Tumingin si Luna sa hindi matatag na paa ni Joshua at humina ang paninindigan niya.Huminga siya ng malalim, isinandal ang bigat ni Joshua sa balikat niya , at mabagal na naglakad palabas ng kwarto. Ang pinto sa kabilang kwarto ay nakabukas pa rin.Nagbuntong hininga si Luna. Nakalimutan siguro ni Joshua na isara ang pinto noong umalis siya.Tinulungan niya si Joshua papunta ng kwarto nito. Sinara niya ang pinto, tumalikod, at kumuha ng isang baso ng tubig. Habang sinusuri ang kondisyon ni Joshua, umalis siguro ng kwarto si Joshua dahil hindi ito makahanap ng tubig sa kwarto nito.Naglagay siya ng baso ng tubig sa mesa, nilagyan niya ng kumot si Joshua at tumalikod siya para umalis.Bago pa siya makalayo, hinila
...Nung gabing ‘yun, may mahabang panaginip si Joshua, isang makatotohanan na panaginip na bumalik sa kanya si Luna Gibson. Pinainom siya nito ng tubig habang tinawag niya ito na Honey.Sila pa ay...Sa panaginip niya, tinawag niya si Luna Gibson, at sinagot pa siya nito. Hindi ang awkward at hindi natural na sagot ni Alice, sa halip ay isang natural at maayos na sagot.Pumikit ang lalaki at pinag isipan niya ito ng matagal.Kung… naging totoo lang sana ang panaginip.Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang mata niya at nakita niya ang magandang dekorasyon ng kwarto ng hotel. Ngunit, hindi lang siya ang natutulog sa malaki at malambot na kama. Nandoon din… si Alice, na nakasuot lamang ng underwear.Nakahiga ito sa braso niya na parang isang kuting.Sa sahig malapit sa kama, may mga gamit na tissue at ang kanilang mga damit.Kinurot ni Joshua ang noo niya. Nang makita niya mga nasa paligid niya, imposible para sa kanya na hindi malaman ang mga nangyari.Totoo ba ang lahat ng
Ang orihinal na schedule ni Joshua sa araw na ito ay para bisitahin ang maraming jewelry company sa Sea City para sa ibang survey.Ang oras na pinagkasunduan nila ay 9am, ngunit lumipas na ang 10am at hindi pa nagpaparamdam si Joshua.Habang nakaupo siya sa kwarto, nagdalawang isip si Luna ng mahabang sandali at inisip niya kung lalapit ba siya para magtanong. Kung hindi sila lalabas, hindi na dapat siya maghintay.“Joshua, salamat sa pagsama mo sa akin ngayong araw, pero hindi naman na masakit.” Paglapit niya ng pinto at bago pa siya kumatok, narinig niya ang mahinang reklamo ni Alice mula sa loob, “Hindi ba’t pumunta ka dito para sa business? Dapat kang pumunta.”“Hindi, magkakansela ako para sayo,” Tila maamo ang boses ng lalaki. “Saan pa ba masakit? Imamasahe kita.”“Heto, masakit ito. Kasalanan mo lahat ng ito…”“Sige, bibigyan kita ng masahe.”...Ang isa ay mahinay, maamo, at medyo nagrereklamo, na parang humihingi ng atensyon. Habang ang isa naman ay mapagmahal, puno ng
“Alam ni Alice na pinuntahan kita.”Nangutya si Luna at isinara niya ang pinto. “Nung kailan lang, ang tawag sa akin ni Mrs. Lynch na kabit mo. Kailan pa ba siya naging mapagpatawad?”Sumimangot si Joshua, ngunit hindi siya sumagot.Sumenyas siya na umupo si Luna sa sofa. “Dahil sa mga rason, nagreschedule ng pagbisita para bukas.”Inabot niya ang mga dokumento kay Luna. “Ito ang ilan sa mga main factory. Dapat mong maintindihan ang design at mga raw material na kailangan. Bukas, bantayan mo ang mga materyales na ibinigay ng mga factory. At…”Inabot niya kay Luna ang isa pang dokumento. “Tandaan mo ang istilo ng design at ang target audience ng ilan sa mga kumpanyang ito.”Nang makita ni Luna na sabik si Joshua sa pakikipag usap tungkol sa business, nagdesisyon na siya na hindi na banggitin ang mga personal na problema. Masusi niyang binasa ang mga dokumento, pagkatapos ay minarkahan niya ang mga parte na kailangan ng atensyon. “Kuha ko na.”“Aalis tayo ng 9am bukas. Dapat natin
