Pumikit si Luna at humagikgik. Kung hindi siya pamilyar kay Joshua, malilinlang na sana siya na isipin na isa siyang matapat at debotong asawa. Siya, sa kasamaang palad, ay kilala siya ng lubos. Hindi sana siya masasangkot sa aksidente na iyon kung hindi dahil sa kanya.Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana mabubuntis si Aura at dadalhin ang kanyang anak at mananatili sa kanyang tabi sa loob ng maraming taon. Kung talagang isa siyang tapat na asawa, bakit niya idineklara sa publiko ang kanyang intensyon na i-divorce si Alice? Bigla na lang, nagbago ang kanyang isipan at sinubukan na bigyang katwiran ang lahat ng kanyang ginawa habang sinasabi niya ang lahat ng pinagdaanan ng kanyang asawa na si Luna Gibson. Ang mapanlinlang, doble-karang lalake na ito ay pinandirian ng husto ni Luna!Habang iniisip niya iyon, bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang leeg. Ang sumunod niyang nakita ay kung paano hawakan ni Joshua ang kwintas sa harapan ng kanyang mukha ng may matagumpay na ng
“Joshua Lynch!” Tinitigan siya ng masama ni Kuna. “Huwag mong hayaan na kamuhian kita!” Nanigas ang kamay ni Joshua.Ang pangamba at pagkamuhi sa kanyang mga mata ang nagpahinto sa kanya, pero ang pag-aalinlangan niya ay sandali lang ang tinagal. Ilang segundo lang ang lumipas, suminghal si Joshua. Gusto lang niyang malaman kung sino ang hacker na tumutulong kay Luna. Wala siyang balak na gumawa ng kahit na anong masama sa misteryosong hacker. Bakit siya magagalit sa kanya dahil doon? Pinindot ni Joshua ang buton, pero isang boses ng bata ang lumabas mula sa kwintas, “Mommy! Kapag may naengkwentro kang problema, huwag kang malungkot! Palaging nandito si Nellie para sayo. Sabi ni Neil ay dapat naming i-record ang boses namin at ilagay sa loob ng kwintas para maramdaman mo na palagi mo kaming kasama.”Nang bigla na lang, narinig nila ang boses ni Neil, “Kahit na wala kami talaga dyan sa piling mo, kailangan mo pa rin alagaan ang sarili mo. Mabilis kang magtiwala, at palagi kaming
”Kahit na binanggit mo sila Neil at Nellie, pakiusap naman ay alalahanin mo na ngayon, isa ka na sa mga designer ng Lynch Group. Wala kang karapatan na magkomento tungkol sa pribado kong buhay, lalo na kung papaano ko pinapalaki ang aking mga anak.” Malamig at seryoso ang mga tingin ni Joshua. “Humihingi ako ng tawad sa nangyari kanina. Sumobra ako, at humihingi ako g tawad, pero hindi mo ko kailangan na turuan kung paano palakihin ang aking mga anak.” At doon, lumingon si Joshua at umalis. Nakatayo si Luna sa may tabi ng pinto, hindi kumikibo habang pinapanood si Joshua na lumbas at naglaho sa loob ng kwarto. Pinanood niya ang pinto na sumara sa likuran ni Joshua at nagpakawala siya ng singhal. Samantala, sa kanyang kwarto, hindi kaagad na pumunta sa bedroom si Joshua. Ang hotel room na kinuha ni Lucas para sa kanya ay isang presidential suite at may kasamang nakadikit na study room. Sa halip na pumunta siya sa kama, pumunta si Joshua sa may study room at nagsimulang magtrabaho
Sinundan ni Luna ang panuto na binigay sa kanya ni Anne at may nahanap siyang mga kamera na nakatago sa loob ng kanyang kwarto. Hindi lang isa ang nahanap niya. Sa itaas ng showerhead, sa may salamin ng banyo, sa taas ng telebisyon, sa may lamesita, at sa iba pang lokasyon. Binilang ni Luna ang lahat ng kamera na nahanap niya at napagtanto niya na higit sa sampo ang bilang nito!Tinanggal niya ang mga ito sa kung saan niya ito nahanap at nilagay ang mga ito sa lamesita. Kinuhaan niya ito ng mga litrato bilang ebidensya bago tumawag ng pulis. Nang maibaba niya ang kanyang phone, narinig niya na may kumakatok sa kanyang pinto. Sumimangot si Luna. “Sino yan?” “Ms. Luna.” Ang boses na mula sa labas ng pinto ay malumanay. “Ako ang may-ari ng hotel na ito. Ang pangalan ko ay Andy Larson.” Huminto si Luna. Nakilala niya ang pangalan na iyon. Si Andy Larson ay ang tatay ni Gwen. Ilang taon na ang nakakalipas, nung nag-aaral pa siya sa eskwelahan na pinapasukan din ni Gwen Larson, na
