Share

Kabanata 363

“Joshua Lynch!” Tinitigan siya ng masama ni Kuna. “Huwag mong hayaan na kamuhian kita!”

Nanigas ang kamay ni Joshua.

Ang pangamba at pagkamuhi sa kanyang mga mata ang nagpahinto sa kanya, pero ang pag-aalinlangan niya ay sandali lang ang tinagal. Ilang segundo lang ang lumipas, suminghal si Joshua.

Gusto lang niyang malaman kung sino ang hacker na tumutulong kay Luna. Wala siyang balak na gumawa ng kahit na anong masama sa misteryosong hacker. Bakit siya magagalit sa kanya dahil doon?

Pinindot ni Joshua ang buton, pero isang boses ng bata ang lumabas mula sa kwintas, “Mommy! Kapag may naengkwentro kang problema, huwag kang malungkot! Palaging nandito si Nellie para sayo. Sabi ni Neil ay dapat naming i-record ang boses namin at ilagay sa loob ng kwintas para maramdaman mo na palagi mo kaming kasama.”

Nang bigla na lang, narinig nila ang boses ni Neil, “Kahit na wala kami talaga dyan sa piling mo, kailangan mo pa rin alagaan ang sarili mo. Mabilis kang magtiwala, at palagi kaming
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gherlyn Delos Santos
freebies...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status