Nanigas si Luna. Hindi niya naisip na mapapansin ni Joshua ang kanyang kwintas. Lagi siyang nag-iingat at iniiwasan na makipag-usap sa kwintas kapag nasa paligid ito.Kagabi, binuksan niya ang mikropono ng kwintas ng sa gayon ay marinig ni Nigel ang lahat nung nasa cocktail party siya. Hindi niya naisip na mapapansin ni Joshua ang kanyang kilos at pagdududahan ang kwintas na suot niya.Alam ni Joshua na tama ang hula niya nung napansin niya ang gulat na gulat na ekspresyon ni Luna. Nanningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Luna. Pinagmasdan niya ang bawat kilos ni Luna kagabi, hindi niya hinawakan ang kanyang phong ng buong gabing iyon. Kung ganun ay paano niya nakakausap ang hacker? Naintriga si Joshua dito, kaya tinignan niya ang mga surveillance tapes ng cocktail party. Ayon sa nakita niya sa footage ay bukod sa sandali na kung saan hinawakan ni Luna ang kanyang kwintas, wala na siyang ipinakita pang kakaibang kilos. Kaya niya pinagdudahan ang kwintas nito ay hindi
Pumikit si Luna at humagikgik. Kung hindi siya pamilyar kay Joshua, malilinlang na sana siya na isipin na isa siyang matapat at debotong asawa. Siya, sa kasamaang palad, ay kilala siya ng lubos. Hindi sana siya masasangkot sa aksidente na iyon kung hindi dahil sa kanya.Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana mabubuntis si Aura at dadalhin ang kanyang anak at mananatili sa kanyang tabi sa loob ng maraming taon. Kung talagang isa siyang tapat na asawa, bakit niya idineklara sa publiko ang kanyang intensyon na i-divorce si Alice? Bigla na lang, nagbago ang kanyang isipan at sinubukan na bigyang katwiran ang lahat ng kanyang ginawa habang sinasabi niya ang lahat ng pinagdaanan ng kanyang asawa na si Luna Gibson. Ang mapanlinlang, doble-karang lalake na ito ay pinandirian ng husto ni Luna!Habang iniisip niya iyon, bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang leeg. Ang sumunod niyang nakita ay kung paano hawakan ni Joshua ang kwintas sa harapan ng kanyang mukha ng may matagumpay na ng
“Joshua Lynch!” Tinitigan siya ng masama ni Kuna. “Huwag mong hayaan na kamuhian kita!” Nanigas ang kamay ni Joshua.Ang pangamba at pagkamuhi sa kanyang mga mata ang nagpahinto sa kanya, pero ang pag-aalinlangan niya ay sandali lang ang tinagal. Ilang segundo lang ang lumipas, suminghal si Joshua. Gusto lang niyang malaman kung sino ang hacker na tumutulong kay Luna. Wala siyang balak na gumawa ng kahit na anong masama sa misteryosong hacker. Bakit siya magagalit sa kanya dahil doon? Pinindot ni Joshua ang buton, pero isang boses ng bata ang lumabas mula sa kwintas, “Mommy! Kapag may naengkwentro kang problema, huwag kang malungkot! Palaging nandito si Nellie para sayo. Sabi ni Neil ay dapat naming i-record ang boses namin at ilagay sa loob ng kwintas para maramdaman mo na palagi mo kaming kasama.”Nang bigla na lang, narinig nila ang boses ni Neil, “Kahit na wala kami talaga dyan sa piling mo, kailangan mo pa rin alagaan ang sarili mo. Mabilis kang magtiwala, at palagi kaming
”Kahit na binanggit mo sila Neil at Nellie, pakiusap naman ay alalahanin mo na ngayon, isa ka na sa mga designer ng Lynch Group. Wala kang karapatan na magkomento tungkol sa pribado kong buhay, lalo na kung papaano ko pinapalaki ang aking mga anak.” Malamig at seryoso ang mga tingin ni Joshua. “Humihingi ako ng tawad sa nangyari kanina. Sumobra ako, at humihingi ako g tawad, pero hindi mo ko kailangan na turuan kung paano palakihin ang aking mga anak.” At doon, lumingon si Joshua at umalis. Nakatayo si Luna sa may tabi ng pinto, hindi kumikibo habang pinapanood si Joshua na lumbas at naglaho sa loob ng kwarto. Pinanood niya ang pinto na sumara sa likuran ni Joshua at nagpakawala siya ng singhal. Samantala, sa kanyang kwarto, hindi kaagad na pumunta sa bedroom si Joshua. Ang hotel room na kinuha ni Lucas para sa kanya ay isang presidential suite at may kasamang nakadikit na study room. Sa halip na pumunta siya sa kama, pumunta si Joshua sa may study room at nagsimulang magtrabaho