Nanatiling tahimik si Ben sandali bago bumulong sa wakas, "Dati sa highschool, hindi ka kasing ganda ni Luna Gibson…" "Mali ka. Sa opinyon ko, kaaya-aya si Gwen noong highschool." Nilagay ni Luna ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "At saka, kahit na hindi siya kasing ganda ni Luna Gibson, hindi mo kailangang magsinungaling tungkol dito." Nagalit si Gwen sa biglaang daloy ng pangyayari. Hinila niya ang asawa niya palabas ng kwarto at pareho silang nagtatalo sa pasilyo. Pabagsak na sumara ang pinto habang sina Luna at Andy na lang ang natitira sa kwarto. "Mr. Larson," ngumisi si Luna. "Kung gusto mong hindi ko ipagkalat sa press ang insidenteng ito, pwede kong gawin yun, pero sa isang kondisyon." Huminto si Andy. "Anong kondisyon?" …Lalong lumalakas ang galit na boses ni Gwen sa bawat isang minuto. "Bakit di mo sinabi sa'kin na may gusto ka noon kay Luna Gibson? Sinubukan pa akong kumbinsihin ni Luna noon na sukuan ka. Nag-away pa kami nang dahil dito! Ngayon ko lang na
Nagulat si Luna, na nakikipag-usap kay Andy sa kwarto niya, sa biglaang paglitaw ni Joshua. Pero, hindi nagtagal ay kumalma siya at ngumiti. "Maayos na ang lahat. May naglagay ng ilang pinhole camera sa kwarto ko, pero tinulungan ako ni Mr. Larson na tanggalin ang lahat ng mga yon."Tinuro ni Luna ang mga camera sa mesa. "Nandito na silang lahat." Tinignan ni Joshua ang mga camera. Lumapit siya, dinampot ang ilang sa mga ito, at hinawakan ito sa kanyang palad. "Napakarami nito. Mukhang pinaghandaan ito ng kung sinomang naglagay nito sa kwarto mo." Alam niya ang mga balita na umiikot online tungkol sa mga pinhole camera na nasa mga kwarto ng hotel. Karamihan sa kanila ay naroon para masilip ang pribado at matalik na sandali ng mga umuupa para maibenta ito online. Dahil dito, ang mga camera ay nakatanim sa paligid ng kama, sofa, at sa banyo. Subalit, napakarami ng mga camera sa kwarto ni Luna. Malinaw na kung sinoman ang naglagay ng mga iyon ay gustong obserbahan ang nangyayari sa
Bumulong si Joshua bilang sagot bago tumalikod at naglakad papunta sa study. Nanatiling hindi kumikilos si Alice habang pinanood niya siyang pumasok sa study at sinara ang pinto sa kanyang likuran. Kinagat niya ang kanyang labi. Matagal na niya siyang kasama, pero hindi pa rin siya natutulog sa kama kasama niya. Kahit na napagkamalan ni Joshua na siya si Luna kagabi, hindi niya pa rin gustong matulog kasama ni Alice. Maraming siyang ginawa para sa kanya, pero para paring estranghero ang turing niya sa kanya! Malamang ay dahil ito kay Luna! Si Luna lang ang tanging bumabalakid sa kanya! Ang tanging solusyon ay ang burahin si Luna. …Samantala, sa study, umupo si Joshua, nilapag ang mga camera sa mesa, at nagsabi kay Lucas, "Tignan mo ang signal source ng mga camera na to at hanapin mga kung may nakuha itong footage. Kung mayroon, tukuyin mo ang lokasyon ng receiver." "Sige." Tumango si Lucas at kinuha ang mga camera. "Sir, saan mo nahanap ang mga to?" Nagsalubong ang mg
Masama ang gabi ni Luna. Patuloy siyang nananaginip pagkatapos ay magigising bago siya managinip ulit. Sa kanyang mga bangungot, kumalat sa internet ang mga larawan ni Luna at hinusgahan at kinutya siya ng mga tao. Ang ilan pa ay nagbanta na tatapusin siya. Sa sandaling magising si Luna sa isang tawag nang umagang-umaga, basang-basa siya nang malamig na pawis. Sinagot niya ang tawag nang may masakit na ulo. "Hello, sino to?" "Ako to, "Narinig ang boses ni Theo. "Tinawagan ako ni Nigel ngayong umaga at sinabi niya sa'kin na kinakanti ka raw sa Sea City." Bumuntong-hininga si Theo. "Mayroon pa akong aayusin sa art gallery kaya makakapunta lang ako sa Sea City nang hapon." Huminto si Luna. "Ayos lang ako. Hindi mo kailangang pumunta." "Syempre kailangan kong pumunta." Bumuntong-hininga ulit si Theo. "Sinabi sa'kin ni Nigel ang lahat. Sinabi niya sa'kin ang nangyari sa cocktail party at ang mga camera na nahanap sa kwarto mo. Ang hirap siguro para sa'yo na mag-isa lang diyan. Nag